Chapter 29
"I must confess I did sacrifice a lot: friendships and trusts, just to be with someone I dearly love. Yet would it be too hypocrite to make amends with all those people I've hurt before?"
- KONSENSYA -
"WHAT'S HAPPENING HERE?" seryosong saad ni Shai habang palabas ng dressing room, malakas ang boses para makuha ang atensyon ni Rose, Mico at Leira. "Hindi kayo sumunod sa amin agad. May problema ba. . . rito?"
Pinasadahan nito ng seryoso at mapanuring tingin ang umiiyak na si Leira at si Rose at Mico na magkasalikop ang mga kamay.
"Rose? Mico? What the hell!" Hindi makapaniwalang napatitig si Sydney sa ayos nilang tatlo. "Ano'ng kalokohan ito?"
Si Carl ay tila nakuha agad kung ano ang sitwasyon. Mabilis itong dumalo sa umiiyak na si Leira pagkatapos ay tinitigan nito si Rose, nagtatanong ang mga mata. Ngunit si Sydney ay mapangparatang na ang mga tingin kay Rose at Mico. Nanghuhusga na agad. Ganoon din si Shai.
"You two have an affair." That was a statement from Shai.
"What the freaking fuck, Rose!" malakas na bulyaw ni Sydney.
"How the hell did this happen?" Hindi makapaniwalang napatitig si Shai sa kanilang dalawa.
Napapikit si Rose at nagpatuloy sa pagtulo ang mga luha. Alam na ng mga kaibigan niya ang lahat. Kamumuhian siya ng mga ito. Alam niya iyon. At inihahanda niya ang sarili.
"M-magpapaliwanag a-ako, p-please, M-magpapaliwanag ako," umiiyak niyang sabi.
"Andito lang ako, Rose. Magtiwala ka," marahang bulong ni Mico sa kanya. Pero nanatili siyang nakayuko.
Nang tinitigan lang siya ng mga kaibigan ay hindi na siya nakapagsalita. Hindi man lang makapagsambit ng 'sorry' kay Leira na humahagulgol sa kanyang harapan.
Mas malakas ang paghagulgol ni Leira kumpara sa kanyang mga pag-iyak. At sa bawat hikbi at hagulgol na naririnig niya mula rito, nadudurog din siya. Pero kailangan niyang pangatawanan ang kasalanang kanyang nagawa. Kailangan niyang aminin ang kanyang pagkakamali. Kailangan niyang ipaglaban si Mico hanggang sa huli.
Nang hindi siya makapagsalita ay si Mico ang binalingan ng mga ito.
"Ikaw, Mico! Hindi ka man lang ba magsasalita?! Tangina! Ano'ng ginawa mo sa mga kaibigan namin?!" nanggagalaiting sigaw ni Sydney.
"We've been together for 7 months already, Sydney..." nauutal na pag-amin ni Rose.
"S-seven months? Pitong buwan niyo nang niloloko si Leira?!" galit na galit na saad ni Sydney.
"Mga manloloko!" galit na galit na saad ni Shai at akmang lalapit kay Rose. Napasigaw si Sydney dahil sa inastang iyon ni Shai. Galit-galit na ito ngayon. Alam ni Rose na gusto siya nitong sabunutan at sampalin dahil alam nitong hindi iyon magagawa ni Leira sa kanya. Kaya si Shai na lang ang gagawa.
"Rose... paano mo 'to nagawa kay Leira?" Mas lalo lang siyang napahikbi nang makita ang pagkamuhi maski sa mga mata ni Carl. Halata ang galit nito sa kanya. At hindi niya man lang magawang depensahan ang sarili. Doon niya napagtanto na wala ring mangyayari kung susubukan niyang magpaliwanag. Dahil alam niya na kahit saang banda tingnan, siya at si Mico ang may maling ginawa.
