Chapter Thirty-Five

NAPAYAKAP SI ALBIE sa braso ni Boris.

"What do we do now?" bulong niya rito. Nakatayo sila ng lalaki, walang kagalaw-galaw na nakaabang ang mga mata sa ikikilos ng hindi mamukhaang bulto. Nakatutok pa rin ang baril nito sa kanila.

Tiningala ni Albie ang lalaki. "Boris!"

"I can't do anything if I am tied up," walang lingon na pabulong nitong sagot sa kanya.

Lalo siya nag-alala. Boris didn't look good. His breathing was sharp and labored. Nananaig na yata ang lagnat na nararamdaman nito. Hindi niya rin ito makakalagan ngayon. Tiyak na maaalerto ang kalaban kapag nakita iyon.

Nilingon niya ulit ang naka-hood na lalaki. Palapit na ito sa kanila. Bahagyang tumatama sa mukha niya ang liwanag ng light post ilang mga hakbang ang layo mula sa boarding house.

Nagtanggal ito ng hood.

Natigagal siya sa nakita.

"Joey!" singhap niya.

"Albie," titig nito sabay tutok ng baril sa kanya. "Kung ako sa iyo, ipapaubaya mo na sa akin ang lalaking iyan."

Nanghilakbot siya sa pagbabanta na nasa boses nito.

"P-Paano'ng…" Naguguluhan siya. Kailangan niyang makapag-isip ng tuwid, para magkaroon na ng sense ang mga sasabihin. "Joey, bakit may baril ka?"

Sinantabi nito ang tanong niya. "Mamili ka, Albie. Iiwanan mo sa akin ang Russian na iyan, aalis ka at walang makakaalam sa pagtulong mo sa kanya o," adjust nito ng pagkakaangat ng baril, "talagang walang makakaalam kapag nagtangka kang itakas siya at nabaril kita sa bungo mo."

Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.

"Bakit mo ito ginagawa, Joey? Hindi ka ganyan…"

"Trabaho lang, Albie," ngisi nito. "Maaga akong uuwi ng probinsya ngayon eh."

Naalala niya tuloy noong nagbibiruan sila ni Jelly sa salas nung napadaan si Joey. Binilinan ito ni Jelly tungkol sa hapunan bago nagtuloy-tuloy sa hagdan paakyat sa mga kwarto sukbit ang bag nito at bitbit ang mga pinamili.

Ang dami namang pinamili ni Joey, lingon niya kay Jelly. Hindi ba sa katapusan pa ang uwi niya doon sa pamilya niya?

Binanggit iyon ni Albie dahil sa dami ng pinamili ni Joey, imposible na pampasalubong iyon para sa pamilya nito.

He should have taken that as a sign.

"Kailangan ko lang ng karagdagang pera. Nasa ospital ang nanay, masama ang lagay niya. naiintindihan mo naman siguro ako, 'di ba? Ikaw nga, uuwi sa inyo para alagaan ang tatay mo."

"Pero," napuno siya ng panlalambot, "ano ang gagawin mo kay Boris? Maraming paraan--"

"Shut up," anas nito. "Wala ka sa lagay ko."

Nagdadalawang-isip si Albie. Alam niya na ang pinaka-praktikal na paraan ay iwanan na lang ang dalawa. Kung hindi na siya makikialam sa kung anumang isyu ng mga ito, mananatili pa siyang buhay at makakauwi sa tatay niya.

"You think he will really set you free?" yuko ni Boris para makasimple ng bulong na maririnig niya. "For sure, he won't let any witness of his crime stay alive."

Napalunok siya. May punto rin ang lalaki…

Pero teka, naintindihan ba nito ang pinag-uusapan nila ni Joey kanina para magsalita ng ganoon?

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Nasa mga mata na niya ang pamamasa dala ng takot. Paanong naipit siya sa ganitong sitwasyon? Just for a one-time to feel admired and loved… heto at nanganganib ang kanyang buhay.

"Albie," impatience was in Joey's voice.

Napalunok siya.

"Ibibigay ko siya sa iyo," matatag na pasya ni Albie kaya gulat na napalingon si Boris sa kanya. "Pero pwede ko bang malaman kung bakit gusto mo siyang makuha? Ano ang gagawin mo sa kanya?"

