Chapter 1
Patient
"Twinkle twinkle little star! Hanap tayo star! Punta tayo rooftop! Marami star!" tuwang-tuwa na sabi ni Robin na nagpahinto sa akin sa aktong pagpindot ng bukasan ng elevator.
Ang limitadong kilos niya ay hindi naging hadlang para ipakita niya ang kagustuhan na gawin ang kaninang sinabi. Suot ang isang malaking damit na sumasakop sa buong katawan niya. Ang dalawa niyang braso ay nakaakap sa kaniyang sarili habang nakapaloob sa mahabang manggas ng damit at magkasalubong na nakatali sa likuran ni Robin.
Tumatalon-talon pa siya na parang isang bata na excited sa isang bagay. Ang lalaking mga nakaunipormeng puti na nakatayo sa kaniyang magkabilang gilid ay nakaalalay lang sa bawat pagkilos na ginagawa niya. Kapuwa mga naiiling na lang sa ikinikilos ni Robin na sa kabila nang palalim na gabi ay tila buhay na buhay pa rin hanggang sa ngayon.
"Walang star, Robin. Matutulog ka na," sabi ng isa na nasa kanan.
Lumaylay ang magkabilang balikat niya kasabay ng mabilis na paglungkot ng kaniyang mga mata. "Walang star?" parang batang tanong nito.
"Wala, Robin." Ang nasa kaliwa naman ang sumagot.
Naging malikot muli ang mga mata niya na saktong dumapo sa akin. Muling umaliwalas ang mukha niya na tila nakahanap ng kakampi sa katauhan ko. Mabilis na tinawid niya ang distansya sa pagitan namin sa pamamagitan ng mabilis niyang pagtakbo at sa harapan ko naman nagtatalon ngayon.
"Gusto mo star?" malawak ang ngiti na tanong niya, umaasa sa positibong sagot.
Hindi ako nakasagot agad kaya mabilis na tumalim ang tingin niya sa akin na para bang kasalanan ang pananahimik ko. Naiiling naman na bumalik sa magkabilang gilid ni Robin ang kaninang dalawang nurse na nakatoka sa kaniya. Mabilis na hinawakan nila ang magkabilang braso ni Robin na hindi naman inaalis ang tingin sa akin.
"Halika na," yaya ng isa.
Minsan pa niya akong binigyan ng masama at matalim na tingin. "Baliw."
Naiiling na pinanood ko na lang sila habang inaakay siya ng dalawang nurse. Ako pa ang nasabihan na baliw.
Hinarap kong muli ang elevator at sakto naman na bumukas 'yon at walang laman. Tulak-tulak ang trolley na gawa sa metal ay hinarap ko ang elevator. Sa ibabaw ng trolley ay ang pagkain na para sa pasyente na nakapaloob sa takip.
Mabilis na yumakap sa akin ang katahimikan nang tuluyan akong makapasok sa maliit na lugar na 'yon. Apat na palapag lang naman ang dapat niyang akyatin pero parang napakalayo noon sa akin. Ang mabagal na pagpalit ng numero na indikasyon kung nasaang palapag na ako ay mas lalo lang nagpapadagdag sa kaba na nararamdaman ko.
"Fudgebar!" mariing bulong ko nang tuluyang huminto ang elevator sa palapag na pakay ko.
I took three consecutive deep breaths, in attempt to calm myself. Pigil na pigil ko ang sariling hininga nang mabagal na bumukas ang elevator at tumambad sa akin ang isang lugar na malayo sa inaasahan ko.
Instead of a hallway with multiple doors on both sides, there was only one on this floor.
Kabadong nagtungo ako sa nag-iisang pintuan doon. Bukas iyon kaya hindi na ako kumatok pa bago pumasok.
Ang lugar na nakasanayan ko na ay hindi ko makita sa kaharap na kwarto. Maliban yata sa istruktura at kulay ay wala nang nakuhang kapareha ang silid na ito. Sakop ng buong kwarto ang buong palapag kaya naging mas malaki 'yon kung ikukumpara sa mga kwarto sa baba.
Parang penthouse.
Hindi rin katulad sa mga kwarto sa ibaba na tanging kama lang ang mayroon, sa lugar na ito ay halos kumpleto sa gamit. Mula sa itim na sofa set, pabilog at babasagin na center table, maging sa nakikita kong office set-up na nasa pinakadulo ng lugar. May roon din akong nakitang pintuan sa kanang bahagi na marahil ay ang kwarto ng pasyente.
