Chapter Thirty-Four
MALAPIT NA ANG CURFEW kaya naman bumalik na sa beach proper si Albie. Habang naglalakad, gumugulo pa rin sa isip niya ang sitwasyon ngayon kasama si Boris.
Napasinghap siya nang matanaw si Olivia na mukhang nanggaling sa boarding house. Masasalubong na niya kasi ang babae na tila nagmula sa direksyon patungo roon.
Binagalan ni Albie ang paglalakad hanggang sa mapahinto nang magkatapat na sila ng babae.
Nakasuot ito ng simpleng sundress, may hawak na smartphone at binigyan siya ng babae ng nakaka-intimidate at mapanuring tingin.
Despite the bruises and scratches on her face, Olivia still looked gorgeous. Maayos ang pagkaka-low ponytail ng buhok nito at walang masyadong make-up ang mukha.
"I'm glad we still met. I visited you in your boarding house, but you're not there," bungad nito.
"I just... I just walked to get fresh air," aniya.
Medyo napapagod na si Albie kaka-English sa mga ito sa totoo lang. Malapit nang masaid ang brain cells niya kakahagilap ng angkop na salita para ma-translate sa mga ito ang nais niyang ipahiwatig kapag kinakausap nito o ni Boris.
"Did that help you breathe, Albie?" makahulugan nitong tanong sa kanya.
"Y-Yeah," aniya. "Thank you—" lalagpasan na sana niya ang babae pero hinablot siya nito sa braso. Napalingon si Albie rito.
Nasa harapan lang ang tingin ni Olivia, pero kinausap siya nito habang nasa ganoong posisyon.
"If you have an idea where Boris is, you better tell me now."
Pinagbabantaan ba siya nito? Iyon kasi ang nagpapabigat sa tono ng babae.
Olivia gave him a sidelong glance. "Once I find out that you're hiding Boris, I will involve you with this, Albie. You'll regret messing with us."
Gusto niyang sigawan ito sa mukha. Sabihin na nananahimik siya rito at dumating ang dalawang ito para lang guluhin ang buhay niya...
Ang puso niya...
Bakit ba ganoon ang mga tao? Masaya ka at nananahimik, bigla-biglang darating para gambalahin ka? Para idamay ka sa kung anumang pinoroblema nila?
Ni hindi pa nga buo ang pasya niya kung tutulungan si Boris. Kaninong kwento ba ang dapat niyang paniwalaan? Wala siyang makitang butas sa dahilan ng mga ito, sa hinabla ng mga ito na kwento...
Tinabig na niya ang pagkakahawak ni Olivia sa kanyang braso. The woman sarcastically smirked and let Albie leave.
.
.
MAINGAY ANG PAGTAKATAK NG ELISI NG HELICOPTER. Hindi ito nanaog kasi mas lalo lang itong gagawa ng ingay na mag-aalarma sa mga tao sa resort. Nanatili ang helicopter sa ere habang tinatali niya sa dulo ng rope ladder niyon ang mga bag nila ni Nikolai.
Nang matapos, nag-angat siya ng tingin sa anak.
"Anak, ikaw ang maunang umakyat."
Tumango ang bata at inalalayan niya ito sa pag-akyat sa unang baitang ng rope ladder.
"Anuman ang mangyari, huwag na huwag kang bibitaw o bababa, maliwanag?" dagdag niya bago umakyat si Nikolai. Nilingon siya nito at tinitigan sa mga mata. Naroon ang tiwala ng anak para sa kanya at kagustuhang sundin ang bawat instruksyon niya. Pero hindi maikakaila na may kaunting takot na namimintana sa mga mata nito.
"Oo, Papa," bahagyang pag-nguso ng cute na bata, pero may pagdududa sa mga mata.
"Anak," he cupped Nikolai's face, "anuman ang mangyari, magkakasama tayo, okay?"