Sarkastikong tumaas ang sulok ng labi nito.

"Kasabwat mo ba si Olivia?" Albie blurted out.

"Albie," saway ni Boris. His fever was making his teeth chatter.

"Wala ka na roon. Intindihin mo ang sarili mong buhay, Albie," anas nito. "Ilapit mo na sa akin ang lalaking iyan."

Napatitig siya saglit dito. Nakapagpasya si Albie na papanig kung kanino siya mas may advantage. Bahala na. He signed up for this the day he involved himself with Boris. The moment he helped him leave the resort.

"Boris," alalay niya sa braso nito, "let's go."

Hindi niya ito nilingon kaya hindi nakita ni Albie ang pagtutol sa mga mata ng lalaki. Maingat na inalalayan niya si Boris palapit kay Joey.

Unti-unting binaba ni Joey ang hawak na baril para tumiyempo ng abot kay Boris nang magkaharap na sila. Mabilis na hinablot ni Albie ang baril nito.

"Albie!" lingon ni Boris sa kanila.

Nakataas ang mga kamay nila ni Joey, nag-aagawan sa baril. Boris' eyes narrowed. He immediately stepped back.

Siyang baba ng mga kamay niya. Tumutok ang baril sa gilid, sa lupa, patuloy ang pagbubuno nila hanggang sa bumitaw ang isang kamay ni Joey. nakaamba na itong sumapok sa gilid ng ulo niya. But Boris made a sprint. He winced and lifted his leg, swung a kick at the hands.

Tumilapon ang baril.

"Get the gun!" utos ng lalaki sabay takbo para banggain si Joey. Bumagsak ang mga ito sa masukal na lupa. Nilalabanan ni Joey ang pang-dadagan ni Boris. No wonder he needed a gun. Kitang-kita na walang laban ang lalaki kung magmamano-mano sila ng binatang Ruso.

Albie frantically looked for the gun. Kalaban niya ang naghahating liwanag at dilim sa lugar na iyon, at ang kaba niya na baka hindi mahanap ang…

Baril! pamimilog ng mga mata ni Albie nang mapukaw ng kintab niyon ang kanyang paningin.

Hinablot niya agad ang baril, tumayo at tinutok sa direksyon nila Boris.

Hindi siya napansin ng dalawang lalaki na patuloy sa pagbubuno. Boris was already puffing his breath. At dahil mas malaya ang mga kamay ni Joey, nagamit iyon ng lalaki para ipagpilitang itulak ito paalis sa pagkakadagan sa katawan nito. Napaangat nito si Boris at tinuhod sa sikmura.

"Tigil!" tutok niya ng baril sa dalawa.

Napalingon si Joey. Meanwhile, Boris rolled down to his side and groaned in pain.

Sarkasmo ang nasa tawa ni Joey, "Ibaba mo iyan," ubo nito habang pilit na binabangon ang sarili. "Hindi ka maalam gumamit niyan, Albie. Ikaw rin ang magsisisi kapag nagkamali ka ng nabaril."

Boris coughed. Mahina itong tumawa. "I taught my little sweetheart well."

Naningkit ang mga mata niya. Ngayon pa talaga nagpasaring si Boris ng ganoong termino tungkol sa kanya.

"Get up, Boris!" Albie hissed.

"Pagsisisihan mo ito," ngisi ni Joey.

"Albie won't," nanghihinang lakad-takbo ng hinihingal na si Boris papunta sa kanya. Pumuwesto ito sa kanyang tabi, bumulong. "Aim for the brain."

"I am not killing anybody," irap niya sa lalaki

"Albie!" tutol nito. "If you let him live…"

"Go ahead, Boris," mahigpit niyang putol sa sasabihin ng lalaki.

Tinapunan nito ng matalim na tingin si Joey bago naunang umalis. Pinalayo-layo ni Albie ang lalaki at pinag-aralan ang walang kakilos-kilos na si Joey. Tiyak niyang nag-iisip na ito ng paraan kung paano siya sisiraan sa mga katrabaho.

Bahala na.

Nagmamadali siyang tumakbo para maabutan si Boris.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top