Chapter 7
"I know I can't stay mad at someone. Does that make weak me and stupid? I forgive people that instant."
- K A P E -
PANAY ANG DAGSA ng mga empleyado sa ika-limang palapag ng main building ng Severo Realty Corporation. Doon pa lang ay alam ni Rose na hindi basta-basta ang kompanyang napasukan niya.
Malaki iyon base sa building mismo–maging sa scope ng operation nito kung ang mga iyon ang pagbabasehan. Siguro ay sobrang suwerte na nga niya dahil nakapasok pa siya bilang isa sa mga utility staff. Hindi niya iyon itatangi. Kung hindi lang siya nasabihan ni Arci sa gaganaping meeting sa araw na ito ay paniguradong mangungunot ang noo ni Rose tungkol sa kaganapan.
Hawak-hawak niya naman ngayon ang isang window pane cleaner. Nakaharap sa malapad na glass wall ng fifth floor at matiyaga iyong nililinisan. Mula sa kinatatayuan ay nanuot sa kanyang paningin ang tawanin sa baba.
Kita niya ang mga sasakyan na paroon at parito sa i-ilang mga kalsada na nahahagip ng kanyang paningin. Maging ang mga katabing establisyemento at iba pang mga gusali na iba-iba ang lapad at taas.
She's admiring the great view of the urban city–the rare beauty of how the scenic view of the crystal clear sky matches well with the chaotic daytime rush of normal setting in the city's downtown.
Napangiti siya nang mapagtanto na sa kabila ng kanya-kanyang gawain ng bawat isa para lamang mapagtagumpayan ang araw na ito; sa kabila nang pagiging magulo nang mga bagay–hindi mawawala ang kasiguraduhan na magiging maayos din ang lahat. Sa kabila nang paghihirap na nararanasan niya at ng mga taong katulad niya ng sitwasyon ngayon.
Napatitig siya sa langit. Namamangha sa kagandahan nito at sa kapayapaan na dala nito sa isip niya na ilang linggo nang hindi mapirmi dahil sa dami nang inaalala. Nanatili siyang ganoon ngunit halos mapatalon siya nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Greg, ang head ng department nila.
"Marami pang kailangang linisin, Rose. Bilisan mo d'yan." Magkasalubong ang makakapal nitong kilay habang nakapukol ang tingin sa kanya.
Tumango siya sa sinabi nito at sinulyapan ang kasamang si Arci na ngayon ay nagliligpit ng magazines at miniature models ng mga bahay na may iba't-ibang disenyo na nakalagay sa isang estante.
Nilingon siya nito at tinanguan nang mapansing nakatingin siya rito. Nagpatuloy naman siya sa ginagawa. Lumipas ang tatlumpong minuto at nakita niya ang sariling kaharap na si Arci habang pareho silang kumakain ng tinapay na nabili nila sa isang bakeshop nang bumaba sila kanina para magbreak.
Usap-usapan nila ngayon ang head ng department nila na si Greg na kung ilawaran ni Arci ay pang employee of the year ang kakayahan dahil sa iba't-ibang papuri na sinasabi nito para sa kasamahan nila.
"Grabe iyan si Greg. Halos kasabay ko lang din 'yang nakapasok dito sa kompanya. Sobrang dedicated sa trabaho. Kita mo kanina? Sinita ka niya 'di ba kahit na halatang kumikilos ka naman. Nako, alam niya kasing galente ang Chairman ng kompanya sa mga katulad natin kaya hindi niya maatim na magbulakbol sa trabaho."
Tumango siya. Hindi niya pa man nakikita ng personal ang talagang mga may-ari ng kompanyang pinagtatrabahoan, pero base sa mga naririnig niya mula sa mga i-ilang staffs ng kompanya, alam niya na totoong galante ang mga ito.
Kumagat siya sa tinapay na hawak-hawak pero agad din na natigil sa pagnguya nang maalala na kailangan niyang tawagan si Aling Corazon para kamustahin ang Mama niya na ngayon ay nakaconfine pa rin sa ospital.
"Saglit lang, Arci. May tatawagan lang ako," paalam niya rito. Pagkatapos nitong tumango ay tumalikod na siya at bahagyang lumayo sa kinatatayuan nito. Tiniwagan niya ang numero.
Agad na naglandas sa isipan niya ang Mama niya na bagaman nakahiga pa rin sa hospital bed ay nagagawa na siya nitong bigyan nang malaking ngiti. Pansin niya rin ang unti-unti nitong pagiging masigla.
