Chapter 25

"Sometimes, fate is a bitch. It wouldn't just scratch your heart from a tremendous pain. It will cut you deep inside your heart and bones."

- KAIBIGAN -

HINDI UMUWI si Rose sa apartment nila ng pamilya niya. Ayaw niyang makita ng Mama at Kuya niya ang sitwasyon ngayon. Ayaw niyang kaawaan. Ayaw niyang mapagsabihan na nagkamali ulit siya sa pagtitiwala ng sariling puso sa isang tao. Ayaw niya. Pero sakabila noon, ginawa niya ang isang bagay na magpapatunay kung gaano siya kahangal, kung gaano siya katanga.

"Hindi mo alam kung saan ka magsisimulang magpaliwanag?"

Pinagmasdan niya si Mico habang nakatitig ito sa kanya. Panay ang paghinga ng malalim. Panay ang paglunok habang pinipisil ang kanyang mga kamay.

"Mas masasaktan ka lang."

Malungkot siyang ngumiti. Nanginig nang bahagya ang mga labi ang sabihing, "Sige lang."

Napayuko si Mico. "I am already hurting you this much."

Malumanay ang boses ni Rose nang magsalita ulit. Wala na siyang lakas pang magsisigaw. Wala na. "Bakit ngayon ka pa nagmumukhang nagsisisi? Sa mga nakalipas na mga araw. . . hindi ka man lang ba nakonsensya sa ginagawa mo? Wala akong kaalam-alam, Mico. Tanga na ako at lahat-lahat dahil sumama pa rin ako sa 'yo kahit na nasasaktan mo na ako nang sobra-sobra."

Naipikit niya ang mga mata. "Putang-ina talaga."

Nang ibinuka niya ang mga mata, nakasalubong niya ang mga mata ni Mico. Lumamlam ang pagtitig nito sa kanya. Saglit na naghinang ang mga mata nilang dalawa bago siya nag-iwas ng tingin at tumitig sa magandang tanawin na nakikita sa kanyang harapan. Maliwanag ang langit dahil sa mga butuin.

Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa mga balikat nilang dalawa. Mula sa pagkakaupo sa wooden bench na pinapailawan ng dalawang lamp post ay magagawa nilang pagmasdan ang kagandahan ng sentro ng siyudad mula sa mataas na bahagi kung nasaan sila ngayon.

They're at the City's viewdeck. Payapa. Nakakamangha ang tanawin sa paligid. Magandang pagmasdan ang city lights sa ibabang bahagi kung nasaan nakapuwesto ang railing, sa mismong pangpang ng lugar. Pero hindi iyon magawang mapuna ni Rose.

Nakatuon ang kanyang pansin sa presenya ni Mico sa kanyang tabi.

"Sisimulan ko ang lahat sa paghingi ng tawad," puno ng emosyon nitong saad, nanunuyo, nagpapaliwanag. "You don't deserve to be stuck at this kind of mischief, Rose. I know that, and I'm sorry for dragging you to my messed-up life."

Nanatiling nakatuon si Rose sa kanilang harapan. Pero nakikinig siya. Pinapakinggan niya ang lahat ng sinasabi ni Mico. Lahat ng binibigkas nitong salita. Iniintindi kahit na alam niyang mas masasaktan lang siya sa pagpapatuloy nito sa pagsasabi sa katotohanan.

"Alam kong komplikado na ang mga bagay sa buhay ko, at ngayon, mas naging komplikado pa. Pero ayokong bitiwan ka, Rose. Makasarili man, pero hihilingin ko sa 'yo na huwag mo akong susukuan. Mahal kita, hindi mo man maintindihan ngayon dahil may isang taong naiipit sa sitwasyon nating dalawa, pero ipapaintindi ko, Rose. Ipapaliwanag ko sa 'yo lahat."

Tumango siya, hinahanda ang sarili.

