Chapter Forty-Seven
ONE SHOT and Boris already ignored the gun Roger was about to toss.
Maging si Roger ay natigilan nang makita ang pamimilog ng mga mata ni Olivia. She sharply inhaled., triggering Boris to catch her fallin body at once. Samantala, mabilis na ginagap ni Roger ang baril para itutok sa pinagmulan ng balang tumama kay Olivia. Walang pagdadalawang-isip na nagpaputok ito kaya imbes na maka-ikalawang baril, kumaripas ito ng takbo.
Walang sinayang na oras ang lalaki. Tila nawala ang sakit na tinamo nito mula sa suntok ni Boris. Adrenaline ang nagtulak na tumakbo ito para habulin ang namaril.
"Olivia," alalay niya sa ulo ng babae para paangatin ang tingin nito.
Takot at hindi naman malaman ni Albie ang gagawin nang lapitan sila. He knew that his little thing felt so sorry to see Olivia in this state. Albie was very frantic with restless hands waving in the air.
"Go to the hotel, call for help. Ambulance. Please."
Napatitig sa kanya si Albie bago kumaripas ng takbo paalis para sundin ang instruksyon niya.
Dahan-dahang binaba ni Boris ang katawan ni Olivia. The female spy tightly clutched her chest and with a shaky hand, pulled out her cellphone. Sinisingit nito sa kanyang kamay ang gadget.
"Huwag kang susuko," usap niya, sa wikang Ruso, nang makaluhod na para ihiga sa semento ang babae.
Nagpumilit ito na tanggapin niya ang cellphone. Hirap magsalita dahil humahalili ang maliit na pagdaing.
"0-3-0-1-1-9..." sa wakas ay naibulong na nito.
Nilapit niya ang mukha sa babae. "Ano?"
"0-3....0-1-1... 9..." ipit ang boses nito, pinipigilan ang sarili na maubo. "Password... Password sa... Olivia folder... memory card..."
Napatitig siya sa hawak na cellphone. Nakuha na niya ang ibig nitong sabihin.
"Naglihim ako... para sa ikabubuti mo..." her smile was bittersweet as she closed her eyes. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko."
Fuck it. Binaba niya ang cellphone at hinubad agad ang hoodie. Naiwan sa katawan niya ang manipis na shirt habang dinidiin ang jacket sa dibdib ng dalaga. Tamang-tama at makapal ang tela niyon, makakatulong iyon para mas mapigilan ang pag-agos ng dugo.
Olivia let out a pained grunt as he pressed harder on her chest... on her wound. She flinched and turned her head away. Namuo ang mga luha sa sulok ng mga mata nito bago unti-unting nanulas sa mga pisngi.
.
.
.
***
.
.
.
NAPABUNTONG-HININGA NA LANG SI BORIS habang binabalik ng nurse ang takip sa bangkay ni Olivia. Hindi na ito umabot pa sa ospital dahil umabot sa puso nito ang bala.
He was grasping his hoodie jacket with one hand, heavy with Olivia's blood that still stained against its dark blue hue. Nakatayo sa kanyang tabi si Albie. Kausap naman ni Roger ang nurse. Hinayaan na lang ni Boris na ito ang mas mag-asikaso dahil mas maalam ang lalaki sa pagta-Tagalog. Isa pa, kasa-kasama raw ito ni Olivia simula nung maghiwalay sila ng dalaga, kaya alam nito kung nasaaan ang mga gamit ng babae. Hindi lahat ng dokumento roon ay legal, ginamit lang ang mga iyon para malayang makalagpas sa immigration, pero sumapat na iyon para maayos na ma-accommodate ang babae sa ospital.
Nagbaba ng tingin si Albie at naramdaman na lang ang braso niya palibot sa mga balikat nito. Napatingala tuloy ito sa kanya.
"This is the reason why, I am scared for you to be with me, Albie..."
Albie gave him a small smile that seemed to intend to comfort him. It somehow made him feel better, but the weight was still there. Inabot sa kanya ng lalaki ang cellphone ni Olivia. Nag-aalangan na inabot niya iyon.
"You're scarier, Boris," tila pag-amin nito. "It's not the people who chase you that is scary... but you."
Napatitig siya sa mga mata nito.
"Hindi ka hahabulin ng mga taong pumapatay kung... kung wala silang dapat na ikatakot sa iyo... o sobrang ikagalit sa mga ginawa mo sa kanila."
It pained him to hear that. Ang ibig sabihin ba nito? Wala nang pag-asa na makasama niya si Albie? Kung sakali na masolusyunan niya ang problema kay Poison, at wala nang humahabol sa kanya, hindi pa rin ba ito sasama sa kanya dahil... nakakatakot siya?
"Tandaan mo kung kanino ka may atraso," anito.
Umalis na ang nurse kaya nilapitan na sila ni Roger. "Tara na sa labas," anyaya nito.
Pinauna ni Boris si Albie para masolo ang lalaki.
"Roger," aniya rito, "Albie told me all about you."
Sabay silang naglakad. Hindi ito tumitingin sa kanya, pero sigurado si Boris na naririnig nito ang mga sinasabi niya.