Muli ko pang pinasadahan ng tingin ang buong lugar at hindi ko naiwasan na mangunot ang noo ko nang mapagtantong may kulang sa mga bagay na nakita ko, walang kusina.
"Just get your part and wire the rest on my account."
Mabilis na hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Muli na namang napuno nang pagtataka ang isip ko nang imbis na katulad ni Robin ang makita ko ay tila isa lang siyang normal na tao at hindi pasyente ng ospital.
Nakatayo siya sa kaliwang bahagi ng lugar, ang kaliwang kamay ay nakapasok sa loob ng bulsa ng itim na jagger pants na suot niya. Ang isang kamay naman ay hawak ang cellphone na nakalagay sa tainga. Ang braso niya ay malaki at matikas ang anyo na para bang magagawa ka niyang maprotektahan sa anumang klaseng peligro.
Bumaba ang tingin ko sa malaking bulto niya. Simpleng puting t-shirt lang naman ang suot niya ngunit sa hindi malamang dahilan ay mas nagpabilis nang tibok ng puso ko. Hindi ito ang inaasahan kong madadatnan. Karamihan sa mga nakikita kong pasyente rito ay payat ang pangangatawan at halatang hindi naalagaan.
Malaking kabaliktaran sa malaking pangangatawan ng taong 'to. Ang puting t-shirt na suot ay hapit sa kaniyang katawan na mas nagpadepina sa malapad at matikas niyang dibdib.
Bahagya napaatras ako sa naging paglapat ng mga mata niya sa akin. The wild beating of my heart doesn't speak of nervousness and excitement now. It turned into something I couldn't understand even if I extract my brain for an answer.
For a moment we were just staring at each other, not moving despite knowing we both should. Our eyes were locked like it was our duty to keep them staring at each other as if we were stuck in our own world. Ang mahigpit na pagkakahawak ko sa metal trolly na tulak-tulak ko ay mas humigpit pa. Ang mabilis na tibok ng puso ko na akala ko ay huhupa makalipas ang ilang segundo ay hindi nangyari bagkus ay mas naghuramentado pa.
"Yo're new."
Pinipilit ang sarili na lumunok ako upang alisin ang kung anong bumabara sa lalamunan ko para magawa ko siyang masagot ng hindi pumipiyok. "Y-yes, sir."
Sir? Seriously?
Tumango siya at walang salita na nag-iwas nang tingin sa akin. I just watched his action while standing at my place. I'm trying to look for what was different in him. Dahil sa paningin ko ay normal lang siyang tao. Nagagawa niya pa nga akong kausapin, hindi katulad ng iba na nakakalokong tawa ang isasagot sa iyo.
He walked towards the center table and put his cellphone above it. But it wasn't that long before he pulled out his left hand from the pocket of his jagger pants to get the phone he just put down and placed it on his ears again.
What?
Naguguluhan ko siyang pinanood sa bawat pagkilos niya na para bang maging siya ay naguguluhan na rin sa sarili. Mariing ipinikit niya ang mga mata niya at bumuntonghininga. He held his left hand using the right one and put it down in a forceful manner, restraining it from any possible action.
"Please get my food ready," he said, almost sounding like he's pleading.
Mabilis na tumalima ako sa hudyat niya na 'yon. Tuluyang ipinasok ko sa loob ang metal trolley na tulak ko para lamang mapahinto sa pangatlong hakbang ko nang matantong wala nga pala siyang kusina, o maski kainan man lang.
"Ano... saan ko po ilalagay ang pag-kain?" kinakabahang tanong ko.
"Just here," he said pertaining to the center table.
Sinunod ko ang utos niya. Inilapag ko sa babasaging lamesa ang pagkain at ang inumin niya. Siya naman ay naupo sa single sofa na katapat ng lamesa. Ngunit sa pagtataka ko ay inipit niya sa ilalim ng hita niya ang kaniyang kaliwang kamay.
Pilit na inignora ko 'yon sa kabila ng kagustuhan na magtanong. Kinakain ako ng kuryosidad ko ngunit wala akong lakas ng loob at karapatan na mag-usisa. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa hanggang sa mailapag ko na sa lamesa ang lahat ng pagkain niya.
It was just a simple meal, tinola, kanin, at tubig.
