Chapter 4

"When situations get tough, the decision to do the right thing matters most–despite the odds."

- M A G D A H I L A N -

UMAGA NG MIYERKULES at nanatili si Rose sa loob ng apartment kahit na mataas na ang sikat ng araw. She feels exhausted after days of strolling the city just to find a job. Ngayon ay nakabalot pa siya sa kumot at nakadapa sa kama habang kausap ang isa sa mga kaibigan niya. Si Leira.

"Hindi mo sinabing nagresign ka sa trabaho mo," Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ni Leira habang kaharap nila ang isa't-isa sa kanya-kanyang screen ng laptop. Tinawagan siya nito sa skype para kamustahin. Sinagot niya naman agad ito kaysa naman tuluyan siyang magmukmok sa kwarto at malunod sa pag-iisip ng kung anu-ano.

Bahagyang ngumiti si Rose rito bago nagsalita. "Sorry, Leira. Alam ko naman kasing busy kayo. Hindi naman ako 'yong tipong nagsusumbong na lang palagi kapag may problema."

"Kaya nga nag-alaala ako. Kilala kita, alam kong sinasarili mo lang ang mga problema mo. Maybe you carry yourself so well na minsan hindi namin mapapansin na may problema ka na. Pero, Rose mas mabigat sa dibdib kapag wala kang mapagsabihan. So tell me, makikinig naman ako. Family matters ba?"

Kasabay nang pagpakawala niya ng isang malalim na hininga ay ang pagtango niya bilang sagot sa tanong nito.

"Wala akong trabaho sa ngayon. Sobrang nakakainis lang. Bakit ang bilis maglaho ng mga bagay-bagay? Hindi pa ako inaabot ng isang buwan sa trabaho kong 'yon, Leira pero ayon nawala na agad."

"Ano ba ang nangyari?"

"I quitted on my job."

Natigilan ito. "Maybe you have your reasons." Inabot nito ang suklay sa mesang malapit sa higaan nito. Nagsusuklay ito ng buhok habang nakikipag-usap sa kanya. Sa harapan din nito ay may umuusok na kape. Nakabihis na ito at sigurado siyang pupunta na ito sa opisinang pinagtatrabuhan maya-maya lang. "Meron 'di ba, Rose? Pupukpukin ko ang ulo mo kung wala kang matinong dahilan."

Naramdaman niyang may kung ano'ng humaplos sa puso niya.

Kahit na alam niyang may kanya-kanya na silang buhay ng kaibigan at may mga bagay din itong kailangang gawin ay heto, nagawa pa rin siya nitong paglaanan ng oras. Hindi dahil sa pinilit niya ito kung hindi dahil gusto nito at nag-aalala ito sa kanya.

"Meron nga. Pero sa tingin ko iba ang ipinalabas ng management ng CFY. Blacklisted na ako i-ilang kompanyang pinag-aapplyan ko kaya hindi ako tinatanggap."

"Ano ba talaga ang nangyari, Rose?"

Nahugot niya ang hininga at hindi alam kung ano'ng salita ang unang bibigkasin. She doesn't want to lie nor suppress the truth of what really happened. Pero kung sasabihin niya rito ang nangyari sa kanya at kung bakit niya napagdesisyunang magresign sa trabaho ay maaaring humaba lang ang usapan nila. Baka malate pa ito sa trabaho. Ayaw niya iyon. Ayaw niyang maka-agrabyado kahit pa kaibigan niya mismo ito.

She knows that Leira's too kind and of course, kapag naramdaman nito na seryoso ang pag-uusapan nila ay baka hindi na ito pumasok sa trabaho, baka damayan lang siya nito buong araw.

And she knows she doesn't deserve that.

"I'll tell you 'bout what happened if we get to have a lot more time to talk. Alam kong papasok ka pa sa trabaho."

Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito, bumuka sana ang bibig para tumutol pero inunahan niya na. "Leira may tao ata sa labas. Planong gibain ang pintuan ng apartment naming 'di ko pa nababayaran ang upa ngayong buwan. I'll end the call. Thank you so much for checking on me. Hindi ko talaga inaasahan na tatawag ka."

"You know you can always count on me and the squad. Don't ever hesitate to call any of us if you want someone to talk to. Nasa apartment lang din ako tuwing weekends. Ano gala tayo next week?"

Gusto sana niyang pumayag pero alam niya na wala siyang karapatang magsaya at magliwaliw lalo na ngayong wala pa siyang nahahanap na panibagong trabaho. Panibagong gastos lang din kasi iyon.

"Maybe some other time, Leira. Gala tayo kasama sina Shai." Nangiti ito nang marinig ang sinabi niya. "Sige, I'll hold on to that, Rose."

"Sure. You can." Napapalingon na si Rose sa pinto ng kwarto niya nang doon naman lumipat ang malalakas na katok na tila ba handa talagang gibain ang manipis lang na dibisyon na kahoy sa unit nila.

"Sa birthday ni Carl ayos lang ba?" tanong ni Leira sa kanya. Napabaling ulit siya rito.

"That would be a month from now."

