Epiloque (1)
E P I L O G U E – (1)
A LOVER'S ROSE
MAGKALAPAT ANG MGA LABI NI Mico habang nararamdaman ang paglapag ng eroplanong sinasakyan. Sa kanyang tabi ay prete ang pagkakaupo ng mga pasaherong kagaya niya na tila ay sabik na makauwi sa Pilipinas.
Umayos siya ng upo at napabaling sa bintana sa kanyang tabi. Napatitig siya sa ulap. Payapa ang panahon. Hiling niya ay sana ganoon rin ang isipan niya.
Nang nag-anusyo ang pilot na maaari na silang bumaba, mabilis niyang kinuha ang sariling bagahe at hindi na nag-aksaya pa ng oras na manatili sa eroplano. Maganda ang sikat ng araw nang tahakin niya ang hagdanan.
Suot ang shades na noon ay nakasabit lang sa kanyang polo na nakabukas ang unang dalawang butones, pinasadahan niya ng mga daliri ang nagulong buhok dahil sa hangin na sumalubong sa kanyang mukha. Ang suot na polo, faded jeans at puting sneakers ay bumagay sa ngiti na ngayon ay nakapaskil sa kanyang mga labi.
Natapos na ang mga araw na hinayaan niya ang sariling maging duwag. Iyon agad ang unang pumasok sa kanyang isipan. Isang taon siyang naging duwag. Isang taon niyang tinakasan ang realidad na hindi niya gustong harapin. But did he really become a coward when he decided to turn his back from people and chose himself for the very first time? That was the first time he made a concrete choice out of real bravery.
A year of seeking his real identity and purpose must be enough to clear up his mind. He should've realized this beforehand, that success is indeed not achieved when you are after the approval and evaluation of others.
Tanging isang travel bag lang ang nakasukbit sa kanyang balikat. Mabilis ang lakad niya. Sa bawat paghakbang ay iniisip kung saan siya unang magtutungo pagkaalis ng airport. Ngunit hindi rin niya napigilang sumagi sa isipan ang mga nangyari nang umalis siya nang mahigit isang taon.
He had left the country for Madrid, Spain. Ang orihinal na plano ay ang pangalagaan ang kompanya ng foster parents niya. Ngunit napagtanto niyang hindi niya magagawang mamuhay nang ganoon na lang—sunud-sunuran sa mga taong wala naman talagang pakialam sa kanya. Basta ba ay magamit lang siya ng mga ito sa paraan na gusto ng mga ito.
Ang akala niya ay kakayanin niya pang maging underdog ng pamilyang kumupkop at naging parte ng buhay niya. Sinubukan niya. Pero sa pagkakataong iyon, hindi niya na masikmurang magpanggap at lokohin ang sarili.
"I'm no expert on stocks and market trading. I only said I could be a counterpart of Benedict while he works as the CEO, I could plan and build buildings without any hesitations ngunit sa larangan na ito, Mom, I couldn't just be here within a week and be an excellent employer. I still need to observe and learn. After all, ngayon lang ako nagawi sa negosyo ninyong ito."
"Come on, hijo, what good could these nonsense reasons do to our family business? Hindi naman iyan nalalayo sa dati mong trabaho noon hindi ba?"
No. Not at all. Puno ng sarcasmo ang mga katagang nasa isipan ni Mico. Sobrang layo lang.
"You better not be this anxious. Ikaw dapat ang namamahala, hindi si Benedict. You are our son. Hindi Semillano ang apelyido ni Benedict. Empleyado lang siya at ipinagkatiwala lang iyang posisyon na iyan sa kanya sa maikling panahon. I believe, mas magaling ka pa sa kanya. You can accomplish everything if only you would set your focus on it am I right? You deserve that position more than anyone else. Para sa pamilya natin, huwag mo kaming bibiguin."
But Benedict has been ruling the company for years. Nagtataka si Mico kung bakit ngayon lang naisipan ng pamilya niyang papalitan ito sa kanya.
Naikuyom niya ang mga kamao at napahilamos gamit ang sariling mga palad. Napabuga siya nang hangin at napatitig sa hindi pamilyar na tanawin na nakikita mula sa sariling suite sa isang hotel na kasalukuyan niyang tinutuluyan habang nasa Madrid.
