Chapter Twenty

KAPWA SILA NAKATAYO nang iwanan ni Kyla para makapagsarilinan. Kinolekta ni Albie ang lahat ng kanyang lakas ng loob para malabanan ang matiim na titig sa kanya ni Boris.

Hindi niya mapigilan ang nangungulit na kilig sa sikmura ngayong magkaharap na naman sila ng lalaki. Bumabalik na naman kasi kay Albie ang nangyari sa kanilang dalawa sa hotel kahapon. Gayundin ang walang paalam na pag-iwan sa kanya roon ng lalaki. Sumandal na lang siya sa nakausling gilid ng cabinet, nakatagilid mula sa pwesto ni Boris.

Nakaupo ang lalaki sa gilid ng kanyang kama. Pinaupo ni Albie kanina ang lalaki para isipin ni Kyla na kaswal lang ang pagbisita ni Russian Daddeh. Kaya kinailangan niyang tratuhin ang lalaki na parang panauhing pandangal talaga.

Pagkakataon nga naman, nadatnan siya ni Boris sa sariling kwarto na sando at short na maluwang lang ang suot. Napakapayak kung ikukumpara sa posturang-posturang ayos nito. Nakasuot ng faded jeans si Boris na humahapit sa malakas nitong mga binti. Pinaresan iyon ng lalaki ng fitting shirt na grey. Lalo tuloy humakab ang magandang pagkakaukit ng katawan nito...

Ang katawang umangkin sa kanya kahapon...

Ang katawang pinasadahan ng haplos ng kanyang mga kamay...

Napayuko na lang si Albie. Nahihiya siya dahil kung saan-saan na naman napupunta ang imahinasyon niya. Hindi dapat dahil sa ginawa sa kanya ni Boris kahapon.

"Albie," tawag na sa kanya ng lalaki. Hindi na ito makapaghintay kaya ito na ang nag-initiate na mag-usap sila. "I heard you took a sick leave. You reasoned your butt. I just hope you didn't do that because you don't know what people will assume given the fact that you are openly gay—"

Albie braced himself, ignored Boris' question, lifted his head and bravely met his grey eyes.

"Why are you here?"

Kumunot ang noo nito. "Before I tell you that, I have something more important to say, you should not—"

"Boris," pigil niya ang pagnginig ng boses, "why are you here?"

Bahagyang lumambot ang mukha ng lalaki. "What... What happened—" napatayo ang lalaki. "Did something happen?"

"What?" panlalaki ng mga mata niya nang humakbang si Boris para lapitan siya. "No! You stay there—" aatras sana siya pero dumiin lang ang pagkakalapat ng kanyang likuran sa sinasandalang gilid ng cabinet. "Boris!" saway niya sa lalaki nang humawak na ang mga kamay nito ng mahigpit sa kanyang mga braso.

Bahagya itong yumuko para magtapat ang mga mata nila.

Napalunok siya nang lumapit ang mukha ng lalaki sa kanya. His eyes were intently probing within his eyes.

"Does it hurt?" he asked raspily.

Napakislot si Albie nang maramdaman ang maingat na pagsagi ng kamay ni Boris sa gilid ng kanyang hita. Doon na niya nahalata kung saan patungo ang kamay na iyon na lalaki. Tumagilid agad siya at tinabig ang kamay nito.

"What are you doing?" iritable niyang saad at umalis sa pagkakahawak nito.

"I was about to interrogate you about that sick leave, but your eyes look hurt, so I thought—" akma nitong humawak na naman sa braso niya pero tinaboy iyon ni Albie.

"What are you doing here?" kontrolado niya ang pagkapahiya na kahapon pa bumabagabag sa kanya. "Didn't you already leave me yesterday in the hotel?"

"Albie..."

"What?" galit na usig niya rito. "You got what you want from me already!"

Mahina itong tumawa kaya hindi makapaniwalang napaawang ang mga labi ni Albie.

"My god!" he blurted, shaking his head, still in utter disbelief. "You think this is funny?"

Boris tugged a sexy grin. "Yes, I think it is funny. Maybe that's why I feel this good with you, Albie. You're so funny."

Bwisit na ito. Hindi siya dapat tinatalaban ng mga pambobola nito.

