Chapter 11
Confession
"Sigurado ka bang okay ka lang? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" nag-aalalang tanong ko sa lalaking kasama ko.
Magmula ata nang alisin niya sa pandinig niya ang earphones na bigay sa akin ni Rehan ay hindi na siya muling umimik. At isang oras na ang nakalipas mula nang sandaling 'yon at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako iniimik.
Ilang beses ko na rin siyang tinangkang kausapin ngunit palagi niya akong inuunahan nang pagpikit at pagkukunwaring umiidlip. Hindi mapayapa ang kalooban ko sa pag-iisip kung ano ba ang naging problema. At kinakain ako ng matinding pagnanais na mapakinggan ang sinasabi niya na siyang sa tingin ko ay saralin kung bakit nagkakaganito siya.
"Tadeo," tawag ko na hindi niya pa rin pinansin.
Nawawalan ng pag-asa na napabuntong hininga na lang ako at muling itinutok ang mga mata sa daan na kailangan naming tahakin. Patuloy na naghari ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa marating namin ang condo niya.
Nauna akong bumaba sa kaniya na agad din niyang sinundan. Sa buong durasyon ng halos dalawang oras naming biyahe ay ngayon lang kami muling nagkalapit. Hinaluan pa nang hindi magandang timpla ng mood niya kaya'y hindi ko alam kung ano ba ang nararapat na maging reaksyon ngayon. Gusto ko siyang kulitin at usisain ngunit takot akong mas lalo pang sirain pa ang mood niya kaya mas pinili ko ang manahimik na lang.
Walang imik na binuhat ko ang maleta ko bagaman mabigat 'yon. Pero bago ko pa man tuluyang maiangat ang bagay na 'yon ay naunahan na ako ni Tadeo at siya na ang umako ng dapat na gagawin ko. Gamit lang ang kanang kamay ay binuhat niya ang maleta at ibinaba sa tabi ng kaniya na nauna na niyang nakuha. Ang tanging nagawa ko na lang tuloy ay ang buhatin ang may katamtamang laki na box na naglalaman ng mga gamit niya pang-opisina.
"Ako na, Clementine," marahang saad niya na ang tinutukoy ay ang sabay na paghila na gagawin ko sana sa dalawang maleta. "Ito man lang ay magawa ko para sa iyo."
"Okay lang. Trabaho ko na alagaan ka," giit ko kahit na naguguluhan ako sa gusto niyang ipunto sa mga salitang binitawan niya.
"Pero hindi ang maging katulong ko, Clementine." Bumuntong hininga siya at kinuha ang box na ipinatong ko sa trunk ng sasakyan. Inilagay niya 'yon sa ibabaw ng maleta niya para sabay na madala ang dalawa. "I already made you my driver. And I don't want to make it more worst by making you do things that I could certainly do."
"Tadeo," bulong ko.
Wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin siyang magsalita, mataman na makinig sa bawat linyang binibitawan niya, at ang pasimpleng pagpipigil ng ngiti na gustong kumawala. Nakaka-proud sa parte ko na marinig at makita siyang gawin ang mga bagay-bagay ng walang takot sa kung anong puwedeng kahinatnan dahil sa kamay niya. Nakabibilib na sinusubukan niya sa kabila ng hirap na alam kong naramdaman niya sa kaloob-looban niya.
"Allow me to do this, alright?" Marahan na tango ang isinagot ko. "Just check your other things inside the car."
Mabilis na tumalima ako. Kinuha ko ang naiwang bag sa loob at maging ang mp3 player dala ko. Mabilis na sinundan ko ang paglalakad niya habang hila ang dalawang maleta gamit ang magkabilang kamay.
Pilit na hinabol ko siya at agad na kinuha sa kaliwang kamay niya ang maleta ko na dala niya. Wala akong narinig na kahit na anong reklamo kaya nagpatuloy na lang kaming dalawa sa paglalakad. Maging ang pagsakay namin sa elevator ay napuno pa rin ng katahimikan. Pareho lang kaming nakaharap sa saradong pinto, hinihintay 'yon na dalhin kami sa tamang palapag.
