Chapter Forty-Four

MAY NAG-POP UP NA WARNING TAB sa screen ng desktop computer kaya naalarma si Boris. Maingat niyang sine-set up ang computer na ginagamit sa comshop bago i-reset ang setting para bumalik ito sa normal. Kaya naman, sa pamamagitan ng customized setting na iyon, naaantabayanan niya kung may magbabalak na mag-hack o makapag-tap sa palitan nila ng video calls ni Sloven.

Nang makita ang warning sign, bahagyang nagdilim ang kanyang anyo.

Bye, tipa niya. Emergency codename nila iyon ni Sloven kapag kinailangan niyang putulin agad ang komunikasyon dahil sa isang threat. Mabilis na nawala ang kaibigan niya sa screen at nag-offline. Gayundin ang ginawa ni Boris bago mabilis na ni-reset ang programming sa desktop computer. Mabilis lang naman iyon lalo na at sinentro niya karamihan sa bytes ng internet connection doon para agad-agad na matapos ang processing ng anumang updates at installing ng back up files.

Habang hinihintay na matapos iyon, pasimpleng naghubad ng headset si Boris at tumayo para tanawin ang mga user ng computer shop. Wala siyang nakitang kaduda-duda sa mga ito, karamihan ay nakasubsob ang mga mukha sa sari-sariling desktop monitors. May isang lalaki namang itim ang kulay ng buhok na naka-hoodie jacket na asul ang nakatalikod at tahimik na kausap ang bantay ng comshop. Natabunan iyon ng ingay ng beastmode na mga online players kaya hindi niya marinig. Pero palagay siyang bagong pasok lang iyon para mag-rent kaya binaling niya ang atensyon sa kumpulan ng mga taong nakapalibot sa pinapanood nilang naglalaro ng online games. Wala sa hitsura ng mga ito ang nangta-tap o hacking ng network computers. Umupo na ulit si Boris at naghintay na matapos ang pag-reset bago iniwan ang computer. Nagbayad na siya sa bantay at umalis.

Siyang masayang kantyawan ng mga naglalaro sa comshop dahil lumakas-lakas na raw ang internet connection.

Walang makakagawa niyon, kung hindi ko sila kahati sa network.

Huminto siya sa paglalakad at mabilis na lumingon. Wala siyang nakita na kakaiba o kahawig ng mga tao sa comshop. His eyebrows furrowed, a frown made him look more threatening.

Sinusundan na niya ako dapat ngayon.

Muling naglakad si Boris, malayo-layo na ay hindi pa rin siya lumilingon. Nakapagdesisyon na siya na hindi muna dederetso ng uwi. Kailangan niyang mahuli kung sino itong nakasunod sa kanya.

Kung si Poison na ba ito.

At kung mahuhuli niya ito, gusto niyang malaman kung ano ang isyu nito sa kanilang tatlo ni Sloven at Bruno.

At bakit siya ang gusto nitong unahing ligpitin?

.

.

NAKATAYO SA PINTO NG BAHAY SI ALBIE. Nag-aalalang nakaabang sa pag-uwi ni Boris. Siyang sulpot ni Mang Al na kagigising lang mula sa napahaba nitong pagsi-siesta.

"Ano at nakatanaw ka diyan?" matabang nitong tanong.

Kahit ganoon pa ang klase ng pakikitungo ng ama, lumalambot na agad ang puso ni Albie. Ano ba ang hindi niya gagawin para lang matapunan ng kakarampot ng pansin nito. His sad worried eyes welcomed Mang Al as he turned to face his father.

"Si Boris, 'Tay, hindi pa po umuuwi."

"Ano naman? Galing sa trabaho 'yung tao," deretso na nito sa kusina. "Buti nga at nagbabahagi ng kita niya rito sa bahay." Naghanap na ito ng pagkain. "Eh, ikaw? Kailan ka magta-trabaho ulit?"

Malungkot na napayuko siya. "Iyon nga ho, eh, 'Tay... mahirap naman po kung magta-trabaho ako tapos... maiiwan kayo ng walang kasama rito sa bahay."