Ang isang nakapagtataka lang din ay imbes na mga plastic na plato at stainless na kubyertos ay styro ang pinggan niya at plastic ang pares ng kubyertos ang gamit para sa pagkain niya. Nakapagtataka dahil halos lahat ng mga kagamitan sa pagkain ng mga pasyente ay ang nauna ko nang nabanggit upang hindi mabasag. Kaya anong pinagkaiba sa kaniya?
"Do you need anything, Sir?" I asked after.
"None. Just come back later" utos niya.
Maagap na umiling ako bilang pagtanggi. "I was ordered to stay in the room and make sure you'll safely finish your meal, Sir."
Inis na bumuntonghininga lang siya ngunit hindi na nakipag-aegumento pa.
Lumayo ako ng ilang dipa at inabala ang sarili sa pagtingin sa buong paligid. Wala naman talagang kakaiba sa lugar. Nagmumukha lang siyang kakaiba dahil sa katotohanan na nasa ospital kami ngayon at hindi sa hotel o condominium.
Mas mukha pa siyang bahay kaysa sa hospital room. Wala rin namang kahit na anong private room ang ospital kaya kakaiba talaga ang palapag na ito.
Napatango-tango ako nang makakita ako ng isang painting na ang konsepto ay isang kamay na nakahawak sa bakal na rehas. Ang paligid ay kulay puti lang na nagbibigay riin sa kulay kayumangging kamay at kulay abong rehas.
Nakamamangha ang ganda ng painting na 'yon ngunit sa hindi malamang dahilan ay tila may marahas na kamay na mariing pumiga sa puso ko hanggang sa halos mamanhid na 'yon sa sakit. Marahas na sinaklot ko ang dibdib ko sa sakit na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
It freakin' hurts! What the hell!
Nawala lang ang paningin ko sa bagay na 'yon nang marinig ako nang mahinang mura mula sa harapan ko, mula sa lalaki. Mabilis na dinaluhan ko siya nang makita na ang plastic na kutsara niya ay nabali na.
"Are you okay, sir?" gulat na tanong ko nang balingan siya.
"Bollocks!" mariing sabi niyang muli sa iritadong paraan na repleksyon ng iritasyong walang dudang nararamdaman niya. "How am I supposed to eat now?" he asked himself helplessly.
Bahagya akong napakislot sa kaba sa iritado at malakas na boses niya. "I'll get new spoon, sir."
"Don't." Nagtatakang tingingnan ko siya. Ang iritasyong kanina ay pumupuno sa kaniya ay nahaluan na nang pagod ngayon. "I'll just use my hand."
Hindi na ako nakahuma pa nang basta na lang niyang inilagay ang kanin sa styro na mangkok. Tuloy ay lahat ng kanin niya ay nandoon na, mabuti na lang at kaunti na lang ang sabaw no'n at hindi lunod sa sabaw ang kanin.
I was taken aback when he really did use his right hand to eat. He put the container on his lap and there, he ate his dinner using only one hand.
I didn't know what happened to me, but I suddenly felt a strong pang of emotion while watching him. Nakaramdam ako nang pagkahabag sa itsura niya, sa paraan nang pagkain na kaniyang ginagawa. He looked closely like a beggar, only if his clothes weren't decent and clean.
The soup was dripping from his hand whenever he took his hand full of rice close to his mouth for him to eat. Walang pagrereklamong kumain ng nakakamay sa kabila ng hirap na gawin 'yon gamit lang ang isang kamay.
Sa sobrang pagkahabag na bigla kong naramdaman ay mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko. Mabilis na tumalikod ako at sa ganoong posisyon kinalma ang sarili ko para hindi tuluyang maluha.
I occupied myself by looking for wet tissues and alcohol in his place. Sa ganoong paraan ay nagawa kong pakalmahin ang sarili ko. Sa gilid ng pintuan, sa kanan, ay natagpuan ko ang isang kahoy na lamesa na naglalaman ng mga iba't ibang gamit tulad ng gamot, alcohol, wet tissues, at iba pa.
"Please help me with this," he said.
Mabilis na lumapit ako sa kaniya bitbit ang wet tissue at alcohol at kinuha ang styro na mangkok sa hita niya at ibinalik sa lamesa. Naupo ako sa bean bag na nasa gilid nang inuupuan niya at hinarap siya. Nagtatakang nagbaba siya nang tingin sa akin na ginantihan ko lang ng tipid na ngiti.
"I'll just help you clean your hands," sabi ko.
