Epilogue
"BORIS, magkakaroon na ako ng anak."
Nagsalubong ang mga kilay niya at nilingon si Albie. Nanatili siyang nakatitig sa mukha nito. He was wearing a stare that tells him to better quit playing tricks with him with that kind of joke.
Or else...
Napalingon si Albie sa kanya. Pinaamo nito ang mukha at tumango-tango.
Nasa isang Korean buffet restaurant sila. Kasama si Nikolai. They sat side by side while the kid was across the big table with a grill at the center. Makulay ang mga side dishes na naka-arrange sa mesa, mabango ang usok mula sa niluluto nilang meat strips. Medyo maingay din sa restaurant kaya mabuti at hindi masyadong naririnig ng bata ang usapan nila.
Halos magdadalawang-taon na mula nung huling umalis ng Pilipinas si Boris. Inayos nila ang dapat ayusin pagbalik ng Russia. Nagmanipula ng mga mamamanipula nila. Nangako siya na hindi na madadawit pa sa gulo kay Sloven. Tuloy-tuloy na ang pagbabagong buhay nila, maging si Bruno.
Come to think of it, second chances are real. Redemption is real.
Someone better pinch him to remind him it's true. Oh, someone will. Albie will now that they were together. Pabirong kurot siyempre, habang tawang-tawa siya at nage-enjoy kasama ito.
Ini-timing niya na bakasyon ni Nikolai ang book ng flight pabalik para ma-meet si Albie.
Hindi naputol ang komunikasyon nila kaya madali silang nakapag-set ng kung kailan at saan magkikita. At most times, they would have a video chat. Napagplanuhan nila na isama sana si Mang Al sa lakad nila ngayon, kaya lang nagkaroon ng kaunting delay sa flight nila Boris, at nagkataon na ngayong araw ay kasama ng matanda ang Ate Mina ni Albie at ang mga apo nito rito.
So of now, it was only the three of them. And it felt like they were already a family. Boris thought Albie was looking great in his jeans and button-down striped blue polo. Makisig naman siya sa fitting shirt na pula at jeans. Cute na cute si Nikolai sa itim nitong statement shirt, umiilaw na rubber shoes at jeans.
Iba pa rin talaga kapag personal na nakakasama ang isang tao. Katabi o kaharap mo mismo habang kausap. He was glad he kept his word about coming back for Albie. Triple ang saya sa pakiramdam niya dahil napunan ang lahat ng pananabik at pagtitiis niya ng ganitong pagkakataon.
"Boris," makaawa ni Albie, "sabi ko, magkakaroon na ako ng anak."
Lalong naningkit ang mga mata niya rito.
"Help me, manganganak na ako," pasimpleng pakita nito sa lumaking tiyan dahil sa kabusugan at hinagod-hagod pa iyon.
Nanatili siyang matatag. Kunwari hindi apektado sa pangti-trip na naman ni Albie sa kanya.
"Boris—" napanganga ito nang pumunit ang ingay ng utot nito.
Hindi niya napigilan ang matawa. Ang gaan at lakas ng halakhak niya kaya napatingin si Nikolai at ang mga nasa kalapit na mesa na customers. He threw his head back laughing while Albie embarrassedly began slapping his arm.
"Tumahimik ka!"
"Iyan ang napapala mo sa mga kalokohan mo," effort niya sa pagta-Tagalog. He was still in the process of learning, but already knew some words because Albie taught him bit by bit via video chat.
"Tseee!" palo nito.
Pigil ni Nikolai ang matawa dahil may pagkain ito sa bibig. Hindi man tanungin ni Boris, alam niya na kung gaano siya kasaya makita lang ang anak na nakangiti, ganoon din ang saya nito kapag naririnig siyang tumatawa, hindi man nito maintindihan kung ano ang pinagtatawanan niya.
Nang humupa ang tawa niya, pabirong pinalo na naman siya ni Albie sa braso.
"Ikaw, ha, hmm!" gigil na kurot nito sa braso niya. Hindi naman masakit iyon.
An idea struck him which made him smile. Dinikit niya ang ulo kay Albie, nakatingin siya kay Nikolai para siguraduhin na abala pa ang anak niya sa pagbabaligtad ng mga meat strips na iniihaw.
"Albie," bulong niya rito.
"Yes?" dala ng kabusugan kaya hindi muna ito kumakain.
"I missed you."
"Lagi naman tayo magka-chat, ah?"
"I mean, I miss..." he whispered the rest in Albie's ear.
Namilog ang mga mata nito. A soft blush appeared on his cheeks.
Nakangiting lumayo si Boris dito. Mapang-imbita ang lagkit ng titig. "Later, okay? When you're done with your poop—"
"Tse!" napahiyang pinanlakihan siya nito ng mga mata.
"And when Nikolai goes to sleep, we—" he smirked naughtily and lifted his brows.
Mabilis nitong nakuha ang ibig niyang sabihin.
"Yes, my Russian Daddeh," nahihiyang yuko nito, nangingiti sa sarili.
Boris smiled. A very different one. The kind that stretched his lips just right, the kind that reached hazy eyes. Now that he has fully accepted himself— his past and present version— he was getting ready for his future self. With Albie and Nikolai, of course. He promise and he was not afraid he might break it.
After all, Boris had always been a man of his word.
~ A MAN OF HIS WORD ~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top