"It's... it's too much of you to accompany Olivia all the way here."
"I only accompanied her not because I want to really help her," walang lingon pa rin nitong sagot. "I'm here because I have so many suspicions for the two of you. And I was right, you are not just an ordinary Russian couple."
"I trust you to never let anyone know about the things I told you earlier," tukoy ni Boris sa napagkwentuhan nila habang nasa waiting room at inooperahan pa noon si Olivia.
Hindi ito umimik.
"I'll pay for the damages in the hotel—"
"There is no need for that, Boris Molchalin," hinto nito sa paglakad, nakapamulsa ang mga kamay. "The only thing I am mad about is not figuring out that Olivia is not really married."
Kumunot ang noo niya, napatitig sa katabi.
Roger let out a sigh. "We have to find Poison."
Napamulagat siya. Bigla-bigla kasing nagbago ng topic ang lalaki. Napaatras pa siya nang lingunin siya nito at titig ng matiim. Nababasa niya ang mainit na determinasyon sa mga mata nito.
"Right, Boris Molchalin?"
"Uh..." umiwas siya saglit ng tingin bago binalik sa mga mata ni Roger. "Yes. Yes, we have to."
Tinuloy na ni Roger ang paglalakad, nasa harap ang tingin kaya umusad na rin si Boris para sabayan ito.
"Olivia must be keeping some notes that will help us find Poison. Or at least, give us a clue."
Naalala niya ang hawak na cellphone. Pinakita iyon ni Boris sa lalaki. "I'll read her notes tonight."
Nakaabang sa labas ng morgue si Albie pero hindi nila napansin dahil nasa kalagitnaan ng pag-uusap. Nagtataka na pinanood nito ang paglagpas nila sa binata. Nakahalata si Albie na hindi muna nila ito bibigyan ng pansin kaya bumuntot at nanainga sa usapan nila.
"Great. I suppose I'll meet you tomorrow in my place," wika ni Roger.
"Why not stay over my place?" seryosong sulyap niya rito. "I might need you to work with me."
Siyang hinto niya ng lakad nang makita sa peripheral vision ang pagbagsak ng mga labi ni Albie panganga. His forehead creased at the sight of his little thing being that shocked.
"What is it?"
"Ikaw... Si Roger?" turo nito sa kanya at sa lalaki, palipat-lipat ng turo ang mga daliri.
"Yes, why—" natigilan siya. He smirked and all at once, Albie knew what was running on his mind.
"Excuse me!" mataray nitong ismid sa kanya bago sumingit sa gitna at ipulupot ang braso sa braso ni Roger. "Hindi ako naghihinala kung iyan ang iniisip mo!" sandal pa nito ng ulo sa braso ng lalaki.
Nagtitimping ngumiti si Boris habang hinihila palayo si Albie. Sisingit pa ito pero tinulak na niya ito sa ulo paatras at dumikit kay Roger na nagtuloy-tuloy na ng lakad.
Anyone would laugh at them, but it seemed like Roger was not one of those people.
Nababanaag ni Boris na mas higit na apektado ang lalaki sa pagkamatay ni Olivia. Kita niya iyon sa madilim nitong anyo, sa bagsak nitong mga balikat at matalim na titig ng mga mata.
"Then, I'll stay in your place," sang-ayon nito.
"Can I stay too?" singit ni Albie mula sa likuran.
"Little thing..." he warned with his dark, intimidating side glance.
"Baka ako na ang isunod ni Poison."
Albie's tiny voice made Boris stop on his tracks to turn to him.
"Subukan lang ng ulol na iyon," aniya sa wikang Ruso kaya napatitig lang sa kanya ang medyo natatakot nang si Albie.
He pulled the man by the shoulder close to him. Umakbay siya rito at hinayaan na mauna si Roger, basta masabayan lang ni Boris si Albie sa paglalakad.
"You have to go back home. Remember, Mang Al needs you."
Napasinghap ito. "Naku, anong oras na! Baka naiinis na si Ate Mina sa kakahintay. Lagot iyon sa asawa niya."
"I'll make sure you'll be home safe," patuloy ni Boris sa pagpapaliwanag. "We can't be in one place because for sure, Poison will reappear and try to kill me."
Nasa dinadaanang pasilyo na ang tingin ni Boris.
"In that very moment, I don't want you to be there to witness it all, Albie."
Nakatingala lang sa kanya si Albie.
Mas lalo ka langmatatakot sa kung ano ang kaya kong gawin kay Poison. Lalo na kapag nakilala kosiya.
.
.
***
AN
And this is the last UD for this week! <3 <3 <3 Thank you so much sa suporta at patuloy na sumusubaybay sa bawat new chapters ng A Man Of His Word :* I am hoping you are enjoying kasi malapit na matapos ang story na ito and I am sure na sobra kong mami-miss sila Albie at Boris kahit alam ko na magkikita kita ulit kami ng mga characters na ito kapag editing and revising time na hahaha <3
Kitakits next week para sa posible (take note: posible pa lang) na final chapters :')
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top