Chapter Forty-Nine
KUMUNOT ANG NOO NI ROGER habang pinapanood ang paglapit niya rito.
"Hihiga ka na?" tanong ng lalaki na nakahiga na sa kama pero nakasandal pa ang mga balikat sa headboard niyon.
Sumulyap saglit si Boris sa hawak na cellphone at in-off iyon.
"Oo," balik niya ng tingin dito habang palapit sa night table. Tinabi niya ang cellphone ni Olivia sa drawer niyon bago tumabi sa lalaki.
Napansin niya na tutok ang mga mata ni Roger sa hawak nitong cellphone. He curiously peeked, but the man immediately sense him and immediately pulled the phone out of his line of sight.
"I saw Olivia!" bulalas niya rito.
"Ano naman?" maangas nitong layo ng cellphone habang nagpupumilit siyang maagaw iyon.
Sa sobrang pagpupumilit, halos yakap na ni Boris ang nakatalikod sa kanya na si Roger.
"Give me that!" he grunted as they fought each other's push and pull.
"Ayoko! Ano ba?"
"She's already gone, so what else are you afraid of if I find out you have pictures of Olivia?"
Natigilan ang lalaki at hindi na nanlaban pa sa kanya. Umayos na sila ng pagkakahiga. Hinayaan muna ni Boris na maka-recover si Roger mula sa mga nasabi niya bago sumiksik sa tabi nito. Nasilip na niya sa wakas ang larawang tinitingnan nito sa cellphone.
Naroon si Olivia, pero halatang stolen shot. Hindi kasi nakatingin ang babae kay Roger, halos nakatalikod ito rito habang may sinusulat na kung ano sa namuong hamog sa salamin ng banyo. Nakatapis lang din ito ng tuwalya.
Nanunukso ang ngisi niya rito. "Pervert."
"Shut up!" defensive na off na nito ng cellphone. "Buti nga hindi nakahalata si Olivia nung kinuha ko itong picture!"
"Maybe, that's why you don't want to show me," nang-aalaska pa rin siya. "Maybe, you have some nudes too."
"Ikaw ang pervert," anas nito. "Wala, okay?"
Boris stifled his giggle. Namuo ang ideya sa isip niya. What if kunan niya rin ng ganoong klase ng litrato si Albie? Magbibiru-biruan sila nito pagkatapos na hindi niya buburahin ang larawan hangga't hindi ito nagi-strip tease sa harapan niya.
Damn, he could not help grinning at that thought.
"Is that all you can translate from her journal?" usisa ni Roger na nakinig naman kanina sa pagta-translate niya ng ilan sa mga nabasa mula sa file ni Olivia. "I don't see anything there that can help us."
Boris let out a sigh. "Don't worry. I already have a clue," ayos niya ng higa.
"You did not tell me everything," paniningkit ng mga mata ni Roger sa kanya.
He just shugged. Patalikod ang higa ni Boris mula sa katabi.
Si Olivia ang hindi nagsabi ng lahat-lahat ng impormasyon, Roger.
.
.
***
.
.
.
PASIKAT NA ANG ARAW.
Nakaharap sa bintana ng hotel na iyon ang mesa na kinauupuan ni Sloven Markov. Humaplos sa mukha nito ang dilaw na liwanag ng araw habang panay ang swipe sa tablet na nakatayo sa harapan nito.
He let out a sigh.
"Online na ba si Papa?" tanong dito ni Nikolai na ilang minutong tahimik nung nagising bago ito kinausap.
Hindi nilingon ni Sloven ang bata na nakahiga sa kama at yakap ang backpack nito.
"Hindi pa rin," swipe ulit nito sa tablet para i-refresh iyon. "Pero nitong nakaraan ko pa siya in-inform na pupunta tayo rito sa Pilipinas. Kahapon, nag-message din ako secret email address niya na nandito na tayo."
Nagbaba ng tingin si Nikolai. "Nag-aalala na ako, Dyadya."
Sloven remained seated as he turned to face Nikolai. Pinatong nito ang braso sa ibabaw ng backrest ng upuan at nginitian ang bata.
"Oy, bakit ka na nag-aalala? 'Di ba sabi mo, nangako ang Papa mo na magkikita kayo ulit?"
Hindi makatingin na tumango-tango ang bata.
"Kung gan'un, ibig sabihin, magkikita kayo, okay? Hindi nagsasabi ang Papa mo ng mga kataga o pangako kung hindi niya kayang tuparin."
Tumango-tango lang ulit ito, pero nalungkot sa loob-loob nito si Sloven dahil halata namang hindi napagaan ng mga sinabi ng lalaki ang loob ni Nikolai. Tipid ang naging ngiti ni Sloven nang tumayo mula sa kinauupuan para lapitan ito. He sat by the side of the bed and gave Nikolai a reassuring rub on the shoulder and a pat.
"Huwag ka nang mag-alala diyan. Kung hindi ka na pagod mula sa biyahe, mamayang-mamaya rin, pupuntahan na natin ang Papa mo."
Nag-angat agad ito ng tingin. "Gusto ko nang makita si Papa, Sloven!"
Mahina siyang natawa. Naghalo ang paghanga dahil sa pagpupursige ng bata kahit pagod pa ito sa byahe, at awa na rin dahil ang nagtulak sa enthusiasm nito ay ang pangungulila kay Boris.
Sloven tousled the little child's head. "Sige. Maga-almusal tayo saglit. Pagkatapos, mag-ayos ka, para matuwa lalo ang Papa mo kapag nagkita na kayo."
Ngumiti ito. "Sige."
.
.
NAKASANDAL SA PADER katabi ng pinto ng hotel room si Boris. Habang hinihintay ang paglabas ni Roger, nakatitig siya sa gusot na flyer para sa Miss Gay pageant na sinalihan ni Albie.
