Chapter Sixteen

"YOU'RE MEETING THAT gay boy again?" Olivia hissed.

Napalingon sa paligid si Boris bago ito tinapunan ng matalim na tingin.

"Oo," lapag ni Boris sa menu book ng hotel resort sa gilid ng night table.

"At bukas na?" sunod ng tingin ni Olivia sa kanya.

Inokupa ni Boris ang upuan sa harap ng dresser mirror para buksan muli ang kanyang mga laptop. Gawain niya tuwing umaga ang panoorin ang na-record ng mga surveillance videos sa Russia. Positibo na nakasunod sa kanya sa Zambales si Poison, o isa sa mga tauhan nito. Kailangan nga lang niyang kumpirmahin kung may mga tauhan ba talaga ito o mag-isa lang na kumikilos. That's why he still needed to review the videos.

"Oo," sagot niya ulit dito.

Maingat na sumulyap ito sa pinto ng banyo. Nasa loob pa kasi niyon si Nikolai.

"Nagkita lang kayo kagabi," panlalaki nito ng mga mata sa kanya.

"Alam ko."

"O bakit magkikita na naman kayo bukas?"

"Off niya," kaswal na sagot ni Boris habang abala na ang mga kamay sa laptop.

Tumayo lang si Olivia sa tabi niya. Nakasuot na ito ng swimsuit na napapatungan ng asul na cardigan na may pink floral design.

"Ano?"

"Off niya," sulyap ni Boris sa babae bago binalik ang atensyon sa video na panonoorin.

Pigil ni Olivia na pagtaasan siya ng boses. "Boris, tandaan mo kung bakit tayo nandito."

"Alam ko kung bakit tayo nandito."

"Kung gan'un, bakit hindi ka naka-focus doon?" yuko nito sabay tukod ng kamay sa dresser table. Bumagsak tuloy ang makapal nitong buhok at natakpan ang monitor ng laptop.

"Naka-focus ako, Olivia," titig niya rito. "Aalis kami ni Albie bukas, mamamasyal. Mas makakabuti iyon para kay Nikolai."

"Paanong makakabuti?" protesta nito. "Lalayo ka sa amin!"

"Nandiyan ka, trabaho mo na siguraduhing ligtas si Nikolai," mariin niyang wika. "At ako ang habol ni Poison. Kung lalayo-layo ako kay Nikolai, mas magiging ligtas siya. Naiintindihan mo na ba?"

"Pero trabaho ko rin na siguraduhing ligtas ka at hindi ka nawawala sa paningin ko, Boris Molchalin," she hissed, drawing her face closer to him.

"Malaki na ako," anas niya at tinaboy ito palayo sa laptop. He wanted to get his job done already.

Pagkatapos kasi manood ng mga videos, sasamahan niya si Nikolai sa beach at maglilibang-libang sila. Kahit na mas makakabuti sa bata na lumayo-layo muna siya rito, ayaw niya namang makahalati si Nikolai na iyon ang ginagawa niya sa ngayon.

Ayaw niyang magtampo ito o makaramdam na parang lumalayo siya.

He would not bear it if he loses Nikolai's love for him.

"Ewan ko sa iyo, Boris Molchalin," bagsak ng babae paupo sa gilid ng kama nito at humalukipkip.

"Pakiusap," aniya habang iniisa-isa na ang mga video. "Higpitan mo ang pagbabantay sa anak ko."

Sumusukong napabuntong-hininga na lang si Olivia. Pagod na tumitig sa kanya.

"Oo naman. Ako pa."

.

.

.

***

.

.

.

NAUNTOG pa si Boris bago nakababa ng tricycle kaya napabungisngis si Albie. Naramdaman niya ang pag-abot nito sa kanyang kamay para tulungan siyang bumaba.

"Mukhang hindi sanay si Kano!" tawa ng tricycle driver. "First time, no?"

Masiglang sinulyapan ni Albie ang driver. "Opo! Ngayon lang siya nakasakay ng tricycle!"

Hindi masyadong naintindihan ni Boris ang mga sinasabi ng dalawa. Madalian lang naman kasi niyang pinag-aralan ang Tagalog. Kahit marunong-runong na siya nagsalita niyon. Hirap pa rin siyang sundan ang mga sinasabi ng mga nagsasalita niyon, kaya hindi niya pa agad ma-grasp.

Pero may nabanggit ang driver na First time. Malamang iniisip ng mga ito na first time lang niyang sumakay ng tricycle dahil nauntog siya.

Nang makaalis na ang tricicyle, naramdaman niya ang kamay ni Albie sa kanyang braso.

