Chapter Twenty-Seven

TAHIMIK LANG NA BATA si Nikolai pero maayos naman kausap. Hindi man ito nag-po-po at opo, dinig naman sa tono ng pananalita nito ang paggalang. Wala rin itong arte pagdating sa pagkain. Hindi makapaniwala si Albie na napakain ito ni Joey ng niluto nitong tuyo na may kamatis at sawsawang suka, at ginisang monggo na hinaluan ng dilis.

May budget pa naman sila. Na-miss lang daw ni Joey ang amoy at sarap ng Pinoy na Pinoy na mga pagkain kaya iyon ang niluto para sa kanila. Tuwang-tuwa naman si Jelly sa pagkakamay habang kumakain. Si Mariel naman, medyo pino pa kumilos. Tiyak niyang nahihiya pa ito kaya ganoon. Uuwi na dapat ito pero nakulit niyang kumain muna bago bumiyahe.

Pagkatapos maghapunan, hindi na niya pinatulong si Nikolai sa paghuhugas ng pinggan. Sinabihan lang niya ang bata na magsepilyo na. Sumunod naman ito. Pero nagpasama muna sa kanya sa kwarto nila para kunin daw sa bag ng mga gamit nito ang tootbrush.

Kaya habang nagsesepilyo at hilamos ng sarili niya ang bata, tinatapos naman ni Albie ang paghuhugas ng pinggan.

Siyang sulpot ni Jelly sa kanyang tabi.

"Hoy, bakla," tawag nito habang pinapanood siya.

"Ano?" aniya, tutok sa hugasin ang mga mata at mabilis ang kilos ng mga kamay sa pagkukuskos ng espongha na may sabon sa bawat pinggan, baso, kubyertos at mga ginamit ni Joey sa pagluluto.

"Talagang dito matutulog 'yung bata?"

Dahil siguro sa presensya kanina ni Nikolai, kaya ngayon lang siya kinukulit ng kaibigan.

"Oo nga," sagot na lang niya.

Namewang ito. Ang isang kamay naman ay nakatukod sa tabi ng lababo.

"Aba't bakit?" Dama niya ang naguguluhang tingin nito. "Yaya ka ba n'un?"

"May aayusin lang daw si Boris."

"Ano naman?" bulong pa rin nito. "Hoy, Albie. Wala pang one week, bakla. Bakit parang sunud-sunuran ka na niyang Boris na iyan?"

"Eh, tinutulungan ko lang naman 'yung mag-ama," dahilan na lang niya.

"Eh, bakit? Bakit ang laki ng pakialam mo sa kanila?" Napailing ito. "Baka mamaya mapagkamalan ka pang kidnapper."

"Ay, grabe ka!" pinanlakihan niya ito saglit ng mga mata. Exaggerated na kung exaggerated. "Kidnapper agad? Sa ganda kong ito?"

Gusto niyang pagaanin ang usapan, kaya nagsisingit na si Albie ng mga biro.

"Eh kasi naman, naloloka lang ako kung bakit pumayag-payag ka na maging taga-alaga ng anak niya."

"Keri ko ito, day, okay?" lingon niya rito. "Ako ang bahala sas junakis ni Boris. Hindi kayo maaabala ng kakulitan niya. Swear."

He returned his eyes on the dishes.

"Hindi ko lang ma-gets kung bakit, nag-aalaga ka ng anak ng tao na hindi mo kilala. Baka mamaya, may kung anong gulo na dala ang mag-tatay na iyan, ha?"

Natigilan siya.

"Ako lang naman, eh, pinapaalalahanan lang kita," layo na nito sa gilid ng lababo. Napasunod siya ng tingin sa paalis nang kaibigan. "Remember, marami tayo rito sa boarding house. May isa sa atin na mapahamak dito, maraming madadamay."

"Ano ka ba, girl," may tensyon sa tawa niya. "Ang O.A. mo."

"Ewan ko sa iyo," talikod na nito para iwanan siya sa ginagawa.

Kinakabahan na mas binilisan ni Albie ang pagtapos sa mga hugasin.

Kailangan niya na kasing makausap si Nikolai.

.

.

TAMANG-TAMA LANG ang balik ni Boris sa hotel room nila. Hindi pa kasi nakakabalik noon si Olivia.

Bago niya dinala si Nikolai kay Albie, pinakiusapan ni Boris ang babae na lumabas ng hotel para ibili siya ng panggamot sa sugat. Nagdahilan siya na nasugatan sa paa dahil may naapakan na bato habang lumalangoy kanina. Pero sa totoo lang, gawa-gawa lang ni Boris ang sugat na iyon.

