Chapter 39
"In life, there would be things that won't ever be fixed. Such things are meant to be accepted the way they already are."
- PAGHIHILOM -
SA MGA SUMUNOD NA ARAW, hindi lang ata si Rose ang may alam na sa balitang buong pagkakataon ay nag-AWOL pala si Mico. Oras ng pag-out ng mga empleyado, si Vin ay nakaabang sa kanya sa mismong labasan ng building para makausap siya nang maayos.
"Rose, hindi nagleave si Mico. Umalis talaga siya at wala na atang planong bumalik." Sinabayan siya nito sa kanyang paglalakad palabas ng building.
Napahawak siya sa suot na cardigan na nalipad ng hangin ang laylayan. Through time, she's learned to appreciate these types of clothes. Mas komportable na siyang lumabas nang may suot na over-coat o cardigan. Sa mga okasyon din ay hindi na siya madalas na nagsusuot ng spaghetti straps o backless dresses kung hindi naman appropriate sa okasyon na kailangan niyang daluhan. Lalo na sa trabaho, nagbibihis siya nang naaayon sa dapat niyang isuot. Now, she's dressed as a sophisticated corporate employee.
Simple lang, iyon ang saad ni Miss Lucille. Pero sa paraan kung paano iyon dalhin ni Rose ay nagsusumigaw iyon ng dignidad at respeto na alam niyang hindi niya dapat hinihingi. Dahil kusa iyong ibinibigay sa mga taong nararapat lamang irespeto. And she is trying her best to change for the better to deserve the respect people are already giving her since she started to side with the truth.
She smiled at the sight of a man who stood in front of her with worry in his eyes. Tumango-tango si Rose at tinapik ito sa balikat. Hindi nanginig ang boses niya nang magsalita. "Kung ganoon nga, wala na tayong magagawa, Architect Vin."
Hearing Mico's name escape her lips brought a sting in her heart. Pero wala siyang balak na bawiin ang sinabi kay Vin. Iyon ang dapat niyang sabihin dahil iyon ang nasa isip niya.
Unti-unti na siyang natututo, una ay huwag ipagpilitan ang mga emosyon na alam niyang walang maidudulot na maganda. Hindi niya tatakbuhan ang mga emosyon na iyon, pero hindi niya rin hahayaang balutin siya nito kung hindi naman iyon magsasa-ayos sa mga sitwasyon. She has learned to control her emotions. Ramdam niyang kailangan niya iyong gawin. Hindi na siya magiging mahina. And it felt great, she felt free, now uncaged from being enslave of her own emotions.
She wouldn't say she has finally moved on with her relationship with Mico. She wouldn't say she's still stuck with it either. But she is definitely healing, she's healing herself, and this is the kind of healing she wished she has gone through years earlier.
But there's no point on regretting the things that had been done and those that hadn't been accomplished. She has all her life to do the things that she wished to do; to learn from the mistakes she had done. She has all her life to chase her dreams!
Napalingon si Rose sa mga taong nakakasabay sa paglalakad. Napangiti siya nang makita sa malapitan ang mga taong katulad niya ay napagtagumpayan rin ang araw na ito. May kanya-kanyang ginagawa ang mga ito at may mga dapat na gawin katulad niya. And if one of those people did nothing else other than survive the day then there's nothing wrong with it. Atleast, she is surviving—she keeps on moving forward.
Natigil sa paglalayag ang isipan niya nang makarinig ang marahang boses sa malapit sa kanyang tenga. "Nagmamadali ka ata, Rosette? Saan ang punta mo?" Kasabay pa rin niya sa paglalakad si Vin kahit na medyo malayo na sila sa building ng kompanya.
Napakurap-kurap siya at bumagal sa paglalakad. Awkward siyang napalingon rito. "I'm sorry, andyan ka pa pala, Achitect Vin."
