Chapter 24

"When the pain is too overwhelming, you won't be able to distinguish what hurts most, to be lied by someone you trusted most or be loved by someone who has loved another woman other than you."

- PAG-AMIN -

NAPAHIKBI SI ROSE kasabay nang pagbaba ng tingin. Napatitig siya sa kanyang mga kamay, nakakuyom iyon ngunit itinatago lamang ang panginginig. Buong puwersa niyang kinagat ang ibabang labi para huwag kumawala ang sunod-sunod niya pang mga hikbi.

Mas naikuyom niya ang mga kamao nang maramdaman ang hapdi sa labi niya. Soon, she started tasting blood. She couldn't believe she was this eager to divert the pain that she's bearing in her heart. Gusto niyang matuon sa ibang parte ng katawan niya ang sakit. Huwag lang sa puso dahil nakakapangdurog at panghihina iyon.

Parang nabingi siya dahil sa narinig na sinabi ni Mico. Nadurog ang pag-asa na pinaghirapan niyang buuin. Nadurog ang puso na buong akala niya ay mananatili nang buo ulit. Natunaw ang kasiyahan na minsan niyang naramdaman, at nalugmok dahil umasa siyang lulukob ulit iyon sa kanyang damdamin. Ang buong akala niya ay hindi na siya malulungkot at masasaktan ulit.

Ngunit nang pagkakataong iyon ay parang tumigil ang oras para lamang iparamdam sa kanya ang unti-unti pagkadurog ng sariling puso.

"Mali ang narinig mo, Rose. Magpapaliwanag ako─"

Mabilis niyang pinahiran ang kanyang mga labi. Ramdam niya na rin ang mas matinding hapdi roon. Hinugot niya lahat ng natitirang lakas ng loob mula sa sarili. Dala na rin ng sakit at galit sa panloloko ni Mico, nagawa niya ang gustong gawin.

Sinalubong niya ang paningin nito.

"Mali? Mali pa eh ang linaw-linaw ng mga 'yon, Mico! Alin ang katotohanan sa mga sinabi mo sa 'kin sa simula pa lang? A-alin doon? Putang-ina! Pinaglololoko mo lang ba ako buong pagkakataon?"

Natameme si Mico sa kanyang harapan. Hindi nakapagsalita. Maski ito ay nahihirapan din kung ano ang una nitong sasabihin o gagawin. Hahakbang ito palapit, ibubuka ang bibig pero magdadalawang isip kung magsasalita na.

Nanghihina si Rose. Nadudurog siya. Maaaring hindi literal ngunit iyon ang nararamdaman niya sa kaloob-looban niya ngayon. Mabigat ang dibdib. Pinipilipit. Nanunuyo ang lalamunan. Paunti-unting nawawalan ng lakas.

Bumalik sa isipan niya ang lahat ng sinabi ng Kuya niya. Lahat ng mga pagbabanta nito na napagtanto niyang mga paalala at babala lamang ngunit sa ibang paraan nito naipahayag.

Tangina. Mura niya sa sarili at sa nangyayari ngayon.

Mabilis na bumalik sa isipan niya ang usapan ng mga kaibigan niyang sina Sydney at Shai sa groupchat nila, ang pakikisabay ni Carl, at higit sa lahat, ang mga sinasabi ni Leira tungkol sa boyfriend nito. Ang panunukso ng mga kaibigan nila, at ang panunukso niya mismo noong bago pa lamang na ibinalita ni Leira ang tungkol sa boyfriend nito. Bumalik sa kanyang isipan lahat. At gusto niyang magsisigaw sa dahil pagiging magulo ng kanyang isipan.

Pinagmasdan niya si Mico na napasapo sa sarili nitong noo.

Right then and there, she was able to gauge the real scenario of hers and Mico's relationship. Paanong nangyari ang mga bagay na iyon na parang planado ang lahat?

May girlfriend na pala ito? Mali ang sinabi ni Arci. Pero bakit buong pagkakataon ay umaasta itong wala?

God. Bakit? Paano?

Parang paborito siyang paglaruan ng pagkakataon. Hindi lang pinaglaruan, sinasaktan, dinudurog at pinapahirapan siya nang paulit-ulit sa pinakamasakit na paraan.

Hindi nakapagsalita si Mico. Nakita niya ang panunubig ng mga mata nito habang nakatitig na rin sa kanya.

Mas lalo siyang nawawalan ng lakas. Ngunit hindi niya na kayang tumitig pa sa mga mata ng lalaking nagpaniwala sa kanya sa napakaraming bagay. Hindi niya kayang makita ang mukha ni Mico na hindi magawang depensahan ang sarili. Dahil totoong nanloko ito, inaamin nito ang nagawa nitong kasalanan kahit hindi pa naman ito nagsasalita.

He is guilty. And it shows in his face, they way he tries to lock their gazes with each other, the way his expressive eyes plea for something that she can't figure out. Perhaps, he is asking for a chance from Rose, for her to give her the benefit of being understood. Because undoubtedly, he is guilty of making the fool out of her. He tricked and fooled her. Iyon ang nakikita ni Rose. Pero wala na siyang tiwala sa sarili.

Gusto niya na lang na matakasan ang sakit na nararamdaman. Kasabay nang paghakbang ni Mico palapit pa sa kanya para mahawakan siya sa magkabilang balikat, kasabay nang pagbuka ng bibig nito para magsalita na at magpaliwanag, ang mabilis ang pag-atras ni Rose at ang pagtakbo niya paalis.