Husgahan na siya ng lahat. Wala na siyang pakialam. Ang gusto niya na lang ay matapos na ang patago nilang relasyon. Ang gusto niya lang ay hindi na siya magtago sa dilim na parang kriminal. Aamin niya ang kasalanang ginawa, ngunit hindi niya aamin na nagsisisi siya sa ginawa niyang iyon.
"I can't believe you really did that, Rose..." utas ni Sydney.
Katahimikan.
"Hindi namin inakala na magagawa mo 'to kay Leira. Hindi namin inakala na magagawa mo 'to sa amin. Bakit, Rose? Bakit?" Mariin ang naging pagtitimpi ni Shai para huwag ulit siyang ambahan ng sabunot.
"I'm sorry..." Sa wakas ay nagawa niya nang magsalita. "I'm sorry, Leira." Matapos sabihin iyon, tumalikod siya sa mga ito.
Ngunit bago siya tuluyang nakaaalis ay narinig niya pa ang sinabi ni Mico kay Leira at sa mga kaibigan niya.
"Walang kasalanan si Rose. Huwag niyong isisi sa kanya ang lahat. I apologize if I have to do this to you, Leira. But I am already setting you free. I am not the one for you."
Mariin na ipinikit ni Rose ang mga mata. Nang nakalabas na ng establishment, tinakbo ni Rose ang distansya mula sa entrance ng boutique patawid sa kabilang kalsada. Ngunit mabilis ang mga hakbang ni Mico para sundan siya—para aluin siya sa pag-iyak at para sabihin sa kanya na magiging maayos na ang lahat.
Ngunit sa oras na niyakap niya ito, at umiyak sa mismo nitong dibdib, alam niya na maaaring mawala sa kanya ang mga dating kaibigan. Alam niyang magagalit ang mga ito ng tuluyan sa kanya.
"Hindi mo naman ako iiwan sa ere, hindi ba?"
"I will never do that, Rose."
"Kung sakaling iwan man ako ng lahat. Ayos na sa akin na kahit ikaw na lang ang manatili sa tabi ko. Kahit ikaw na lang, Mico."
"You shouldn't worry about that anymore, Rose. I'd be by your side. Everything will now be fine."
Ipinikit niya ang mata at dinama ang pagkayap nito sa kanya nang mahigpit. Ang paghalik nito sa kanyang noo at ang pagtibok ng puso nito na sumasabay sa pagtibok ng puso niya.
Humihingi siya ng tawad sa mga nagawan niya nang masama. Sa mga naloko at napagtaksilan niya.
Ngayon ay gusto niya lang sumaya. . . kasama si Mico.
──◎──
MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw. Pakiramdam ni Rose ay tuluyan siyang naging malaya. Ngunit hindi niya ipagkakaila na namimilipit pa rin ang kanyang dibdib sa tuwing naiisip ang mga kaibigan—sa tuwing naiisip si Leira.
Pero hindi na naging magulo ang mga araw. Hindi siya sinabunutan ni Leira, hindi siya tinadtad ng mura sa social media accounts. Wala siyang narinig na kung ano'ng masasakit na salita rito.
And she's assuming that Leira's moving on already. Maybe. Umalis na rin ito sa condo unit ni Mico. At siguro ay sinusubukan nang magpatuloy sa normal na buhay. Pero siya ay puno pa rin ng guilt sa puso. Puno ng bigat ang dibdib sa tuwing naaalala niya ang pagtatalo na nangyari sa kanilang magkakaibigan.
Napangiti siya at sinalubong ng yakap si Mico nang minsan siya nitong sunduin sa apartment para lumabas. Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg nito, hinapit naman siya nito sa bewang para mas ilapit pa siya rito. At siniil siya nito ng marahang halik sa mga labi.
Napangiti sila sa isa't-isa at sabay na natawa. Pinagbuksan siya ng pinto ni Mico sa passenger's seat at nakangiti siyang nagpasalamat.
"I love you, mister."