"Who gave you that?" tanong niya sa akin maya-maya.
Mula sa metal na pinto na nagpapakita ng aming repleksyon ay nasundan ko nang tingin ang bagay na tinutukoy niya. Nakita ko kung paanong naging tutok ang mga mata niya sa mp3 na hawak ko pa rin hanggang ngayon. At kung posible lang at hindi ako pinaglalaruan ng sariling imahinasyon, iisipin ko na masama ang pagkakatingin niya roon.
"An acquaintance," sagot ko na ang tinutukoy ay si Rehan.
"Hmm," tipid na tugon niya.
Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka at pagkabahala. Bumaba ang tingin ko sa bagay na hawak. Gusto kong sisihin ang pobreng bagay na 'yon sa naging pagbabago kay Tadeo pero alam ko na kababawan 'yon.
Ang kaso ay wala akong ibang masisisi sa naging mapaklang mood niya kundi ang mp3 player na huli niyang nagamit. Napupuno ako ng kuryosidad sa laman no'n pero mas nag-uumigting ang kagustuhan ko na ibalik ang kaninang maayos kalagayan ni Tadeo.
"What should I cook for dinner? Anything you want to have?" tanong ko.
Nanatiling tutok ang mga mata niya sa harapan. At hanggang sa bumukas ang pinto ay hindi na niya ako nagawang matugunan.
Lumabas siya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod na rin kahit na nakaramdam ako ng kaunting pagkapahiya sa naging asal niya. Alam kong wala akong nagawang mali. O maski maliit na bagay na ikasasama niya ng loob. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang malamig na pagtrato niya sa akin ngayon.
Pilit na kinalma ko ang sarili ko, pinahuhupa ang nagbabadiyang iritasyon bago pa man 'yon umabot sa ulo ko. I need to understand even this thing even though I am not sure if this was still part of my job. I need to consider the changes in his mood with the thought in mind that maybe this is still part of his adjustments.
Noon pa man sa ospital ay naobserbahan ko na ang pagiging mainitin ng ulo nia kung minsan. Lalo na noong mga panahon na unang beses ko pa lang siya nakita. Maging ang maiinit na bangayan at pagtatalo nila ni Sir Theo ay nasaksihan ko rin. Siguro dahil na rin sa frutration na nararamdaman niya sa mga pangyayari sa buhay niya. Maybe he's just looking for a way to vent out those built up feelings that were stored inside him for a long time. And I must understand that.
"What unit?" I asked.
"2406," he simply answered.
I nodded my head and walked behind him as he take the lead. At dahil doon ay hindi ko nakita na may makakasalubong na pala kaming dalawa. Kung hindi pa siguro ako muntikang matalisod sa pagkakaharang ng maleta sa harapan ko sa ginawa niyang paghinto sa paglalakad ay hindi ko mapapansin 'yon.
"What's wrong?" maingat na tanong ko.
Mula sa likuran ay marahan akong lumipat sa gilid niya. Sa lawak ng hallway ay tanging maliit na pigura lamang ang nakita ko ng isang mag-inang makakasalubong namin. Pero huminto na si Tadeo at handa na agad magbigay daan kahit na maaari niya namang gawin 'yon kahit na naglalakad.
Naramdaman ko siyang gumalaw kaya nakuha niyang muli ang atensyon ko. Unang nalapatan ng mga mata ko ang kaliwang kamay niyang maingat niyang ipinasok sa bulsa ng maong na pantalon. Mabilis na nakabuo ng ideya ang isip ko sa dahilan ng kaniyang paghinto. At alam ko na hindi ko na kailangan pa ng panibagong minutong pag-iisip para lamang mapatunayan na tama ang hinala ko.
"Nothing bad would happen, Tadeo," I calmly said, assuring him something that even I couldn't make myself believe.