"Hindi, Rosette kanina pa ako nando'n." May itinuro pa itong establishment sa hindi kalayuan na ani mo seryoso talaga ito sa sinasabi. Bahagyang napailing-iling ito habang nakaangat ang gilid ng labi. "Vin, Rosette. Ayos na ang Vin."
Natawa na rin siya. Saglit lang bago niya tinikom ang bibig. "Okay, Vin. . . wala naman tayo sa kompanya so there's no need for us to be formal."
"Yeah. No need for you to be formal."
Ganito nga ito sa tuwing kaharap niya. Hindi siya sigurado kung naiinis na ba ito o natatawa. Masayahin nga pala ang architect na hindi niya ipagkakailang magaling sa trabaho. Nakita niya ang mga gawa nito nang minsan niya itong puntahan sa mesa nito dahil may iniutos sa kanya.
He seems very focused whenever he creates his designs. Nakakunot ang noo, payapa ang mga mata, magkalapat ang makurba at mapupulang mga labi. Ang i-ilang hibla ng buhok ay mapupunta sa sariling mukha habang prete ang pagkakaupo sa sariling swivel chair.
He seemed to not care about his surroundings the moment he set his eyes on his works. And he creates realistic and fabulous sketches out from a clean sheet of oslo paper afterwards. Nakakamangha. She complimented him once pero tinitigan lang siya nito at ngumiwi. Obviously, hindi ito naniwala.
Sa nakalipas na araw ay nagawa ni Rose na mas makilala pa ang ibang mga staffs na bumubuo ng kompanya. Malaya niya nang nakakausap ang mga ito. Nakakatawan sa tuwing maaabutan niya ang mga itong nasa gitna ng pagbibiruan.
Magaan na ang kanyang dibdib. Lalo na at maayos na sila ng pamilya niya. Ang tanging iniisip niya na lang ngayon ay kung paano ipagpapatuloy ang pagiging payapa ng isipan kung maya't-maya pa siyang nakukunsensya sa ginawa niya sa dating mga kaibigan na hindi niya na ulit nakita matapos ang ilang buwan.
The only thing that's dragging her towards the hollows—preventing her to keep on moving forward are the mistakes she had done before which she failed to make amends. Because she has yet to apologize and ask for forgiveness after she betrayed her old friends.
Pinagsisisihan niya na ang nagawa. Gusto niyang humingi ng tawad. Gustong-gusto niya nang aminin ang kasalanang pilit niyang nilalapatan ng pagdadahilan. Halos mag-iisang taon na nang mangyari iyon. Hindi niya pa rin magawang ibaon na lang iyon sa nakaraan.
Nagiging maayos man siya sa mata ng iba, alam ni Rose sa sarili na may bagay na kailangan pa niyang ayusin. Isang bagay na sobrang mahalaga para sa kanya. At kung hindi man niya magawang ayusin, atleast masabi niya sa sarili na sinubukan niya.
"Look, Rosette," pagkuha ni Vin sa kanyang atensyon. "Siguro nga wala na tayong magagawa—" ngayon ay nakatigil na silang dalawa sa paglalakad at nasa gitna habang ang mga tao ay nagpatuloy sa pagparoon at parito sa bawat gilid nila.
Pero agad na natulala si Rose, nawala ang atensyon sa kausap nang sa hindi kalayuan ay may naaninag siyang pamilyar na mga mukha.
Napaatras siya ng isang beses nang makita ang mga dating kaibigan. Si Sydney, Shai, at Carl. Nagtatawanan ang mga ito, kasama ang isa't-isa habang magkasabay na naglalakad. Nakapamulsa si Carl habang diretso ang tingin sa unahan ngunit hindi maipagkakaila na natatawa sa kung ano'ng sinasabi ni Sydney.
Si Shai ay ganoon rin. Kasabay si Syndey na naglalakad palapit sa direksyon kung saan si Rose kasalukuyang nakatayo. Sa intersection kung saan sila tumigil ni Vin ay roon din tumigil ang mga ito.
