Prologue

"NO, I CAN'T TAKE ANOTHER SHOT." Umiling-iling si Rosette─mas kilalang Rose ng mga taong malapit sa kanya─at mabilis na tinabig ang basong iniaabot ni Carl sa kanyang harapan. Nakangiti ito, nang hindi niya tinanggap ang baso na may lamang alak, sumulyap ito sa iba pa nilang mga kaibigan.

She could feel all their stares. And she can't help but flinch and nag about how serious they are in teasing her to just continue to drink.

She stared at the crowd. Then laughed. Hard. Tipsy. Ayaw niya na dahil umiikot na ang paligid. Masakit na rin ang ulo niya.

Gusto niya nang ilabas ang lahat ng nasa loob ng kanyang sikmura. But her friends won't listen. Patuloy lang ang mga ito sa pagcheer sa kanya na ituloy pa ang pag-inom.

"Last na 'to, Rose, sige na." May ngiti sa mga labi ni Shai habang tinatanguan ang kaibigan. Much like urging her to just drink up.

Tumango siya. "Okay, basta last na 'to ha. I really can't take another shot anymore."

"Sure," sabi naman ni Sydney.

Mula sa boses, hindi mahihinuha kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. But one thing's for sure, masyadong naaaliw ang mga ito habang pinagmamasdan si Rose na namumula na ang ilong dahil sa matinding kalasingan.

"Okay, fine. Akin na," Rose mumbled with a small smile.

Masaya siya na kasama ngayon ang mga kaibigan. And they are all enjoying the night! Matapos magsayaw kanina sa dance floor ng bar kung nasaan sila ngayon, paikot na silang nakaupo sa mga couches. Nakatingin sa isa't-isa at pinagpapasapasahan ang bote ng whiskey na hindi nila maubos-ubos.

At ngayon, balak ata ng mga itong ipalaklak sa kanya nang walang kamalay-malay ang lahat ng natitirang alak.

But she also wants to drink more alcohol. Perhaps, to drown all the pain and shits in her mind. Masyadong magulo ang utak niya. Mabigat ang dibdib sa samu't-saring sakit na lumulukob sa puso. At nag-uumapaw ang nararamdamang panghihinayang at pagsisi sa sarili.

Gusto niya pang uminom pero ayaw niya rin. Dahil alam niya na kinabukasan, sasalubungin siya nang matinding hang-over.

Mumurahin niya lang nang paulit-ulit ang sarili dahil sa katangahan at kabobohan niya–kagaya nang madalas niyang gawin. Higit pa roon, babalik at babalik lang din naman sa isip niya ang mga bagay at nararamdaman na gusto at pilit niyang tinatakasan.

Sinubukan niyang abutin ang baso. Tinitigan niya ito, ngumiti, at nang hahawakan niya na para kunin mula kay Carl, nagulantang siya nang biglaan itong nahulog sa sahig.

Narinig niya ang pagkabasag nito sa mga piraso. Kumalat ang alak sa makintab na sahig ng bar. "Hala, sayang ang whiskey," dismayadong saad ni Shai.

Nagtakip naman ng bibig si Sydney na ani mo ay nabigla sa nangyari. Ngunit alam ni Rose na hindi ito nabigla. Gusto pa nga ata nitong ngumisi pero pinigilan lang nito ang sarili.

Nang tingnan niya si Carl, nagkibit lang ito ng balikat. "Hindi mo kasi hinigpitan ang pagkakahawak."

"Hindi ko pa nahahawakan ang baso, Carl," seryoso niyang puna. "Sinadya mong bitiwan ang baso."

Maririnig ang inis sa boses ni Rose. Hindi niya maintindihan. Bakit biglaan na lang na nag-iba ang kilos ng mga kaibigan niya?

Kanina lang ay masaya pa silang nagkakantahan ni Sydney kasabay ng banda na nagperform sa mini-stage ng bar. At hindi niya namalayan ang mabilis na paglipas ng oras nang magsasayaw silang dalawa ni Shai sa dancefloor sa gitna ng dagat ng mga tao.