"Ten months ago, I saw this woman, in a formal forum, an event to be exact, kasama ko ang pamilya ko─my foster parents, relatives, family friends. Wedding anniversary iyon ng isa sa mga kaibigan ng pamilya. May mga date na kasama ang mga pinsan ko, iyong pinsan ko sa hindi ko totoong mga magulang. Pero ako, wala. I was single that time. Walang mapili ang pamilya ko na babaeng pwedeng maging girlfriend ko. I already told you I was the obedient one since I was little. Kahit na nagkatrabaho na at nagkaroon ng sariling buhay, sinusunod ka pa rin ang sinasabi nila. Lalo na sa babaeng papapasukin ko sa buhay ko. Ayos lang naman iyon sa akin, wala din naman akong magagawa. At doon sa event na iyon, nakilala namin si Leira, executive head at corporate staff ng kompanya na pinapamahalaan ng birthday celebrant."

Naninikip ang didbib ni Rose habang naririnig ang pagkukuwento ni Mico. Kung nagkita si Mico at ang kaibigan niyang si Leira sa isang formal event kung saan kasali din ang pamilya nito, kilala na ng pamilya ni Mico si Leira at posibleng suportado na rin sila ng mga ito.

Walang-wala siya. Siya ang sabit sa perpektong kuwento ng dalawa.

"Napansin siya nina Mom at Dad. She's this reserved kind of woman, smart, composed and she carries herself with confidence and professionalism. Nireto agad siya sa akin. At hindi na rin ako tumutol. I approached her, we became acquaintances and soon we started going out. Ganoon nagsimula, nang niligawan ko siya, sinagot niya ako. Naging kami."

Sinubukan ni Rose na alisin ang bara sa kanyang lalamunan pero kahit ano'ng gawin niya, hindi iyon mawala-wala. She suppressed another sob. She did her best not to let it escape her lips. She's hearing Mico talk about his current girlfriend, si Leira—na kaibigan niya. Mas masakit iyon dahil kilalang-kilala niya si Leira, at alam niya kung gaano kabait ang kaibigan niyang iyon.

Nakapakamapaglaro ng tadhana.

"But I wasn't sure of how deep are my feelings for her. Basta ang alam ko, ayos na ako sa kanya. Hindi na ako maghahanap. I felt at ease knowing that I wouldn't have to find someone else anymore. I wouldn't need to worry about things relating to ladies. Mas convenient ang set up na iyon dahil gusto na siya ng pamilya ko. Wala ng problema."

"I gave her the love that she deserves, cared for her, had dates with her. Pero parang may kulang, Rose. Dahil kalaunan ay parang naging normal na lang sa akin ang lahat. Pero hindi iyon naging dahilan para magloko ako. I became loyal. Ibinigay ko ang puso ko na akala ko ay matagal niya nang nakuha, pero hindi pala, at napagtanto ko iyon nang nakilala kita."

Basag ang boses ni Rose nang magsalita. "Ako ang dahilan kung bakit ka nagloko, Mico. Ako ang dahilan kung bakit pinili mong suwayin ang mga magulang mo. At kung bakit pinili mong magsinungaling at manloko ng isang inosenteng tao katulad ni... Leira."

Napahikbi ulit siya. Nanggigigil siya sa sarili.

Pero hindi siya hinayaan ni Mico na saktan ang kanyang sarili. Niyakap siya nito at doon siya mas napahagulgol sap ag-iyak. "Pero ikaw ang ipinakilala ko sa tunay kong Nanay, Rose."

Hinaplos ni Mico ang kanyang buhok habang siya ay sumusuko at nanghihinang napasandal sa dibdib nito. Paano siya napunta sa ganitong sitwasyon?

"Ikaw ang dahilan kung bakit ko tuluyang natanggap ang sarili ko, Rose. Ikaw ang dahilan kung bakit ko napagtanto kung ano ang kulang sa buhay ko ngayon. Ikaw ang dahilan kung bakit ko nagawang ipaglaban ang gusto kong gawin sa kabila ng pagkakamali at takot sa panghuhusga ng iba. I wasn't then afraid to not adhere and keep up to their high expectations—their close to impossible standards. And was too tired of all those things, and when you came, napagtanto ko na hindi ko kailangan maging ibang tao, kailangan kong maging ako."

Hindi natatapos ang pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata sa pagpapatuloy ni Mico.

