Chapter Thirty-One

ABALA SI MARIEL sa telepono at hinihintay na masagot ng receptionist ang tawag nito. Nag-aalangan naman na lumuhod si Albie malapit sa uluhan ng babaeng nakahiga sa sahig. Maingat na hinawi niya ang buhok nito at nagulat nang mamukhaan si Olivia.

Lalo siyang nanghilakbot, mas higit pa dahil sa kalunos-lunos nitong sitwasyon.

He could hear her muffled voice. Mukhang nakikiusap ito na pakawalan niya.

Medyo nagpa-panic man, hindi kumilos agad si Albie. Pinag-aralan niya ang scenario at inisip kung magkakaroon ba ng implikasyon para sa kanya kapag kinalagan ito. Tinanggal na lang muna ni Albie ang busal nito sa bibig.

Nahigit ni Olivia ang paghinga bago naghabol. Nag-angat ng tingin ang dalaga sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkahapo at ang ilang galos.

"Albie," ubo nito.

"W-What... What happened, Ma'am Olivia?" pag-aalala ang nasa kanyang mga boses.

The woman seemed cautious. Sinikap nitong igala sa paligid ang paningin.

"Please, release me from this—" tukoy nito sa pagkakatali. "I... I have to go and find Boris and Nikolai. I am sure that they need my help right now."

Binundol ng kaba ang kanyang dibdib.

Ano'ng klase ba ng mga tao itong nakasalamuha niya? Gaano kagulo ba talaga ang buhay nila Boris, Nikolai at Olivia?

At dapat ba na nakikialam pa siya sa mga ito?

"Let me... Let me help you first," alalay niya kay Olivia para maitayo ito bago mapaupo sa gilid ng frame ng kama. Wala na roon ang mga kutson kaya naman ang frame na lang ang natira.

Inayos ni Albie ang buhok nito, si Mariel naman ay napatingin sa kanilang dalawa. Saglit itong lumayo sa telepono dahil napamaang sa kanila. Masasalamin sa mukha ng dalaga ang kuryosidad kung ano ang pinag-uusapan nila.

"You have to untie me now, Albie. I'm running out of time," mababa man ang tono, may diin naman sa pakiusap ni Olivia.

Napalingon si Albie kay Mariel kaya naputol ang pagkakatitig ng dalaga sa kanila. Dinikit muli nito sa tainga ang telepono na nasagot na pala ng receptionist. Kinausap na nito ang nasa kabilang linya kaya binalik ni Albie ang atensyon kay Olivia.

"Ma'am Olivia, does anything hurt?"

"Nope, but if you won't release me, for sure, Boris and Nikolai will be hurt," halos bulong ng babae sa kanya.

"What do you mean?"

Sarkastikong tumaas ang sulok ng labi nito. "None of your business. Just untie me now."

"But, Ma'am, we will need an explanation what happened to this place. I mean..." nag-aalalang sinaglit ng kanyang mga mata ang hitsura ng hotel room, "look at this, Ma'am."

Siyang paalam ni Mariel sa telepono bago sumulpot sa pinto si Jelly kasama ang ilan sa mga lalaking staff at isang gwardya ng hotel. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Olivia na para bang wala itong oras para makipagkwentuhan pa sa mga bagong dating.

"Good morning, Ma'am," bati kay Olivia ng gwardiya.

"Does it look good, Sir?" marahas nitong saad. "Isn't your customer's welfare more important than the assurance that you can interrogate me about what happened here?" At sumimple ito ng matalim na irap kay Albie. "My damn wrists are pulsing with pain, fuck it."

Napatingin kay Albie ang mga ito.

"S-Sorry..." pwesto ni Albie sa likuran ni Olivia para tanggalin ang mahigpit na pagkakatali ng kumot na ginawang lubid sa buong katawan nito.

Habang niluluwagan niya ang pagkakatali niyon, sinimulan na ng guard na tanungin si Olivia kung ano ang nangyari sa hotel room at bakit nagulo at nasira ang mga gamit. Kapag napatunayan kasi na kagagawan ng customer iyon, magbibigay ito ng karagdagang bayad para sa dinulot na pinsala roon.

"I really hope I can give an accurate answer to your question," kampante at may ere ng pagyayabang sa sagot ng babae. "But as you can see, I'm tied up and gagged earlier, so how am I supposed to know what exactly happened? How the whole room got into this mess?"

"But you are staying here with two more guests, right? A man and his child," ani Jelly na mukhang namumukhaan at naaalala pa si Olivia kaya tinanong iyon.

"The more that I am pissed that you're taking too long to untie me from this!" parinig sa kanya ni Olivia dahil bumagal ang kilos ni Albie. Napunta ang buong focus kasi niya sa pinag-uusapan ng mga ito. Dahil doon, naging mas masigasig na siya sa pagkalas sa pagkakatali sa dalaga.

"Is this how we foreigners get treated in here? Robbed at and attacked wherever we're staying at? What kind of service is this? Isn't this place highly secured that people can just enter our room and beat us up?" galit na patuloy ni Olivia.

Napalingon si Albie sa mga kasamahan. Kita niya na nagsimula nang mag-alala ang mga ito. Natural na nga yata sa kanilang mga Pilipino ang maging conscious pagdating sa klase ng serbisyo na binibigay nila sa mga banyaga. In three, two, one, Albie knew that they would start—

"Naku, Ma'am, we apologize for that," pangunguna ni Jelly, sinsero ang concern sa mukha. "We don't really have any idea yet... what happened... who got in here..."