"I love you too, stubborn woman."
Naging masaya silang dalawa ni Mico sa bawat paglipas ng mga araw. Hanggang sa lumipas pa ang panibagong mga araw. Madalas siyang dinadala ni Mico sa tinutuluyan ng totoo nitong Nanay. Si Aling Judith, ang tunay na Nanay ni Mico, na noon ay nanibago nang makitang iba na ang kulay ng kanyang buhok. Naging routine na ata nilang dalawa ang bisitahin ito tuwing linggo. At masaya siya sa tuwing ginagawa nila iyon.
Ipinakilala niya na rin si Mico sa Mama niya at kay Chel, bilang boyfriend niya. Madali rin ang mga itong nagkasundo. At ang Kuya niya ay umalis ng bansa para doon na magtrabaho, sa bansa kung saan nagtatrabaho ang dati nitong girlfriend na papakasalan na dapat nito pero hindi natuloy. Alam niya na maaaring iyon ang dahilan kung bakit sobrang mainitin ang ulo nito, na tipong sobrang pinahirapan ito ng pagkakataon, na tila pasan nito ang daigdig.
Nahihirapan lang naman ito, at wala itong ibang mapagsabihan maski siya at ang Mama nila. Ngunit ang maskit ay hindi man lang sila nagka-ayos ng Kuya niya bago ito umalis. Alam ni Rose na may tamang oras ang lahat.
At sa tingin niya ay unti-unti na talagang nagiging maayos ang lahat. Sana lang. Sana
nga.
──◎──
RAMDAM NIYA ang kabang lumukob sa kanyang dibdib nang makita ang sunod-sunod na messages sa messenger. Months passed already. Four months to be exact. Sa nakalipas na mga buwan na lumipas, hindi na naging maangay sa group chat nilang magkakaibigan. Ngunit ngayon ay nagiging maingay ulit ito. At ang nagagawa na lang niya ay basahin ang mga messages at tingnan na lang ang mga iyon. Hindi naman siya inalis ng mga dating kaibigan sa groupchat nila.
Nagpahid siya ng luha nang naramdaman niya ang pagtulo nito sa kanyang pisngi.
"May problema ba?" marahang tanong ni Mico.
"Hindi, ano lang, may nabasa lang akong messages."
"Sa messenger? Sa group chat niyo noon?"
Tumango siya.
"You lost them," may paghingi ng paumanhin sa boses nito. "I'm sorry."
"Hindi mo naman 'yon kagustuhan. Iyon lang talaga ang nangyari. Dahil baka iyon lang ang paraan para hindi na namin masaktan ang isa't-isa," saad ni Rose, pinigilan niya ang pagkawala ng panibagong hikbi.
"Are you happy with me, Rose? Or did you regret choosing me over─"
Nagpatuloy sa pagtulo ang mga luha niya pero ginawa niya ang makakaya para huminga ng malalim.
"Hindi mo na dapat iniisip iyan, Mico. Umabot tayo sa puntong ito dahil pinili nating manatili sa tabi ng isa't-isa. At hindi natin kailangan pagsisihan ang mga desisyon na ginawa natin para sumaya."
"I love you." Hinawakan nito ang kanyang kamay at marahang dinala sa mga labi.
Napangiti si Rose at tumango.
Ngunit kalaunan ay mabilis din na naging magulo ang mga bagay.
──◎──
"HINDI AKO GUSTONG makita ng mga magulang mo."
"They are just my foster parents─"
"They are your foster parents, Mico."
"They are not my everything."
"But you became the person you are today because of them."
"They canceled the dinner."
"Because it's obvious that they don't want to see me. Ayos lang, alam ko naman ang dahilan kung bakit─"
"Rose, you know you are a good and kind woman, don't ever think that you are not good enough─"
"─to them, I am not good enough."