Tumango-tango ito. At pinaakyat na niya si Nikolai sa lubid na hagdan. He stepped back a bit to view the helicopter hovering on their spot. Sa takot na baka mahirapan ito sa pag-akyat, nakiusap siya kay Boris kanina na hagisan ng pinadala niyang harness. Ito ngayon ang nakatali sa mga hita at bewang ni Nikolai at konektado sa lubid na naka-secure sa loob ng helicopter.
Pinanood niya ang pag-akyat ng anak bago lumingon sa may kalayuan. Then he put the phone back in his ear.
"Boris," halos mapugto ang kanyang hininga habang palipat-lipat ang tingin sa umaakyat na si Nikolai at sa resort. "Ilayo mo na ang helicopter."
Nakaakyat na ba kayo? Tanong nito.
"Si Nikolai... paakyat na. Huwag kang mag-alala. Anak ko siya. Matatag ang loob niya."
Boris, ano ba'ng pinagsasasabi mo? dinig niya ang pagkalito sa tinig nito.
Siya naman ay nagapi ng pagdadalawang-isip. Sa loob ng maraming taon, ngayon lang niya iiwanan ang anak. Sa loob ng maraming taon, ngayon lang siya malalayo rito nang walang kasiguraduhan kung magkikita pa ba sila... Kung mayayakap pa ba niya ito muli... Kung mananatili pa ba siyang buhay para panoorin ang paglaki nito...
Tinatagan ni Boris ang loob. Nangako siya sa anak na magkakasamang muli. Hindi siya nagbibitaw ng salita na hindi niya kayang panindigan.
Tutuparin niya iyon.
Nanumbalik na sa wakas ang determinasyon sa abuhin niyang mga mata.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanya," malungkot niyang saad bago binato sa dagat ang kanyang cellphone.
Mas mainam na iyon, dahil kung makukuha iyon ni Poison, baka gamitin pa iyon ng mga ito para ma-track si Bruno at Sloven.
Siyang lingon ni Nikolai para tingnan kung nakaakyat na siya. Humigpit ang mga kamay ng bata sa lubid at nahuli ang pagtakbo niya palayo.
"Papa!" tawag nito na pumiga sa kanyang puso.
Makakaya ba niyang huwag lingunin ang anak?
Nilingon niya ito kahit na nahihirapan pa siyang imulat ang mga mata dahil sa lakas ng hangin na gumugulo rin sa kanyang buhok.
"Papa!" may halong pag-iyak sa tinig nito na lalong dumurog sa kanya.
Huwag mo sanang isipin na pinabayaan kita, anak, naluluhang tanaw ni Boris dito bago tumakbo pakanan.
At tulad ng kanyang inaasahan, siyang labas ng isang lalaking naka-hood mula sa pinagtataguan nitong likod ng puno. Noong tinatali pa niya ang mga bag sa dulo ng rope ladder, nahagip nan g peripheral vision niya kanina ang pagsilip nito mula sa likuran ng puno. Plano nito na sumabit sa ladder kapag nasa kalagitnaan na ng pag-akyat ang mag-ama, para wala na silang kawala o takas. Na-analyze agad ni Boris ang posibilidad na iyon, kaya naman inunahan na niya ito.
Iyon nga lang, kailangan niyang mag-sakripisyo.
Tumakbo siya ng tumakbo at huminto rin ang lalaking naka-hood para barilin siya.
Tumama iyon sa braso ni Boris. Kaya niyang indahin ang hapdi, pero pinasya niyang ibagsak ang katawan sa buhangin.
Magpatay-patayan.
Lingid sa kanya ang takot na pagyakap ni Nikolai sa lubid habang papalayo na ang helicopter at tinatanaw nito ang ama. Namukal ang mga luha mula sa mga mata nito pababa sa pisngi.
"Papa!" pag-nginig ng mga labi nito.
Nai-set na ni Bruno sa auto-pilot ang helicopter. Kinabahan ito sa mga pinagsasasabi niya sa telepono kaya mabilis na tumanaw mula sa pinto at nakita na si Nikolai lang ang nag-iisang naroon.