"Definitely. Ano kasi... may ipapapakilala rin ako sa inyo. Remember?"

Awtomatikong sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi ni Rose. "Isasama mo ba ang boyfriend mo?"

"If it's alright with you guys."

"Syempre naman, bakit naman hindi 'di ba?"

"Thank you," saad nito. "Sige na, baka masira na talaga ang pintuan niyo d'yan. Bye for now, Rose."

"Bye for now, Leira. See you soon."

Mabilis na tumayo si Rose mula sa pagkakasalampak sa kama. Binuksan niya ang pinto ng tanging kwarto na mayroon sa maliit nilang apartment.

Handa na sana siyang paulanan ng sermon ang kung sino mang may balak na manggiba ng pintuan nang sumalubong sa kanya ang umiiyak na kapatid habang pinagpapawisan ito nang malagkit. Humihikbi ito at nanginginig ang magkabilang balikat.

"A-ate si Mama..."

Gumapang ang kaba si dibdib ni Rose na agad umupo para matitigan niya sa mga mata ang kapatid. "Ano'ng nagyari kay Mama, Chel?"

"A-ate..." Nahihirapan ito sa pagsasalita dahil sa paghikbi nito.

Hinawakan niya ang magkabila nitong balikat na ngayon ay nanginginig na. "Ano'ng nangyari kay Mama?" marahan niyang tanong, tinatago ang kabang nararamdaman.

"Nasa labas siya, Ate. N-nahimatay, malapit sa bahay nila Mang Kanor."

Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Pigil ang hininga siyang tumakbo palabas at pababa ng apartment para puntahan ang kanilang Nanay. Nanunubig ang mga mata ni Rose at hindi na mapakali. Hindi niya alam kung bakit ito nahimatay. O kung ano'ng dahilan kung bakit ito biglaang nawalan ng malay. Umiyak na naman ba ito nang umiyak? Nagmakaawa nang paulit-ulit sa Papa nila na balikan ito kahit na malabo na iyong mangyari?

Walang chronic disease ang Nanay nila. Pero nang iniwan at hiniwalayan ito ng Tatay nila, roon na nito napabayaan ang sarili. Hanggang sa napapadalas na ang panghihina nito.

"Rose! Hija! Diyos ko! Nahimatay ang Nanay mo!"

Sumalubong sa kanya ang mga kapitbahay na nagpapanic. Mababakas ang pagkabahala sa mga mukha pero ni hindi man lang malaman kung ano'ng dapat na gawin para makatulong ang mga ito.

"Ambulansya po, Aling Corazon! Tumawag po kayo ng ambulansya, please." Nanginig ang mga labi ni Rose habang tinatakbo ang distansya mula sa apartment pupunta sa bahay ng kapitbay nilang si Mang Kanor. Na ngayon ay sapo-sapo na ang kanilang ina habang nakahandusay pa rin sa gutter. Pinapaypayan at sinusubukan naman itong gisingin ng iba pa nilang mga kapitbahay.

"Ma!" tawag niya rito at mabilis na umupo sa tabi nito. Mugto ang mga mata ng Mama niya at namumulta ang mga labi. Gusot na ang suot nitong bestida at mariin na nakapikit ang mga mata. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito habang nagsisimula na sa pag-iyak.

"Mahina na ang pulso niya, Rose, hija," saad ni Mang Kanor na nasa harapan niya ngayon. "Kailangan niya nang madala agad sa ospital."

"Parating na ang ambulansya," hinihingal na saad ni Aling Corazon na isa sa mga kaibigan ng Nanay niya na kapit-bahay rin nila.

Mababakas ang pag-aalala nito sa kaniyang Mama. Hindi ito mapalagay at panay ang pagbaling sa kaliwa at kanan habang napapasapo sa noo.

"Ano po ba ang nangyari kay Mama, Aling Corazon?" tanong ni Rose kahit na nanginginig na ang mga kamay at hindi na magkamayaw ang kaba na nararamdaman.

"Biglaan na lang na nahimatay si Rosalyn! Hindi ko alam kung bakit. Sinusundan lang naman namin sina Noel at si Linda kanina. Pagkatapos, hinigpitan niya ang pagkakahawak sa balikat ko. Nahihilo daw siya. Hindi ko pa siya natatanong kung ano'ng nangyayari sa kanya, humandusay na kaagad siya sa sahig ngunit," sagot nito sa kanya.

"Wala bang sakit si Rosalyn, Rose?" Napalunok siya sa tanong ni Mang Kanor. Pero hindi na niya nagawa pang sumagot dahil narinig na nila ang palapit na tunog ng ambulansya.

Mabilis na nagsilabas ang mga nurses mula sa loob nito nang pumarada na ito sa gilid ng daan. Mabilis ang mga pangyayari. Dinaluhan ng mga ito ang Nanay niya. Naaninag niya ang kapatid na si Chela sa hindi kalayuan. Humihikbi ito. Nagtaas-baba ang magkabilang balikat habang mariing kagat ang ibabang labi.