Tanggap naman ni Albie na hindi siya seseryosohin ng Boris Molchalin na ito. Pero sana man lang, 'di ba, hindi siya pinagmukhang tanga ng lalaking ito kakahintay rito sa hotel kahapon! Sana man lang, nagpaalam ito. Hindi iyong basta na lang siya iniwan ng lalaki matapos gamitin na para bang bayaran siyang tao.

Nakakainsulto!

"Come here you," kabig nito sa kanya palapit sa mga bisig nito para magapos siya. Mabilis na humawak ang kamay ni Boris sa kanyang baba para patingalain siya. He bent his head to capture his lips.

Saglit na naipit ang mga labi ni Albie sa pagitan ng mga labi ni Boris. Nagkukumawag kasi siya agad sa pagkakagapos ng mala-bakal nitong mga braso. Hindi niya pwedeng hayaan na matangay na naman sa halik nito nang hindi man lang nililinaw sa kanya ang lahat.

"Albie," he grunted. Kita niya ang pagguhit ng iritasyon sa mata nito nang tanggihan niya ang paghalik nito.

"How dare you!" pilit pa rin niyang tulak sa lalaki para maghiwalay ang mga katawan nila. "You made me look like a fool! You left me in that hotel! I waited and waited, Boris! I felt so stupid!"

Tears streamed down his cheeks.

Water glossed Boris' eyes, a gentle smile was on his lips as understanding dawn upon him. Lumuwag na ang mga braso nitong nakayakap sa kanya, ngunit hindi pa rin siya nito pinapakawalan. Hinawakan siya nito sa pangahan para ipirmi ang kanyang ulo. He kissed the top of his head.

Dahil doon natigilan si Albie sa paglalabas ng kanyang sama ng loob.

"Sorry," he murmured soothingly against his hair, "I just had to leave the hotel to buy another pack of condoms."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

"You're just so good, Albie... I want more..." paglalambing pa ng hinayupak.

Oo. Hinayupak ang gusto niyang itawag ngayon sa lalaki. Nagtatalo pa kasi ang puso at isip niya kung sinsero ba si Boris o dinadaan lang sa pambobola.

"And I just got lost... I can't find my way back to the hotel."

Seryoso ba itong mokong na ito o pinaglololoko siya? Nagtataka ang tingin ng bilugang mga mata ni Albie nang tumama iyon sa titig ni Boris sa kanya.

Nakangiti ngayon ito sa kanya. Albie think he was staring at him lovingly, but his mind knew that it was too early for Boris to look at him that way. Malamang ganoon lang ang tingin ng lalaki dahil sa mga narinig nitong hinaing mula sa kanya. Siguro, nasaling niyon ang damdamin ni Boris at na-touch ito sa pagkakaalam na hinintay niya itong balikan siya.

Boris lowly chuckled. Damn, seeing Boris this light was refreshing. Mula sa simula kasi intense na kung makatitig sa kanya ang lalaki. It was a breath of fresh air to see him look like that. Maluwag ang pagkakangiti nito at ktia sa mga mata na parang natutuwa sa kanya.

"What? You don't believe me?" haplos nito sa pisngi niya para punasan ng daliri ang nanulas niyang mga luha.

Yumuko na lang si Albie at dahan-dahang humiwalay sa lalaki. Siya na ang nagtapos sa pag-ayos sa sariling hitsura.

Hindi niya intensyon ang maiyak sa harapan nito. Pero galit na galit lang talaga siya kanina kaya hindi na niya napigilan pa.

"I did not run away from you, Albie," paliwanag na nito. "In fact, I came here to bring you with me and Nikolai to the park and that zoo."

"R-Really?" punas pa rin niya ng mga luha.

Again, Albie felt so stupid. He just felt stupid for overreacting. Hindi man lang sumagi sa isip niya na baka may emergency lang na nangyari. Bukod sa naligaw si Boris, pwede rin naman kasi na may biglaang nangyari kay Nikolai kaya hindi na siya inabala ng lalaki na gisingin pa bago ito umalis.

He felt stupid for looking like a weak little child right now, in front of this strong, strong man.

Mahina lang ang naging pagtawa nito. "You're really so funny, Albie. Why cry those tears for me? I don't deserve these," tulong na nito sa pagpunas ng kanyang mga luha.

"I know," pagak niyang tawa. "It's not like I am in love with you or anything. I just... I just felt stupid being left like that..."