Ibinaba ko ang nabitbit kong wet tissue at alcohol sa gilid ko. Kumuha ako ng isang piraso matapos ay marahang kinuha ang kamay na ginamit niya sa pagkain kanina.
I started to gently wipe the wet tissue on his hand and started cleaning him. Naramdaman ko ang pag-igtad niya sa ginawa ko ngunit hindi ko naringgan nang pagtutol. Ipinagpatuloy ko ang mabusising pagpunas sa kamay niya, maging ang paglagay ng alcohol ay inako ko na rin at ako na ang naglagay sa kamay niya.
I let out a satisfied smile when I finished cleaning his hand. Marahang ibinaba ko ang kamay niya pabalik sa hita niya at tinapik pa ng dalawang beses bago tumayo.
"Salamat," mababa ang boses na sabi niya.
"No problem, sir."
I gave him a thumbs up and smiled widely at him. Hindi siya kumilos ng ilang segundo bago mabilis na napakurap habang nakatingin sa akin. Nabawasan ng kaunti ang ngiti ko na mabilis ko ring naibalik sa pagkailang sa tingin na ibinibigay niya.
"Is there anything else that I can help you, sir?" I asked.
Umiling siya sa akin at nag-iwas ng tingin. "Just do the last job you need to do tonight. Then you're free to go."
***
Tulalang nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko habang pilit na hinahalungkat sa isip ko ang posibleng dahilan nang mga huling kaganapan kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nang gano'n gayong normal lang naman siya sa paningin ko.
Maliban na lang siguro sa parte na ginawa niya habang may katawagan. Pero kung titingnan, normal na normal siya sa paningin ko. Noong una ay nagdududa pa ako kung bakit siya nandoon. Pero ang akala kong kasagutan sa mga kaguluhang naramdaman ko ay mas lalo lang nadagdagan dahil sa pinagawa niya at sa huling mga salita na narinig ko sa kaniya.
"Sis, sleep." Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko na nasa may kaliwang bagahi at nakita ko ang nakadungaw na ulo ng kuya ko roon.
"Bro, sleep too," ganting sabi ko.
Ngumisi lang siya sa akin at sumaludo. "Aye aye!"
Naglumikot pa siya at imbes na umalis na ay tuluyan siyang pumasok sa kuwarto ko. Umikot-ikot siya habang nakataas ang dalawang kamay sa ulo na parang isang ballerina.
Napangiwi ako. "Ipasok na yata kita sa mental, eh."
Napahinto siya sa ginagawa at napangangang napaharap sa akin. "Dude, I'm still sane."
"Sa nakikita ko, mukhang hindi ka na matino. Sama ka na lang kaya sa akin bukas para isahan na lang?" suhestyon ko. Sinamaan niya ako ng tingin. "Legit, bro. Mukha ka nang kapatid ni Robin sa ginagawa mo."
Napatawa ako sa sariling nasabi. Parehong-pareho ang tingin na ibinigay nila sa akin na para bang ako ang baliw. Iwinasiwas ko ang kamay ko na para bang tinataboy ko siya sa harapan ko.
Mas sumama ang mukha niya maging ang pagkakatingin niya sa akin habang naglalakad paatras. Hindi niya ako nilubayan nang tingin hanggang sa nasa labas na siya ng pintuan. Tumayo siya roon at sumaludo pa sa akin.
"Tulog na, sis. May pasok ka pa."
Hindi na ako sumagot at tinanguan na lang siya. He was also the one who turned off the light in my room and locked the door for me. And the moment that the darkness surrounded the four corners of my room, the small star-shaped lights replaced the darkness.
Ang ilaw ay nagmumula sa maliit at parisukat na itim na bagay na nakalagay sa bedside table ko. It feels like I am in a galaxy surrounded by countless stars. The moving lights are calming me in a way that it's making whatever's running on my mind drift away. Pero hindi pa rin sapat dahil hanggang sa makatulog ako ay muling nanumbalik sa akin ang mga naging kaganapan kanina.
***
"What am I going to do now, sir?" I asked.
Hindi siya nagsalita bagkus ay tumayo na mula sa pagkakaupo. Pinanood ko lang siya sa paglalakad niya patungo sa pinto. Binuksan niya 'yon gamit ang kanan at mabilis ring isinara gamit ang kaliwa.
Muling binalot nang pagtataka at kalituhan ang isip ko sa wirdong pagkilos niya. Hindi ko alam kung nagloloko lang siya o talaga bang may mali sa kaniya. Ngunit ang nananatiling malinaw lang sa akin ay ang pagkalitong nararamdaman ko dahil sa mga nakikita kong ginagawa niya.