Nakaharap siya sa malapad na glass wall ng presidential suite na kinuha mismo ng staffs ng kompanyang kailangan niyang pamahalaan. He stood with a gloom in his face. He still wears the same suit he wore during the meeting he attended for the announcement of his arrival.
If anyone would only be looking at him at the moment, he can be marked as a confident and well honored corporate heir. He looks intimidating yet personable. He has gained the attention of everybody. Despite everyone's differences in the nationality and culture he managed to build a bridge that connects himself and everyone despite their differences.
Sa tingin niya ay magagawa niya namang pangalagaan ang kompanya. Iyon ay kung pagbibigyan siya ng sapat na panahong mapag-aralan ang pagtakbo nito.
But obviously, his foster parents didn't want him to adjust and intensively immerse himself in the business itself.
Nagmamadali ang mga ito. Hindi niya ugaling humindi sa mga ipinapagawa ng mga ito sa kanya. Ngunit, sa puntong iyon, alam niyang kailangan niyang magdesisyon nang naaayon sa kung ano ang dapat.
And so, he changed into a casual wear that's suited in the country where he's currently at. He packed all his things in a luggage, sent a message to Benedict to which he believed is competent enough to keep the company going at its best. He then called his foster parents saying he doesn't want to risk on doing things for them anymore. Especially if he knows he could be the reason for their company's downfall.
He has done much for them. This time, he wanted to make amends to himself for allowing him to be manipulated and controlled.
He left his suite and left the keys to the receptionist, took a cab, went somewhere and rented a new place where he could stay; where he thought he could start anew. . .
Magaan ang bawat paghakbang ni Mico, ngayon ay palabas na siya ng airport. Nakikita niya ang pagbaling at pagtitig sa kanya ng mga taong nakakasalubong at nakakasabayan sa paglalakad.
He remained calm as he strode towards the massive space at the airport's main entrance. Saktong pag-apak niya palabas ng entrance ng building ay nahagip niya ang pamilyar na pigura ng isang babae.
Mabilis pa sa paglubog ng araw ang naging pagkilos ni Mico. Nawala ang dating kalmado niyang eskpresyon sa mukha. Hindi mapangalanan ang namutawing ekspresyon sa kanyang mga mata nang masiguradong si Rose ang nakita niyang papasok sa loob ng airport.
"Rose!" Mahina ang boses ng una niyang pagtawag. Hanggang sa unti-unti itong lumakas habang papasok ulit siya loob.
Halos matigilan siya nang masilayan ulit ito matapos ang isang taon. Her aura– like before–radiates a sense of familiarity and comfort. Fuck, he missed her so much that he couldn't manage to keep his cool. Not, when he is just gazing at her from a distance.
Mabilis ang bawat paghakbang niya papasok ulit sa entrada ng airport. Namumuo ang kaba sa kanyang didbib. Bakit sa mismong lugar na ito pa sila muling magkikita?
Damn. Aalis ba ito ng bansa?
Ngunit basta natigilan si Mico nang mahagip din ng mga mata ang pamilyar na lalaki na kasama ni Rose. Si Vin. Nakangiti ito habang nakikipag-usap kay Rose. Magkalapit ang dalawa habang nag-uusap.
Nakikita niya kung paano nasisiyahan si Rose habang nakabaling kay Vin. At nang maaktuhan at makita niya ang marahang pagpalo nito sa balikat ng kaibigan, hindi niya napigilang maisip na baka napalapit na sa isa't-isa ang dalawa. Baka may namamagitan na sa mga ito.
Napaawang ang bibig ni Mico. Tuluyan siyang nawalan ng lakas. Natigil siya sa paglalakad at napatitig na lang kay Rose.
Natatawang pumasok si Vin sa boarding area, hila-hila na nito pati ang maletang kinuha mula kay Rose. Si Rose naman ay napatitig sa lalaki.
"Rose. . ." muling saad ni Mico pero hindi na ganoon ka-lakas ang boses.
Napalinga-linga si Rose ngunit saktong may dumaan sa harapan niya kaya hindi siya nito nakita. Segundo lang ang lumipas nang nakita na niya itong pumapasok sa loob ng boarding area.
