Chapter Fifty-Four
PALIKO NA SANA sila Albie nang umatras siya agad. Napasinghap tuloy sila Georgia.
"Shhh!" lingon niya sa mga ito.
Ang ilan ay tinakpan pa ang kanilang mga bibig.
"You saw Papa?" pabulong na tanong ni Nikolai.
Nag-gesture siya sa lahat na mag-squat kaya iyon ang ginawa nila. Then, Albie carefully peeked from behind the wall. Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib dahil tinututukan na ng baril ni Roger si Boris.
Hindi siya makapaniwala.
Si Roger? Kalaban din si Roger ni Boris?
Muntik na siyang mapasigaw. Nagulat siya kasi nalingunan niyang nakikisilip sa likuran niya si Nikolai. Mabilis na tinakpan ng bata ang bibig niya at hinila ulit siya patago.
"I will sneak behind the post," usap nito sa kanya.
"No... no..." nag-aalalang hawak ni Albie sa mga braso nito. "Don't. It's dangerous."
"But if I hide there, I can throw my shoe at the gun. Then the gun will fall and Papa can fight that bad man," he hissed.
"What if they see you? I can do that. I'll do that."
"But I am smaller. They won't notice me."
Napailing-iling si Albie. Para siyang nanay na nagiging overprotective sa anak. 'Yung tipo na gusto niyang dito lang si Nikolai at siya na ang bahala sa lahat. Pero may katwiran din ito na mas mahahalata siya kung pupuslit ng takbo para magtago sa likuran ng may kalayuang poste.
Kung siya ba si Boris, ano ang isasagot niya sa bata?
Inalala niya kung paano alagaan ng lalaki ang anak. Hinahayaan nito na matuto ang bata. Hinahayaang mag-explore. Ginagabayan at hindi inaalalayan.
Natatakot na nahigit niya ang hininga.
"Okay," titig niya sa mga mata nito.
Nikolai gave him a nod.
"You can do it. Aim good. I believe you can do it."
"Of course," mayabang nitong ngisi bago sumilip ulit.
"Nababaliw ka na ba?" bulong sa kanya ni Georgia. "Delikado iyan. Hindi mo dapat hinayaan si Nikolai—"
"Baka mahuli na ang lahat," lingon niya sa mga ito. "At ayoko naman na malaman nilang nandito tayo."
"Pero si Nikolai—"
"Kung mahuhuli siya, nandito ako. Poprotektahan ko siya. Kapag ginawa ko iyon, bumalik na kayo sa labas. Abangan niyo 'yung mga pulis at si Piping. Kami na ang bahala ni Nikolai gumawa ng paraan para ma-delay 'yung balak gawin ni Roger."
Muntik nang mapatili ang mga bakla nang kumaripas na ng takbo si Nikolai. Tinakpan ng ilan sa kanila ang mga bibig. Ang iba naman ay mariing tinikom ang mga bibig. Dumiin ang pagkakasandal ni Albie sa pader. Abot-langit ang dasal na magtagumpay si Nikolai.
After a few still moments, he shoved in a deep breath.
Dahan-dahang sinilip niya si Nikolai at nakita na nakapagtago ito sa poste ng ligtas. Natutop niya ang bibig para hindi lumabas ang may relief na tawa. Nakatutok na ang paningin ng bata kay Roger, nag-aabang ng pagkakataon.
.
.
INTENSYON NI SLOVEN NA MAHULI ng kadenang kakabit niyon ang baril para mahila pababa at maagaw kay Roger. Kaya lang, naunang tumama sa baril ang isang sapatos. Pumulupot tuloy ang kadena sa braso ni Roger.
Sloven pulled the chains back to tighten them around Roger's arm as he tried to pull his arm off those chains. Gumusot ang mukha ng lalaki. Nagngingitngit ang mga ngipin sa galit.
The knife dangled under his arm.
Pero dahil sa sapatos kaya mas napag-ukulan ni Boris ng pansin ang pinagmulan niyon.
Kilala niya kasi ang sapatos.
Malapit sa puso niya ang sapatos na iyon— isang pares ng puting low-cut na Converse.
Lumabas mula sa pinagtataguan nila si Albie.
Katabi ng lalaki si Nikolai na medyas lang ang suot ng kanang paa, at sumunod sa paglabas nila ang mga bakla na kaibigan ni Albie.
Something clenched his heart as he glanced at the shoe that knocked away Roger's gun. Tandang-tanda pa niya noong bilhin mismo ang sapatos na iyon bilang birthday gift. Birthday o ang anibersaryo noong umuulan ng yelo at natagpuan niya sa isang basket sa ilalim ng park bench ang sanggol pa lang na si Nikolai.
"Umaga ngayon kaya pa-mihn muna tayo, mga 'day!" deklara ni Georgia. "Sugod, mga ateee!"
At nagtakbuhan na ang mga ito papunta kay Roger. Nakaamba na ang dalang mga payong, karatula, bag at sapatos. May ilan na akala mo'y lalaking-lalaki dahil nakataas na ang mga kamao para manuntok.
"No need for that!" Sloven grunted. Kailangan nitong awatin ang grupo nila Albie dahil ayaw nito na masaktan pa ang mga ito o madamay sa gulo nila. Pero sa loob-loob nito, laking pasasalamat na rin sa presensya nila dahil lalong naguluhan at na-distract si Roger. Kita iyon sa gimbal sa mukha nito.
Sloven tugged the chains to pull Roger close. Close enough for Boris to grab by the throat and thrust his knee on his guts.
Roger gawked and groaned as Sloven moved forward. Iyon ay para lumuwag na ang kadena sa braso ng lalaki. Hindi na ito nakakilos pa nang ibalibag ni Boris kaya bumangga sa kalapit na kotse.