Pero gusto kong patuloy na maniwalang wala namang masamang mangyayari. Hindi lang ngayon kundi maging sa mga susunod na bukas na haharap siya sa mga tao. Gusto kong panghawakan na hindi siya masamang tao at hindi niya gagawin ang sadiyain na makasakit ng iba. Because Tadeo wouldn't isolate himself for years to keep those people surrounding him safe.
Pero ang hanapan ng tamang salita para maalis ang takot na pumupuno sa kaniya ay hindi ko magawa. Dahil sa puntong ito, hindi na ako o kahit na sino pa ang kailangan niya kundi ang sarili niya.
Dumaan ang pagtatalo at takot sa mga mata niya nang magbaba siya ng tingin sa akin, ipinakikit kung paanong nagiging dominante ang takot sa kaniya na isa sa mga dahilan nang matagal na pagkakagapos niya. "Paano kung—"
"Nothing. Will. Happen. Tadeo," pagbibigay riin ko sa bawat salitang nais kong ipaintindi sa kaniya. "Kailangan kong kumalma ka. Hindi makatutulong kung patuloy kang matatakot namakisalamuha sa iba. You're not a criminal nor a psychopath. You are just a person with a special condition that people need to understand."
Kahit ata ilang beses akong ilagay sa ganitong sitwasyon na kakailanganin kong ipaintindi sa kaniya ang mga bagay ay hindi ko magagawang masanay. Parang palaging bago. Parang palaging iba ang konteksto ng mga pangyayari kahit na kung tutuusin ay pare-pareho lang din namin. At ayoko rin masanay sa totoo lang. Dahil natatakot akong pagsawaan ko at basta na lang ayawan.
Okay na ako sa ganito, ang paulit-ulit na ipaiintindi sa kaniya na ang kaibahan niya sa ibang tao na dulot ng sakit niya ay hindi kabawasan para itago niya ang sarili niya.
Hindi ko rin maiwasan na maramdaman ang paulit-ulit na kaawan siya sa tuwing makikita ang takot na nakabalatay sa mga mata niya. Ngunit alam ko na kailangan kong labanan iyon upang huwag akong kainin ng buo dahil sa oras mangyari iyon ay mas bababa lang ang tingin ni Tadeo sa sarili niya. Mas lalo siyang mahihirapang makibagay at mas lalo niyang itatago ang sarili niya kahit hindi naman kailangan.
"You don't have a criminal mind for you to just grab a ramdom stranger ang strangle him to death. You need to calm down," dagdag ko.
He sighed frustratedly at me. Ang takot ay naroon pa rin, namamayani at inaalis ang kakayahan niya na mag-isip ng mga bagay na walang kinalaman sa posibilidad na makapanakit siya ng iba.
"I may not have a criminal mind but I have a hand that could make me a criminal, Clementine," mapait na wika niya.
I could feel it again. The hundreds of needles that were ruthlessly hurting my heart. Nanikip ang dibdib ko sa awa na mas lumala pa ngayon habang nag-uusap kaming dalawa. I tried to think of a better way to calm him, or to atleast find the right words that would give him the assurance that nothing would go wrong.
Kaso... walang salita ang sa tingin ko ay sasapat para payapain ang kalooban niya. At ang isang bagay na nasa isip ko na lang ang tanging pag-asa na mayroon ako upang kalmahin siya.
Sa isang malumanay na galaw ay humawak ako sa pulsuhan niya para magawa kong ilabas ang kamay niya mula sa pagkakasuksok sa bulsa.
"What are you doing, Clementine?" naguguluhan at natatakot na tanong niya sa akin. Kung hindi ako pinaglalaruan ng tainga ko ay bahagya ko ring naririnig ang panginginig ng tinig niya habang nagtatanong, simbolo ng mas lumalala pang takot.