Napaatras si Mico. Biglaang nanlabo ang kanyang mga mata. Napatingala siya at mapaklang natawa, pero pinipigilan niya lang ang sariling tumulo ang kung ano'ng nagbabadya sa kanyang mga mata.
Nang napatitig siya sa banda kung saan niya nakita si Rose ay wala na ito. Ang mga tao sa kanyang paligid ay nagpatuloy sa pagparoon at parito. Bumibigat ata ang noon ay magaan niyang travel bag, ngunit marahil ang dibdib niya nag bumibigat sa bawat paglipas ng mga segundo. He took another step backwards. Then another.
Mabibigat ang kanyang bawat paghakbang. Hindi niya mahinuha kung bakit sobrang hirap ang tumalikod at tuluyang umalis ng airport.
Nahuli ba siya ng dating? O masyado siyang nagkaroon ng kompyansa sa sarili? Mahal na mahal siya ni Rose. Masyado siyang umasa at buong lakas na loob na kumapit doon. Hindi niya inakalang tuluyan niya na pala itong naitulak para bumitiw ito. At siya ang dahilan.
Inakala niyang hindi siya nito magagawang kalimutan agad. Yes, he had hurt her, but he will take responsibility of it. Handa siyang habang buhay na bumawi at pagbayaran ang sakit na naidulot niya rito.
Damn, a year must have been too long.
It was a thing about people like him who are too confident with themselves, he thought. Kapag nakita mo kung gaano ka–kamahal ng isang tao, madali lang para sa 'yo ang magdesisyon na gawin ang mga bagay na para sa ikabubuti ninyong dalawa.
Siguro mas madali rin na umalis. Dahil iyon ang kanyang ginawa. Alam niya kasing mahal na mahal siya ni Rose. Ang nasa isip niya. . . hindi siya nito makakalimutan agad. May babalikan pa siya. May pagkakataon pa siyang bumawi.
Pero kaya pa lang durugin ng sakit ang pagmamahal na minsan nitong inalay para sa kanya. Iyon marahil ang nangyari kay Rose kaya nagagawa na nitong ngumiti sa iba na ganoon katingkad.
As Mico walks past the busy streets, he was greeted by random yet familiar faces. Iba ang pakiramdam niya ngayong nakikita na ang kapwa Pilipino, hindi katulad noong nasa Madrid pa siya, kung saan kinailangan niyang pakitungahan nang maayos ang kung sino man, lalo na at nagsimula siyang walang-wala sa mata ng mga Espanyol. Dahil hindi niya ipinagpatuloy na gawin ang totoong pakay niya roon.
Wala siyang narinig galing foster parents niya simula nang nagdesisyon siyang mamuhay ng normal na lamang. Itinaklwil na ba siya ng mga ito? Kinamumuhian na ba siya? Hindi niya alam.
At sa dayuhang bansa ay pinatunayan niya sa sariling kaya niyang matamasa ang buhay na walang kung sino mang nakamasid sa kanyang bawat kilos na handang manghusga. Wala siyang kailangang patunayan sa kung sino man roon. Nagawa niyang maging totoong siya.
Ayaw niyang umuwi na lang sa Pilipinas na bigong-bigo. Kaya sinubukan niyang makipagsapalaran doon. Nag-apply siya ng trabaho, at nang natanggap ay nagsimula siyang mag-ipon. Bukod doon ay marami pang nangyari, kaya inabot pa siya ng isang taong bago nakauwi sa Pilipinas.
Simula nang lumapag ang eroplano, si Rose agad ang unang sumagi sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin ngayong nakita niyang umalis si Rose.
Nagtungo si Mico sa isa sa isang kilalang hotel ng syudad. Nang mabuksan ang unit na nakuha ay agad siyang bumagsak sa kama. Pagod pa dahil sa ilang oras na flight ngunit nanatiling gising ang kanyang diwa habang nakahiga sa kama na tila wala siyang pakialam sa mundo. Ang kanyang isang kamay ay nakapatong sa kanyang noo. Ang mga paa ay nakalapat sa sahig. Ang kalahati ng katawan lamang ang maayos ang pagkakahiga sa kama.
