Chapter 10

Mp3

Hindi ko inintindi ang tingin na ibinibigay ng dalawang taong ngayon ay kasama ko sa kuwarto ko. Pilitin ko man silang umalis at iwan ako ay hindi nila 'yon pinakinggan at nanatili rito para samahan ako. Ayoko ng drama at hindi naman na kailangan no'n dahil magkikita pa rin naman kami ulit. Pero kung umasta sila ay para bang sa ibang bansa ako pupunta gayong dito lang din naman sa Pilipinas ang destinasyon ko.

Naiiling na nagpatuloy ako sa pagtiklop ng mga damit na nakakalat sa kama ko at maayos na isinasalansan ang mga 'yon sa itim na maletang dadalhin ko. Isang araw matapos ang naging pagpayag ni Tadeo ay agad na kumilos ang mga kapatid niya para ipalinis ang titrhan naming dalawa. Halata sa kanila na masaya sila at talagang pinaghandaan noon pa man dahil mayroon ng lugar kaming titirhan.

At isang linggo matapos ang araw na 'yon ay handa na kaming dalawa para lumipat sa bagong titirhan namin ni Tadeo. Bukas, tutulak na kami sa condo unit na titirhan namin. Although, Sir Theo initially wanted to let us stay in one of his houses, Tadeo battled it out para hindi mangyari. Kaya ang ending ay sa condo niya kami titira na malapit sa kompanya niya. Wala namang problema sa akin dahil ang kailangan ko namang gawin ay alagan si Tadeo at wala ng iba.

"Why does it feel like you're moving out to live with your husband?" tanong ni Kuya Cael na bumigla sa akin.

"Kuya!" histerya ko. "Anong klaseng imahinasyon naman 'yan! Pasyente ang kasama ko, hindi nobyo."

Umani ang sagot ko nang tawa mula kay Mama na nakatayo sa tabi ni Kuya. "It really does feel like that, anak. Naiintindihan ko ang Kuya Cael mo. Kahit ako ay gano'n din ang nararamdaman."

"Ma?!" Hindi makapaniwala tiningnan ko siya at ang ngiting nakapaskil sa mga labi niya. "Pati ba naman ikaw?"

"Anak, kung hindi ko nga lang alam na pasyente mo ang makakasama mo ay talagang iisipin ko na aalis ka para tumira sa isang bubong kasama ang nobyo mo." Mahina siyang natawa bago sumandal sa balikat ni Kuya. "Kidding aside. I want you to take care of your health, Tin. Not just on the physical aspects but also your mental health. Just be healthy. That's all I need. I don't want to host another burial anymore, lalo na kung isa sa inyo ng Kuya mo."

"Stop talking like that, Ma," suway ko.

She just smiled at me and continued watching me fold my clothes. Nagkatinginan kami ni Kuya. Katulad ko, may lungkot din na mababasa sa mga mata niya. It has always been a sensitive topic in this house. Talking about death and my late father. Palaging nauuwi sa emosyonal na usapan kaya madalas naming iniiwasan.

I don't know if this was because of our genes, but all of our family members tend to have a weak heart. We all are emotional and it's so easy to make us cry. Kahit si Kuya na lalaki ay napakadaling paiyakin. Kahit sa maliit na bagay ay nagiging emosyonal na agad kami. Kaya mahirap pag-usapan si Papa dahil hindi malabo na iiyak ang isa sa aming tatlo.

"How long will you stay there?" tanong ni Kuya na hindi ko agad nagawang sagutin.

Hanggang kailan nga ba? Hanggang maubos ang tapang ko? Hanggang sa maupos ang dedikasyon ko? Wala sa naging usapan namin ni Mrs. Celino at Doc Tatiana kung hanggang kailan ako mananatili roon. Wala rin silang nabanggit kung may hangganan ba ang tungkulin ko kay Tadeo.

Napailing na lang ako sa kawalan ng ideya sa tanong na 'yon ni Kuya. "Hindi ko rin alam. Siguro kapag napagod na ako. Kapag ginusto ko nang umayaw."

"Mapagod? Ano bang sakit nang aalagaan mo?" nagtatakang tanong ni Mama.

Muli kong binalingan si Kuya Cael. Nakangiwing tinanguan niya ako bilang senyales na nakuha niya ang gusto kong iparating.

