Chapter Fifty
KUMAKAWAY SA ERE ang mga rainbow flags. Malapit nang mapuno ang stadium na siyang starting point ng Pride Day Parade. Ito rin ang magiging huling hantungan. At pagbalik nila rito, sigurado na naka-set na ang entablado at mga booth para sa party at program na darausin pagkatapos ng parada.
Naka-make up na ang mga kaibigan at ilang kalahok ng gay pageant na kasama niyang pumunta roon. Bago pa magtanghali, naroon na sila at nakapag-register na. Lahat sila ay nakasuot ng puting mga t-shirt na may rainbow at edited na silhouette ng korona. Naka-print sa magandang font sa ilalim ng bahaghari ang Miss Gay Intergalactica 2019 bilang pagpo-promote na rin sa sariling event nila na ini-move sa kinabukasan ng gabi.
Bukod sa kanila, may iba pang grupo na bahagi ng LGBTQ+ community ang dumalo. May ilang parte ng stadium ang pinagkaguluhan dahil sa mga um-attend na artista. Kahit mga straight, dumating para iparamdam ang pakiki-alyado ng mga ito sa kanila.
Darating kaya si Boris para samahan siya?
Ano ba ang kinatatakot nito sa page-express na hindi ito straight?
Nalulungkot siya, kasi kung walang lakas ng loob si Boris, paano kapag sineryoso na nila ang isa't isa? Hindi rin nito kakayanin na ipaglaban ang relasyon nila? Dahil ano? Dahil nahihiya ito sa kung ano ang iisipin ng ibang tao? Nahihiya ito na makita ng mga tao kung ano ang tunay nitong sexual preference?
Nilabas ni Albie ang cellphone at tsinek iyon.
Alam niyang walang cellphone si Boris. Pero siguro naman, gagawa ang lalaki ng paraan para ma-contact siya, 'di ba? Simula nung mamatay si Olivia at naghiwalay sila ng landas, hindi na ito nagparamdam pa.
Napanguso siya. Hmph. 'Di kaya pumatol na siya si Roger? Ang fafa kaya ni Roger.
Umiling-iling siya.
Hay! Ano ba'ng pinag-iiisip mong bakla ka?! May mas importante siyang misyon, okurr? Life and death situation, bakla. Ano'ng halaga nitong parade kung ikukumpara sa kailangan niyang gawin para hindi siya patayin nung Poison chuchu na pinagsasasabi niya.
Bumagsak ang mga balikat niya.
Look at me, wala masyadong alam sa problemang hinaharap ni Boris. Takot akong ma-involve sa struggles niya... o sa pinaglalaban niya. Tapos ine-expect ko na makiki-join siya sa akin dito sa parade?
Medyo masakit. Ngayon lang niya kasi na-realize na pareho lang pala sila ni Boris. Ayaw ma-involve sa gustong ipaglaban ng isa't isa dahil sa takot.
Siguraduhin lang niya na hindi siya mapapatay nung Poison na iyon! Dapat mabuhay siya! Kailangan naming mag-usap!
He heavily sighed and shoved the cellphone back in his pocket. Inayos niya ang pagkakasukbit ng drawstring bag na gawa sa canvas. May papalapit sa kanila na ilan sa mga ka-pederasyon nila kaya masiglang winagayway ni Albie ang hawak na mini rainbow flag habang sinasalubong ang mga ito kasama sila Georgia.
"Ayyy, Sis!!!" pabirong kendeng mga ito bago lumakad ng normal.
Masaya silang naghalakhakan nang magkasama-sama na.
.
.
DUMERETSO SI BORIS SA RECEPTIONIST AREA. Pinatong niya ang braso sa counter at tinawag ang atensyon ng isa sa mga babaeng naroon.
"Good morning, Sir!" bati nito.
"Miss, here's the key in my hotel room," abot nito sa susi na may tag ng room number. "Please, get it cleaned. Make sure of that. We will be back."
Tumango-tango ang babae at tinanggap ang susi. "Yes, Sir, but I will need some details first."
He shrugged, wrote his name and signed in a log book.
"Boris Molchalin?" basa nito sabay angat ng tingin sa kanya.
"Yes, I am," aniya.
"You have a package, Sir. It's just that, our staff is too occupied to deliver it in your room."
Tumalikod saglit ang babae at may inabot sa kanya. Nagtatakang kinuha ni Boris ang maliit na kahon. Sa tingin niya, personal na dinala iyon ng sender sa hotel at iniwan sa receptionist area. Mukhang na-estimate na nito na mag-iiwan siya ng susi sa receptionist kaya doon iniwan ang kahon.