At si Carl, masyado pa itong sincere nang kamustahin siya nito kanina. Bakit... nagbago ang lahat ng mga iyon?

Lasing man ay naramdaman ni Rose na may kakaiba.

Umayos siya nang upo. "May problema ba, guys? May... nagawa ba akong masama?"

Hindi sumagot ang mga ito. Sarcastic na tumitig si Sydney sa kanya. Humalukipkip si Shai. At si Carl ay dismayadong nag-iwas ng tingin.

Mas bumigat ang kanyang dibdib.

Naramdaman niya ang pagbara ng kung ano sa kanyang lalamunan. Alam niyang madalas siyang umiiyak kapag sobra nang nalalasing. Madalas siyang magsalita ng kung anu-ano at hindi na namamalayan kung ano na ang kanyang pinaggagawa.

Totoong marami na nga siyang nainom, ngunit hindi pa iyon sapat para magwala siya at hindi na mapigilan ang sariling umiyak.

Pero... Maingay ang paligid. Kumikinang ang iba't-ibang kulay na mga ilaw. Humugot siya nang malalim na hininga.

Sa sitwasyon ngayon, hindi niya na napigilan ang sariling ilabas ang totoong nararamdaman.

"Ano sa tingin mo, Rose? Kailangan mo ba pa talaga kaming tanungin? Seriously?!" singhal ni Sydney.

Mabilis naman na nagsalita si Shai. "We've known you for 5 years already, Rose. And I didn't take you as a dumb woman."

Nag-init ang bawat sulok ng kanyang mga mata. Naikuyom niya ang mga kamao. God, she's trying her best not to lose grip from all her emotional outbursts. But this time, she's hardly keeping it at bay.

She keeps everything inside a bottle, hindi niya kayang ilabas na lang ang lahat sa harapan mismo ng mga taong kasama niya ngayon. Dahil hindi niya alam kung totoo niyang mga kaibigan ang mga ito, na dapat niyang pagkatiwalaan o mga taong mapagpanggap lang. Mapagbalat-kayo.

Namayani ang katahimikan sa gitna nilang apat. Ngunit sigurado siyang imposibleng tuluyang maghari ang katahimikan sa buong lugar dahil naririnig niya pa rin ang tugtog mula sa naglalakihang sound systems ng bar. Pero sa gitna nilang magkakaibigan, wala nang sinumang nagsalita.

Napapikit siya pero napadilat lang din nang marinig ang pagtikhim ni Carl.

Tinitigan siya saglit nito bago ito nagbitiw ng mga salita. "May tiwala sana kami sa 'yo pero nawala ang lahat ng 'yon nang nalaman namin ang ginawa mo kay Leira."

Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi siya naapektuhan dahil sa sinabi nito. Nang narinig ang pangalan ng kaibigan na dapat ay kasama din nila ngayon, tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha.

Mariing magkalapat ang mga labi ni Sydney nang hinarap niya ito. Tila tuluyan nang hinubad ang maskarang kanina lang ay suot-suot nito para pakitunguhan siya nang maayos.

"The heck, Rose. Hindi natuloy ang kasal ni Leira dahil sa 'yo! And now, you still have the guts to even ask us if there's any problem? Wow, Rose you're basically the problem here."

Gustong patigilin ni Rose si Sydney sa pagsasalita pero hindi niya magawa. Masakit ang bawat salitang binibitawan nito. Tumatagos sa puso niya.

Pinapamukha sa kanya na may nagawa siyang kasalanan; hindi lang bastang kasalanan–isang malaking kasalanang sumira sa pagkakaibigan nila ni Leira, at siguro sa pagkakaibigan na rin nila ni Carl, Sydney, at Shai.

"You're acting like you've done nothing wrong. Nagagawa mo pa ngang magsaya. Such a disappointment, Rose. Hindi namin naisip na tinatago mo lang pala ang totoong ikaw."

Hindi niya na alam kung may dudurog pa ba sa puso at buong pagkatao niya matapos marinig ang sinabi ni Shai. Bitter, hateful and raw–those words best describe the intensity of her friends' hysteria on what she'd done to Leira.