Naka-printa sa flyer na mamayang gabi na iyon gaganapin.
He was still half-hearted whether he would watch Albie to show his support or not.
At kung pupuntahan ba niya ito sa Pride Day Parade.
Sigurado siya na tutuloy pa rin doon si Albie.
At sa totoo lang, natatakot siya...
Napatitig si Joachim sa kanya sa café na iyon. Biglang natawa. Napuno ng kulay ang maputla nitong kutis. Nagtatakang binaba niya ang hawak na cup ng kape.
"Ano'ng nakakatawa?" seryoso niyang saad.
"Ang seryoso mo kasi," ngisi nito. Bahagyang umusad ito para makabulong. "Huwag mong sabihin na hindi ka nasarapan kagabi?"
Alertong tumingin siya sa paligid bago ito sinaway. "Joachim."
He chuckled. "Boris, Boris, Boris..." sumandal na ito sa kinauupuan at tinuloy ang pag-inom sa in-order nitong kape. Tuluyan na niyang binitawan ang cup.
Boris rubbed his hands together. Tutok ang mga mata niya sa kaharap.
"Alam mo naman kung bakit ganito ako," paalala niya rito bago pinatong ang mga kamay sa mesa.
Bahagyang tumamlay ang ngiti ng lalaki. Halos magkulay dilaw ang platinum blond nitong buhok dahil sa liwanag ng araw. Nilayo nito ang hawak na cup mula sa mga labi.
"Hanggang ngayon ba naman ba? Ilang araw na lang."
Mabilis na hinila ni Boris ang kamay nang maramdaman ang pagpatong doon ng kamay ni Joachim. Nasaktan siya dahil sa biglang pagtamlay ng mga mata nito sa ginawa niya.
He looked around to make it obvious for Joachim to understand why he did that.
It wasn' t that he didn't want their hands touching...
But the people...
The people will judge.
At buti sana kung paghusga lang ang kayang gawin ng mga ito.
Siyang labas ni Roger mula sa silid. Sinara nito ang pinto. Sinuksok niya agad sa back pocket ang flyer. Pinatabi ito ni Boris para ma-lock iyon.
"Tinawagan mo ba si Albie?" tanong nito sa kanya.
"Bakit mo natanong?" harap ni Boris dito.
"Para namang hindi pa obvious sa akin na may namamagitan sa inyo."
Tila pinamulahan siya ng mukha habang binubulsa ang susi.
"W-Well..." his eyes looked away. "I didn't."
"Bakit? Gaano ka kasigurado na hindi siya kakantiin ni Poison?"
"He wouldn't want a witness to see or know him," sagot niya habang naglalakad na sila papunta sa malapit na elevator.
"Iyon ang malala roon. Ayaw niya ng witness. Pwede niyang gamitin si Albie laban sa iyo, tapos papatayin niya."
Nanghilakbot siya sa isiping iyon.
"If he tries to abduct Albie, people will see him. Matao sa tinitirahan ni Albie," page-effort niyang mag-Tagalog. "The houses are so close to each other. Albie has a loud mouth too. And he's very smart."
Napatitig saglit si Roger sa kanya.
"Imagine," patuloy ni Boris, "he managed to take me away from this armed guy in your resort."
"Really?"
"Yeah," proud niyang ngisi. "And I was sick that time, so think about it. Most of the work was done by my sweet, little thing."
"You really like Albie," Roger's smile was faint they stood in front of the closed elevator.
"Too bad I can't focus on what I feel for him," abang na rin ni Boris sa pagbukas ng mga pinto niyon. "I can't invite him on a proper date... spend more time to get to know him..."
At ang original kong plano ay maging temporary lang kami. Fling lang. No Strings Attached.
Boris lowered his head.
Pero mukhang hindi ko na ito maiiwasan, 'di ba? Tatamaan ka na lang ng lintik sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon.
Wrong timing pero may magagawa ba ako?
Matitiis ko ba itong nararamdaman ko para kay Albie?
Mapipigilan ko ba itong sarili ko kung gusto ko na mas mapalapit at mas kilalanin siya?
Wala na akong kawala, eh. Lalo na nung maunawaan ko na lahat ng pagdaramdam at inis niya sa akin ay hindi lang dahil sa ayaw niyang may nanloloko sa kanya... Para din iyon sa tatay niya.
Mahal na mahal niya ang tatay niya... kahit hindi siya tanggap nito.
Napakatapang niya. Hindi tulad ko na naglayas nung umamin ako at hindi matanggap ng mga magulang ko.
Napakatatag niya dahil kahit napaka-discriminative ng mundo, dinadaan niya iyon sa pagpapasaya ng ibang tao... sa pagpapangiti sa kanila... sa pagtulong sa kanila tulad ng pagtulong niya sa akin... sa amin ni Nikolai... Hindi man siya gusto unawain ng ibang tao, nage-effort pa rin siya na unawain ang ibang tao... ako... at kung bakit nalalagay ko siya sa alanganing mga sitwasyon...
Nasa katawan ang katatagan ko. Nasa isip. Pero ang katatagan ng pagkatao...
Na kay Albie iyon.
I want to learn from him. I want to be closer to Albie because I know... he was the only one who has the patience to make me a better person...
Naputol ang kanyang pag-iisip nang tapikin ni Roger sa braso. Pagkurap ni Boris ng mga mata, nakita niyang bukas na ang pinto ng elevator. May ilang mga nakasakay na roon nung pumasok sila.
.
.
***
AN
Hi!!! Did you miss me and my updates? Hahaha <3 <3 <3 Tuloy-tuloy na ulit ang 1-Chapter-Per-Day (every friday-saturday) ko na updates!
Enjoy reading and kitakits bukas! ;* <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top