"Tara! Let's go to the, ano, park.... park plaza!"

Nagpahila siya sa lalaki papasok sa open plaza na iyon na napapaikutan ng ilang mga puno. May maliit na monument sa gitna niyon, hanay ng makukulay na slides, mga bench at watawat ng Pilipinas ayon sa pagkakaturo sa kanya ni Albie habang naghananap sila ng mauupuan.

"There! Take a seat!" lingon sa kanya nito.

Sumulyap siya saglit kay Albie. Sa totoo lang, masyado lang mataas ang pride ni Boris. Ayaw niyang aminin kay Olivia na may katotohanan sa mga akusasyon ng babae sa kanya. He was still conflicted about what his real intention is for Albie.

He just wanted a fuck.

Pero nang makitaan ng potensyal na pwede niyang gamitin si Albie para makaharap si Poison, doon na naging magulo ang lahat.

Paano nga bang magulo? Kasi alinman sa dalawang iyon ang panindigan niyang motibo, isa lang din naman ang ibig sabihin— wala siyang pakialam dapat kay Albie. Sa huli, kapag napunan na ni Albie ang silbi nito para sa kanya, pwede na niya itong iwanan na lang ng walang paalam o idispatsa.

"No, you sit first," ngiti niya rito.

Matamis ang ngiting ginanti sa kanya ng binata. Malumanay itong umupo sa dulo ng bench. Nag-dalawang isip pa si Boris bago ito tinabihan. Paano kasi, pagkababa na pagkababa pa lang niya ng tricycle kanina, pinagtitinginan na siya ng mga tao. Malamang, nakasunod pa rin sa kanila ang tingin ng mga ito.

At malamang, may mga nakakaisip na hindi sila mga straight na lalaki.

If Albie could smile like this and could be comfortable in making that obvious, Boris was not.

Ayaw na ayaw niyang may makakahalata na kahit sino na hindi babae ang hanap-hanap ng kanyang sexual preference.

Na mas gusto niya sa kapwa lalaki.

Na nasasarapan siya kay Albie.

Damn, this cute, little boy and his athletic, slender body.

Ang sarap padulas-dulasin ang mga kamay niya sa katawang iyon. Boris would definitely do that when he get his hands on this little slutty kisser.

Yeah, this Albie is a slutty kisser. Ang torrid humalik. Dumidila.

Mukhang walang muwang pero madaling matuto. Hayok lumaban.

He likes that.

Umupo na siya sa tabi nito at nag-iwan ng kaunting espasyo sa paligid nila.

"You can bring Nikolai here if you want," lingon sa kanya ni Albie na para bang hindi alintana kung medyo malayo ang pagkakaupo niya rito. "He can try those slides!" turo nito sa makukulay na hanay ng mga padulasan.

"We'll drop by this place before leaving Zambales," paninigurado niya rito.

"Great. And you see that?" turo nito sa tinder sa may kalayuan. "That man is selling ano, kwek-kwek and fishball and..." he squinted his eyes. "Hindi ko na makita." At tumawa na ito.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa tawa nito. Like what he told Albie last night, he was a happy soul. Laging masigla ang mga kilos, mas may pagkamalamya (kung ikukumpara saga straight na lalaking nakilala niya noon) pero may pagkamagaslaw at masayahin. Gayundin sa pananalita nito at sa pagtawa.

"What is kwek-kwak?" pangangapa niya.

"Kwek-kwek," pagwawasto nito at mas binagalan ang pagbanggit sa salita.

"Kwek... kwek..."

"Ayan, magaling."

He recalled that magaling means great. Boris nodded.

"It's steamed egg," paliwanag sa kanya ni Albie. Hinugis pa nito ang kamay na para bang may hawak na itlog. "Coated with orange flour..." umiwas ito saglit ng tingin, naghahalukay yata ito ng English words na sasabihin. "And then... and then it is fried. Then you eat it, you dip it in sweet sauce or... or, 'yung maasim... vinegar. Like that."

Tumango-tango siya. "That sounds nice."

"You want to try?"

Natawa na lang siya. "Sure."

Nilibot pa siya ni Albie sa mga kalapit na lugar ng plaza na iyon, tulad ng wet market. Hanggang sa dalhin na siya nito sa ilang mga mall at souvenir shops.

"You bring Nikolai here, ha?" lingon sa kanya ni Albie habang iniisa-isa na nila ang mga naka-display na souvenirs sa isang ng mga personalized caps at ships. "You tell him to print you a shirt and put BORIS, and then put NIKOLAI on the shirt. Also OLIVIA."