Under observation pa raw ito sabi ng doctor at sa ngayon ay kasama nito ang kaibigan nitong si Aling Corazon. Nagpapasalamat siya at nagpresenta ang ginang na bantayan muna ang Mama niya habang pumapasok siya sa trabaho at pumapasok naman sa eskwelahan ang kapatid niyang si Chel.
"Aling Corazon..." saad niya nang sagutin nito ang kabilang linya.
"Oh, Rose? Napatawag ka?"
Tumango-tango siya kahit na hindi naman nito iyon makikita. "Ah, oho, mangangamusta lang ho sana ako tungkol kay Mama."
Agad naman itong nagsalita. Mababakas sa boses ang pangiti nito. "Hija, huwag mo na munang alalahanin ang Mama mo rito. Baka hindi mo magawa nang maayos ang trabaho mo d'yan. Bayaan mo at hindi ko pababayaan rito si Rosalyn. Tapos na siyang kamustahin ng doctor kanina. Sinabi pa nga sa amin na baka maaari na siyang makalabas ng ospital sa makalawa."
Nanlaki ang mga mata ni Rose at hindi napigilan ang sariling mapangiti. Makakalabas niya ang Mama niya sa ospital! "Talaga ho, Aling Corazon?"
Walang pag-aalinlangan na sumagot ang ginang sa kabilang linya at kinumpirma na hindi ito nagbibiro. Totoo ang sinabi nito.
"Magandang balita po 'yan!"
"Higit pa sa magandang balita, hija."
Sunod-sunod siyang napatango sa sinabi nito. Finally, her mother's not going to spend more days at the hospital. Panay na rin kasi ang pagsasabi nito na ayaw na nitong magtagal pa sa ospital dahil pakiramdaman nito ay limitado lang ang mga kilos nito. Nakahiga lang daw ito sa hospital bed na para bang baldado. Isa pa, panay na rin ang pag-aalala nito sa bill na babayaran nila.
Masyadong maaalahanin ang Mama ni Rose. Kahit na ito na nga ang nagkakasakit at kailangan talagang dalhin sa ospital, ito pa ang nag-aalala sa kung anu-ano pang mga bagay. Lalo na kung tungkol iyon sa pera. Ngunit ang nasa isip ni Rose ay hindi na dapat nito iniisip ang mga bayarin. Ang importante ay gumaling ito.
Nanatili sa isipan ni Rose ang mukha ng Mama niya, na katulad nang sa kanya ay prominente ang panga at ilong, may kanipisan ang mga labi at sakto lang ang kilay upang magdepina sa mapupungay nilang mga mata. Sa Mama niya mismo namana ang kanyang maputing kutis.
Si Chela at ang Kuya niya ay mas nakuha ang physical features ng Papa nila kumpara sa kanya. Kaya naiintindihan niya kung bakit paulit-ulit na sinasabi ng mga kapitbahay nila na masyadong magkalapit ang itsura niya at ng Mama niya noong kapanahunan pa nito. Na parang si Rosalyn lang ang kaharap nila kahit na si Rose na iyon.
Hindi niya napigilang mapangiti.
"Pwede po bang makausap si Mama, Aling Corazon?"
"Mahimbing ang tulog niya ngayon, Rose. Saglit lang at gigisingin ko para sabihing gusto mong makipag-usap.
Mabilis pa sa alas-kwatro siyang umiling-iling kahit na hindi naman nito makikita ang kanyang reaksyon. "Aling Corazon, 'wag niyo na pong gisingin si Mama. Ayos lang po. Pupunta rin naman po ako d'yan pagkatapos ko rito sa duty."
"Talaga ba, hija?" may pag-aalinlangan sa boses nito.
"Opo, Aling Corazon. Ayos lang po."
Tumango-tango pa siya bilang patunay na ayos lang talaga iyon sa kanya. Mas mabuti pa na huwag na lang gisingin ang Mama niya dahil makakausap din naman niya ito mamaya kapag pumunta na siya sa ospital pagkatapos niyang magtrabaho.
Inilipat ni Rose sa kaliwang tenga ang cellphone na hawak-hawak at magsasalita pa sana nang mapansin kung saan siya dinala ng mga paa habang nakikipag-usap sa ginang sa cellphone.
Sa banda malapit sa conference room siya dinala ng mga paa. Napatitig siya at hindi napigilang sumilip sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room kung saan kasalukuyang ginaganap ang meeting ng mga executive staffs.
Ang alam niya ay kasalukuyang may ginaganap na meeting doon ngunit parang tahimik at payapa ang loob ng conference room dahil wala siyang naririnig na kahit ano'ng ingay. Wala rin siyang nasasagap na boses na nagsasalita sa harapan.