"I want to prove to you that you are not a dangerous man, Tadeo," nakangiting tugon ko. Nang mailabas ang kamay niya ay humawak ako roon at pinagsalikop ang kamay naming dalawa. "See? Wala namang nangyari, diba? At kung mayroon man at natatakot kang masaktan ang ibang tao, ako muna ang mauuna dahil hahawakan ko ang kamay mo. Kaya huwag kang matakot. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama."
"Mas ayaw kong ikaw ang mapahamak mula sa sarili kong mga kamay," malungkot na usal niya.
"Walang mangyayaring masama, okay? Tara na, magluluto pa ako ng hapunan nating dalawa," nakangiting wika ko matapos ay marahang hinila siya.
As we began to take small steps towards the mother and son that we would crossed paths with, I felt Tadeo's hand sweating. At sa bawat paghakbang namin ay dumodoble lamang ang awa na nararamdaman ko para sa kaniya. Years of being away from people, he developed fear facing strangers. Na kahit ang simpleng pagsalubong lang sa iba ay hirap na siya. Hindi katulad sa ospital kanina na wala lang, ngayon ay iba. Dahil sa lugar na 'yon ay naiintindihan siya. Ngunit sa totoong mundo ay mas lamang ang mga taong limitado lang ang kayang tumanggap at umintindi.
Wala sa sariling kumilos ang hinlalaki ko para marahang haplusin ang likod ng kamay niya, umaasa na kahit papaano ay maiibsan ang takot niya. Naramdaman kong napatingin siya sa akin ngunit mabilis lang iyon at agad niyang ibinalik sa pagkalayuko ang kaniyang ulo.
Ang mag-inang malapit na sa amin ngayon ay nawiwirduhang nakatingin sa amin. Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanila habang si Tadeo ay pasimpleng mas gumigilid pa na halos dumikit na sa pader para lang mas mapalayo sa nakasalubong namin.
"Relax," pag-aalo ko sa kaniya.
Naiintindihan ko kung bakit ganito siya ngayon. At alam ko na maging sa mga susunod na bukas ay hindi malabong ganito pa rin kami. Hindi magiging madali sa kaniya at maging sa akin. Pero sapat na sa akin na makitamg sinusubukan niya. That moment that he said yes, that was good enough for all of us. Hindi pa siguro okay na okay ngayon. It would take a lot of time. Pero sa tamang panahon, alam kong magiging okay rin siya.
Sana.
***
"Don't you think I'm depending myself too much on you?" mahinang tanong ni Tadeo sa gitna ng unang hapunan naming dalawa na magkasama sa ilalim ng iisang bubong.
Pinanaliti kong abala ang sarili ko sa paghihiwa ng baboy sa maliliit na piraso na nasa plato niya para hindi na siya mahirapan sa pagkain gamit ang iisang kamay.
"Eh di, dumepende ka sa akin. Okay lang naman," sagot ko sa kaniya.
"Okay lang dahil nurse naman kita? Walang problema kasi trabaho mo naman?" muli ay tanong niya sa akin sa sarkastikong tono.
Pasimple akong humugot ng malalim na hininga. Iniwasan ko na nga na banggitin ang bagay na 'yon tapos siya naman itong idinadawit ang trabaho ko. Ayokong iisipin kung ano ang pakiramdam na kaya ka lang naman sinasamahan ay dahil sa obligasyon. Wala man ako sa sitwasyon niya, alam ko na hindi maganda sa pakiramdam na kaya lang naman nasa tabi mo ang isang tao ay dahil sa trabaho.
Totoong 'yon ang sagot. At kung tatanungin man ako ng ibang tao ay walang pagdadalawang-isip na 'yon ang isasagot ko. Pero hindi sa taong kaharap ko ngayon dahil kailangan kong maging maingat sa bawat sasabihin ko.