Wala sa sariling napalunok si Rose, nagbaba ng tingin at napahawak sa mga daliri nang manlamig iyon. Hindi siya napansin ng mga ito.
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Vin dahil sa kanyang inasta. Nangunot ang noo. Napalingon ito sa sariling likuran nang nakita ang naging reaksyon ni Rose. Hindi na ito nagtanong kung ano'ng problema, basta nitong hinawakan ang kanyang braso at pinatago siya sa likuran nito.
Nagpatuloy ang pagbaling nito sa paligid. Naghahanap. Huminga ng malalim si Rose bago hinawakan ang likod nito para muli itong bumaling sa kanya. "May kailangan lang akong kausapin," marahang sabi ni Rose.
Hindi pa man nakakasagot si Vin ay mabilis nang lumapit si Rose sa puwesto kung saan nakatayo ang mga dati niyang kaibigan. Naka-on ang red light sa intersection kung saan sila nakaharap. Patawid na rin ang mga ito ngunit tumigil din dahil doon.
Unti-unting tumitindi ang pagkabog ng dibdib ni Rose. Nanunuyo ang kanyang lalamunan. Ngunit sa bawat paghakbang niya ay kasabay no'n ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Nanginig ang kanyang boses nang sambitin na ang mga pangalan ng mga taong sobrang naging malapit sa kanya.
"Carl, Shai. . . S-Sydney."
Unang bumaling sa kanya si Carl. Nakakunot ang noo. Ngunit nang makilala siya ay saglit na bumuka ang bibig nito ngunit mabilis din na nag-alinlangan.
Si Shai ang sumunod na napabaling sa kanya. Ang dating puno ng interes nitong mga mata ay naging matamlay—nawalan ng buhay nang napatitig ito sa kanya.
"Oh. . ." puno ng pagkadismayang saad ni Sydney. Ito ang huling bumaling sa kanya ngunit halatang pinatagal lang nito iyon. Humalukipkip ito at nagtaas ng kilay. May pekeng ngiti sa labi. "Rose."
Nanginginig man ang mga labi at hindi man sigurado si Rose kung ano ang sasabihin, binati niya ang mga kaibigan. "Kumusta na kayo?"
Nakapa'woah' si Sydney nang marinig ang sinabi ni Rose. "Narinig niyo 'yon?"
Binalingan nito si Shai, "Girl? Narinig mo ang tanong ni Rose?" pagkatapos ay si Carl, "How about you, Carl?"
Walang sumagot ni isa sa tinanong nito.
Tumikhim si Sydney. "Sad. Hindi ata nila narinig. Ang lakas naman kasi ng loob mo e 'no? 'Yong boses mo lang ang hindi."
Malakas ang boses nito na kahit ang i-ilang nakatayo rin sa tabi nila habang hinihintay ang pagswitch ng ilaw sa traffic light ay napalingon na sa kanila.
"Ang kapal naman kasi talaga ng pagmumukha mo, Rose. Heck, saan mo ba iyan pinagawa? Ibang serum ata ang naiturok? Kasi sa halip na pampaganda, kaplastikan ang naisalin." Napailing-iling ito. "What you do you want from us?"
Napalunok si Rose nang maramdaman ang sakit ng bawat salita ni Sydney. Unti-unti na silang pinagtitinginan ng ibang tao. Sumagi sa isipan niya na magbaba ng tingin at umalis na sa harapan ng mga ito sa halip na manatili sa harapan ng mga kaibigang wala naman atang balak na kausapin siya. Pero hinugot niya ang natitira pang lakas. Matagal niyang hinintay na makita ulit ang mga ito. Matagal niyang hinintay na makahingi ng tawad sa mga ito—makahingi ng tawad kay Leira.
"Kasama niyo ba si. . . Leira?" Ibinuhos na ni Rose ang buong lakas ng loob sa tanong na iyon. Napalunok siya matapos iyong gawin lalo na nang manlisik ang mga mata ni Sydney.