Nag-iwan ng dent sa sasakyan ang pagkakabangga doon ng katawan ng lalaki. Nanghihinang bumagsak ito sa sahig, dumadaing at hindi makakilos.
"Okay, pa-girl na ulit, mga bakla!" wika ni Georgia sa mga ito kaya binaba na ang nirolyo sa mga balikat na sleeves ng suot na t-shirt. At lumapit ito sa isa sa mga kaibigan ni Albie. "Nasaan na si Piping, ang tagal-tagal tumawag ng pulis!"
"Naku, baka hindi naniwala ang pulis sa kanya!" pag-aalala ng kausap nito.
Siyang takbo naman nila Albie at Nikolai palapit kay Boris.
"Boris!" yakap agad ni Albie dito.
Yayakapin na sana ito ni Boris nang mapansin ang paniningkit ng mga mata ng nakahalukikip na si Nikolai. Nagtaka si Albie kung bakit wala siyang reaksyon kaya sinundan ang tingin niya at natawa sa facial expression ni Nikolai. Humiwalay tuloy ito agad sa kanya.
Siyang yakap ni Nikolai sa kanyang mga binti. He pulled him away.
Boris dropped on his knees wrapped his arms around his child.
"Patayin na ba natin ito?" tawag sa kanya ni Sloven.
Lumingon si Boris at natanaw ang kaibigan, hawak ang dulo ng kadena sa isang kamay, ang isa nama'y sa kutsilyo habang nakatindig sa harapan ng nakadapang si Roger. Nanginginig ang katawan ng lalaki, nagpupumilit na makabangon.
"Sloven," panlalaki niya ng mga mata rito at pasimpleng tinuro ng mga mata ang yakap na si Nikolai.
Tumaas ang sulok ng labi nito pagkalingon sa kanila. "May potensyal siyang maging future spy. Sobrang observant kaya binawas-bawasan ko ang video calls ninyong dalawa nitong nakaraan. At matindi ang composure, kahit sa kritikal na mga sitwasyon. Kaya dapat masanay na siya na makakita ng isang spy na ginagawa ang trabaho niya."
"Sloven," babala lang niya rito.
"Boris—"
"Mag-anak na kasi kayo ng lalaki at nang hindi nadadamay si Nikolai sa plano mong mag—train ng little spy mo!"
He shrugged. "What can I say? I got daughters. I love them, but at the same time, I can't let them be spies."
"Oooh," alanganing ngiti ni Albie. "Kapag babae daw ang panganay, maraming babae daw na nagka-crush sa tatay nung binata pa."
"You bet," Boris playfully grinned.
Too bad Sloven did not understand anything that Albie said.
Sloven sighed and turned back to Roger. "Pasalamat kang hayop ka," salansan na nito sa armas para maitago na. "Ano? Nalumpo ka na ni Boris?" nang-uuyam nitong singhal bago mababang tumawa. "Fucking asshole."
Lumapit na rin ito sa kanila at nag-alok ng kamay para tulungan siyang makatayo ng tuwid.
"Salamat, Boss," tipid niyang ngiti nang makaharap si Sloven. "You almost got me there."
"In what?"
"Doon sa acting mo," magaan niyang tawa, nakahinga na siya ng tuluyan ng maluwag.
"Pamilya tayo," anito.
Masayang ngumiti siya. Natawa. "O-Oo! Oo naman!"
"Now, how to clean that trash..." lingon na naman ni Sloven kay Roger.
Habang nag-iisip pa ang kaibigan, hinanap ulit ng paningin niya si Albie. He smiled to find him still standing close to him and Nikolai. Nilapitan niya ito.
"Thank you," titig niya sa mga mata nito. "Thank you too for bringing your friends along to help."
"Naku... ayoko ngang isama... delikado, pero makulit sila," alanganin nitong tawa.
"What can you do? They treat you like a part of their family too," nakaw niya ng sulyap kina Georgia. He waved at them and mouthed thank you. Masayang nginitan siya ng mga ito bago nagtawanan at nagdaldalan na. Lingid sa kanya na naiinip na ang mga ito kakahintay sa update ni Piping tungkol sa mga pulis. "And a family doesn't let you go to a fight alone."
Napayuko ito. "Kino-comfort mo lang ako, eh. Para kahit na hindi pamilya ang tingin sa akin ni Tatay, maramdaman ko na may pamilya pa rin ako."
"He's just like that because he's afraid you'll grow old alone."
Naluluhang napatitig sa mga mata niya si Albie.
"Mang Al told me exactly those words. He loves you, but he had to give you a hard time because he knows that if he succeeds, it will make you happy."
"Pero..."
"Yeah..." he lowered his eyes and sighed. "Yes, you are already sure about who you are. You're gay." He finally had to courage to catch Albie's teary-eyed gaze again. "That's why you have to give your father an assurance that even if you won't have a wife or kids... you will never feel alone. He doesn't have to fear for the day he dies because your friends like Georgia... they are your family too. And they'll be with you. They got your back. Always."
Tumango-tango ito.
"You and Mang Al can just simply talk about this. But I guess, that's what fear does, hmm? It makes the easy things difficult. We let out minds make it hard for us. He's afraid you'll be alone, and you're afraid of losing him or hurting his feelings if you insist on begging him to accept who you really are. And for the longest time, I only learned that from you. I am not afraid of who I am anymore, or who I've been. A gay. A criminal... I am not afraid of those anymore. I learned to accept them...I have to, if I want to be a better person than who I was in the past."
Malapad na ngumiti sa kanya si Albie.
"I'm proud of you, Boris."
He smiled back.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top