Chapter 34
"I know that I hate myself for being too weak. I've been too dependent on my own emotions.With that, I've been depriving myself of happiness for a long time."
- SASABIHIN -
NAKAMASID SA KANYA SI ARCI habang tahimik silang kumakain. Lunch break at silang lahat ay nakaupo sa may kahabang mesa sa foodcourt. Naroon din ang ibang mga empleyado. Kapwa nakaupo sa mga mesang napili kasama ang sariling mga kaibigan na nakilala habang nagtatrabaho sa kompanya.
Kasama ngayon ni Rose ang dating mga kasamahan sa maintenance department: si Francis, Wendy, Nichole, Greg at Arci na nakasanayan niya nang makasabay magtanghalian. Kasama rin dapat nila si Mico. At habang busy sa pagkain ay mag-uusap sila tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kompanya o sa maging mga bagay na may kinalaman sa isa't-isa kaya hindi kailanman nagiging tahimik sa mesa nila.
Sa mga oras na iyon ay kapwa nagpapakiramdaman lang ata ang lahat. Wala si Mico. At naging malapit na rin ito kina Arci kaya ramdam pati ng mga ito ang pag-iba ng atmosphere ngayong wala nang magsisimulang magbukas ng mapag-uusapan kapag katulad nitong naghahari ang katahimikan sa mesa nila.
Alam ni Rose na may ideya na ang lahat sa ginawang pagleave ni Mico, at aabot pala iyon nang mahigit tatlong buwan. Napapikit si Rose. Tatlong buwan lang pala itong mawawala bakit kailangan pa siya nitong hiwalayan?
Nagdahilan pa ito. Paulit-ulit na saad ni Rose sa isipan. Mula sa mga nangyari ay nagawa niyang makakalap ng maaaring totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Mico sa kanya. Una: Siguro ay nagsawa na ito sa kaguluhan niyang dala. Ikalawa: Maaaring napagtanto nito na hindi siya karapatdapat na ipaglaban. Na maling-mali na minsan siya nitong pinili.
Nagtanong si Wendy at Nichole kay Rose tungkol kay Mico; kung ano ang maaaring dahilan ni Mico bakit ito nagleave, kung saan ito pupunta o kung ano ang mahalaga nitong aasikasuhin. Pero nang walang maisagot si Rose, at natulala lang kasabay nang panunubig ng mga mata, natahimik na ang mga kaibigan na tila ay nagkaroon na ng ideya kung ano'ng nangyari.
"Wala siyang sinabi sa akin e," nanginginig ang boses na saad ni Rose. "Pasensya na."
Matapos iyon nagpatuloy na ang iba sa pagkain. Siya naman ay nagbaba ng tingin. Pero si Arci ay panay ang baling sa kanya, naghahanap ng tiyempo para magkasalubong ang mga mata nila.
Natapos ang lunch nang hindi siya nagawang makausap ni Arci.
Nagpatuloy silang lahat sa kanilang trabaho. Kung titingnan si Rose sa kung paano siya ngumingiti sa mga staffs sa tuwing nakakasalubong niya ang mga ito, maniniwala ang mga ito kapag sinabi niyang ayos lang siya kahit hindi.
She's masking her pain with bright smiles and cheerful greetings every now and then. Pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya ito gagawin para tuluyang mawala ang sakit sa kanyang dibdib. Maaaring araw, linggo o baka abutin ng mga buwan. God, nangangapa siya kung paano magpapatuloy pagkatapos ng nangyari. Matapos ang paghihiwalay nila ni Mico, ang pagpapahirap sa kanya ng pagkakataon sa hindi mabilang na beses, at ang pagkuwestiyon at pagsisi niya sa sarili.
Mabilis na lumipas ang oras at napansin na lang ni Rose na oras na para mag-out. Nagpaalam siya kay Ms. Lucille at binigyan na siya nito ng isang tango. Madalas siyang naunang mag-out dahil kadalasan ay may tinatapos pa itong mga importanteng papeles. Kagaya na lang ngayong araw.
Dala niya ang bag nang makasalubong sa lobby ng ground floor si Arci. Dala na rin nito ang hindi kalakihang shoulder bag nito. Nakatingin ito sa kanya na para bang hinintay talaga siya nitong makababa.
