Chapter Twenty-Nine

NAKATULOG NA SI ALBIE. Kaya mabilis na binuksan ni Boris ang cellphone at inaabangan ang chat message sa kanya ni Bruno.

Kahapon pa lang ng umaga, kinontak na niya ang kaibigan na sunduin sila gamit ang helicopter na binigay na rito ni Sloven. Magmumula si Bruno sa Malaysia kaya naman hindi ganoon katagal dapat ang byahe nito patungo ng Zambales.

Pero ayon dito, asahan na niya na mga alas-singko ng umaga ito makakarating sa resort. Masyado raw kasi magiging takaw-atensyon ang ingay ng helicopter kung sa alanganing oras daw gabi ito susundo sa kanila. May punto naman si Bruno kaya hinayaan na niya ito sa diskarte nito. Ang usapan na lang ay ia-update siya ni Bruno kung ano na ang status nito. Isa pa sa mga dahilan kaya ganoong oras nito tantyang makarating sa Zambales ay dahil biglaan ang pagpapasundo niya rito. Kailangan tuloy nitong i-recheck muna ang helicopter kung makakaya ba na sunduin sila roon. Kinondisyon kasi iyon ni Bruno para sa pagtakas nito at ng sarili nitong pamilya kung sakaling sila ang unang puntirya ni Poison.

At dahil aalis si Bruno, hinatid muna nito ang pamilya sa Kota Kinabalu. Pinagtago nito ang pamilya sa bahay ng isa sa mga kaibigan ng asawa nitong si Siti.

Ngayon, oras na lang at chat ni Bruno ang inaabangan niya. Mas mainam kung tatawagan siya nito sa cellphone.

He let out a sigh. Napansin niya ang kalmot sa braso kaya inangat iyon at sinipat. He hissed at the thread of pain that shot through him.

Malutong-lutong na mura ang pinakawalan niya nung pagkakakalmutin siya ni Olivia.

Nung nakarinig kasi sila noon ng doorbell, kapwa sila natigilan. Pero hindi natagalan si Boris sa ganoong state. Mabilis niyang tinabig ang kamay ni Olivia, nilipat ang kutsilyo sa kabilang kamay at hinablot ang pulsuhan nitong may hawak na baril.

Samantala, nakaabang sa labas ng silid ang isa sa housekeeping na nagdoorbell. Lumabas mula sa kalapit na silid ang kasamahan nito. Kinantyawan kung bakit naroon ito.

"May tao pa diyan! Tara na sa fourth floor!"

Napakamot ito ng batok at tinulak ang cart para sundan ang kasama nito.

Sa loob ng kwarto, piniga ni Boris ang buto sa pulsuhan ng babae. Isa sa mga weak point na nakatulong para mabitawan nito ang baril.

Nagpakawala ito ng matinis na daing at tutuhurin pa siya nito.

Pero binali niya agad ang braso nito. She was left with no choice but to bend back, turning away from him. Kung hindi kasi, literal na mababalian talaga ito ng braso.

Nagkatinginan lang ang dalawang housekeeper sa hallway, nagpalitan ng nakakalokong mga ngisi bago pumasok sa elevator na inaabangan ng mga ito na bumukas.

Binaluktot ni Boris ang braso ni Olivia, tinaas at nilapat sa likuran sabay tulak dito padiin sa pader. Inihilig ni Olivia ang mukha para makapagsalita.

"Hayop ka!" galit nitong sigaw.

Tinutukan lang niya ito ng kutsilyo sa leeg.

"Sabihin mo ngayon kung ano ang motibo mo sa amin ng anak ko," anas niya.

The woman just scoffed. Inangat nito ang paa at patalikod siyang sinipa.

Nakailang mura siya habang napapaatras dahil sinapol siya nito sa maselang bahagi ng katawan.

Olivia bravely lunged toward him. Balak agawin ang kanyang kutsilyo. Initsa niya tuloy iyon para bumaon sa pinto ng banyo.

"Walanghiya ka," she hissed as they began exchanging hand combats.

Sumimple ang madayang babae ng sipa na inilagan niya. Kumawala ang mayabang na tawa ni Boris.

Alam kasi niyang napapagod na ito. At mas nasasaktan dahil mas makapal ang muscle niya kung ikukumpara sa balingkinitan nitong braso.

"Ano, Olivia? Idadaan mo ako sa sipa?"

"Kaya kita, Molchalin!" lusot nito sa ilalim ng mga braso niya para hablutin siya sa damit.

Sinadya niyang yumuko ng pagkababa-baba para mahubad iyon. Sa oras na nahubad iyon, mawawalan ng kapit ang babae sa kanya. Nag-angat agad si Boris ng tingin. Initsa ni Olivia ang t-shirt niya at umikot para sumipa. Sinalo niya ang paa nito. Olivia jumped on her feel and flew and clung onto him. Pumulupot ang isang hita nito sa bewang, ang isa ay nakakawit sa balikat niya.