"Alangan namang habambuhay mo patirahin dito iyang kaibigan mo. Wala bang planong umuwi iyan sa kanila?" dismayado ang matanda dahil hindi pa luto ang sinaing at nakasalang pa. Bukod doon, wala pang ulam. "Ano ang ulam?"

"Iyon nga rin po, 'Tay," mapang-unawa at malumanay na sagot ni Albie. "Si Boris ang nagpresentang bibili ng ulam panghapunan."

"Lumabas ka na nga at hanapin 'yun," handa ni Mang Al ng mga pinggan sa mesa, may kabagalan ang pagkilos dahil sa bigat ng mahina na nitong katawan. "Ilang linggo pa lang iyon dito, baka medyo naliligaw pa. Hindi naman siguro nalalayo iyon."

"Magiging ayos lang po ba kayo, 'Tay?"

"Ano bang pinagsasasabi mo?" anas nito sabay titig sa kanyang mga mata. "Lumabas ka't hanapin na 'yung kaibigan mo!"

Nag-aalangan na tumango-tango si Albie. "S-Sige... 'Tay."

Pagkalabas ay bubulong-bulong na ang matanda. "Akala ng mga iyon hindi ko sila halata..."

.

.

NAKARATING NA SI BORIS SA bilihan ng isda sa malapit na wet market. Kahit wala pa siyang nahuhuling nagmamanman sa kanya, panay ang gala ng kanyang paningin. Alerto siya kung may biglang hahalbot sa kanya o ano.

Kinakabahan din si Boris. Pakiramdam niya, delikado na ngayong umuwi sa bahay nila Albie. Ayaw niyang mapahamak ang mag-ama sa problema niya kina Poison at Olivia.

Pero, hindi naman siya pwedeng hindi umuwi. Tiyak niyang mag-aalala si Albie.

Paano? he asked himself under pressure while choosing the best fish to buy.

Napapitlag siya at hinablot agad ang braso na pinagmulan ng kamay na humawak sa kanyang siko. Gulat na gulat sila ni Albie sa kanyang kinilos nang magkaharap na sila.

"A-Ah..." daing nito dahil papilipit pa rin ang hawak niya sa braso nito.

"Sorry," bitaw niya kaagad dito.

"Nag-alala ako sa iyo," tingala nito kay Boris.

And to see how genuine Albie felt that for him made his insides melt. He adored how cute Albie looked with those big pleading eyes, begging him to come home already.

His faint smile showed.

"You have nothing to worry about me."

Walang anu-anong yumakap ito sa braso niya. Conscious na napatingin si Boris sa paligid, nag-aalala na makaagaw ng atensyon ang ginawa nito at pagtinginan sila ng mga tao. May ilang napatingin pero inignora din sila at binalik ang atensyon sa pamamalengke.

Binalik niya ang tingin sa braso ni Albie na nakayakap sa kanyang braso.

Albie was now beaming, relieved to find him safe and sound. Awang ang mga labi habang pinapasadahan ng tingin ang hanay ng mga isda sa harapan nila.

"Magkano ang budget mo? tanong nito. "Gusto mo Bangus ang bilihin natin? Masarap iprito iyon!"

Boris' smile reached his eyes. Now isn't Albie adorable.

Like, really a partner material...

Holy fuck.

Tinuon niya ang tingin sa mga isda. "Well, you told me this morning to buy those small fishes..."

"Kung kaya lang naman ng budget mo," tingala ulit nito.

Hay, matitiiis ba niya ang ganoong titig ni Albie? Albie looking really vulnerable and weak, those are the things that compelled and triggered his protective instinct. Albie's sassiness activate his need to tame him in bed. He loved both sides but for now, the vulnerability was overempowering Boris.

"Oo na," buntong-hininga niya sabay dukot ng wallet sa front pocket ng kanyang pantalon. Sumilip siya roon at sumimple ng sulyap sa secret flap niyon kung saan nakatago ang malaki-laking pera na bina-budget niya.

Kailangan ko na siguro mag renta ng matitirahan.

Kumuha siya ng bills at inabot iyon kay Albie. Pagkatapos, yumuko siya ng kaunti para makabulong dito.