"That's why I am here, okay?" ngiti nito nang tingalain niya. "Now, are you coming with me and Nikolai? I'm just—" napalitan ang gwapo nitong ngiti ng pilyong ngisi, "—concerned about this—" dikit pa nito para maabot ang umbok ng puwitan niya, "—fine sexy ass."

"Boris!" alis niya agad sa kamay ng lalaki at alertong nilingon ang bukas na pinto ng kanyang silid. Sa awa ng Diyos, wala pang napapadaan doon mula nang mag-usap sila ng lalaki.

Tumawa lang ito at sumulyap na rin sa pinto. "I know, we don't want to be seen. I make sure no one will before I touch you—" aabot na naman ito sa puwitan niya kaya umatras na si Albie.

"You're one naughty man!" pigil niya ang ngiti pero tumataas na ang sulok ng kanyang labi.

"And you like me for that, right, little bitch?" ngisi na rin nito.

Letseng Boris ito. Oo. Gustong-gusto, hindi ba halata? Kaloka!

Pa-demure lang na umiwas ng tingin si Albie sa lalaki. "Well... wait for me to get changed."

"Are you sure? You just filed your sick leave."

Tinungo na ni Albie ang cabinet. "I'll just reason that it's false alarm!"

"Are you serious?" kunot-noo ni Boris na pumihit na para sundan siya ng tingin.

"I am resigning anyway, so I think, it doesn't really matter that much to them if I file just one or two leaves, as long as I can do a good turn-over to the new employee."

"But," ekis nito ng mga braso, bumaba ang tingin ni Boris sa kanyang puwitan, "does it still hurt?"

Natigilan si Albie sa pamimili ng susuoting damit.

"It... it's... ano... only painful when I sit in a certain position. If I sit lower... it doesn't hurt."

"Alright, you'll do good. I bet you'll even enjoy so much today that you'll forget the pain."

Nilingon saglit ni Albie ang lalaki. "Where are we going again?"

"To that zoo we skipped visiting yesterday, and that park you really, really liked."

Tumango-tango si Albie at naalalang nabanggit kanina ni Boris ang anak nito. "And Nikolai is coming with us?"

"Yes. You kept on saying yesterday that I should bring him with me to the park, right?"

Masaya siyang ngumiti sa lalaki. "Yup! Yes, I said that!"

At iniwanan na siya ni Boris sa kanyang silid para makapagbihis na siya. Pumili si Albie ng komportableng walking shorts at fitting shirt na kupasing dilaw ang kulay bago nagwisik-wisik ng pabango.

Pagkababa niya sa salas, naroon na ang mag-ama at magkatabing nakaupo. Habang papalapit siya sa mga ito, deretsong nakaupo si Boris sa kawayang sofa at hawak ang tablet. Nakasilip sa tablet ang katabi nitong si Nikolai at may tinuturo-turo sa screen niyon.

Naramdaman agad ni Boris ang presensya niya. Sumulyap lang ito sa kanya bago binalik saglit ang tingin sa tablet at may sinabi kay Nikolai sa wikang Ruso. Umayos na ang bata sa pagkakaupo at tumayo nang makita siya para abangan ang kanyang paglapit.

Binalik ni Boris ang tablet sa maliit na bag ni Nikolai at tinulungan ito na maisukbit iyon.

Nang makalapit na siya sa dalawa, may sinabi si Boris sa bata. Pero narinig niya ang pagbanggit nito sa kanyang pangalan. Siguro, pinapakilala na siya nito.

Nang matapos sa pagsasalita, napunta na sa kanya ang tingin ni Nikolai.

"I remember you," wika nito.

"Ah... Yes... I..."

"You helped me find Papa," sagot na nito para sa kanya.

Albie smiled as sweetly as he could to the child. "Yes, that's me!"

Binalik nito ang tingin kay Boris. Nagsalita na naman sa wikang Ruso. Tumango si Boris, banayad lang ang pagkakaguhit ng ngiti sa mga labi nito. Naunang naglakad palabas ng boarding house si Nikolai.

Nilingon siya ni Boris. "Tara, Albie," wika nito sa mababang tono bago sinundan ang anak.

Sumunod na lang siya sa mga ito.

.

.

***
AN

Good evening everyone! Enjoyin ang pagbasa sa 2-Chapter UD tonight ng "A Man of His Word"! <3 <3 <3

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top