Napapalatak ito ng mura habang hinihila ang tali ng harness ng bata para maiakyat ito kaagad. Hindi rin nakaligtas sa paningin nito ang nakabulagta na katawan ni Boris sa buhanginan, gayundin ang naka-itim na hoodie na lalaki na palapit sa kanya. Napatiim-bagang ito pero alerto at mas pinairal ang talas ng isip. Inasikaso nito kaagad si Nikolai na humihikbi na nang maikayat nito.
Niyakap ni Bruno ang bata at hinawi ang buhok para ayusin bago ito inalalayan para makaupo sa tabi nito sa pilot seat. Bruno secured the child's seatbelt before taking his own seat.
Nanatiling nakahiga si Boris sa buhanginan. Sinadya niya na medyo patagilid ang pagkakaposisyon para strategically na matakpan ng isa niyang braso ang mukha. Kailangan niyang indahin ang namimintig na pagsakit ng brasong tumamo ng tama ng baril. Bahagyang nakabukas ang mga mata niya para matanaw kung nakalapit na ang bumaril sa kanya. Kailangan dahil baka natatakpan ng ingay ng helicopter ang tunog ng mga hakbang nito.
Nang makalapit ito, mabilis na bumangon si Boris. Winasiwas niya ang maayos na braso para matabig ang baril nang angatin iyon ng lalaki. Naitsa iyon sa buhanginan kaya sinugod niya agad ito ng tadyak sa dibdib.
Tumumba ang lalaki. Patahiya ang bagsak kaya nang mag-angat ng ulo, bumagsak ang suot nitong hood.
Pamilyar ang mukha ng lalaki kay Boris kaya napakunot siya ng noo.
Siyang pagsundot ng sakit ng bala na bumaon sa kanyang braso.
Akmang babangon na ang lalaki para labanan siya nang sipain niya ito sa gilid ng ulo. Malaking tao siya, pero mukhang pinalakas ng baril ang loob ng hayop na tapatan siya. Akala yata nito, mabilis nitong maaabot ang nabitawang baril na malayo-layo ang kinabagsakan nung maitsa iyon.
Bumalik ito sa pagkakahiga. Tinitigan niya saglit ang lalaki. Hindi na ito kumilos pa o dumilat.
Pero kita niya ang pag hinga nito. Nag-angat siya ng tingin. Siyang sulpot ng inosenteng mga security na naguguluhang napatingin sa helicopter sa may kalayuan.
Malayo-layo na iyon at nakikita niyang wala na sa lubid si Nikolai.
Anak... Ngayon pa lang ay puno na ng pangungulila ang puso niya para rito. Lumukot agad ang mukha ni Boris.
Ang sakit-sakit na ng tama ng baril sa kanyang braso. Kailangan niyang makaalis bago pa mapunta sa kanya ang paningin ng mga gwardiya.
He gripped his bleeding arm and ran away.
Nagmulat ng mga mata si Boris. Dama niya ang panginginig ng katawan sa lamig at panginginig ng sariling mga labi. Hindi niya tuloy malaman kung naghahalusinasyon ba siya o nakatulog lang at napanaginipan ang mga nangyari nung nagtangka silang umalis ni Nikolai.
Naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng kamay sa kanyang noo. Pagkalito na ang humalili sa nararamdaman niyang panlalamig.
Alam niya kasi na mag-isa lang siya sa tagong bahagi na ito ng beach. Imposibleng si Albie ang kasama niya ngayon dahil umalis ito nang hindi sinasabi ang pasya kung tutulungan ba siya o ano. Tinulungan lang siya nitong uminom at kumain kanina bago siya iniwanan.
Doble. Dumoble ang lungkot sa kanyang dibdib.
Kaya siguro heto at parang nakikiayon ang kanyang katawan. Unti-unti na itong nagpapagapi sa iniindang sakit dahil sa tama ng bala.