Damn the woman was flexible! Nanririmarim siya sa paglapat ng katawan nito sa kanya sa tulong ng isa nitong kamay sa balikat niya. Her sharp nails were a torture, digging on his skin.

Napasandal siya sa TV set. Napadaing dahil masakit at nagbagsakan ang katabi nitong mga speaker. Tumabingi rin ang TV habang nilalabanan niya ang pwersa ni Olivia. Sinalag niya ang balak nitong i-karate chop ang leeg niya.

Humawak siya sa mga hita nito, sa bewang, sa balakang. Nagbuhos ng lakas para maialis sa pagkakakapit-tuko nito sa kanya. But Olivia struggled and fought back. Sa tuwing madudulas, sasabit ito sa katawan niya at parang pusa na gagapang hanggang sa kumalmot ng kumalmot ang mga kuko nito sa likuran niya.

Hinablot niya ito sa buhok. Sinabunutan para mapatingala paitaas. Napasigaw na naman ito.

He made the most of that chance. Tumakbo siya patungo sa ikalawang kama at tinalon iyon.

Bumagsak sila roon ng babae. Lalo itong napadaing dahil dumagan siya rito at malakas ang impact dahil sa patalon ang dahilan ng pagbulusok nila. Nanghihinang nanlambot si Olivia. Hinilo pa ito ng pagkakatampal niya sa mukha nito.

Dali-daling bumangon si Boris at binalot ito ng kumot. Sinabunutan nang mapadapa at mas hinigpitan ang pagkakatali ng kumot sa katawan nito.

Pagkatapos, doon na niya in-interrogate ang babae. Sa tuwing hindi nakakasagot, tampal ang inaabot sa kanya. Nakaka-frustrate dahil espiya ito. Ibig sabihin, may mga pagkakataon na nahuhuli ito ng mga tauhan ng minamanmanan at na-torture na para magsabi ng mga hindi dapat sabihin.

Nakaka-frustrate dahil kahit anong piga niya rito, paulit-ulit lang ang sinasabi ni Olivia.

Na wala itong kinalaman kay Poison.

Hindi nito kilala si Poison.

Tumanggi itong sagutin ang tungkol sa mga litrato. Tumigil na siya noon sa pagtatampal dito para takutin naman ng kutsilyo. Tinakot niyang babalatan na ito ng buhay kapag hindi nagsalita.

Nagmatigas pa rin si Olivia.

So he decided to use a little bit of Sloven's technique. A little bit of that mental manipulation.

Iiwanan niya saglit sa silid na iyon si Olivia nang mag-isa, para kung anu-ano ang pumasok sa isip nito hanggang sa makaramdam ito ng takot at pagpapanic. He knew that if he do that, it would confuse her, and confusion is a good root for fear. Bakit? Kasi hindi mo alam ang ie-expect. That would make a person worry. And an intensified worry is equals to fear.

At iyon nga. Pagkalabas ng pinto, nakatayo na sa harapan niya si Albie.

Nang makita ito, nagbago bigla ang ihip ng hangin.

Para siyang nadurog nang makita ang pag-aalala sa mga mata nito. Naisip din niya na sumama na lang kay Albie pabalik sa boarding house dahil baka magtaka ito kung nasaan si Olivia. He had to move fast before that guy could think. He would distract Albie with a kiss if he had to.

At kahit minsan ay parang lutang ito, he found Albie cute anyways.

He didn't know why this guy had to be this cute. Too cute that a strong hard man like him would just melt.

Napailing siya sa naisip.

Now Boris was feeling stupid.

He should not melt for any guy.

Kahit si Albie pa iyon na mukhang inosente at napaka-caring.

Dahil una sa lahat, hindi niya madadala ang lalaki sa Russia.

In Russia, things were really complicated right now.

At wala naman siyang plano magtagal sa Pilipinas dahil nasa Russia ang buhay niya.

Ang buhay niya at ni Nikolai. Doon na umiikot ang kanilang mundo. Masaya na sila sa buhay nila mula nung tumigil na siya sa mga klase ng trabaho na mayroon sila noong boss pa nila ni Bruno si Sloven.

Nag-aaral ng mabuti sa Russia ang kanyang anak, habang siya naman ay masigasig sa freelance na trabaho na may kinalaman sa IT.

Ayos na ang buhay.

Dumating lang itong mga pagbabanta ni Poison.

Nakaramdam na naman siya ng frustration.

Sino ba ang Poison na ito?

Ano ba ang naging atraso nila kay Poison para ganituhin sila? Para bantaan ang buhay nila at ng mga mahal nila sa buhay?

Sigurado si Boris na kayang-kaya nilang tatlo ni Sloven at Bruno matunton ang hayop na iyon. Hindi naman sila natakot mamatay. Ano pa ba ang ikatatakot nilang tatlo? Naranasan na yata nila ang pinaka karumal-dumal na pwedeng danasin ng isang ordinaryong tao.