Ngumiti siya sa kaibigan at binati ito nang may malaking ngiti.
Malungkot itong tumitig sa kanya. "Hanggang kailan mo planong itago ang totoong nararamdaman mo sa pangingiti na 'yan, Rose?"
Bumagsak ang kanyang mga balikat kasabay nang pagsikip ng kanyang dibdib. Walang anu-ano ay tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Marahan siyang hinila ni Arci at tuluyan silang lumabas sa building. Naglakad ng ilang hakbang hanggang sa makalayo na ng bahagya. Sa puwesto nila ngayon ay walang ganoong dumadaan kaya makakapag-usap sila nang maayos.
"Ano'ng nangyari sa inyo ni Engineer Mico?"
Hindi magawang ibuka ni Rose ang bibig. Napailing-iling siya. Hindi niya magawang isaboses ang kinasadlakan. Hindi niya magawang sabihin rito na nakipaghiwalay si Mico sa kanya. Hindi niya magawang aminin na umasa lang siya sa wala.
Napahikbi siya at walang nagawa kundi ang yakapin si Arci na ngayon ay halos maluha na rin habang nakatitig sa kanya. Mahigpit siya nitong niyakap pabalik. Humugot si Rose nang malalim na hininga para pigilan ang paglakas ng kanyang mga hikbi. Nanghina siya nang maramdaman ang hagod ni Arci sa kanyang likod. Napapikit siya. Naalala niya ang mga dating kaibigan. Si Carl, Sydney, Shai at. . . Leira. She lost them even before she lost Mico.
Mas lalong nanikip ang dibdib ni Rose. Noon, kapag nasasaktan siya, paulit-ulit niyang sinasabi kung ganoo iyon kasakit. Halos ilarawan niya sa mga taong malalapit sa kanya kung gaano naninikip ang kanyang dibdib sa tuwing naririnig niya ang panghuhusga ng ibang ito. Kung paano bumibilis ang kanyang puso, nagiging balisa at namamawis ang mga palad sa tuwing natatakot siyang gawin ang isang bagay. She used to share a lot. Pero ngayon, tila walang ni isang salita na magagawa niyang gamitin para ilarawan ang nararamdaman. Sobra-sobra pa sa normal na bigat sa dibdib ang maya't-mayang pamimilipit at pagkadurog ng kanyang puso sa tuwing sumasagi sa isipan niya si Mico—na palaging nangyayari.
She can't mumble any words that would best describe how she feels at the very moment. All she could do is to weep, swallow her sharp breaths, suppress her loud and grieving sobs in front of Arci. But she is trying . . . damn, she is really trying. Si Arci na lang siguro ang natitirang masasandalan niya sa mga panahong ganito.
"H-hiwalay na k-kami. H-hiwalay na kami ni Mico."
Naramdaman niya na lang ang sarili na halos mawalan na nang pag-asang mangapa ng hangin para makahinga. Nanatiling nakayakap si Arci sa kanya. Impit siyang umiyak sa balikat nito. Unti-unti niyang sinabi rito ang mga mahahalagang nangyayari. Sinabi niya rito kung paano niya pinili si Mico. Sinabi niya rito kung paano niya pinagtaksilan ang kaibigang si Leira. Inamin niya kung paano siya nagpakatanga. Inamin niya kung paano siya nagpakalunod sa isang pagkakamali.
"Rose. . ."
"I became someone I am not. I hate it, Arci. Masyado akong nagpadala sa mga emosyon ko. I was the one to blame. I am at fault."
"May kinalaman si Mico. May kasalanan siya. Siya ang nagsimula nito. A-Akala ko talaga wala siyang girlfriend."
"May girlfriend siya, Arci. He has a girlfriend for convenience."
"Eh, bakit. . . pinormahan ka pa niya kung meron nga?"
"Ako raw ang totoong mahal niya," Rose answered amid a sob.
"Anak ng. . ."
Napapikit si Rose. "Naniwala ako." Sunod mapait siyang napangiti. "Kaya ako lang din ang kaawa-awa sa bandang huli. Ako lang din ang nasasaktan nang ganito nang naisipan niyang itigil na ang kahibangan naming dalawa."