"Let's eat dinner, Ma," biglang anyaya ni Kuya.

"Sure, son. Sumunod ka na lang sa baba, Tin, pagkatapos mo riyan," bilin niya.

I sighed in relief when she let go of the topic easily. Tinanguan ko si Kuya na sinuklian lang niya ng saludo bago inakay palabas ng kuwarto si Mama.

Ayokong sabihin kay Mama ang detalye ng sakit ni Tadeo. Sapat na sa akin na iniisip niyang simpleng may problema sa pag-iisip ang magiging pasyente ko. Kuya knew, of course, base na rin sa mga napanood niya noon. Pero ang sabihin kay Mama ay wala sa plano ko. Mag-aalala lang siya panigurado at ayoko nang dagdagan pa ang stress niya lalo na at may katandaan na rin siya.

Nagpatuloy ako sa ginagawang paghahakot ng gamit na agad ding nahinto sa biglaang pag-iingay ng cellphone kong nakapatong sa bed side table. Kinuha ko 'yon upang basahin ang mensaheng dumating. I am not expecting any messages from anyone lalo na at wala naman akong ka-close talaga. Kung hindi lang siguro dahil kay Shane ay talagang magiging mag-isa na lang din ako sa ospital.

Tamaas ang kanang kilay ko nang mabasa ang pangalang nakasaad sa dulo ng mensaheng galing sa hindi kilalang numero. Maikli lang ang laman ng text, sinasabi lang na nasa labas siya ng bahay at gusto akong kitain. Pero ang talagang dahilan ng pagtaas ng kilay ko ay ang pangalang nakasaad doon.

Dala ng kuryosidad ay kumilos ako para babain ang taong 'yon. Nadaanan ko pa sina Mama at Kuya sa dining area na sinenyasan ko na lang na lalabas ako sandali. Mabilis na natawid ko ang pagitan ng gate at pinto na halos dalawang metro lang ang layo. At sa likod ng metal na nagkapagitan sa amin, nakita ko ang taong hindi ko inaasahan.

"Hi, Tin," nakangiting bati niya sa akin.

Lumabas ako habang pilit na pinipigilan ang sarili na magkunot-noo. "Anong sadiya mo?" naguguluhan at nabibiglang tanong ko.

Nasalo ng pandinig ko ang pagtawa niya na gano'n pa rin katulad noong unang beses kong napakinggan. Malalim, baritono, at malambing.

"Ayaw mo ba akong makita? It's been years, Tin," nakangiti pa ring saad niya.

Hindi ko napigilan ang mapangiwi. Totoong taon na ang lumipas simula noong huli ko siyang nakita. At sa mga taon na 'yon ay ni isang beses kay hindi kami nag-usap. Kaya palaisipan sa akin ngayon kung bakit siya narito. Dahil kung iisipin ay hindi naman talaga kami malapit sa isa't isa. Katulad ng iba ay kakilala ko lang siya.

"Hindi ko lang inaakala na makikita kita ngayon, lalo na at gabi. I mean... I haven't heard any news about you. Ang huling balita ko ay nagbabalak kang sa ibang bansa maghanap ng trabaho. And that was on our graduation," alangan na paglalahad ko ng nasa isip ko.

Muli niya akong nginitian. "I just thought of visiting you, seeing you rather. Glad that you still live here."

"I'm amazed that you still know the route. Isang beses mo lang naman akong naihatid kung tama ang pagkakatanda ko."

"Yes, the day we took graduation pictures together," nakangiting pagpapaalala niya.

Wala sa sariling napangiti na lang din ako. Iyon ata ang unang beses na nagkausap kaming dalawa. Ang totoo niyan ay sumabay lang ako sa grupo nila. I was a loner. Kaya maging sa graduation pictures sana ay mag-isa rin ako. But Rehan approached me and asked me if it's okay for me to join them since they were trying to avail a discount sa studio na pupuntahan nila.

Mabilis na pumayag ako bagaman wala akong kilala maski isa sa kanila. Mahal kasi kung sagot ko lahat. Kung grupo naman ang sabay-sabay na kukuha ng litrato ay discounted katulad ng dahilan niya noon. They were all nice but I was really the type of person to have my world on my own. Kaya nakikinig lang ako sa kuwentuhan nila at hindi pinipilit na sumabay. Until that moment that Rehan asked for a photo together.

