Chapter 37

 "I found the courage to assess the downsides of my wrong choices. Now, I am really trying to fix myself—to be better with each passing days."

- NATUTUTO -

UMABOT NA SIGURO SA PUNTO na ubos na ang pag-asa sa buong katawan ni Rose. Pero hindi umabot sa punto na hindi niya na magawa pang ngumiti. Dahil nakikita niya pa rin ang Mama at ang mga kapatid niya na sinusubukang pagaanin ang kanyang loob sa bawat araw hanggang sa linggo na ang lumipas.

Perhaps it's true that part of her died when Mico left, when she lost her friends and she came to a point of barely recognizing herself: losing her dignity, forgetting that it is a good thing to prioritize yourself, to love yourself and dedicate something for self growth.

Ang pagbitiw ni Mico sa kanya ay ang pagyakap at pag-alo niya sa sarili. Ang bawat panghuhusga ng iba ay siyang naging dahilan para makita niya na hindi lahat ng tao ay magagawang makita ang kabutihan na meron siya. Ang bawat pagkakamali na kanyang nagawa ay naging daan para mapagtanto niya na pinipili ang bawat desisyon, hindi iyon basta-bastang ginagawa lang. At may kapalit ang lahat nang pananakit sa ibang tao.

Indeed, a profound and genuine reflection of the past can lead to an action in the present. She barely recognized those realizations not until she was wrecked with Mico's departure. It was a portion of her life with storms and hurricanes, collided with rainbows and sunshine where she was left devastated yet grateful, broken yet she had grasp a sense of self awareness of who she really is.

Natutuhan niyang kailangan niyang pahalagahan ang sarili matapos siyang saktan at iwan ni Mico. Masakit, oo, pero unti-unti niya nang natatanggap.

Hindi niya naman kailangang magmadali. Ang mahalaga ay unti-unti siyang nagiging maayos sa paglipas ng mga araw.

Suportado siya ng mga bagong kaibigan sa desisyon na ayusin na ang kanyang sarili. Sa araw-araw na nakikita niya ang mga ito sa trabaho ay ang mga ito na nag-aaya na lumabas muna sila nang magkakasama. Paunti-unti ay sinusubukan niya nang huwag nang sisihin ang sarili sa mga nangyari na, at sinisikap niyang matuto na mula sa mga iyon.

The first thing Rose did to focus in finding herself after feeling so lost, she made sense of her past experiences. Both struggles and victories. Successes and failures. And it's working on her. She could sense some changes.

Other people may think that finding one's self is an act of self-indulgence and undoubtly, a self-centered goal. But no, Rose thought it's the right thing to do to get a hold of herself after being miserable for quite some time.

To her, finding herself is not a selfish process if she wants to find sense of everything that's happened in her life. Naging maayos naman ang lahat. Despite her waking up with a heavy heart, she still manages to get up and face the day head on; much optimistic this time.

Habang nasa duty ay nakasalubong niya sa lobby ng groundfloor si Arci nang bumaba siya para asikasuhin ang iniuutos ni Ms. Lucille. Nang makita ang kaibigan ay saglit muna siyang tumigil sa paglalakad.

Mabilis na gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi at bahagya itong kinawayan. Nangunot ang noo nito at napatigil sa paglalakad, ilang dipa na lang bago sila tuluyang magkalapit.

Napalingon pa sa likuran nito si Arci. Nang makitang walang ibang tao siyang tinitingnan ay mabilis itong naglakad palapit sa kanya. Nakaarko ang kilay ni Arci na maayos ang pagkakakurba. Halatang hindi makapaniwala na magaan at natural na ang pagngiti ni Rose rito.

Mas lalong napangiti si Rose nang mapansin ang pagiging blooming ni Arci. Hindi lang ito ngayong araw nangyari, kung hindi siya nagkakamali ay mahigit isang linggo na itong ganito.

"Hindi lang ata ako ang nagiging blooming sa nakalipas na mga araw," komento nito sabay sundot sa tagiliran ni Rose. "Maganda ang naging tulog mo kagabi 'no?"

Napangisi siya. "Nakatulog naman kahit papaano."

Hindi lingid sa kaalaman ni Arci na hindi siya makatulog nang maayos simula noong maghiwalay sila ni Mico. She became vocal to her, one thing why she somehow felt at ease because she doesn't need to deal with her broken heart all alone.

Pero tuwing gabi, kung kailan mag-isa na lang siya, doon bumubuhos ang mga emosyon na hindi niya nagpagtutuunan ng pansin kung nakabaling ang kanyang atensyon sa ibang mga bagay.

Gabi kung kailan siya unti-unting nilalamon ng sakit dahil sa pag-alis ni Mico. Gabi kung kailan bumabalik sa kanyang isipan ang mga panghuhusga ng iba, ang kanyang pagkakamaling nagawa. Parang gusto siya nitong ikulong kung saan hindi niya na magagawang manglaban pa.