"Putangina ka talaga, Rose!" tuluyang sumabog ang pagtitimpi ng kaibigan niyang si Sydney. Humakbang ito, nang tuluyang nakalapit sa kanya, tinulak siya nito sa balikat. "Ang kapal ng mukha mong kabit ka!"
Napaatras si Rose at nawalan ng balanse.
"Hindi ka pa nakuntentong saktan si Leira noong inamin ninyo ang kagaguhang ginagawa niyo ni Mico! Ngayon naman mangugulo ka sa buhay niya? May pa tanong-tanong ka pa kung asan si Leira. Bullshit! Bitch!"
Sa muling pagtulak sa kanya ni Sydney ay napaupo sa semento habang tinitignan ang mga kaibigan na tila nandidiri habang nakatitig sa kanya. Pinagtinginan siya ng ibang tao na nakakita sa nangyari pero walang nagtangkang tumulong sa kanyang makatayo. Some would say they are too old for these types of fight. But she knows Sydney. Hindi ito kakalma kung hindi nito nailalabas ang galit nito. Kaya hinayaan niya itong sigawan siya at alipustahin.
Tumulo ang kanyang luha sa kanyang pisngi. Nang lumayo na ito sa kanya ay tsaka niya pinagpagan ang sarili. "H-Hihingi lang naman sana ako ng tawad sa kanya, Sydney."
"Umalis ka na, Rose. Hindi namin kasama si Leira." Si Carl na ang nagsasalita. Walang ano mang emosyon ang makikita sa mga mata nito. "Please."
Umismid si Shai. "Huwag mo nang balaking hanapin si Leira. Nananahimik na iyong tao. Ikaw na nga ang nanulot ng mapapangasawa, ikaw pa ang maghahanap sa kanya. Magpasalamat ka at hindi niya kayo ginugulo. Taksil ka."
Talagang pinagtitinginan na sila ng mga taong nakakakita sa nangyayari. Sumubok pa ulit si Rose. Ngumiti ulit siya. Pinipigilan ang tuluyang maluha sa ikalawang pagkakataon sa harapan ng mga dating kaibigan. "Ah, hindi niyo ba siya kasama? Kahit. . . sa i-inyo na lang muna a-ako hihingi ng tawad."
"Para saan pa, Rose? Kay Mico ka na lang. Tutal mas inisip mo naman siya kesa sa amin. You lost us long ago the moment you chose him. Huwag ka nang magbalak na bumalik," utas ni Sydney. "E, asan ba ang isa pang manlolokong iyon? Oh, hindi mo kasama? Bakit? Naghiwalay na ba kayo? Oh, how quick."
Mabilis na natawa si Sydney sa sariling itinuran.
"Carl, Shai. . . Sydney. I'm sorry. Hindi ko naman na maibabalik ang oras nang masaktan ko si Leira. Nang masaktan ko kayo. But, please here me out. Nagkamali ako. Pero pinagsisisihan ko iyon. Galit ako sa sarili ko dahil sa nagawa ko sa inyo. Pero. . . huli na nang napagtanto ko ang mga bagay. Huli na nang napagtanto ko na sana kayo ang pinili ko." Kulang na lang ay humikbi siya nang matapos sabihin iyon.
Himala na nanatiling tahimik at pinakinggan siya ng mga kaibigan. Ngunit ng ilang segundo lang naman.
Tinitigan niya si Carl. Lumamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Ngunit si Sydney at Shai ay nanatili ang matalim na titig sa kanya.
"You were never the wisest among us, Rose. So, don't even bother to try." Si Shai ang huling nagsalita bago siya tinalikuran ng mga ito. Nagswitch na sa green light ang ilaw sa traffic light sa pangalawang beses. Hinila ng dalawa niyang mga kaibigan si Carl na nanatiling nakatitig sa kanya. Naaawa.