He intended to give himself a small cut on the foot earlier tonight using a stone he picked up somewhere on the shore. Maliit na sugat lang iyon. Parang kagat lang ng langgam. Medyo kinalat lang niya noon ang dugo para magmukhang malaki-laki. Pagkabalik nila sa hotel room, gusto pa siyang alalayan ng babae sa pagsipat sa sugat niya. Kinailangan pa niyang sungitan ito para mapilitan na iwanan na silang mag-ama at umalis na para mamili.

Nang makaalis ito, hinugasan agad ni Boris ang paa at kinausap si Nikolai tungkol sa plano niyang iwanan muna ito sa pangangalaga ni Albie. Then, they packed their things and headed toward the boarding house.

Ngayon, mga gamit na lang ni Olivia ang nasa silid. Tinabi ni Boris ang maleta sa bandang likuran ng boarding house nila Albie at tinakpan iyon ng nahulog nang dahon ng puno ng niyog.

Kampanteng umupo si Boris sa tapat ng dresser table. Wala na roon ang tatlo niyang laptop.

Inangat niya ang isang paa para silipin ang sugat iyon. Medyo namuo na ang guhit ng dugo roon. Hinayaan lang niya at nag-aabang na ang kanyang tingin sa pinto.

Naisipan niya na maghalughog sa mga gamit ni Olivia, pero baka bago pa niya ito ma-interrogate ay mahuli pa siya ng babae na ginagawa iyon. Minabuti na lang ni Boris na manatiling nakaupo at ihanda ang sarili.

Tinuon ni Boris ang paa sa sahig.

Kaya ko pa namang kumilos ng mabilis-bilis. Kung sakaling hindi maganda ang kahantungan ng pag-uusap namin ng babaeng iyon.

Naalerto siya nang marinig ang pagbukas ng pinto.

Tumuloy si Olivia. Nauna ang paglibot ng tingin sa paligid habang dahan-dahang sinasara sa likuran nito ang pinto. Bitbit ng nakababa nitong kamay ang isang plastic bag.

"Si Nikolai?" lingon sa kanya ng babae.

Hindi pa siya nakakasagot pero nahuli na ni Boris ang pagtalim ng mga mata nito.

Napansin ng babae na wala na ang mga laptop niya sa dresser table.

"Boris," she carefully turned around, gracefully walked toward the counter table in her high heels, sexy jeans and fitting blouse. Nilapag nito ang mga pinamili roon. Walang lingon na tinuloy ang sasabihin. "Mayroon ba akong dapat na malaman?"

"Ako ang dapat na magtanong, Olivia," wika niya sa mababang tono. Nakaupo pa rin, pero alerto.

She did not turn to face him. But he saw the movement of her head. Aristokadang nagtaas-noo ang babae.

Lumingon ito sa gilid kaya nasulyapan niya ang maganda nitong mukha at matangos na ilong. Nakatitig lang ito sa kawalan. Maingat na nag-iisip, nakikiramdam sa kanyang mga sasabihin at ikikilos.

"Gusto kong isipin na sinadya mong solohin ako para sa magandang dahilan," anito. "Pero may gay boy ka nga pala."

Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Bakit ba lagi mong dinadamay ang tao na hindi involved sa kung ano ang trabaho nating dalawa, Olivia?"

"Overprotective much?" her eyes sparked dangerously, directing a look toward him.

Ewan niya kung sinsero pa ang ngisi niya. Medyo kinukutuban na siya ng hindi maganda rito.

Tumuwid siya ng upo. "Olivia. Alam mo naman siguro kung ano na ang sitwasyon ngayon. I don't need to explain what's going on right now. Kaya mas mabuti pa na sabihin mo na ang mga dapat kong malaman."

"Ano pa ba ang sasabihin ko," she turned to face him, "Boris Molchalin?" Nananadya na pinaamo nito ang mukha. "Lahat naman, nire-report ko sa iyo, 'di ba? Binabalitaan din kita tungkol sa status ng mga kaibigan mo na binabantayan ng kapwa ko agents."

"Talaga?" hilig niya ng ulo. "May nakita kasi akong mga litrato sa cellphone mo."

"Oh." Saglit itong napatitig sa kanya. She slowly dragged a smirk at athe corner of her lips. The woman was gorgeous, but with a threatening stare like that and an evilish smile, she looked like terror. "Really?" she spoke in her all sultriness.