Bumibigat ulit ang kanyang dibdib lalo na at mas nanaig sa kanyang isipan ang nakitang nangyari kanina sa airport.
Shit. Fuck. DAMN.
Mainit ang likidong lumandas sa gilid ng kanyang mga mata.
Napabalingkawas siya ng bangon, itinukod ang magkabilang siko sa kanyang mga hita at inilapat ang kanyang palad sa mga mata. Tahimik niyang inilabas ang pinipigilang luha at sakit.
Ngunit alam niyang kailangan niyang kumilos.
Kapag nakarating na siya Pilipinas, ang una niyang dapat gawin ay puntahan si Rose sa apartment ng pamilya nito. Mabibigla man ito sa kanyang pagbabalik ay hindi siya magsasawang magpaliwanag dito at humingi ng tawad. Ngunit nang makita itong paalis ay alam niyang wala na siyang maabutang Rose sa apartment ng pamilya nito.
Masasakit ang mga salita ang nasabi niya rito noon. Tandang-tanda niya pa ang lahat.
Nakikita mo ba ngayon ang sarili mo, Rose? Nakikita mo ba?
Alam niyang halos kalahati ng kanyang mga sinabi ay totoo, lalo na iyong tungkol sa pagbabagong nakita niya kay Rose dahil sa kanya.
Ayoko 'yong nagkakaganito ka!
She was barely keeping a hold of everything, Mico knew that. Alam niyang nahihirapan na si Rose sa sitwasyon nila. Unti-unti na nitong nakakalimutan ang sarili. Ayaw niya nang ganoon. He doesn't want to be the cause of Rose's destruction.
Hindi na ikaw 'to, Rose! Hinahayaan mo nang manaig sa buong pagkatao mo ang emosyon na nararamdamdaman mo. Huwag mo akong luhuran. Huwag mo akong iyakan.
He had to make a choice. He thought hurting her would be better for her to finally realize that she also has to prioritize herself other than chasing him amid a chaotic mischief.
I can't believe you became like this. Is this because of me, Rose?
Let's end this. I'm sorry. Tigilan na natin ito.
Napabuga ng hangin si Mico at napatingala. Tumayo siya at nagpunta sa banyo. Kailangan niya pa rin pumunta sa apartment ng pamilya ni Rose, sana lang ay doon pa rin nakatira ang mga ito. Kung kakailangin ay handa siyang sundan si Rose sa ibang bansa. Hindi siya magdadalawang isip na gawin iyon.
Malamig ang pagbagsak ng tubig sa kanyang katawan. Nakatukod ang isang braso niya sa pader nakatungo ang mukha. Nakapikit siya at sinubukang pakalmahin ang isipan. Ngunit bigo siyang mangyari iyon.
NGAYON AY NASA mismong pintuan si Mico ng apartment ng pamilya ni Rose. Alam niyang hindi niya na madadatnan roon ang dalaga ngunit hindi na rin masama kung may mapagtanungan siya kung saan ito pumunta.
Sumalubong sa kanya ang isang lalaking katamtaman lang ang laki ng katawan. Mas matanda ito sa kanya ng ilang taon, ngunit halos magkasingtangkad lang sila ng kaharap.
Ito ba ang nakatatandang kapatid ni Rose?
Nakita niya ang disgusto sa mukha ng lalaking kaharap.
"Magandang tanghali," ani Mico. Pamilyar ang mukha nito. Nang maalala ni Mico kung saan niya nakita ang lalaki, halos hindi niya na alam kung paano niya sasabihin rito ang pakay niya.
"Semillano." Bakas na sa mismong boses ng lalaki ang disgusto na nararamdaman para sa kaniya.
Sa isang business forum niya ito nakilala, nakipagkamayan pa siya rito at ipinakilala ang sarili. Ngunit kasama niya noon si Leira. . . at ipinapakilala niya si Leira sa lahat bilang girlfriend niya.
Hindi paman tuluyang naibubuka ni Mico ang bibig para muling magsalita nang naramdaman niya ang paglapat ng matigas na kamao ng nakakatandang kapatid ni Rose sa kanyang panga. Napaatras siya. Mabilis siyang kinukwelyuhan ng lalaki at muli siyang sinuntok sa kabilang panga.