Napaawang ang bibig niya at kumawala na ang mga hikbi. Hindi niya magawang magsalita. Hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili. Dahil alam niya na mali siya. Tama ang lahat ng mga sinabi ng mga ito.

If her friends hate her for what she did... well then, they're on the same track because she hates herself too for all her idiosyncrasies.

Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang aminin mismo sa harapan ng mga ito ang kasalanang ginawa.

May lakas ng loob siyang indahin ang lahat ng sakit sa bawat salitang galing sa mga ito pero ang aminin mismo sa harapan ng mga ito na nagkamali siya?

Ang aminin na masyado lang siyang naging desperadang maramdaman na may nagmamahal sa kanya nang buong-buo? –nanliliit na siya sa sarili.

Nilalamon na siya ng sakit, lungkot, paghihirap at kapag dumagdag pa ang panliliit sa sarili, hindi niya na alam kung makakayanan niya pa ba ang lahat.

Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dalawa niyang mga kamay at doon nagpatuloy sa paghikbi. At tanga siya nang umasang dadamayan siya ng mga kaibigan.

Tanga siya nang naisip na baka iintindihin siya ng mga ito, na sana magpakita man lang ito ng pag-aalala ni katiting man lang.

Walang humagod sa kanyang likod. Walang nagsabi na tumahan na siya sa pag-iyak. Wala. Dahil tuluyan na siyang iniwan ng mga taong inakala niyang maaasahan niya sa panahong nadudurog siya.

Ang tanging nagawa na lang niya ay ang murahin ang sarili–nang walang tigil, nang paulit-ulit. "Tangina ka talagang sarili ka! Bakit hindi ka pa mamatay?!"

Ngunit alam niyang takot siyang mamatay. Hindi niya magawang totoong hilingin na mangyari iyon. Natulala siya habang nagpatuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.

Nanatili siyang ganoon hanggang sa lumipas ang ilan pang mga minuto. Narinig niya ang mga yabag palapit sa kanya. Palakas nang palakas na tila ay sumasabay na ngayon sa papabilis na tibok ng puso sa kanyang dibdib.

Nahagip niya ang pamilyar na pabango ng lalaking naglakas-loob na lumapit sa kanya. Naaninag niya rin maski ang pamilyar nitong tindig. Nang magtama ang mga mata, sinambit niya ang pangalan nito.

"Mico."

Naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay. Dinala sa mga labi at marahan na hinalikan.

Mas lalo lang siyang naluha.

"I love you," paos ang boses niyang saad. Umaasa na sasagot agad ito. Umaasa na sana may pinatunguhan man lang ang kasalanan at pagtataksil na nagawa niya para lang sa lalaking sobra-sobra niyang minahal.

"I love you, Mico," pag-uulit niya.

Hindi ito nagsalita.

Natigilan siya.

Gumagapang na ang kaba sa kanyang dibdib. Nahihirapan na siyang lumunok at gustong-gusto niya nang lunurin ang sarili dahil sa mas tuminding sakit na nararamdaman. Nahihirapan siyang huminga. Unti-unting bumabaon ang puso niya sa libingan nito na siya mismo ang naghukay.

"Mahal din kita."

Tila nakahinga siya nang maluwag nang matapos ang ilang minuto ay nagawa na ni Mico na sumagot. Ngunit hindi lang iyon ang sinabi nito. "–pero mali ang lahat ng 'to. Maling-mali ang mga bagay, Rose."

Natigilan ulit siya. Natulala.

Nakarating sa tugatog ang kabang kanyang nararamdaman. Tangina. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ngayon ni Mico.

Sa kabila nang lahat ng mga nangyari, ito ang sasabihin nito sa kanya?

Putangina. Lumalala na ang lahat.

At habang nakatitig siya sa mga mata nito, hindi niya alam kung pagsisisihan niya ba ang ginawang pagpapakatanga, pagsakripisyo at pagtataksil para lang rito.

Hindi niya alam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top