"Albie."

Albie leaned over the array of fishes. Namimili na ito ng bibilhing bangus.

"Bakit?"

"I have something important to tell you."

"Mamaya."

"Ngayon na."

Natigilan ito. Tila kinutuban ng hindi maganda kaya sumeryoso na at muli siyang tiningala.

"Ano iyon?"

He drew his face close to Albie, slightly looking around as well to make sure no one was eyeing on them.

"I was at the comshop earlier."

"Comshop? Bakit? Kaya pala ang tagal mo mamili ng ulam."

"Oo," titig niya sa mga mata nito. "I am having a video call with my friend from Russia, because I told you, right? That I will ask for their help so I can pay you back your money and I can go home."

May tila nabasag sa mga mata ni Albie. Nawala ang sigla sa mga iyon.

Tumango lang ito para ipaalam na gusto nitong magpatuloy siya sa pagpapaliwanag.

"Then someone tried to tap and hack on the computer I was using. I don't want to get too technical but someone who is also in that computer shop is the only one able to do it."

"Nasundan ka ba niya?"

Muli siyang tumingin-tingin sa paligid bago ito sinagot.

"I guess not. I walked around to make sure I'll lose them before I went here. And so, far, no one seems to be watching my moves here."

Napalunok ito.

"Don't worry. I won't let them harm you. You won't be involved with this. That's why I am already letting you know, because I am not going back to your house tonight."

"Saan ka pupunta?"

"I'll be renting an apartment," buo na ang kanyang pasya.

"Nasa bahay pa ang mga gamit mo."

He smiled. "I can live without them. I have a few clothes in my bag anyway, and some necessities. I'll buy more if I need more."

Nagbaba ito ng tingin. Dama niya ang disappointment na lumukob kay Albie.

"Don't be like that," hawak niya sa braso nito. "Don't think I am just trying to lead you these past few weeks and now wants to get away from you again. This is for your safety."

"Alam ko," yuko nito, pinipigilan ang sarili na maluha. "Naiinis nga ako sa sarili ko, eh. Ang sakit nung iwanan ka ng isang tao nang walang paalam, pero masakit din pala kapag umalis sila nang nagpapaalam."

That made Boris' reassuring smile turn into broken.

"I am not yet going to be gone. I have to pay you back, right?"

Tumango-tango ito, hindi pa rin makatingin sa kanya. Damn, it was making it harder for him, seeing Albie like this.

"My Russian friends already booked a flight and they'll be coming soon. When they arrive, I'll find you again, Albie."

Nagkalakas ng loob na ang binata na saluhin ang kanyang titig. Albie's eyes were glossy.

"Puro gulo ang binibigay mo sa akin, nasabi ko na iyon sa iyo, 'di ba, Boris?"

Napatitig na lang siya rito.

Albie's lips quivered as he faked a smile. "But you are also the most wonderful person."

Hindi na niya kaya. Hindi na makatingin ng deretso rito si Boris.

"Hindi ko alam kung anong klase ng pasensya ang meron ka para palagpasin ang mga pagtataray at 'yung naging galit ko sa iyo, dahil lang sa gusto mong makabawi sa gulo na binigay mo sa akin, dahil lang sa gusto mo ako protektahan... sino ba ako, 'di ba? Pwede mo naman akong takbuhan... takasan... ng walang paalam..."

"I like you," he caught Albie's eyes again. "That is the answer."

"You like my body," mahina nitong tawa.

"No," he smiled, tears welling his eyes. "I really, really like you for who you are."

Umatras na si Boris, nag-aambang aalis na.

Kailangan niyang umalis, bago pa sumabog lahat ng emosyon na nagsusumiksik sa kanyang dibdib.

"Gusto mo ako dahil?"

Hindi na niya iyon nasagot. Iniwasan ni Boris. Tumalikod na siya at malalaki ang mga hakbang na lumisan hanggang sa hindi na siya matanaw ni Albie. Hanggang sa humalo na siya sa kapal ng mga tao sa palengke na iyon.

Sinadya niyang iwasan para magkaroon siya ng malaking dahilan para gawin ang lahat makita lang muli si Albie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top