Nangunot ang kanyang noo. Nararamdaman niya ang kagustuhang abutin ang doorknob para tuluyang buksan ang pinto pero pinigilan niya ang sarili. Hugot niya ang hininga habang sumisilip pa rin nang biglaan siyang mapatalon dahil sa nagsalita sa kanyang likuran.
"Everyone's on break," ani ng boses. Pamilyar iyon. Parang boses ng aroganteng engineer na gusto niyang tirisin matapos siyang tawaging over-thinker at mapagkamalan na may kung ano'ng ear defects.
Mico Semillano.
Biglaan siyang naalerto. Naglapat ang mga labi. Walang anu-ano ay umayos siya ng tayo at nilingon ang lalaking nagsalita.
Pero nanlaki lang din ang mga mata niya nang mapagtantong sobrang lapit pala nito. May dala-dala itong kape sa kaliwang kamay at sa isang maling kilos niya, nasagi niya iyon at basta na lang na tumilapon ang kape sa bandang dibdib nito. Nabasag ang tasa na pinaglagyan nito ng kape nang lumapat iyon sa sahig.
"Shit! Shit!" nagpapanic niyang saad.
Napangiwi si Mico at napaatras ng dalawang beses. Nanlalaki naman ang mga mata ni Rose at mabilis siyang humakbang palapit dito.
"Shit, sorry. Hindi ko sinasadya." Ang inis na nararamdam niya kanina ay napalitan ng pagkabahala lalo na nang hindi siya tiningnan pabalik ni Mico. Abala na ito sa pagbukas ng mga butones ng polo na suot-suot na natapunan niya ng kape.
Hindi alam ni Rose ang gagawin. Rinig niya ang pagkabog ng kanyang dibdib at ang hindi na mapalagay na paghinga. Sa isip-isip ay pinaulanan niya na naman ulit ng mga mura ang sarili dahil sa pagiging hindi maingat.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Ito na ba ang tamang pagkakataon para tumakbo siya? Magtago sa storage room at hindi na lumabas hangga't may banta pa na maaari niyang makita o makasalubong si Mico–ngayong may nagawa siyang kasalanan rito?
Hindi niya malaman kung ano'ng dapat niyang gawin. Potek! naibulalas niya sa kanyang isipan.
Pero halos matigil ang paghinga niya nang sa hindi inaasahan–matapos ang mahigit isang minuto–nag-angat ito ng paningin at nagtama ang mga mata nila. "Mainit..." tanging nasabi nito, "Makapal ata ang balat ko kaya hindi tuluyang nalapnos."
Nakaawang ang bibig ni Rose habang hindi pa rin ibinababa ang tingin mula rito. Kailangan niyang magsalita para humingi ng pasensya pero bakit natutulala siya habang nakatitig sa nangungusap nitong mga mata at sa labi na bahagyang nakaangat dahil sa munting ngiti na ibinibigay nito sa kanya?
'Ano'ng nangyayari sa'yo, Rosette Resuelo?' kastigo niya sa sarili.
Hindi nakakatulong para magawa niyang kumalma ang didbib ni Mico na nakabalandra sa kanyang harapan. Bukas na ang unang limang butones ng polo nito at malaya niyang nakikita ang dibdib nito na sigurado siyang isang malaking kasalanan kung babalingan niya ng tingin kahit isang beses man lang.
Well, his chest seems toned. Gusto nang sampalin ni Rose ang sarili dahil nagawa niya pa iyong pansinin. Ano ngayon ang nagyayari sa kanya? Hindi niya alam.
Kailangan kong umayos!
"Sorry. H-hindi ko sinasadya," naibulalas niya sa gitna ng kabang nararamdam, pakikipagtalo sa sarili, at kung ano'ng kagagahan na tumatakbo sa isipan.
Nagsalubong ang mga kilay niya at ramdam ang paggalaw ng balat sa kanyang noo at sa bandang ilong dahil sa matinding pagkalukot ng kanyang mukha. Gulong-gulo siya dahil nakita niya na mas lumapad ang ngiti ng lalaking kaharap.
Arogante talaga ang inhenyerong 'to. Dapat lang siguro sa kanyang matapunan ng kape!
Narinig niya ang pagtikhim nito. Hinihintay niya ang sasabihin nito pero wala siyang narinig. "Ano na?"
He threw his head back lightly while a small smile rests in his lips. Rose knows that he's somehow amused. But with what? May saltik ba sa utak ang lalaking ito at bigla-bigla na lang na ngingiti kahit na nasabuyan na ng kape?
"The look on your face... it's indescribable," anito sa gitna pa rin nang pagiging weird. "Ayos lang naman ako. Don't worry."