Inulan kami ng tukso mula sa mga kabarkada niya. At nahihiya naman akong tumanggi kaya pumayag na rin ako. It was a shot with the both of us wearing our graduation attire. I was with my peach-colored dress while he was dashing with a barong. Both of us wearing a lambal that signifies our exit to our college years.

"So, what brought you here, Rehan?" tanong kong muli.

Alangan siyang ngumiti sa akin sabay kamot ng dulo ng kanang kilay gamit ang kanang kamay. Ang mga mata niya ay malikot at hindi ako magawang tingnan ng diretso. Tuloy ay napapansin ko ang ilang at hiya na nararamdaman niya sa simpleng pagtatanong ko.

"I'll just get something," paalam niya na agad niyang sinundan nang pagtakbo patungo sa kabilang kalsada kung saan nakahinto ang sasakyan niya.

Binuksan niya ang pinto sa passenger's side at yumuko upang kuhanin ang kung ano. Sa muli niyang paglingon ay may hawak na siyang maliit na puting paper bag habang ang alangan at nahihiyang ngiti sa mga labi ay naroon pa rin.

"Ano 'yan?" kabadong tanong ko.

Iniabot niya sa akin ang paper bag ngunit hindi ko agad nagawang tanggapin. "I remember you listening some music through your earphones the last time I saw you. I don't know if you're still into music but I am really hoping that you'll accept this small gift of mine," nahihiyang lintaniya niya.

"Sure ka ba?" alangan na tanong ko. Tumango siya sa akin at sa wakas ay isang tunay na ngiti na ang ibinigay sa akin. "Salamat," mahinang wika ko.

Tinanggap ko ang maliit na paper bag na ibinigay niya sa akin ngunit hindi ko na sinilip. Itinago ko 'yon sa likod ko kasama ng dalawang kamay ko na nakahawak doon.

"Thank you rin sa pagtanggap. Akala ko hindi mo papansinin ang text ko sa iyo."

Nagkibit-balikat ako sa kaniya. "Nagulat ako sa totoo lang."

Nagkangitian na lang kami nang parehong maubusan nang sasabihin. Hindi ko masabi na walang awkwardness dahil ramdam na ramdam ko iyon. Hindi naman kasi kami talaga malapit sa isa't isa at halos hindi rin naman kami nagkikita kahit na iisa lang kami ng campus na pinapasukan.

"Sige na, pumasok ka na sa loob. Sumadiya lang talaga ako rito para ibigay iyan," nakangiting wika niya.

Tumango ako at humakbang paatras. "Salamat, Rehan."

Isang tango pa ang ibinigay niya sa akin bago ako tuluyang tumalikod at pumasok sa loob. Bagaman naguguluhan sa naging pagdalaw niya, pinili ko na lang na huwag masyadong isipin at magpatuloy na lang sa kaninang ginagawa.

***

"Everything we think that you might need is already there. Groceries and your other supplies, including frozen goods that could last for two weeks. Kung mauubusan kayo, may supermarket naman malapit sa condo ni Tadeo. At kung may kailangan pa kayong iba, puwede niyo akong tawagan," mahabang lintanya ni Sir Theo.

Naiiling na nagpatuloy na lang ako sa paglilipat ng mga papeles ni Tadeo mula sa lamesa niya patungo sa box na dadalhin namin mamaya. Hindi na rin ako nagkomento dahil kanina nang sinubukan kong sabayan ang mga habilin niya ay ako lang din ang napagod. Parang mga bata lang ang kinakausap niya na mahirap pagbilinan ng mga dapat niyang gawin kaya kailangan ay paulit-ulit niya pang sabihin.

Si Tadeo ay nakatayo sa harapan ng lamesa, nakaupo sa dulo habang ang kaliwang kamay ay pasimpleng inilalabas ang mga papel na ipinapasok ko. Kanina ko pa iyon napapansin ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang. Kinuha ko sa ibabaw ng lamesa ang maliit na kulay dilaw na emoji stress ball. Matapos ay kinuha ko ang kamay ni Tadeo at iyon ang ipinalit ko.

Nagbaba siya ng tingin sa akin ngunit agad din nalipat sa mga papel na nakakalat sa likuran niya.

"Sorry," hinging paumanhin niya. Tinalikuran niya ang nakatatandang kapatid at gamit ang kanang kamay ay tumulong sa akin na magligpit.

"Kaya ko na. Kausapin mo na lang si Sir Theo at mukhang hindi pa ata tapos sa mga habilin niya," nakangiwing pagtataboy ko sa kaharap.

"Come on, Clementine. Help me save my ears," pabirong pakiusap niya dahilan para matawa ako ng bahagya.

Tumikhim si Sir Theo kaya agad na ibinalik ko sa pagiging normal ang ekspresyon ng mukha ko kahit sa loob ko ay natatawa ako. Hindi ko na nabilang kung pang-ilang beses ko nang narinig ang mga habilin niya sa loob lamang ng trenta minutos na magkakasama kaming lahat.

Magmula ata nang umapak ako sa tiled floor ng entrada ng ospital ay wala na akong ibang narinig kundi ang mga paalala niya. Para ngang sinadiya pa talaga at inabangan ako sa baba para lamang masabayan ako sa pag-akyat may Tadeo. Naiintindihan ko naman na dala marahil nang pag-aalala nila sa pasyente ko kaya todo bilin at paalala sila sa amin kaya hindi na rin ako nagreklamo.

"Are you still listening to me?" hindi makapaniwalang tanong niya sa aming dalawa.

Muling nauwi sa ngiwi ang mga labi ni Tadeo bago hinarap ang kapatid. "Kanina, oo. Kaso noong umabot na sa pang-apat na ulit ang mga sinasabi mo ay hindi na. Kabisado ko na, Kuya."

Napakagat ako sa ibabang labi ko sa pagpipigil na huwag matawa dahil sa naging sagot ni Tadeo sa Kuya niya. Bilang sagot ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni Sir Theo.

"I just want to make sure that everything is settled before you leave this place," may bahid nang pag-aalala na wika niya. "You've been locked up in this hospital for a long time. I just want to make it convenient for you outside that coming back would never cross your mind."

Ang tawa na kanina'y nararamdaman ko ay napalitan nang paghanga para sa director. Humahanga ako sa ipinakikita niyang malasakit at pag-aalala sa nakababatang kapatid. Kahanga-hanga ang kagustuhan niya na makatulong para sa ikagagan ng buhay ni Tadeo. Kung iisipin, matatanda na sila. Nasa tamang mga edad na at may kakayahan nang bumuo ng sariling desisyon sa buhay.

Kung sa ibang pamilya siguro ay walang pakialamanan sa isa't isa at hahayaan na lang sa buhay na mayroon sila. Pero iba sa sitwasyon nilang magkakapatid dahil kulang na lang ay muli silang tumira lahat sa iisang bubong para masiguro ang magaan na buhay para sa bawat isa.

"Maraming salamat, Theo. Naiintindihan ko ang punto mo," puno nang pag-intindi na saad ni Tadeo. "I promise not to think too much of this place if it bothers you and Tatiana that much. I'll do my best not to consider coming back."

With that assurance coming from Tadeo himself, calm finally took over the chaotic mind of Sir Theo. Marahan ang naging sunod na pagpapakawala niya ng malalim na buntong hininga na kapayapaan na ang dala.

"Sinong magmamaneho para sa amin?" tanong ni Tadeo.

"Ako," sagot ko, hindi niya inaasahan kaya mabilis ang naging paglingon niya para harapin ako.

"Ikaw?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Pasagot pa lang ako nang maunahan na ako ni Sir Theo. "Yes. You'll be using your car that I brought here."

Ramadam kong hind na ako hiniwalayan ng tingin ni Tadeo matapos no'n. Hanggang sa matapos ako sa ginagawa ay hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa akin na para bang isang nakamamanghang bagay ang malaman na ako ang magmamaneho para sa aming dalawa.

Nawala lang ang atensyon niya sa akin nang palabas na kami sa kuwartong naging tahanan niya sa loob ng limang taon. Malinis na ang paligid at inalis na ang mga gamit na kakailanganin pa rin ni Tadeo sa babalikan na tirahan. Lulan na kaming dalawa kasama sina Sir Theo at Mrs. Celino ng elevator ngunit nanatili iyong bukas para makita pa rin namin ang iiwanang lugar.