──◎──

LULAN NG TAXI, basta na lang niyang sinabi kung saan siya magpapahatid. Hindi sa apartment nila, hindi sa mall para magliwaliw, kundi sa bar kung saan plano niyang iinom na lang ang lahat ng sakit sa kanyang diddib.

Inaasahan niyang maraming tao sa bar na sinabi niya sa driver, pero wala siyang pakialam. Gusto niyang mamanhid siya. Gusto niyang mawala ng sakit sa kanyang dibdib kahit na pansamantala man lang.

"Limang shots ng brandy," bungad ni Rose sa bartender nang nakarating sa loob ng bar. Hindi na siya nagpaliguyguy pa. Saglit siyang tinitigan ng bartender. Nagitil ito sa pagmimix ng drinks, hindi makapaniwala na nagrequest talaga siya ng limang shots ng hard liquor. Ano ba ang hindi kapani-paniwala roon?

Right, she's alone. Hindi naman siguro masyadong halata na durog ang puso niya ngayon kaya gusto niyang uminom. Halatang-halata lang.

Sa halip na ang limang shots ng brandy na siyang orders niya, ang ibinigay nito ay tequila.

"Free drink to offer to the new arrivals," anito. "I will serve the shots after several minutes if that's fine."

Pinukulan niya ng tingin ang bartender ng bar. Kalmado ito at walang panunuya sa boses. Seryoso. Kaya tumango na lang siya.

Walang epekto sa lalamunan at sikmura ni Rose nang inumin niya ang isang shot ng tequila. Napapikit lang siya kasabay nang pagtulo ng luha. Si Mico ulit ang nasa kanyang isipan.

"No, I am all by myself. I am not with another woman. You have nothing to worry about."

"Yes, I will be there. Uuwi agad ako pagkatapos ng operation namin rito sa site."

May ibang girlfriend na si Mico. Iyon ang ipinaparating ng mga katagang narinig niya. Hindi niya matanggap. Hindi niya inakala na niloko at pinagsinungalingan siya nito. Pinaniwala.

Mas lalo lang siyang napahagulgol nang maalala ang mga sinabi sa kanya ni Mico sa nakalipas na mga buwan.

"Handa akong mas lalo pang mahulog sa 'yo. At hindi na ako hihingi ng permiso mula sa 'yo para gawin ko iyon."

"Love comes with pain and a lot more. At handa ako sa lahat ng iyon, Rose."

Ngunit nagpantig sa kanyang tenga ang narinig kanina.

"Love you too, Leira."

Potek. Putang-ina.

Si Leira na kaibigan niya ba ang pangalan na tinawag nito?

Ayaw niya nang mag-isip!

Isinubsob niya ang mukha sa sariling mga palad. At doon inilabas ang lahat ng mga luha na wala atang planong matapos sa pagtulo.

Narinig niya ang kalansing ng mga baso.

Napatitig siya sa harapan at nakitang handa na ang limang shots ng brandy na nakahanay.

Napalunok siya. Nanginginig ang mga kamay na inabot ang isang baso bago nilagok ng isahan. Napangiti siya nang maramdaman ang init at pait sa kanyang lalamunan. Natawa nang hindi pa rin nawala ang bigat sa kanyang dibdib sa kabila ng paglukob ng alak sa kanyang katawan.

Uminom ulit siya ng isang shot. Pagkatapos ay isa pa. At panibagong shots ulit. Hanggang sa ang limang shots ng brandy ay malapit nang umabot sa sampu.

Nararamdaman niya ang pagvibrate ng cellphone mula sa dalang handbag, pero hindi niya gustong kunin iyon. Alam niyang tumatawag si Mico pero hindi niya gustong sagutin iyon. Bahala itong umasa sa wala.

Napahinga siya nang malalim, napatitig sa harapan. Bumungad sa paningin niya ang mga mamahaling alak na nakahilera sa beverage track. Marami. Mga mamahalin. Iba't-iba ang kulay. At sigurado siya na iba't-iba rin ang epekto at tama ng mga ito kung sakaling inumin niya ang ilan sa mga iyon.

Inabala niya ang sarili sa pagtingin sa mga alak na nakikita kahit na hindi niya naman mabasa ang mga pangalan ng mga ito dahil malabo na ang paningin niya. Umiikot na rin iyon. Ngunit bago niya ipinikit ang mga mata ay sumulyap muna siya sa wall clock na nakikita niya sa kanyang harapan.

Ala syete na ng gabi. Tatlong oras na siyang nasa bar. Tatlong oras na siyang umiinom. Tatlong oras na niyang nararamdaman ang bigat at sakit sa kanyang dibdib na hindi mawala-wala.

Putang-ina mo, Mico!

Manloloko! Sinungaling! Mapagpanggap!

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa baso ng banibagong brandy na inorder. Tinitigan niya ang laman noon. Kinilatis ang yelo na unti-unting natutunaw sa bawat segundong lumilipas. Ngunit natulala siya nang maramdaman ang paglapit ng isang lalaki sa kanya. Umupo ito sa kanyang tabi.

"Rose." Sa boses pa lang ay alam niya na kung sino iyon.

Garalgal ang boses nito. Marahan, nanunuyo ang pagtawag nito sa kanya. Mas lalo siyang napahikbi. Naging triple ang sakit sa kanyang dibdib.

"Ilang oras kitang hinanap... kung hindi pa ako nagdesisyon na uminom dahil hindi ko na alam kung saan ka hahanapin, hindi ko malalaman kung nasaan ka─"

Hindi pa natatapos ni Mico ang sasabihin nang biglaang tumayo si Rose mula sa sariling upuan.

Nag-iwan siya sa ng pera sa counter at basta na lang na naglakad palabas ng bar. