Chapter Thirty-Three
PAGMULAT NI BORIS ng mga mata, napasinghap na lang siya sa gulat. Naramdaman niya na parang limitado ang kilos ng katawan kaya bumaba ang kanyang tingin. He found his wrists bound together by a rope. Ganoon din ang mga hita niya at paa. Ginala niya ang paningin sa paligid. Nasa ilalim siya ng isang puno, nahaharangan ng may kalakihang bato ang kanyang pwesto mula sa tanawin ng dagat. Pero alam niyang hindi siya nalalayo roon dahil dinig ni Boris ang malalakas na hampas ng mga alon.
Malamlam ang liwanag ng flashlight dahil hindi iyon tutok na tutok sa kanya. Nasa bandang paanan niya bumuhos ang ilaw niyon na mabilis na gumalaw nang makaramdam ang may hawak niyon.
Tumutok sa kanya ang ilaw, nasilaw si Boris at napapikit ng mariin. He released a grunt.
Bumaba na ang liwanag ng flashlight, pero mas malapit na sa kanyang pwesto kaya natatamaan kahit papaano ng ilaw ang kanyang mukha. Someone sat beside him, kneeled to check him.
Naaninagan niya kaagad ang mukha nito.
"A-Albie?" he grunted, feeling the pulsing pain on his shot arm.
Napasinghap ito at mabilis na dumistanya.
"Don't move. Don't you dare," at kumislap ang talim ng dala nitong kutsilyo na nasagi ng liwanag ng flashlight na dala nito.
Nanlaki ang mga mata niya, binalik ang tingin sa mga mata nito.
"What are you planning to do with that knife?" he asked in a hushed voice.
"I-I don't know what to do, Boris," kabado nitong saad. "You... I have to know who you really are..."
Nagsalubong ang mga kilay niya. Ano ba ang dahilan ng takot nito? Napalitan na ba ni Albie ang gamit niyang benda? Nadiskubre ba nito na may tama siya ng baril? Ano na ang tumatakbo sa isip nito? Maamo ang mukha ni Albie, ngunit nakalapat doon ang takot at kaba dahil sa presensya niya.
"Then let's talk," he let out a tired sigh. Nangalay din siya sa pagkakaangat ng ulo kaya binalik niya iyon sa pagkakalapat sa buhanginan. "But Albie, please, don't be scared of me..."
"Why shouldn't I? After what happened to your room and to Olivia... I..." nahihirapan ang kausap niya na mag-translate sa English ng mga gusto nitong sabihin.
He cussed internally. Natagpuan na ng mga ito si Olivia. Palagay niya ay sa kanya bumagsak ang suspisyon nila Albie at ng mga staff ng Cool Waves sa nangyaring gulo.
Napaisip tuloy si Boris kung ano ang kinatwiran ni Olivia sa mga ito. She's an agent from GRU, he didn't have to wonder how she could get away with it. Pinag-aalala lang niya na baka siya ang tinuro ng babae na may kasalanan.
Hindi niya ito sana pinoproblema pa kung nakasakay na siya sa helicopter pabalik ng Russia.
"Believe me, Albie... I don't intend any harm... for you... or for anyone here in this resort..."
"Then what?" interrogate pa nito. "I want the truth, Boris."
He coughed. Kung hindi niya sasabihin kay Albie ang totoo, baka iwanan lang siya nito na nakatali ng ganito hanggang sa mamatay sa gutom at uhaw. O 'di kaya, ipadampot sa mga pulis. Nakakabahala rin ang posibilidad na baka mauna pa na matagpuan siya rito ni Olivia. Malamang na maayos na ang lagay ng babaeng iyon, at sinisimulan na ang paghahanap sa kanya.
Lalo siyang naalerto. Baka namanmanan na ni Olivia si Albie, at alam na rin nito na nandito siya.
"If I tell the truth, will you help me?"
Nasa mga mata nito ang pagdadalawang-isip. "Yes," sagot nito.
Nakakatakot na sagot.
Posible kasi na inosenteng pag-oo lang iyon. Pero pwede rin na matalino talaga si Albie at nangako ng ganoon para hindi siya mangiming magkwento kahit na wala naman talagang kasiguraduhan ang kagustuhan nitong tulungan siya.