"Never thought I'd be leaving this place," hindi makapaniwalang bulong ni Tadeo.

"And I am really hoping not to see you in this place again as a patient, Tadeo," may himig nang pakiusap na sagot ni Mrs. Celino.

Tanging ngiti lang ang naisagot niya. Isang ngiti na ang kaakibat ay walang kasiguraduhang sagot para sa hinaharap. Sino nga ba naman ang makapagsasabi ng mga maaaring mangyari sa atin? Wala. Walang kasiguraduhan ang bukas na nakahain sa atin. Kaya naiintindihan ko ang pag-aalangan na nababakas ko kay Tadeo dahil maging sa isip ko ay hindi ko rin magawang masiguro na hindi na nga siya muli pang babalik dito bilang isang pasyente.

Ngunit kung ako ang tatanungin, katulad ni Mrs. Celino at Sir Theo ay pareho lang din ang hiling ko. Ang huwag nang bumalik pa rito si Tadeo.

Sa pagbukas ng elevator ay hindi ko inaasahan ang pagsalubong ng mga nurse na nasa unang palapag ng gusali. Wala mang pag-amin mula sa kanila, nasisiguro ko na dala ng kuryosidad ang presensya nila sa harapan namin ngayon kahit na hindi naman iyon kailangan. Who wouldn't be curious though. Kahit naman ako noon pa ay gusto na makita kung sino ba ang pasyenteng walang mukha sa karamihan at nananatili lang bilang misteryo para sa lahat.

Kahit si Shane na mas matagal pa sa akin dito ay gusto rin malaman kung sino ang pasyente. At ngayon na kalat sa buong ospital ang mangyayaring pag-alis niya ay nagtipon sila para wakasan ang matagal nang kuryosidad sa katauhan ni Tadeo.

Humiwalay ako sa kanila Tadeo na nagpatuloy lang sa paglabas. Pinuntahan ko ang nurse station kung saan naroon si Shane na nakasunod ang paningin sa tinatahak na daan nila Tadeo.

"Siya 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Yes, Shane." Kinuha ko mula sa lamesa ang bag na iniwan ko panandalian para umakyat kanina. "Mauuna na ako."

Doon lang niya ako hinarap. May lungkot akong nabasa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi katulad niya na nakauniporme ay kaswal na kasuotan lang ang sa akin. Maong na pantalon, maluwag na kulay gray na t-shirt, at sneakers na ilang taon ko na ring ginagamit.

"Babalik ka pa ba rito?" tanong niya.

"Hindi ako sigurado sa ngayon. Pero magkikita pa naman tayo sa labas kaya kalma ka lang," natatawang tugon ko.

"Puwede naman. Kung hindi magpapasaway ang mga tao rito."

"Si Robin? Kamusta siya?" tanong ko na kanina ko pa iniisip sa daan pa lang patungo rito.

Nginitian niya ako. Assuring me that Robin is doing fine. "Naging tahimik siya sa mga nakalipas na araw. Wala siyang kinakausap maliban kay Mrs. Celino. Hindi rin katulad noon na maligalig ang personalidad niya, tila nag-iba ang pagkatao niya. Ang dating palangiti na Robin na nakakasalubong natin, naging mainitin ang ulo at palaging nagwawala dahil sa galit. Ang sabi sa amin ni Mrs. Celino ay totoo ang sakit niya na nakatala sa records niya. Pero ang pagkilos niya na tila isang baliw ay pagpapanggap lang."

"Ang pamilya niya? May dumating ba?"

Inilingan niya ako at malungkot na nginitian. "Sinubukan naming tawagan ang numerong ibinigay sa amin noon pero patay na ang linya. Maski ang bunsong anak ay hindi pa rin namin magawan ng paraan para makausap dahil sa wala kaming numero man lang niya."

Kung noon ay mahirap timbangin ang galit at awa na nararamdaman ko kay Robin, ngayon ay nasisiguro kong mas lamang na ang awa para sa kaniya. Hindi lang dahil sa kinahinatnan niya kundi dahil sa katotohanang inabandona siya ng sarili niyang pamilya.