Agad niya itong nilapitan. Sabay silang pumasok sa loob ng ambulansya habang nakikita nila kung papaano sinusubukan i-revive ng mga nurses ang kanilang Nanay. Sapo niya ang umiiyak na si Chela habang pinipigilan niya ang sariling mas lalong manghina habang pinagmamasdan ang nangyayari.

──◎──

Dalawang oras pa ang lumipas simula nang nakarating sila sa ospital nang dumating ang Kuya Baron nila. Magkasalubong ang mga kilay at hindi mabasa ang kunot sa noo.

"Ano'ng nangyari kay Mama? Pinabayaan niyo na naman ba siya, Rose?"

Gustong matawa ni Rose dahil sa pagbungad na tanong nito. She wants to laugh and grimaced in disbelief. Hindi niya lubusang maisip na ganoon agad ang isasalubong ng Kuya nila sa kanya. Tangina. Hindi man nito sabihin pero ramdam niya na ang paninisisi nito sa kanya sa boses pa lang nito.

"Nahimatay na lang siya bigla," sagot niya rito. Sinusubukang pantayan ang talim sa mga mata ng Kuya niya. "Biglaan."

"Nahimatay lang pala, bakit isinugod niyo agad sa ospital?" Inayos nito ang puting long-sleeve polo na suot-suot. "Magastos sa ospital. Sana sinubukan niyo man lang gisingin at hindi niya agad isinugod dito. Sino ngayon ang magbabayad ng hospital bill?"

Naiyukom niya ang mga kamao. Agad na bumigat ang paghinga niya at kasabay no'n ang mariin niyang pagkagat sa dila para hindi makapagsalita nang kung ano mang masama sa pandinig ng Kuya niya na wala man lang konsiderasyon. At tuluyan na atang tinakasan ng awa sa katawan dahil kahit sariling ina nila mismo ay ayaw nitong ipa-ospital dahil magastos.

"Naghanap ka sana ng ammonia, Rose. Hindi mo man lang ba ginagamit ang utak mo?"

Nangilid ang mga luha niya. Nagbuga siya ng hangin para mailabas ang bigat sa dibdib na nagbabadyang tuluyang mailabas sa pamamagitan ng matinding pagluha. "Kuya─"

Pinandilatan siya nito ng mga mata. "Ano? Magdadahilan ka na naman?" Umiling-iling ito kasabay nang pagtagis ng mga panga. Paano nito nagagawang magalit sa kanya kung ginawa lang naman niya ang tama?

"Palibhasa sa 'yo hindi ka nag-iisip. Padalos-dalos ka lang sa mga ginagawa mo. Hindi mo man lang inisip kung magagawa ba nating bayaran ang bill sa ospital kung sakaling lumobo na lang nang biglaan. At sa ospital na 'to niyo pa talaga dinala."

Mas lalong nagsikip ang dibdib niya. Nagtimpi si Rose. Sinikap na intindihin ang gusto nitong mangyari. Ano ba ang gusto nitong iparating? Hindi niya maintidihan. Akala niya ba ay ayaw nitong pabayaan nila ang Mama nila? Ngunit ngayong dinala nila ito sa ospital dahil nahimatay ito at halos nawalan ng pulso, mas nagalit lang ito lalo.

Tangina ulit. Paano nito nagagawang mag-isip nang ganoon? Buhay ng Nanay nila ang nakasalalay pagkatapos ay ganito ang sasabihin ng Kuya niya sa kanya? Na para bang isang malaking pagkakamali na isinugod nila ito sa ospital. Wala itong awa.

"Punyeta naman o," bulalas nito.

Hindi na nakayanan ni Rose ang pinagsasabi ng Kuya niya. Mabilis siyang tumayo sa pagkakaupo sa bleachers na nakahanay sa labas ng emergency room kung saan nila hinihintay lumabas ang doctor na umaasikaso sa Nanay nila sa mga oras na ito.

"Hindi ka talaga nag-iisip─"

"Potek, Kuya! Ano ba ang gusto mong sabihin ha? Ano? Mali ba na dinala namin si Mama sa ospital? Nahimatay siya at mahina na ang pulso niya nang malaman namin ni Chel! Mali ba na isipin namin ang kalagayan niya kasya unahing isipin ang mga bayarin? Mali ba iyon, Kuya? Sabihin mo dahil para sa akin, tama iyon. Iyon ang dapat na ginagawa ng isang anak!" Naipikit niya ang mga mata. Pero hindi ito nakatulong para mapigilan niya ang sarili. Tuluyan niyang naisaboses ang inis.

Napaatras siya nang mas tumindi ang galit sa mga mata ng Kuya nila. Hindi ito nagsalita. Pero nagsusumidhi ang galit nito.

Naramdaman niya ang panginginig ng kanyang mga kamay. Ngayon lang niya ito nasagot nang harapan habang mababakas ang pagtutol, galit sa mga mata at tono ng boses.

"At nagagawa mo nang sumagot sa akin ngayon?" mariin nitong tanong sa kanya. "Sige, tingnan natin kung saan ka dadalhin niyang ipinaglalaban mo. Ikaw ang magbabayad sa lahat ng bayarin dito sa ospital."

-----
shadesofdrama

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top