Matatalo na yata siya dahil sa paghahalusinasyon.
His eyes blinked. Once. Twice. Hindi na niya mabilang...
.
.
"THANK YOU," bulong ni Boris habang panay naman ang linga ni Albie sa paligid.
Alanganing oras na— alas-tres ng madaling araw pero ito lang ang makakapagbigay ng magandang timing kay Albie para matulungan si Boris na makaalis ng resort kaya naman kahit naglalaban ang antok at kagustuhang manatiling gising, heto siya at hawak ang lalaki sa maayos nitong braso.
Dapat nga ay kanina pa sila nakaalis, kung hindi lang parang kinokombulsyon si Boris kanina. Mabuti na lang at naisipan niyang dalhan ng gamot at tubig ang lalaki maliban sa jacket na pinatong niya sa katawan nito ngayon. Nakatulong ang painkiller sa binata pero hindi niyon naibsan ang tila pagkakaroon nito ng lagnat. Hindi masusuot iyon ng lalaki dahil sa nakatali nitong mga kamay.
Rinig niya ang tila pagnipis ng hininga ng lalaki. Nilihim niya ang pag-aalala.
"But," patuloy nito, "I hope you can untie me now."
"Diyos ko," sulyap niya sa nakatali pa nitong mga kamay. Tanging ang tali sa mga binti at paa ng lalaki ang tinanggal niya. Hindi pa lubos ang tiwala niya rito. At the same time, kung sakaling magku-krus ang landas nito at ni Olivia, ayaw ni Albie na sa resort iyon mangyari. Ayaw niyang sa resort na naman maglaban ang dalawang ito.
Tiyak na mas malaki rin ang tsansa na madamay siya kung doon magkikita ang mga ito.
"Not yet," iyon na lang ang nasagot niya sa lalaki.
"People will be suspicious if they see me tied."
Natigilan si Albie. May punto ang lalaki. Pero alas-tres naman ngayon ng madaling araw, ibig sabihin, walang masyadong tao.
Pero kakailanganin nilang mag-commute para makarating sa malayo-layong hotel mula sa resort. Iyon ang kagustuhan ni Boris para raw hindi ito matunton agad ni Olivia at magkaroon ng oras para magpagaling.
Nag-angat siya ng tingin dito. A jacket draped over Boris' shoulder to cover his naked top body. Maingat na tinaas niya ang forearms nito. Lumapat ang mga iyon sa matigas nitong dibdib. Bahagyang napangiwi si Boris.
Pagkatapos, maingat na inayos ni Albie ang pagkakatakip ng jacket sa katawan nito.
Boris let out a shudder. Wala sa loob na nilapat niya ang kamay sa leeg ng lalaki.
Mainit pa rin ang temperatura nito, dahil yata sa hindi pa natatanggal ang bala sa braso nito.
Ayaw niyang makaramdam ng awa, pero huli na. Nilukob na siya niyon. Mabuti at maagap na napagtakpan iyon ni Albie. Hinawakan niya ang binata sa bandang ibaba ng likuran para usigin na ituloy na ang paglakad. Dumadaan sila ngayon sa ilalim ng mga puno, tumatakbo kapag walang lilim na magkukubli sa kanila habang tinatahak ang buhanginan, hanggang sa marating ang boarding house. Sa likuran ng boarding house, may alam siyang daan palabas ng resort.
Bago pa sila tuluyang nakalagpas ay may humarang na sa kanila. Nakatalikod ang bulto na naka-hood mula sa pinagmumulan ng liwanag kaya naman hirap silang maaninagan ang mukha nito.
Nagtaas ito ng baril, tinutok iyonsa kanila.
.
.
.
***
AN
Whew~ !!! Nairaos din hahaha XD ayaw kasi mag-publish nung updates nung una eh hahaha XD I hope naenjoy niyo ang updates today ;)
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top