But they survived.

Kung hindi lang sila may mga mahal sa buhay na pino-protektahan at umaasang uuwi sila sa mga ito...

Bakla man siya, kapag mahal sa buhay na ang nanganganib, hindi na siya makakapag-inarte pa. Tulad nila Sloven at Bruno, mainam na dumistansya para sa kaligtasan ng mga ito. Pero hindi pwede na masyadong malayo ang distansya dahil sa oras na kailanganin sila ng pamilya nila, dapat isang segundo lang naroon na sila para ipagtanggol ang mga ito.

Mabigat ngang at akag responsibilidad ng isang ama.

Pero kamusta naman siya na bakla na nga at nag-iisa lang na magulang pa ni Nikolai?

Napunta ang tingin niya kay Albie. Nakahiga ito ng baluktot, nakaharap kay Nikolai na patalikod naman dito sa patagilid nitong pagkakahiga. Tulog na rin ang bata at lumuwag na ang pagkakayakap nito sa paboritong backpack.

The sight of his son softened him more.

Gagawin niya ang lahat para sa kaligtasan nito.

Dahil si Nikolai naman ang naunang nagligtas sa kanya...

.

.

ALBIE LET OUT A GROAN. Tinabig pa nito ang kamay ni Boris na yumuyugyog sa braso nito. Napatingin tuloy siya sa pupungas-pungas na si Nikolai. Pinupunasan nito ang isang mata habang humihikab at nakatitig sa kanya.

Pang-ilang hikab na iyon ng anak niya.

"Papa, huwag mo na siya abalahin. Napagod din siya sa pag-aalaga sa akin."

He had to smile at Nikolai. Madamot silang mga Ruso sa ngiti, pero hindi sa pinakamahal nila sa buhay. Kaya itong ngiti niya, lagi niyang bibigyan nito ang anak.

"Naging makulit na bata ka ba?"

"Hindi!" labi nito.

He chuckled lowly.

"Papa, bakit may sugat ka?" puna nito sa mga kalmot niya.

"Hay, huwag mo munang pansinin iyan."

Namasa ang mga mata ng bata. "Sinaktan ka ni Miss Olivia?"

Humawak siya sa pisngi nito. "Oo. Pero hindi ito masakit, anak. Ang Papa mo pa?"

Matamlay pa ang ngiti nito dahil sa antok, pero napanatag na roon si Boris. Nilingon niya ulit si Albie.

Gusto ko sanang makapagpaalam man lang kami ng maayos sa iyo, Albie... I want to kiss you torridly, dahil pagbalik ko ng Russia, pang habambuhay na ang restraint ko sa ganitong mga affair... sa affair na mayroon tayong dalawa...

"Anak," alalay niya kay Nikolai pababa ng kama. Nakaharang kasi sa dadaanan nito ang nakahiga pang si Albie, "susunduin tayo ngayon ni Tito Bruno. Parating na ang helicopter niya."

Nanlaki ang mga mata nito sa galak. "Wow! Sasakay tayo ng helicopter?"

"Oo, anak."

"Wow!" bulalas nito nang maibaba na niya sa sahig.

"Wear your shoes," gusot niya sa buhok nito.

Kumilos na si Nikolai.

Tinungo naman ni Boris ang pinto at maingat na sumilip sa hallway.

Wala pang katao-tao.

Ayon sa orasan sa kanyang cellphone, maga-alas tres na ng madaling araw. Alas-singko ng umaga ang una nilang usapan ni Bruno, pero nung huli nitong tawag nasa area na raw ito ng Pilipinas at baka mga alas-tres ay nasa Zambales na raw ito. Kaya maghanda na raw sila para mabilis na makaalis. Maging kapansin-pansin man ang ingay ng helicopter, kung mabilis ang kilos nila, hindi sila maaabutan ng kahit sino na pwedeng makakita sa kanila. They could also take advantage of the darkness of the environment too.

Magbababa lang ng rope ladder si Bruno na aakyatin nilang mag-ama. Siyempre, sasabihan niya si Nikolai na yumakap sa kanya ng mabuti habang inaakyat niya ang hagdang-lubid. Delikado kung magla-landing doon si Bruno. Baka magkaroon ng isyu lalo na at ilegal ang pagpasok ng helicopter nito sa teritoryo ng Pilipinas.

"Tapos na ako magsuot ng shoes, Papa," lapit sa kanya ni Nikolai.

Sinara ulit ni Boris ang pinto at sinipat ang anak.

"Good, wait for Papa," aniya habang nilalapitan ang bag ng mga gamit ni Nikolai sa paanan ng kama.

Napasulyap siyang muli kay Albie.

It was too sad he was unable to say goodbye.

Binilisan na nila ang kilos.Pupuslit sila palabas ng boarding house ng kanyang anak para abangan anghelicopter ni Bruno.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top