Dahan-dahan siyang tumayo. Kapag basta-basta kasi ang kilos niya, baka madala ng reflexes si Olivia at manakit.

"Look, Olivia," aniya habang tumatayo, "I saw what I saw. Pero may kasabihan tayong mga Ruso na huwag agad-agad maniniwala sa mga bagay-bagay." Nakatayo na siya. "Kaya nandito ako at kinakausap ka, hinihingian ka ng paliwanag."

"Para saan pa?" she sexily made her strides toward him. "May kasabihan nga tayo na huwag agad-agad maniniwala... at nakikita kong hindi ka nga nagtitiwala sa akin. Sa akin na agent na personal na in-assign ni Sloven Markov para sa iyo."

"Gusto ko ng direktang sagot mula sa iyo," matiim niyang titig habang nakaabang sa paglapit nito. "Bakit mo ako sinusundan? Bakit mo ako palihim na kinukuhanan ng mga litrato?"

Ngumisi lang ito.

"Bakit pinapakialamanan mo ang mga files sa laptop ko?"

Sumeryoso na ito. Nabahala dahil maging ang pagkalikot nito sa mga laptop ay nadiskubre niya. Huminto na rin ito sa paglakad papunta sa kanya.

"Hindi nagpaparamdam si Poison, 'di ba?" He gritted. "Gawa-gawa mo lang na may pinadala siyang mga litrato ko, na kunwari nandito siya at sinusundan ako. Tama ba ako, Olivia?"

"Bakit mo pinakialaman ang phone ko?" galit na bulyaw nito sa kanya.

"Ikaw ang nauna!" ganti niya rito. "Binibigyan mo ako ng maling impormasyon! Nakikialam ka ng mga gamit ko!"

"Precautionary measures, Boris!" depensa nito sa sarili. "Malay ba natin? Baka ikaw si Poison?"

Ngumisi siya. "Nagdadahilan ka lang babae ka. Baka ikaw ang kalaban dito!"

Umatras ang isa nitong paa. Mabilis na napansin iyon ni Boris. Mukhang bumubwelo na ang babae ng pag-atake sa kanya.

"Ilang taon na akong nagta-trabaho sa GRU. Hindi mo ako pwedeng akusahan ng ganyan laban sa kredibilidad ko bilang agent!" she hissed.

Unti-unti na silang nag-iikutan. Tumigil lang sa paggalaw si Olivia nang tumama ang gilid ng binti nito sa isa sa mga kama roon.

Nagsukatan sila ng tingin.

"Agent ka," nagbabanta ang tono ni Boris, "may ideya ka naman siguro kung ano ang ginagawa sa mga taong ayaw umamin."

Mapangkutya ang pigil nitong ngisi. Nababasa niya sa mga mata ng babae na alam nito ang ibig niyang sabihin. At mukhang sabay ang mental countdown nila.

Medyo pumihit si Boris para kunin ang nakasuksok sa sinturera sa likuran ng suot niyang pantalon ang patalim. Umamba siya ng saksak pero nag-squat agad si Olivia at nilusot sa ilalim ng kutson ng kama ang mga kamay. She let out a grunt as she pulled the mattress off the bed. Tumayo ito at ginawa iyong panangga ng babae sa kutsilyo.

Bumaon ang patalim ni Boris doon. He gave the mattress a push to pull out the knife with his other hand. Sinamantala naman iyon ng babae para yukuin ang sinuksok sa ilalim ng kama na baril.

Marahas na hinawi ni Boris ang kutson. Nakatayo na naman noon ng tuwid si Olivia, naikasa ang baril at saktong tinutok iyon sa kanya nang maalis ang nakatakip dito na kutson. Mabilis ang kilos nila. Pagtutok nito ng baril. Tinabig iyon ni Boris ng kamay sabay amba ng kutsilyo.

Hindi bumitaw sa baril nito si Olivia. She flinched in pain, flung back her hand to knock down his hand that held the knife. Hindi bumitaw sa kutsilyo si Boris na hinablot sa leeg ang baba pasakal bago inangat ulit iyon. Bumaon sa ilalim ng dibdib niya ang nguso ng baril nito.

Siyang tunog ng doorbell kayanatigilan silang dalawa.

.

.

***
AN

Wait up lang, mga dear <3 <3 Magdidinner muna ako bago ituloy ang pagsulat sa susunod na chapters ;) BRB <3

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top