"What time did you receive this?" pagsasalubong ng mga kilay ni Boris.
"Very early in the morning, Sir. A receptionist called your room's phone first, but no one is answering. So, we thought you might be still asleep and we don't want to disturb."
"What does the sender look like?" matiim niyang titig dito.
Relaxed lang ang receptionist sa pagsagot. Hindi ito nai-intimidate at wala ring ideya sa mga konklusyon na namumuo sa kanyang isip.
"A tall man. He wears a black hoodie jacket, Sir. Fair-skinned. White hair... A young blond."
Lalong naningkit ang mga mata niya.
Sino? Imposibleng si Sloven.
Pero kamusta na nga ba ito? Natuloy ba ang balak ng kanyang kaibigan na pumunta ng Pilipinas para tulungan siyang makauwi ng Russia? Dahil sa kakaisip kung paano huhulihin ngayong araw si Poison, nawala na sa kanyang isip na gamitin ang cellphone ni Olivia para maka-access sa libreng wi-fi ng hotel. Hindi man lang siya nakapag-video call kina Sloven o nakausap ang anak niya.
For sure, his friend was feeling left out right now. Paano ito makakakilos ng mas maayos kung walang kaide-ideya sa progreso ng sitwasyon niya rito?
Ah, hindi bale na. His friend was Sloven Markov, for Pete's sake. He would know what to do.
"Thank you," maikli niyang wika bago tumalikod at umupo sa isa sa mga waiting seats.
Tumabi sa kanya si Roger.
"May ideya ka kung kanino galing?"
"Poison," punit niya sa tape ng kahon.
He didn't want to waste more time, so he already tore the box. Lumantad sa kanila ang isang maliit na bandila. Dinampot iyon ni Boris.
It was a rainbow flag.
Albie, bagsak niya sa kahon kaya nag-iwan iyon ng kalat sa sahig.
Nagmamadaling tumakbo siya at sinundan ni Roger palabas ng hotel.
Ano'ng kailangan mo kay Albie, Poison? Nandito ako. Ako ang kailangan mo. Natunton mo na rin ang hotel na tinutuluyan ko. You can even attack me in my room in my sleep.
Bakit kailangan mo pang idamay si Albie dito?
Ano ba ang atraso ko sa iyo?
.
.
NAGSIMULA NA ANG PARADA para sa Pride Day event. Nagkalat ang makukulay na mga bandera. Ang tuwid na pila ng bahagharing kulay na umuusad sa in-assign na pwede nilang daanan. Sarado ang ilang kalsada para magbigay-daan. Masaya ang mga naroroon. May nakikisayaw sa tugtog, may mga kumakaway mula sa sinasakyan nilang mga pick-up truck. Nagsama ang ordinaryong mamamayan at mga kilalang personalidad— iba-iba man ang sexual preference. May nagkalat din na mga parte ng media— kumukuha ng litrato, videos o 'di kaya'y may sasabayang mga tao para kamustahin gamit ang pinuslit na video recorders. Some hollered cheerfully, some enthusiastically waved their rainbow flags. Huminto saglit sila Albie sa paglalakad. Nagdikit-dikit para makapag-selfie bago nagtatawanang tinuloy ang pagma-martsa.
Iyon ang dahilan ng matindi-tinding traffic na dinaranas nila Nikolai at Sloven sa sinasakyan nilang taxi. Napalingon tuloy ang bata sa kabilang kalsada at napansin ang mga nagma-martsa.
"Dyadya," walang-lingon na tawag nito sa katabi, "ano iyon?"
Nakisilip si Sloven mula sa likuran ng bata. Hindi nakaligtas sa paningin nito ang nakasulat sa mga nakataas na karatula.
"Pride Day Parade, Nikolai," ngiti nito.
"Ano'ng ibig sabihin n'un, Sloven?" harap ng namamanghang bata sa ginoo. "Bakit may ganoon dito? Hindi pa ako nakakapanood ng ganitong klase ng parade sa Russia."
"Parada siya para sa mga tao na iba sa atin ang pamamaraan kung sino ang gusto nilang makasama o maging asawa."
Nagtatakang kumunot ang noo ng bata. Binalik na nito ang tingin sa mga naglalakad. Inisa-isa ni Nikolai ang mukha ng mga ito. Nahuli ang ilan na masayang sumaglit ng halik sa labi ng isa't isa. Mayroong magkakahawak-kamay habang naglalakad. May mga nagse-selfie o groupie. May mga nagtatawanan.
"Mga bakla?" putol ni Nikolai sa saglit na pananahimik ni Sloven. "Gender queer? Lesbian?"