Tuluyang kumawala ang hikbi ni Rose. Nanghina siya habang pinagmamasdan ang mga kaibigang umalis—palayo, matapos siyang ipagtabuyan. That was it. She lost them fully. And it was all her fault.
Dahan-dahan ang hakbang na narinig niyang palapit sa kanya.
Tinitigan rin ni Vin ang tinititigan niya ngayon.
"Ano nga ulit iyong gusto mong itanong tungkol kay Mico?" agarang tanong ni Rose, nagpapanggap na ayos lang siya matapos ng nangyari.
Humugot ng malalim na hininga si Vin sa kanyang tabi. "You did go through tough times when you were with Mico."
Nagpatuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha. Umiiyak pa rin siya pero walang ingay. Pinahiran niya ang mga luha sa pisngi. Ang mga taong nasa paligid ay napapabaling sa kanya. Ang ilan ay may awa sa mga mata. Ang ilan ay may panghuhusga sa mga mata. Tinanggap niya iyon lahat. Tinanggap niya iyon nang walang pag-aalinlangan.
"Naalala mo noong nakausap natin ang isa't-isa noong mismong araw na maghiwalay kayo?"
Pinakalma ni Rose ang sarili. Sinubukan na ngumiti sa kabila ng bigat sa dibdib at pamumugto ng mga mata. "Naaalala mo pa iyon?" tanong niya kay Vin.
"Lahat ng sinabi mo sa akin. Tandang-tanda ko pa."
Nanatili ang ngiti sa mga labi ni Rose. "Salamat sa pakikinig."
"You once told me, you became worst because of all your experiences. I won't agree to that. Nakita ko ang nangyari kanina. Hindi ko alam ang lahat ng nangyari mula sa simula ng relasyon niyo ni Mico. Hindi ko alam kung sino man ang natapakan, kung sino ang mga nasaktan. Basta ang alam ko, sa kabila ng pagkakamali na nagawa mo. . . naghirap ka rin, nasaktan ka rin. And the pains you had to go through didn't numb your heart."
Malamlam ang naging pagtitig ni Vin sa kanya. Sinusubukan na ipaintindi sa kanya na hindi niya kailangang bumalik sa dating kinasadlakan. Hindi niya kailangang paulit-ulit na sisisihin ang sarili dahil sa nangyari—dahil sa pagiging mahina.
"You have an enduring heart, na kahit ilang beses ka pang pagkatuwaan ng pagkakataon, hindi ka naging manhid. Instead, you embrace those emotions without hesitations. You are tough in many other aspects. Perhaps you lost people and even yourself along the way. All your emotions became too overwhelming but it's a gift not everyone is privileged to have. Hindi lahat katulad mo na kakayanin ang lahat ng sakit. The say people who are destined to go through tough times are those who are fated to become the strongest."
Mas lalo lang siyang naluha dahil sa naging saad nito.
"Magkapareho kayong umiyak ng Ate ko. Nakakaguilty kahit na hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit ka umiiyak." Marahang hinagod ni Vin ang kanyang likod. "Hush, now. Ayos lang ba sa 'yo na samahan kita sa pupuntahan mo ngayon? Nang may masisi sila kung bakit ka ngayon umiiyak. Baka magmukha ka kasing timang sa mga mata ng lahat."
Huminga ng malalim si Rose. Saglit siyang nagpigil ng ngiti. Inayos niya ang sarili. Basag pa rin ang kanyang boses. At mugto pa rin ang mga mata pero sinusubukan niyang umakto na parang walang nangyari. "May sasabihin naman talaga ang mga tao. Hayaan mo na lang sila."
Nagkibit na lang ng balikat si Vin. Pareho na silang may ngiti sa mga labi.
"Anyway, dadaan ako ng mall. Bibili lang ng cook book. Gusto mong sumama?" tanong ni Rose.
Walang pag-aalinlangang tumango si Vin. "Yeah. Let's go."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top