Pinigilan siya ni Arci nang akma niyang sabunutan ang sariling buhok. Napahikbi na lang si Rose at ibinagsak ang mga kamay. "I should have known better right?! I should have seen the lies beyond all his deceitful promises. I should have noticed his pretentious acts in front of me. Hindi dapat ako naniwala sa mga mata niya na akala ko hindi ako magagawang pagsinungalingan!"
Rose heaved a deep sigh—the ache inside her heart intensified.
"Pero hindi ko dapat isisi kay Mico lahat. Dahil kung tutuosin, ako iyong may pinakamalaking kasalanan. Masyado akong mahina. Masyado akong umasa na maging masaya ulit. Masyado akong naging desperada. Bakit pa kasi ako ganito, Arci? Bakit ganito ako? Hindi ko gustong maging ganito. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Ayoko na, Arci. Sukong-suko na ako."
Nagpahid ng luha si Arci sa kanyang harapan. Nakaawang ang bibig at kita nito at kita niya ang sakit sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Namumula ang pisngi nito habang sinusubukan siyang pakalmahin at patigilin sa pag-iyak.
"Rose. . . tingnan mo ako." Bakas sa boses nito ang pagkaawa sa kanya ngunit naroon din ang kagustuhan nitong matulungan siya sa sitwasyon niya ngayon. "Minsan na rin akong nagkamali. At nagbunga iyon. Pero hindi pa huli ang lahat, Rose. Minsan na rin akong nasaktan at nabigo sa pag-ibig. Pero ang mahalaga ay natuto ako. Ang mahalaga ay hindi ako sumuko. Ang kailangan mong gawin ay magpatuloy, Rose dahil ganoon ang buhay. Hindi ito titigil para sa 'yo. Hindi nito responsibilidad na alisin ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Ikaw, Rose. . . ikaw ang may kakayahang ayusin ang buhay mo. Ikaw ang may responsibilidad na magpatuloy sa kabila nang lahat ng sakit. Dapat matuto ka sa kabila ng mga nangyari. Please. . . maging malakas ka. Alam kong makakayanan mo 'to."
Mas lalong bumilis ang pagtulo ng mga luha ni Rose.
"P-paano iyon, Arci? H-hindi ko alam kung p-paano magsisimula."
Hindi nakapagsalita si Arci. Niyakap ulit siya nito. Naiyak ulit siya.
"Kaibigan mo ako, Rose. 'Wag kang magdalawang-isip na sabihin sa akin ang gusto mong sabihin. Dahil doon 'yon magsisimula. 'Wag mong subukang takbuhan ang sakit."
Naghintay siya sa susunod na sasabihin nito.
"Ngunit hindi kita matutulungan sa paraan na ako mismo ang magtutulak sa 'yo para matuto mula sa mga pagkakamali na nagawa mo na, Rose. Andito ako para makinig. Andito ako para manatili sa tabi mo. Para iparamdam sa 'yo na hindi ka mag-iisa. Pero ang sarili mo lang ang makakatulong sa 'yo nang buong-buo. Sa sarili mo mag-sisimula ang lahat."
Napatitig si Rose sa nanginginig na mga kamay. "Matapos ng mga nangyari, hindi ko na alam kung dapat ko pa bang pagkatiwalaan ang sarili ko. Hindi ko alam kung makakayanan ko pa ba."
"Diyan tayo palaging naiipit. Minsan nakikita natin na wala nang pag-asa dahil tayo mismo ang nagsasabi sa sarili natin na wala ng pag-asa. Magtiwala ka sa sarili mo, Rose. Mahalin mo at kilalanin mo ang sarili mo ulit.
"Gulong-gulong ang isip ko ngayon, Arci."
"Simulan mo sa maliliit na mga bagay. Paunti-unti mong ayusin ang sarili mo—ang puso mo. Hindi magiging madali ang lahat, pero alam kong worth it ang mga iyon sa oras na makayanan mo ang mga 'to."
Tinitigan siya nito sa mga mata. "May dadaanan ka pa ba? O, uuwi ka na agad sa inyo?"
"Hindi ko alam."
"Sama ka muna sa akin. Pupunta ako ng supermarket."
Tumango si Rose. Pansamantalang diversion iyon sa kanyang nararamdaman ngayon. Hindi niya magawang humindi.
"Sige."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top