All these negative thoughts are trying to drag her towards the brim of hating herself. But she is trying to win against the war inside her mind. She is trying real hard. And maybe she is getting better at it with each passing days.

"Masakit pa rin," pag-amin niya kay Arci.

Tumango ito ngunit hindi nawala ang pag-asa sa mga mata. "Kakayanin mo, Rose. Kakayanin mo 'to."

Ibinaba ni Arci ang dala-dalang vacuum para mayakap siya. Mabilis lang. Ngunit gumaan ang dibdib ni Rose na kanina ay unti-unti nang bumibigat.

She whispered a word of gratitude. Another thing she learned after reflecting on her past, is to be thankful for the people in her life—those who stayed by her side and even those who left.

Tinanguan siya ni Arci at nagpaalam na kailangan na nitong magpatuloy sa trabaho. Ganoon din siya, bumalik siya sa opisina kung saan sinalubong agad siya ni Ms. Lucille para bigyan siya ng instructions kung ano na ang susunod na hakbang na kanilang gagawin tungkol sa kasalukuyang problema ng kompanya na sila lang ata ang nakakaalam. Dahil pilit itong inililihim sa lahat.

Tuwid na nakatayo si Rose sa harapan ng mesa nito habang serysosong nakamasid sa kanya ang head niyang si Ms. Lucille. "Magtataka ho sila kapag biglaan na lang po akong pumasok sa quarters ng financial department. Ang tanging nagagawa ko sa ngayon ay magmasid sa labas ng opisina nila. Kaso wala po akong makuha na mga mahahalagang detalye. Nagsasayang lang ata ako ng oras."

"Now you don't have to worry about that, Rosette," nakangit nitong sabi. I found someone who would help you navigate on the department's delicate financial records. Her name's Heli, matagal nang nagtatrabaho rito sa kompanya, specifically sa financial department."

"May alam po ba siya sa nangyayari?"

"Alam niya ang halos buong anomalya na nangyayari."

Kung ganoon?

"The entire financial department is keeping her mouth shut. You'd be her cover up," sunod na sabi ni Ms. Lucille.

"Sasabihin niya sa atin ang lahat ng nalalaman niya. Since ikaw ang mas nakakaintindi ng mga dokumento na may kinalaman sa finances, pag-aaaralan mo ang mga discrepancies na makikita natin sa totoong financial statements. Tayo ang magbubunyag sa board of directors kung ano nga talaga ang totoong nangyayari sa finances ng kompanya."

Napalunok si Rose.

"Palagi nang minamaliit ang department natin. Hindi porket hindi tayo involve firsthand sa operation ng kompanya ay wala na tayong mahalagang responsibilidad na ginagampanan. We are to ensure the competence of all the staffs here in this company. We are doing our best to fulfill our job."

Ito na ngayon ay umayos sa pagkakaupo. Pinagsalikop ang mga daliri sa harapan at itinukod ang siko sa magkabilang gilid ng mesa.

"Masyado nang naging kampante si Maricar na ilagay sa bitag ang mga empleyado na ayaw pumayag sa paraan ng kanyang pamamalakad. Financial department pa lang hawak niya ngunit umaasta na siyang may-ari ng kompanya mismo. Alam mo ba na ang dating assistant ko ay nagresign dahil sa kanya? Nakainitan lang ni Denise si Maricar dahil sa isang dokumento na ipinakuha ko sa kanya. Pero si Maricar ay walang habas na ipinakalat na sinagot-sagot raw siya nito."

Hindi napigilan ni Rose ang malungkot na marinig ang realidad. Kapag nagtatrabaho nga sa isang kompanya, may mga awayan at siraan na nangyayari. Hindi iyon maiiwasan kahit na gusto mo namang pakisamahan nang maayos ang lahat ng katrabaho mo.

"And Rosette, I don't want that to happen to other staffs, atleast not in this company. Not when I am still the head of the HR department."

──◎──

Mabilis ang kilos ni Rose nang naglakad papunta sa ikaapat na palapag ng building. Naroon ulit siya sa madalas na puwesto. Sa isang hallway na nakaharap sa mismong pintuan ng quarters ng financial department.

Ang hallway ay patungo sa left wing ng building kung saan naman nakapuwesto ang quarters ng marketing department. Panay ang pagsulyap ni Rose sa kasalukuyang nangyayari sa loob, tanging mga kilos at galaw lamang mula sa malayo ang kanyang nakikita.

Nakaayos sa kanyang balikat ang kulay beige na cardigan na nakapatong sa kanyang suot na puting sleeveless tank top. Ang kanyang buhok ay nakamessy updo. Todo ingat siya na huwag maglikha ng tunog ang kanyang heels na suot. Malayo na nga ang narating niya simula nang una niyang pagpasok sa kompanya.