He was left with no choice. Kinuwento na ni Boris dito ang sitwasyon niya at ni Nikolai, ang banta sa kanilang buhay. Wala namang pinagkaiba kasi kung inosenteng sibilyan si Albie o tauhan man ni Poison— kung inosente ito, wala naman itong masamanag mapaggagamitan ng kanyang ikukwento, kung tauhan man ni Poison, wala itong masyadong mapapala dahil malamang na alam na naman nito ang totoo bago pa niya ikwento rito.
Nang matapos siya, sumalampak na ng upo si Albie sa buhanginan sa kanyang tapat. Napatitig ito sa kawalan, tila napapaisip pa rin.
"If that is the case... why are you flirting with me Boris?"
Hindi niya alam kung sasagutin ba ang tanong na iyon o hindi.
Nasa tinig ni Albie ang pagkabasag ng puso nito. "Is that because you are using me?"
Napalunok siya. May kung anong paghihirap na lumukob sa kalooban niya. Hindi nararapat itong nararamdaman niya. Ilang taon na siyang sidekick ni Sloven Markov, marami na siyang nagawang mga bagay na halang na kaluluwa lang ang may kakayahan, na walang puso lamang ang kanyang magdala ng mga alaala niyon... Paano'ng makakaramdam pa siya ng ganito nang dahil lang kay Albie? Nang dahil lang sa lalaki na naging fling lang niya?
"So that you can go around the resort anytime you like? So that you can make me keep Nikolai while you are out there and..."
"Like what I said...." suko niya, maingat na napapikit. "I just wanted to enjoy and have fun with you. You are not related with my conflicts. I am not using you for escaping my troubles... I just... I just wanted to find relief and forget about it, and you did great, Albie. You made me forget what weighs heavily in my chest even if we only had a short time together."
"My workmates... I sense that some of them are doubting me, Boris," wika nito, hindi makatingin sa kanya habang nakababa na ang kutsilyo na kanina ay hawak nito, "...it's because they saw us together... most of the time together... I am scared, Boris..."
"Why? What happened after you found Olivia?" nag-aalala niyang tanong.
Malalim ang naging paghugot ng buntong-hininga nito. "Olivia is demanding the management to help find her husband and child... you and Nikolai... and if they did not, she might go to the... to the local police."
"Shit," he hissed.
"And even if I know the truth now... I cannot tell it to Roger, and the admin," naiiyak na ito. "Because... Because... they will just doubt me and they might think... they might think I am..."
"Albie..." his voice was raw with torture, emotional torture at the sound of Albie's frightened voice. "Come to me."
Nahuli niya ang pag-iling nito nang itutok ang mga mata sa lalaki. Nasa malayo ang tingin ni Albie, nagpupumilit maghanap sa isip nito ng solusyon sa dinadalang problema. Alam ni Boris na natatakot ito at hindi malaman kung paano kakaharapin ang mga katrabaho nang hindi kinukwestiyon kung wala ba talaga itong alam sa tunay na nangyari kay Olivia. Dahil madalas silang makita na magkasama, natural na kukulitin ito ng mga kasamahang staff.
Sa reyalisasyong iyon, lihim din na natuwa si Boris na naiwan siya sa Pilipinas. Hangga't nandito pa siya, matutulungan niya si Albie na harapin ang gulo na sila naman ni Olivia ang may kagagawan. All he needed now was to regain his strength first. Hindi siya pwedeng humarap kay Olivia nang ganito ang kalagayan. Babae ito, pero hindi dapat na ina-underestimate, lalo na at medyo nahirapan din siya nung huli nilang combat.
"Albie," he begged.
Lumingon ang namamasa nitong mga mata sa kanya. He could not help feeling the fear that was making him shake.
"Put your arms around me," he murmured. "If you need to, to make you feel better..."
Naluluhang umiling ito.
"Albie," nagsusumamo ang mga mata niya.
"I don't know if I should believe your story," nginig ng boses nito.
"Have I hurt you? Have I ever harmed you, Albie?"