Medyo nagulat ito. Kabadong natawa. "Pasensya na," ngiti ni Sloven. "Hindi ko maipaliwanag ng maayos sa iyo ang tungkol sa LGBTQ..."
Kasi, paano nga naman iyon mapapaliwanag ng maayos ni Sloven sa bata? Wala naman itong masyadong alam doon tulad ni Boris. He knew Boris could give justice into explaining what it was all about without making it sound like a strange thing. Without making anyone feel misrepresented.
Natatakot din ang lalaki na baka ma-misinterpret din ni Nikolai ang ganitong mga bagay. In Sloven's opinion, the seven-year-old child was too young to think too much about this matter. Hindi muna ito dapat nag-aalala sa ganitong mga bagay. Ine-enjoy muna dapat nito ang kabataan.
"Pwede ba tayo sumali doon? Kahit hindi tayo tulad nila?" lingon ulit ng bata kay Sloven.
"T-Tayo?"
Masayang tumango-tango ito.
Pwede kaya ang bata roon? isip ng lalaki.
But he was Sloven Markov for Pete's sake. Magagawan naman siguro nito ng paraan na makapuslit sila sa parada. Tutal, mukhang mas tatagal pa itong traffic at lalo lang sila mababagot sa kinauupuan.
Maganda na ring oportunidad ito para maihanda si Nikolai kung sakaling gusto nang ipaalam ni Boris sa bata ang tunay nitong sexuality. Bilang kaibigan, nauunawaan naman ni Sloven kung bakit malihim si Boris kay Nikolai pagdating sa ganoong bagay.
His friend was scared.
He was scared to be judged and Sloven knew, the biggest fear Boris got from that was the possibility that the closest person to his heart, his child, would be ashamed of him... upset... when he finds out the truth about him being a gay.
Maliit na bagay kung matutulungan nito ang mag-ama na mapagtantong okay lang. Being gay or being around one is okay. That acceptance and respect are one of the best expressions of love.
Ilang minuto lang at buhat-buhat na ni Sloven sa mga balikat si Nikolai. Maliwanag ang mukha ng bata na lumingon-lingon sa paligid, namamangha sa nagkalat na kulay sa paligid. Nag-obserba lang din si Sloven sa paligid, iniignora ang klase ng mga tingin na nakukuha niya mula sa mga nakakasabay nila sa paglalakad. Marahil dahil walang ka-rainbow-rainbow sa suot nito kaya nagtataka ang mga ito. Wala rin silang hawak na rainbow flag o mga karatula. Naghalo ang pagtataka sa mukha ng mga ito at kilig na rin. May ilan pang nagbubungisngisan sabay kurot sa kaibigan nilang bakla rin.
"Dyadya!" kislot ni Nikolai mula sa pagkakaupo sa mga balikat ni Sloven. "Tingnan mo! Si Albie!" turo nito sa bandang unahan. "May hawak siyang cellphone. Kumukuha yata ng picture!"
Natanaw niya ang isang lalaki na paatras maglakad para kuhanan ng video ang mga kaibigan nito.
Sloven had to double check to make sure that both of them were looking at the same person.
"May hawak na rainbow flag?"
"Meron!"
Kumunot ang noo ng lalaki.
"Lapitan natin siya! Kilala niya si Papa!"
Ngayon alam na ni Sloven kung saan galing ang excitement sa boses ng bata.
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Then, let's go."
Baka kasama langdin niya rito si Boris. Hindi na kami mahihirapan pang maghanap.
.
.
***
Russian Trivia:
- If you noticed, Nikolai called Sloven Dyadya. It means Uncle.
- When Nikolai said that he never saw a Pride Day Parade in Russia, it doesn't mean na walang parte ng LGBTQ+ community na taga-Russia (o Russian). But based on what goes around the internet and some articles, hindi sila ganoon ka-welcome sa bansa kaya wala masyadong openly na expression ng sexuality nila roon (like a parade).
- I know, you might be wondering too bakit ngayon lang ulit ako naglagay ng Russian Trivia para sa story na ito. It's just that, 'yung iba, minention ko na sa mismong story (like parts of the chapter that goes: Ang paniniwala kasi sa Russia, o Sa Russia kasi... etc.) Moreover, I used few Russian customs kasi nasa Pilipinas ang setting, and since, nakiki-adapat si Boris sa environment, it is expected, of course, that he'll try to act more Pinoy than being his Russian self... (I don't know why I have to explain this, but I feel like I have to make sure... ;) )
***
AN
Hi, everyone and happy Sunday! <3 <3 <3 Na-enjoy niyo sana ang UD today for A Man Of His Word! <3 <3 <3
Are you ready? Kasi next week na ang finale! :* Kitakits there!
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top