Tadeo could be sensitive sometimes. Tipong kaunting salita lang ay malaki na wala namang ibang ibig sabihin sa akin ay iba na ang interpretasyon niya. 'Yong sa isip mo ay hindi big deal, pero sa kaniya sobrang big deal na. And it's totally fine. Kung kailangan kong paulit-ulit na mag-adjust sa mga kilos at salita ko, gagawin ko. I don't want him to continuously look down on himself. And I certainly don't want him to feel as if he is nothing but a pest.
Nang matapos sa paghihiwa ng ulam niya ay doon ko lang siya hinarap. Ibinaba ko sa magkabilang gilid ko ang dalawang kamay ko matapos ay masuyo siyang nginitian. "Okay lang dahil okay lang. Hindi ko na kailangan na magbigay pa ng ibang rason."
Bumuntong hininga siya at yumuko sa sariling plato upang hindi na magawang masalubong pa ang mga mata ko. "I feel so embarrassed, Clementine. Pakiramdam ko mali ang desisyon ko nang pumayag ako dahil mas lalo ko lang dinagdagan ang obligasyon mo at binibigatan ang responsibilidad na nakaatang sa balikat mo."
"Sa akin okay lang. Sa iyo hindi," totoong sagot ko, hindi na nag-aksaya pa ng panahaon na magpaliguy-ligoy. "Ang problema kasi, Tadeo, masyado mong inaalala ang isang bagay na hindi naman dapat pinagtutuunan ng pansin. Masyado kang negatibo sa mga bagay na hindi mo na nagagawang enjoy-in ang buhay na binalikan mo. Pinangungunahan ka ng takot at naiintindihan ko 'yon. Pero kailangan mo ring subukan na ibalik sa normal ang buhay mo dahil tanging ikaw lang ang may kakayahan na gawin 'yon. Hindi ang kagustuhan ni Sir Theo at Doc Tatiana na alisin ka sa Osfield. Hindi rin ang kagustuhan kong tulungan ka na mamuhay na nomal. Ikaw lang, Tadeo. Ikaw lang ang may kapangyarihan na baguhin ang buhay mo."
Katahimikan ang sumunod na namagitan sa amin. Nanatili lang siya sa pagkakayuko habang ako naman ay matiyagang hinihintay ang kaniyang resksyon. Ngunit ilang minuto na ang nagdaan ay ganoon pa rin siya, walang kahit na anong pagkilos at hinahayaan lang ang sarili ng lamunin ng mga bagay na bumabagabag sa isip niya.
Sa takot na baka mauwi sa mas lalo pang pagkakalugmok sa mga negatibong pag-iisip at emosyon si Tadeo ay pinakialaman ko ang pagkain niya. Naglagay ako ng kanin at ulam doon at maayos na muling binitawan para pagsubo na lang ang gagawin niya. Sinigang ang ulam na niluto ko, mainit pa katulad ng kanin at nakakagana kung tutuusin ang kumain. Pero wala akong makinang ni katiting na bakas kay Tadeo na nasisiyahan siya sa hapunan namin dahil sa mga bumabagabag sa kaniya.
"Huwag mong masyadong isipin, Tadeo," muli ay pagsasalita ko nang hindi na makatiis pa sa katahimikan. Doon lang niya ako muling tiningnan. "Hindi mo kailangang magmadali. Healing takes time and it is more than fine to take small steps at a time. Abutin man iyan ng buwan o kahit taon pa. Ang mahalaga, nasa inyensyon mo na tulungan ang sarili mo na muling ibalik ang ikaw sa kabila ng sitwasyon na kinahaharap mo."
Ang tipid na ngiti na isinagot niya sa mahabang lintanya ko ay sapat na sa akin. Hindi na ako naghangad pa ng higit doon at hinayaan na lamang siya na ipagpatuloy ang naiwang pagkain.
Naging tahimik ang mga sumunod pang sandali. Na hanggang sa matapos kami ay pareho pa rin kaming walang imik. At maging sa paghuhugas ko ng pinggan ay katahimikan pa rin ang bumabalot sa amin habang naroon pa rin siya sa puwesto niya at pinanonood ako.