Ilang beses pang naulit ang ginawa niyang pagbukas at pagsara ng pinto bago ko napagpasyahan na lapitan siya at ako na ang nagbukas para sa kaniya. Huminga siya ng maluwag na para bang isang biyaya ang ginawa kong pagtulong sa kaniya.
"Thank you, again."
"My job, sir," sagot ko kahit na hindi rin ako sigurado kung parte pa nga ba talaga ito ng trabaho ko.
Pumasok siya sa loob habang ako naman ay nanatili sa may pinto. Ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya binalingan niya na agad ako.
"This may be too much, but I need your help."
I gave him a smile and took a step forward. Pasimple kong inilibot ang paningin ko sa loob ng kwarto. Hindi katulad sa labas na maraming gamit, sa kwartong 'to ay iisang bagay lang ang nakikita ko. Sa gitna ng kwarto ay naroon ang isang kama na may metal na frame bilang headboard. Makakapal ang magkabilang poste no'n at halatang gawa sa matibay na materyal.
Nagtuloy-tuloy ang lalaki sa isa pang pinto na katapat ng pinto na pinasukan ko. Sinundan ko lang siya hanggang sa makaharap na siya sa lababo ng banyo. Humarap siya doon at binuksan ang gripo ngunit bago pa man maulit ang nasaksihan ko kanina ay mabilis na akong lumapit sa kaniya para alalayan siya.
At gano'n na lang kalaki ang pasasalamat ko nang hindi na mangyari ang nangyari kanina. Mabilis na natapos siya sa paghihilamos at pagto-toothbrush. Tinulungan ko rin siya hanggang sa pagbihis at hindi ko na magawang mailang pa dahil madalas na rin naman akong makakita ng katawan ng lalaki sa uri ng trabahong mayroon ako.
"Where are the handcuffs?" he asked.
Napakapa ako sa bulsa ko at kinuha ang posas doon. "Nandito po."
"Good."
Lumabas siya ng banyo at naupo sa gilid ng kama. Sinundan ko naman siya at sa pagkagulat ko ay inilahad niya sa harapan ko ang isang kamay niya, ang kaliwang kamay na palaging kontra sa mga bagay na ginagawa ng kanan.
"Handcuff me."
Mabilis na napaatras ako sa narinig. "Po?"
"Put that thing on my hand and put the other side on the bedpost."
Kumilos siya at pumunta sa kabilang dulo ng kama, sa kaliwang bahagi. Naguguluhang umikot ako para magawa kong makalapit pa rin sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko siyang lagyan ng posas gayong matutulog na siya.
Sa isiping 'yon ay muling nanumbalik sa akin ang huling sinabi sa akin ni Nurse Celino bago ako pumunta rito sa taas.
"Use this, before he can kill himself."
Mas lalo akong naguluhan nang muling marinig ko sa isip ko ang mga huling salitang narinig ko mula kay Nurse Celino.
"Hey."
Napalingon ako sa kaniya, ulit. "Is it necessary, sir?"
His forehead knotted the same time that he took a deep sigh. He looked troubled about something but more than that, he looked defeated. Iyon bang halos sumuko na siya pero pinipiling kumapit pa.
"Come on. Handcuff me before I end up killing myself."
It was the same words but was said in different ways. They, Nurse Celino and him, said the same thing. Ano bang mayroon at kailangan pa siyang lagyan ng posas?
Walang magawa na ikinabit ko ang dalawang posas sa kaliwang kamay niya dahil doon niya ipinapalagay 'yon. Ang isang bahagi ng mga posas ay ikinabit ko sa matibay na bed post na gawa sa metal.
At habang ginagawa ko 'yon ay pinapanood lang niya ang bawat pagkilos ko. Nang matapos ay hinarap ko siya at tinulungan na maayos na makahiga.
"Salamat," wika niya.
"Good night, sir."
Tahimik na tinungo ko ang daan palabas ng kwarto pero bago tuluyang makalabas ay nilingon ko siya. At dahil sa ginawa kong 'yon ay nakita ko kung paanong pasimple niya diniinan ang dalawang mata gamit kanang kamay na parang may pinipigilang luha na gustong kumawala.
---
A/N: Feel free to comment your feedback or reaction about the story. It will be highly appreciated! :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top