Sa tingin niya ay suwerte na makaabot siya sa posisyon niya ngayon, naalala niya ang sinabi ng kaibigan niyang si Leira—na ngayon ay hindi siya sigurado kung itinuturing pa ba siyang kaibigan—na hindi lang dahil sa suwerte kaya nakamit ang bagay na noon, dahil pinaghirapan niya iyon. And that concept still counts even today, atleast for Rose it still matters.

Nakasandal si Rose sa dingding sa tuwing hindi sumusulyap sa glass wall ng financial department. Sa banda niya ay kita ang hagdanan papunta sa ikalimang floor ng building. Naalala niya na muntikan na siyang mabisto ni Vin na nagmamasid.

Hindi naman sa makikialam ito. Basta naroon ang kaba niya na baka mapurnada ang plano nila ni Ms. Lucille. Ayaw niyang mabigo ito, dahil alam niya na bilang assistant nito, mabibigo rin niya ang sarili niya.

Ang sabi sa kanya ni Ms. Lucille ay may ibibigay raw na dokumento ang tinatawag nitong si Heli. Hindi man ito kilala ni Rose pero sinabihan naman siya ni Ms. Lucille kung ano ang itsura nito. Sinubukan niyang e-imagine nang maayos ang physical descriptions na sinabi nito. Nakuha niya naman. Hinihintay niyang lumabas ang babaeng may purong itim at straight na buhok na nakasuot ng makapal na glasses. Iyon daw si Heli.

Mabilis na umayos ng tayo si Rose at tumigil sa pagsilip sa unahan nang makita—sa ikalawang pagkakataon simula kahapon—si Vin na pababa ng hagdanan. Ganito ba talaga ang oras kung kailan ito bumaba? At bakit palaging ang hagdanan ang ginagamit nito kapag bumababa mula sa floor nila?

Ngayon ay nakasandal na si Rose sa malamig na dingding ng hallway na pinagtataguan. Hindi na siya kumikilos. Hindi naman siguro siya nito nakita hindi ba?

Ngunit agad niyang nalaman ang sagot sa sariling tanong.

Nasa harapan niya na si Vin. Ang makapal nitong mga kilay ay magkasalubong. Ang bahagyang magulo nitong buhok ay tila sinasabihan siya na hindi niya na kailangan tanungin kung natural ba iyon o talagang sinadyang guluhin.

Naasiwa ata ito sa pagtitig niya sa buhok nito kaya bahagya nito iyong inayos. "Lahat na lang ba kayo pag-iinitan ang buhok ko?" pabiro nitong saad. Pero agad din na nagseryoso. Saglit itong sumulyap sa tinitignang quarters ng financial department na kanina lang ay tinitingnan ni Rose.

"Palagi na lang kitang nakikita rito, Rosette." May pagtataka sa boses nito.

Nagsimulang kabahan si Rose ngunit hindi siya nagpadala. Nakakaba nga naman kasi ang pagtataka na nakikita niya sa mga mata ni Vin. Hindi pa man nito sinasabi ay alam niyang may ideya na nito kung ano'ng ginagawa niya kung bakit siya nandito.

"Nagmamasid ka sa Financial Department. Bakit?" agaran nitong tanong.

Nanlaki ang mga mata ni Rose at wala sa oras na napalunok. Magsasalita na sana siya nang mabilaukan sa sariling laway.

Hindi siya sigurado kung nakita niya bang pinigilan ni Vin na matawa. Pero nakita niyang bahagya at saglit na gumalaw ang labi nito.

Naglapat rin ang mga labi ni Rose at pinagmasdan ito. Hindi nagsasalita para ipagtanggol man lang ang sarili sa maaaring paratang ng lalaki.

"So, you've got the attitude, Rosette." Gusto ata nitong matawa dahil sa sariling saad. "Hindi naman kita ipapadakip dahil sa pagmamasid na ginagawa mo. Nagtatanong lang."

Umayos ito ng tayo sa kanyang harapan. Ngumiti ito sa kanya. "Baka sumakit ulit ang sikmura mo at masuka ka habang nagmamasid, andoon ang comfort room," anito.

Ginagawa ba siya nitong katawa-tawa? Tumititg lang siya rito. Probably, No.

"Anyway, it's great seeing you fine these days. Coping up with the heartache pretty well?"

Hindi niya inakalang ganoon ang itatanong nito sa kanya.

Marahan siyang napatango.

Gumuhit ang buong ngiti sa mga labi ni Vin. Umaabot sa mata nito na medyo may kakaibang kurba, may pagkasingkit na hindi, hindi niya magawang ilarawan nang maayos, pero bumagay ito rito.

"That's good. Napadaan lang talaga ako. Enjoy sa pagmamasid," muli nitong saad bagosiya tinalukuran habang may ngiti sa mga labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top