Natatawa lang ang nakabantay sa shop na iyon na lalaki dahil sa kadaldalan ni Albie.

"Alright, we will visit here," mahina niyang tawa bago ito hinila palayo sa shop.

Sunod nilang naging destination ang Funtastic Park. Nakaramdam ng panghihinayang si Boris dahil maganda na sinama niya roon si Nikolai. Puno kasi ang park ng mga nakakaaliw na exhibits at displays na malamang ay mae-enjoy ng anak niya.

Hindi mukhang malaki ang gusali ng park na napapaligiran ng mga puno pero maraming activities sa loob tulad ng Trick Art Wall, Mirror Maze at Enchanted Forest 3D. Buong paglilibot nila sa Mirror Maze nakayakap sa braso niya si Albie dahil ayaw daw nitong mawala.

"Ay! Ay!" sigaw-sigaw pa nito kaya napalingon noon si Boris. "Oh, it's my reflection!" turo ni Albie kasunod ng pagpalatak nito ng tawa nang mapatingin siya sa salamin kaya pabiro niya itong pinisil sa pisngi. Aray tuloy ito ng aray.

Isa pang sigaw-sigawan nitong si Albie at baka mabasag na lahat ng salamin sa Mirror Maze kaya binilisan niya ang paghanap ng diskarte kung paano makakalabas doon.

Puro "Wow" naman ang narinig niya sa lalaki nung nasa Enchanted Forest 3D na sila.

Albie paused in front of a miniature mushroom. Yumuko ito at tinukod ang mga kamay sa tuhod para masdan iyon ng mabuti. Pumuwesto si Boris sa tabi nito. Tiningala siya ng lalaki.

"You should bring Nikolai here! It's so beautiful, right?"

Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. "That's sweet. You always remember Nikolai."

Tumuwid na ito ng tayo, bahagyang lumambot ang mukha. "Well—"

Tinalikuran na niya ito. Hindi na tuloy nakapagpaliwanag si Albie at sinabayan ang paglakad niya paalis sa area na iyon.

Naglalakad na sila noon palabas ng park nang huminto si Boris at lingunin si Albie.

Gulat na napatingin ito sa kanya. "Yes?"

"You're so noisy inside there," harap niya rito. "You got to put that mouth to a better use, you know."

Bumungisngis lang ito. Mukhang hindi na-gets ang iba niyang pakahulugan sa mga sinabi.

"I'm sorry! My mouth is just unstoppable, I mean, it's an amazing park, you know!" kumpas nito ng kamay at nilagpasan siya.

Sinabayan ito sa paglakad ni Boris. "You're too excited for your age. Haven't you been in parks when you were a kid?"

"Very rare, Boris," tipid na ang naging ngiti nito.

"Why?"

"Oh... Because..."

He could not explain how Albie's mood smoothly shifted, like an afternoon sky sliding to its transition to a sunset shade. Lalong lumambot ang mukha nito dahil sa pumaimbabaw na pagkalungkot.

"My mother..." matapang nitong patuloy, "she died early." Sumaglit lang ang mga mata nito sa kanya. "My sister is still schooling. My father is working harder now that, you know, he is alone in the family who can work. He is not always in the house."

"What about his day-off? Doesn't he have day-off?"

"He has one day off," lingon ni Albie sa kanya. "Sometimes, he doesn't have. He drives jeepney. Sometimes, he likes driving everyday to have more money."

Tumango-tango siya.

"And when it is his day-off," yuko nito saglit para bantayan ang nilalakaran, "He likes to sleep more than go out and go to parks like that."

"No wonder you care a lot for Nikolai, hmm?" hawak niya sa baba nito.

Aatras pa sana si Albie pero hinawakan na niya ito sa braso para ipirmi sa kinatatayuan.

He smiled. "Do you think, I am becoming like your father to my Nikolai, Albie?"

There was tension in his laugh. "N-No! No... who am I to say that? I mean, you even go here in Philippines, so far from Russia just to have a vacation with Nikolai. That's already great for a father to do for his child."

Pinakawalan na niya ito. Hinilig ni Boris ang ulo habang nakatitig sa mga mata ni Albie.

They seemed a little too watery now.

"Now how can I turn that frown upside down?" ngisi niya rito.

"Come on, what frown? Look at my happy face," matamis nitong ngiti sa kanya.

This damn seducer, making himself look irresistibly cute like that.

Hinablot niya ito sa braso, malapit sa pulsuhan nito.

"Help me find a hotel," he said,making Albie swallow hard.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top