Narinig niya ang sigaw mula sa loob ng bahay. Nakaawang nang bahagya ang pinto kaya nagawa niyang makita ang mga naroon sa loob. Ang Mama ni Rose at ang nakakababata nitong kapatid na babae.
Tatlong sunod-sunod na suntok ang paulit-ulit niyang naramdaman sa kanyang mukha. Hindi ito bastang natigil. Nagpatuloy ang Kuya ni Rose sa pagsuntok sa kanya hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Ramdam niya na ang hapdi sa kanyang pumutok na labi. Namamanhid ang gilid ng kanyang panga. Hinahayaan niya ang lalaki sa paggulpi sa kanya. Hindi siya pumalag. Hindi niya dinipensahan ang sarili.
"Baron, tama na iyan!"
Tila natauhan ang lalaki. Hindi nito tinuloy ang muling pagsuntok sa kanya.
"Gusto kong. . . humingi ng tawad kay Rose." Sinikap ni Mico na makapagsalita pa rin sa kabila ng pumipintig sa sakit sa gilid ng kanyang labi, sa kanyang panga at pisngi.
"Kinginang mo! Ang lakas ng loob mong magpunta rito isang taon matapos mong lokohin at paniwalain ang kapatid ko!"
Walang naisagot si Mico. Hinahayaan niya lang ang lalaking magngitngit sa galit sa kanyang harapan. He deserves to be loathed like this.
Sa likuran ng nakakatandang kapatid ni Rose ay nakita niya ang Mama nito na bahagyang sumisilip. "Saang bansa ho, pumunta si Rose?' tanong ni Mico, umaasa na baka sakaling sagutin nito ang kanyang tanong. Nakahiga siya sahig kaya dahan-dahan siyang tumayo.
"P-paano mo nalamang umalis ng bansa ang anak ko?" Hindi makapaniwala nitong tanong sa kanya.
Ngunit hindi na ulit siya nakapagsalita nang muli siyang hawakan ng Kuya ni Rose sa kuwelyo ng kanyang damit at padarang siyang hinila palayo sa pintuan at pababa sa hagdanan ng ikalawang palapag ng apartment.
Malakas ang pagkakatulak nito sa kanya, at sumubsob siya sa kalsada. Sinipa siya ng lalaki sa tagiliran. Isa. Dalawa. Tatlo. Tumigil lang ito nang makuntento ito at nakitang hindi na siya halos gumalaw. Napapikit si Mico nang maramdaman ang matinding sakit sa kanyang buong katawan.
"Tangina mo, umalis ka dito! Wala kang mapapala! Ang akala mo sa amin tanga?! Propesyunal ka nga pero wala ka naman sa tamang pag-iisip! Walang prinsipyo! Walang paninindigan! Kung hindi ka nagawang saktan ng kapatid ko sa paraan kung paano mo siya dinurog, ako ang gaganti para sa kanya!"
Nang natahimik na ang lalaki ay tsaka pa niya nawagang maigalaw nang bahagya ang katawan. Itinukod niya ang kanyang kabilang siko sa kalsada, dahan-dahan na iniangat ang kaliwang katawan, mahapdi ang pagkakalapat ng kanyang siko sa magaspang na kalsada. Ngunit wala siyang ibang magagawa kundi ang sikaping makatayo sa kabila nang panghihina ng katawan. Ang kanang siko niya naman ang sunod niyang itinukod, dahan-dahan at namimilipit sa sakit ngunit sa wakas ay nagawa niya nang makatayo.
Marami ang nakakita ng nangyari. May kunot sa noo ang mga nakapanood ngunit nanatili ang mga ito sa pagpukol sa kanya nang nagtatanong na mga tingin.
"Umalis ka na!" sigaw ulit ng lalaki.
Magsasalita pa sana si Mico pero itinikom niya na lang ang bibig. Maski sa paggalaw ng labi ay matinding hapdi na ang nararamdaman niya. Hindi na niya magawang magkapagsalita pa nang mahaba para makapagpaliwanag.
Bagsak ang balikat niya nang tumalikod na lang. Paika-ika siyang nagsimulang maglakad paalis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top