Kita niyang pinagpagan nito ang damit na basa dahil sa mansta ng kape. Hindi pa rin makakilos si Rose sa kinatatayuan kahit na sinabihan na siya ni Mico na hindi na dapat siya mag-alala. Alam niya kasi na kahit humingi siya ng pasensya nang paulit-ulit at sabihin niyang hindi niya sinasadya ang nangyari, hindi pa rin nito maaalis ang mantsa sa polo ni Mico.
Napapikit siya lalo na at sigurado siyang mamahalin ang polong iyon.
Baka ako pa ang maging dahilan para hindi na siya makasali sa meeting sa pagkatapos ng break. Alangan namang haharap siya sa CEO nang may malaking mansta ang suot. It's either he will not join the meeting again because of this–natigil siya sa pag-aalala nang magsalita si Mico.
"I have spare clothes in the car." Nahalata siguro nito na nag-aalala pa rin siya dahil panay ang titig niya sa damit nito habang kagat ang daliri at hindi mapalagay. "Don't be bothered anymore... Rose."
Parang hindi agad naremihistro sa utak niya ang narinig, lalo na nang mapagtanto niyang alam nito ang pangalan niya. Nangunot ang kanyang noo. Teka, bakit parang big deal iyon para sa kanya?
"Kung tutuusin, mas matindi pa ang nagawa ko sa 'yo kumpara rito." Sinulyupan nito ang damit pagkatapos ay tiningnan siya. Biglaan na lang itong naging seryoso. "Alam kong natatandaan mo pa iyong gabing muntik na kitang masagasaan. Ikaw iyon 'di ba? Hindi ako pwedeng magkamali."
Hindi nagsalita si Rose. Ni tumango man lang. Ano naman ang sasabihin niya rito? Bubulyawan niya na naman ba ito ulit at sasabihang kaskaserong driver? Sa totoo lang, hindi niya alam. Nang makitang parang may gustong sabihin si Mico sa kanya–siguro ay para humingi ng pasensya dahil sa nagawa–nawawala ang inis niya sa katawan na nararamdaman niya sa tuwing naaalala ang insidenteng muntikan na siyang masagaan nito.
"What a coincidence, nagkita pa tayo ulit at naging magkatrabaho. Guess it's meant to be that way so I could sincerely apologize to you about that incident."
Ngayon, tanging tango lang ang naisagot niya rito.
"I'm Mico Semillano by the way. I asked for your name from Arci."
Tinitigan niya ang nakalahad nitong kamay. And she knows it's rude to just ignore it. Napalunok siya. Nilagyan ng tipid na ngiti ang kanyang mga labi. Nang naglapat ang mga kamay nila ay mas lumaki ang ngiti nito. "Ang bigat sa pakiramdam kapag alam mo na may ibang taong galit sa'yo–if you get what I mean. You know, when I saw you I badly want to apologize again. Kasi alam ko na hindi naging maayos ang pag-uusap natin matapos ang insidente."
Napatango si Rose at sinubukang panatilihin ang tipid na ngiti. "Nagalit ako no'n kaya hindi ka nakapagpaliwanag nang maayos," pag-amin niya. Sinalubong niya ang mga mata nito at sigurado siyang seryoso ito habang humihingi ng sorry.
"Pasensya na rin sa inasta ko."
Umiling-iling si Mico sa kanyang harapan. "Normal lang iyon."
Woah, normal? Pero sinabihan mo akong over-thinker. Inalis na 'yon ni Rose sa isipan.
Ngayon ay nakangiti na sila sa isa't-isa. Tumango-tango si Rose at tila nawalan ng kung ano'ng bigat sa kanyang dibdib. "Okay..."
Humakbang ito palapit sa kanya─hindi, humakbang lang pala ito palapit pagkatapos ay yumuko para pulitin sa sahig ang mga nabasag na parte ng tasa na dala-dala nito kanina.
Yuyuko rin sana siya para tumulong pero nakuha na nito ang lahat ng mga basag na parte. Ang nagawa na lang niya ay salabungin ang mga mata nito nang humarap ulit ito sa kanya. "I guess it's already settled then?"
Tumango siya. "Yes, maybe."
He flashed another smile. "It already is. See you around, Rose."
Isang tango ulit. Hindi naman siya ilap sa mga tao at matipid kung magsalita. Pero ngayon ay walang gustong lumabas na salita sa kanyang bibig.
Tanging ngiti lang ang nanatili sa kanyang mga labi. Pero sa kanyang dibdib, may kung ano'ng gustong kumawala doon, ramdam niya ngayon ang bilis nang pagtibok nito.
------
shadesofdrama
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top