"Salamat, Clementine," sa wakas ay pagsasatinig niya. "Hindi ko alam kung kailan ako babalik sa dati. Walang eksaktong panahon na masasabi kong okay na ako at totoong malaya na sa takot at awa na ibinibigay ko sa sarili ko. Pero susubukan ko. Paunti-unti."
Kung hindi ko lang naagapan malamang ay nauwi na sa buntong-hininga ang kahinawang idinulot sa akin nang pagsasalita niya. Tinapos ko ang paghuhugas at may ngiti sa mga labi na hinarap siya.
"No problema, Tadeo. And..." I smiled at him once again. "Thank yourself for choosing to look at the bright side of the darkness surrounding your world. Thank you for choosing to be encouraged and for not letting those negativity took a greater part of you."
Tipid na nginitian niya ako. Nakapasok ang dalawang kamay sa maong na pantalon na tumayo siya. Ilang segundo niya munang pinagmasdan ang mukha ko bago siya nagpakawala ng isang malalim na hininga bago tumalikod. Akala ko ay magtutuluy-tuloy na siya sa pag-alis ngunit muli pa siyang nagsalita na mas nagpangiti sa akin.
"I'm sorry for acting up earlier. Hindi ko sinasadya," paghingi niya ng paumanhin.
Bagaman hindi niya kita ay tumango ako bilang sagot. "Okay lang."
Isang tango pa ang ibinigay niya bago ako tuluyang iniwang mag-isa sa kusina. Isinabay niya sa paglalakad ang maleta niya na nadaan niya sa sala ng condo at dumiretso na sa kuwarto niya sa kanang bahagi ng lugar. Ang sa akin ay sa katabi ng kuwartong okupado ni Tadeo.
Sumunod na rin agad ako ng pagpasok hindi dahil sa magpapahinga na ako kundi dahil sa matinding pagnanais na malaman ang laman ng mp3 player na bigay ni Rehan sa akin.
Mabilis na hinanap ko iyon sa bag kung saan ko iyon inilagay kanina. Nang mahanap ay agad na inilagay ko ang earphones sa tainga ko. Sa unang mga segundo ay musika ang tanging naririnig ko na siya namang dapat na laman ng bagay na ito. Sa inip ay sinimulan kong ilipat ang mga kanta at nang umabot na sa isang partikular na tinig ay inihinto ko na.
"Hi, Clementine..."
Tinig iyon ni Rehan, nagsasalita at tila may kinakausap. Agad na naramdaman ko ang kaba nang banggitin niya ang pangalan ko sa unang salitang binibitawan niya. Maging ang pagpapawis ng palad at noo ko ay ramdam na ramdam ko na rin. At nang mas mapakinggan pa ang kabuuan ng sinasabi niya, roon ko napagtanto ang gustong iparating sa akin ni Tadeo kanina.
What's inside the player... and what was the intention of Rehan. I was able to understood everything. But my mind was elsewhere instead of focusing it on what I just heard. Imbes na si Rehan ang aking iniintindi, pinupuno ang isip ko ng mga nakitang rekasyon ni Tadeo kanina habang pinakikinggan ito. Kung paano siyang nadismaya at kung paanong ang guwapong mukha niya ay nauwi sa pagsimangot.
Ayokong pangunahan ang mga bagay-bagay. Pero hindi ko rin maiwasang itanong sa sarili ko... selos ba ang nararamdaman ni Tadeo? O masyado lang malikot ang imahinasyon ko at gumagawa ng mga bagay na hindi naman totoo?
Hi, Clementine. You must be wondering why I suddenly showed up after not having any communication with you all through the years. Pero wala, e. Hindi ko lang nagawang pigilan ang sarili ko. I have planned to say this to you personally, but I fear to be rejected by you that's why I am doing this in an alternative way. Yes, Clementine. I like you. Since the very first day that you bumped into me. I just... like you. And I may be a coward for confessing this way, but would it be fine if I ask? Can you give me a chance?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top