"But you are more than enough for me," saad ni Mico. Magkahinang ang mga mata nitang dalawa habang nagpapaliwanag ito. "Ano ba ang mas mahalaga ang iniisip nila o ang iniisip ko?"
"I am trying to be better, Mico. I am trying to be better for you. I am trying to fit to their expectations of what kind of a woman you should be dating."
"You just need to be yourself," seryoso nitong saad. Mapanuyo ang mga mata habang tinitigan siya at hinahaplos ang kanyang pisngi. "Hindi mo kailangan maging reserved o maging composed palagi o maging professional kung umasta sa lahat ng oras. Fuck, you don't even have to say sorry whenever you feel like you're being stupid, 'cause you ain't a fool. Mahalin mo lang ako, Rose. Ayos na iyon. Hindi mo na kailangang baguhin ang sarili mo. Hindi mo kailangang maging si Leira."
"Pero siya ang gusto ng mga tao para sa 'yo, Mico."
"Hindi mo kailangang sundin kung ano man dinidikta ng mga tao. Dahil makakalimutan mo ang sarili mo kung makikinig ka sa bawat kuda nila. If you would keep on comparing yourself to anyone else, your insecurities would consume you as they would heighten as time goes by. And soon enough, you'll lose yourself. And I don't want that to happen to you."
Napahikbi si Rose. Isinubsob ang mukha sa sariling mga palad. "Am I already losing myself by now?" nanginginig niyang tanong rito. Ngunit alam niya na tanong iyon para sa kanyang sarili. Nagpatuloy siya sa pag-iyak at niyakap siya ni Mico buong pagkakataon.
──◎──
SA SUMUNOD NA ARAW, dahil day off nilang dalawa, habang nagpapahinga kasama si Mico sa mismong unit nito ay nakatanggap si Rose ng mensahe mula sa mga dating kaibigan. Kay Sydney galing ang message. Ang akala niya ay puro mura at pagsumpa sa kanya ang mababasa niyang message galing dito pero hindi. It was an invite. A night out with them, like the usual. Noong maayos pa ang lahat.
Biglaang napuno ng init ang puso ni Rose dahil sa nabasa. Limang buwan na ang nakalipas simula noong nakita niya ang mga ito at baka ito na ang tamang pagkakataon na magkaayos sila ng mga dating kaibigan. Dahil hindi naman siya padadalhan ng mga ito ng invite kung hindi nito gustong masakali siya sa night out.
Umayos siya sa pagkakahiga sa tabi ni Mico.
"May lakad ako mamaya," masaya niyang pahayag dito.
"Hmm? Saan 'yan? Sino ang kasama mo? Bakit ka gagala?"
Natawa siya sa sunod-sunod nitong naging tanong. Naramdaman niya ang bahagya nitong pagalaw. Hinapit siya nito sa bewang at mas inilapit pa sa kanya. Hinawakan niya ang kumot at inayos ang pagkakabalot nito sa kanilang katawan.
"OA mo ha," nagbibiro niyang saad at pabirong piningot ang ilong nito.
"Saan ang punta mo, Rose? Papayagan naman kitang umalis."
"Sa bar," tipid niyang sagot. "At bakit hindi mo naman ako papayagan? Tatay ba kita? Kuya ba kita?"
"Sa bar ka pupunta?" Mabilis na nangunot ang noo nito. "Bakit? Gusto mong maglasing?"
Natawa siya. "I got an invite from Sydney. Lalabas daw sila mamaya. Baka daw gusto kong sumama."
"Sila Sydney? Shai? Carl at. . . Leira?"
Tumango si Rose.
"Sasama ka ba?"
"Bakit naman hindi? Baka ito na ang simula para maging maayos na rin kaming lahat."
Ramdam ni Rose ang kasiyahan sa kanyang dibdib. Ngunit si Mico ay nakatitig lang sa kanya, hindi man lang siya binigyan ng ngiti.
Nagpakawala ito ng buntung-hininga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top