Nahirapan si Albie na matanggal ang tali kaya tinulungan na siya ni Michael, isa sa mga lalaking staff, at Mariel.

"Then you should start investigating!" pagtataas ng boses nito. "What are you standing here for? Check the CCTV cameras! Check everything!"

Tinanguan ni Jelly sila Michael kaya umalis ang dalawang lalaki para mag-request na ma-check ang CCTV camera recording.

"We really do apologize for this inconvenience, Ma'am," halos tumiklop na si Jelly nang ibalik ang atensyon sa babae.

Mataray na umiwas ng tingin si Olivia rito dahil tuluyan na nilang natanggal ang pagkakatali ng babae. Tumayo agad ito, medyo gumewang pa dahil yata sa natamong bugbog sa katawan.

Napatitig lang si Albie rito.

Dumere-deretso si Olivia sa cabinet nito at dinampot ang bag ng mga damit. Sinalansan din nito ang ilang mga naka-hanger at nilagay sa bag nito na nag-iisang nasa cabinet bago iyon iniwanan ng bukas at hinarap sila.

"Somebody please, go around and look for my husband and child," anito. "I'm so sick worried about those two!"

"We'll accompany you, Ma'am," buntot ng gwardiya at ni Jelly rito.

Huminto si Olivia sa paglalakad at nilingon ang dalawa. Masama ang tingin ng babae sa mga ito.

"Can't you see what I have been through? Can't I get just a fucking break from all of you?" iritado nitong sambit.

"Sorry, Ma'am," atras agad ni Jelly. "But we are hoping that you'll drop by our office today, so that you can assist us in solving this little problem. And also so that we can update you about your missing... husband and... son."

"Search them immediately," ayos nito sa pagkakabitbit sa bag na may lamang mga damit bago mabibigat ang mga hakbang na nilisan ang silid.

Nag-usap na sila Jelly at ang gwardiya kung ano ang gagawin, kung anong paliwanag ang ibibigay sa admin ng resort. Pagkatapos, nilingon sila ng gwardiya.

"Albie, Mariel," anito, "huwag niyo munang gagalawin ang mga gamit dito. Sa ibang kwarto muna kayo maglinis."

"Sige po," sagot na ni Mariel para sa kanila.

Naunang umalis ang dalawa. Hindi man nagsabi si Jelly, nagpresenta na yata ang dalaga na magpaliwanag para sa panig nilang mga staff na wala silang ideya kung ano ang nangyari sa silid nila Boris.

May naisip bigla si Albie kaya naman sinenyasan nito si Mariel na hintayin siya. Hinabol niya sa hallway si Jelly at sinolo muna saglit. Nakaabang naman sa may kalayuan ang gwardiya, nakatanaw sa kanila.

"Jelly," titig niya sa mga mata nito, "ano ang ibibigay mo na explanation sa admin?"

"Na hindi natin kasalanan anuman ang nangyari sa kwarto nila, Albie. Na hindi tayo nagpabaya sa trabaho. Gayundin si Mang Roger," tukoy nito sa nakamasid sa kanilang gwardiya ngayon.

"Paano?"

"Hindi mo ba gets?" lapit nito ng mukha sa kanya. "May masama akong kutob sa mga Russian na iyan. Hindi ba, nakituloy sa atin sila Boris kagabi? Ibig sabihin, alam na niyang may mangyayaring ganyan sa hotel room nila." At naningkit ang mga mata nito. "Baka nga siya pa ang may kagagawan niyan."

Napayuko na lang si Albie. May katwiran ang kaibigan, at hindi naman tama na pagtakpan niya s Boris dahil kawawa naman sila Mang Roger na maayos na ginawa ang trabaho na pagbabantay at pages-secure sa hotel.

Malungkot na titig ang binalik niya kay Jelly.

"Natatakot lang ako na baka madamay ako rito," aniya. "Kailangan ko rin yung last pay ko para makapagsimula ng panibago pag-uwi ko sa Manila, Jelly. Promise, wala akong ideya sa mga nangyari, Jelly," pigil niya ang maluha. "At wala ring sinasabi sa akin si Boris, Jelly, promise."

Relief swept over his friend's face. Tinapik-tapik siya nito sa balikat.

"Ano ka ba? Kilala kita, Albie. Alam ko na imposibleng may kinalaman ka rito. Malungkot lang na naiisip ko na ginamit ka lang ng Boris na iyon para makapanggulo ng ganito."

Hindi na siya nakasagot pa.

"Magiging okay din ang lahat," assurance ni Jelly sa kanya bago ito umatras para samahan sa admin si Roger.

Tinanaw ni Albie ang dalawa habang pabalik-balik sa kanyang isip ang huling mga sinabi ni Jelly.

Ginamit ka lang ng Boris na iyon...

.

.

***
AN

Hello, everyone! Thank you for patiently waiting for my updates for Boris' story! <3 <3 <3 Kaka-complete ko lang last week ng The Gentleman's Secret kaya ngayon naman, dito ako sa A Man of His Word magfo-focus! <3

I might not write as many chapters per day like I used to, pero sisikapin ko na araw-arawin ang UD sa story na ito (one to two chapters a day???). Looking forward na makasama ko kayo hanggang sa huling chapter ng story na ito at ma-enjoy niyo rin ang first ever BxB novel ko ;)

So, here's today's updates! Enjoy reading! <3 <3 <3 ;*

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top