"Natuto akong maging matapang dahil sa 'yo. At kaakibat noon ang pagiging totoo ko sa sarili ko. Pinakinggan mo ako at inintindi nang walang panghuhusga. Wala akong kailangang patunayan, hindi ko kailangang maging sinuman para mapasaya ka. Tanggap mo kung sino ako. At hindi ko iyon naramdaman sa ilang buwan na naging kami ni Leira. Sa tuwing magkasama kami, parang kailangan kong panatilihin at abutin ang pamantayan sa kung paano at ano dapat ako sa paningin niya. Ganito o ganyan dapat ako, lalaking hindi dapat nagiging mahina, lalaking successful, lalaking maraming pera—mayaman dahil iyon ang tingin ng ibang tao sa akin."

"I am no good for you," tanging naibulalas ni Rose.

"No, don't say that. I am the one's not good for you. Huwag kang magalit sa sarili mo. Magalit ka sa akin. Dahil hindi kita kayang bitiwan sa kabila ng lahat ng nangyayari. Mahal kita. I love you despite all these mischiefs. I love you even when I don't have the right to love someone like you. I want to have you even if I know I shouldn't have longed for someone like you. Ayaw kitang saktan, pero heto't umiiyak ka sa dibdib ko. Ako ang dahilan ng mismong pagkadurog mo ngayon. Kaya humihingi ako ng tawad. Humihingi ako ng pagkakataon. At nakikiusap ako, huwag mo akong iiwan."

"Mico..."

"I deeply apologize for everything I've done. I'm sorry, Rose. I am deeply sorry."

Naipikit ni Rose ang mga mata. Masyado na siyang maraming naiyak. Masyado na siyang nahihirapan sa sitwasyon, pero... ayaw niya pa rin bumitiw.

"Naniniwala ka ba sa akin?"

Umayos siya sa pagkakaupo at bahagyang inilayo ang sarili. Huminga siya ng malalim at dahang-dahang napatango.

"Hindi ko mawagang hindi magtiwala sa 'yo, Mico." Tanga at marupok man pakinggan, iyon ang sinasabi ng puso niya. Ngayong natapos niya itong pakinggan.

Husgahan man siya ng lahat. Hindi na siya mag-iisip nang mabuti. Bahala na.

"Rose. . ."

"Madalas naman na akong nagkakamali. At sa tingin ko sa kabila ng iisipin ng ibang tao, ang manatili lang sa tabi mo ang magagawa kong tama."

Sa isang pagbuga ng hangin, isang pikit ng mga mata, muli siyang napasubsob sa dibdib nito nang mabilis siya nitong yakapin. Garalgal ang boses nang magpasalamat sa kanya at nangako na hindi nito sasayangin ang pagkakataong ibinigay niya rito.

"Aayusin ko ang mga bagay, Rose. Makikipaghiwalay ako nang maayos kay Leira. Ipapakilala kita sa mga magulang ko. Hindi kita itatago sa kung sino man. Itatama ko ang nagawa kong pagkakamali."

"Hindi magiging madali ang lahat."

"Alam ko. Alam ko. Pero hindi ka naman susuko hindi ba?"

Umiling-iling siya. May maliit na ngiti sa mga labi. Sinisikap na makaramdam ng saya sa kabila ng sakit na lumulukob sa puso.

"Hindi rin kita susukuan," pangako nito sa kanya.

Hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi at marahan na pinagdampi ang mga labi nila sa isa't-isa.

Ngunit parang napaso ata ni Rose dahil sa ginawa nito. Lalo na nang may maalala.

Hindi pa niya nasasabi kay Mico ang isa pang katotohanan na mas magpapagulo pa sa mga bagay.

"Mico," tawag na sa atensyon nito na agad naman siyang tinanong kung may gusto ba siyang sabihin.

"Ang Leira na sinasabi mong girlfriend mo─"

"Makikipaghiwalay na ako sa kanya, Rose I will end─"

"─kaibigan ko siya."

Nangunot ang noo nito dahil sa narinig.

"Ano ulit iyon?"

"Ang Leira na sinasabi mong girlfriend mo, kaibigan ko siya," pag-uulit niya.

Hindi nakapagsalita si Mico sa kanyang harapan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top