Ang katotohanang takot si Robin na maging kriminal dahil baka makasira iyon sa anak niya ngunit ang kapalit ay ang pagpapanggap niyang may sira sa pag-iisip at pananatili rito ay hindi ko magawang matanggap. Lalo na ngayon na hindi namin magawang makausap maski ang isa man lang sa mga anak niya.

Gusto ko pa sanang pahabain ang usapan ngunit nakita ko ang pagtanaw sa akin ni Tadeo na siyang maging hudyat ko para sa pag-alis namin.

"Balitaan mo ako," bilin ko.

"Oo naman. Tawagan mo rin ako kung may kailangan ka." Tumango ako bilang sagot matapos ay tumalikod na.

Nadaanan ko ang mga nurse na kanina ay nakaabang sa pagbaba namin na ngayon ay balik na rin sa kani-kaniyang gawain.

Simpleng palitan nang tapik lang ang naging paalam ng magkapatid sa isa't isa. Maging si Mrs. Celino ay tanging tango lang ang naibigay sa akin. Umatras silang dalawa para magbigay daan sa amin ni Tadeo. We are standing from opposite direction. Nasa driver's side ako habang siya naman ay nakapuwesto sa backseat sa kabilang side.

Hindi na ako nagulat pa nang sa backseat siya naupo imbes na sa passenger's seat. Agad na sumunod ako nang sakay at ilang sandali lang ay binabaybay na namin ang daan. I looked like I am his driver but I don't mind. Alam naming pareho na delikado para sa mga buhay namin kung sa harap rin siya mauupo. Ngayon pa nga lang na nasa likod na siya ay kabado na ako, paano oa kaya kung magkatabi kami?

We could not be certain on when his hand would act up. Kaya mabuti na ang sigurado at nag-iingat kaysa magpabara-bara ng desisyon na ikapapahamak lang naming dalawa.

"Sa iyo ba ito?"

Mula sa rear view mirror ay sinipat ko ang tinutukoy niya. Nang makitang ang mp3 player na dala ko ang tinutukoy niya ay tumango ako.

Nauna kasi ako sa paglalagay ng mga gamit ko kanina sa trunk ng sasakyan niya at pansamantala kong naibaba ang mp3 player sa backseat kanina.

"Can I use it?" tanong niya na muli kong tinanguhan.

The small mp3 player was a girft from Rehan that I received last night. Buong akala ko ay simpleng pares ng earphones lang ang laman no'n katulad nang sinabi niya. Ngunit nang buksan ko ay higit pa roon ang bumungad sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng hiya lalo na at ang dating kagabi ay hindi ako natutuwa na makita siya.

"Did you buy this?" tanong niya sa tono na parang dismayado.

Mabilis na tiningnan ko siya ulit mula sa salamin at nakumpirma ko sa dismayado niyang mukha ang narinig na timbre ng boses niya kanina.

"Hindi. Regalo lang iyan sa akin," naguguluhang sagot ko. "May problema ba?"

"A girft from your man? Boyfriend?"

Mas lalong kumunot ang noo ko sa nagiging takbo ng usapan. Out of nowhere ay biglang napasok ang boyfriend sa usapan na hindi ko maintindihan kung bakit at ano ang pinagmulan. Nakikinig lang naman siya ng kanta sa player na hindi ko pa natitiyak kung ano ang laman dahil hindi ko pa iyon nagagamit mula kagabi.

"It was indeed from a man. Pero hindi ko siya nobyo," pagkontra ko.

"Suitor then," siguradong saad niya.

Gusto ko man siyang lingunin ay hindi na ako nagbigyan ng pagkakataon dahil sa pagmamaneho ko. "Of course not. Wala akong manliligaw."

"Manliligaw pa lang," puno ng diin na pilit niya. "Napakinggan mo na ba ang laman nito?" Umiling ako. "No wonder."

Bumuntong hininga siya at sa mabilis na pagsilip sa salamin na nagawa ko ay nakita kong inalis na niya mula sa magkabilang tainga niya ang earphones. Marahan na ibinaba niya ang player sa gilid niya, malayo sa puwesto niya.

Disappointment was all over his face. Kahit na nakapikit na at nakasandal sa bintana ay hindi pa rin nabura iyon. Kung hindi ako niloloko ng mga nakikita ko ay bahagya rin siyang nakasimangot.

"Listen to what's inside that small thing for you to understand what I'm talking about, Clementine."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top