Napayuko na lang ito habang yakap na ang nakataas na mga binti. Alam niyang mahihirapan siya, pero sinikap ni Boris na ibangon ang sarili, na mapaupo ang sarili. He crunched to pull himself up in a sitting position. Napadaing siya dahil sa sugatang braso. Tumama ang matiim niyang titig sa natatakot na lalaki.
"Albie," he spoke lowly, "come here... damn, if you didn't tie me up, I'll be already embracing you."
"I don't want it, Boris," nahihirapang titig nito sa mga mata niya. "Don't play with my feelings so that you can use me to make it easy for you to run away from those people chasing you!"
He felt sad because that was somehow true. May pagkakataon na ginamit lang niya si Albie para mapadali ang pagtunton niya kay Poison at palihim na pinag-aralan kung ano ang totoong intensyon ni Olivia sa kanilang mag-ama.
"I will help you, Albie. I can make people believe that you are not involved with this. That you are not my accomplice. Just help me out."
Nag-angat muli ito ng tingin sa kanya. Namintana ang pag-asa sa mga iyon.
"Really?"
He nodded. "Yes. Albie. Please, believe me."
Umusog siya para makalapit dito. Lumuhod para mas mabilis na maidikit ang sarili. Sinandig lang niya ang dibdib sa lalaki dahil nakatali ang mga kamay niya at hindi ito malayang mayayakap.
"Albie..." he breathed. Dinikit niya ang pisngi sa gilid ng ulo nito. "Believe me, I do not intend to hurt anyone. I just want to get away from this man who threatened to kill me and my comrades. I won't be here if not for my concern for Nikolai."
Pigil ni Albie ang mapaluha. Hinayaan lang nito ang pagkakayakap ni Boris dito sa ganoong posisyon.
"Tell me everything that Olivia told the admin, her version of the story. And once I get well, I'll show up. Trust me, she's not going to let the police know about this."
"Why not?"
"I'm sure as hell that as a GRU agent, or a kriminal, she would not want to involve your country's police force into this dilemma."
Sigurado si Boris doon. Hindi hahayaan ni Olivia na may ma-involve na ibang mga tao o organisasyon sa problema nila. Magiging mas kumplikado lang ang lahat. Tiyak niyang hahanap ang babae ng paraan para mahanap siya nang hindi nasasagap ng radar ng Philippine government o ng mga ahensya nito.
"How can I help you?" sa wakas ay pakiki-cooperate na sa kanya ni Albie.
Lumayo siya para paluhod na umupo. Sinalo niya ang mga mata nito.
"I'll tell you later, for now, go ahead and kiss me, Albie."
His eyes widened, cuteness spilled all over his surprised face. Napaawang ang mga labi nito bago naka-recover at pinaningkitan siya ng mga mata.
"What for?"
"Isn't this the least that I can do for getting you into this trouble? For hurting your feelings? To let you kiss me, and let this kiss make you feel better?"
"Are you crazy?"
Tumaas lang ang sulok ng labi niya.
"Paaasahin mo lang akong lalaki ka!" Albie blurted. "You'll just make me hope and hope—"
Nag-amba siyang hahalik dito kaya biglang natahimik si Albie. Naglapit lang ang mga mukha nila.
"I'll kiss you now," titig niya sa mga mata nito.
Walang nanulas na salita mula sa mga labi nito, ni protesta mula sa walang kagalaw-galaw nitong katawan ay wala. Umusad na siya at diniskartehan ang pagsakop ng kanyang halik sa mga labi nito. Banayad ang kanyang naging pagkilos. Maingat na humalik sa mga labi ni Albie at nag-uusig na tugunin siya nito.
He felt Albie's cool breath as his lips parted and slowly felt his lips. Narinig niya ang tunog ng kanilang mabagal na paghahalikan. Tinulak pa niya ang ulo para idiin ang mga labi rito.
Oh, his scared, Albie. Boris washoping this kiss would alleviate that fear.
.
.
.
***
AN
Welcome sa bagong chapters ng A Man of His Word! <3 <3 <3 Enjoy sa pagbasa, everyone ;* ;* <3 <3
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top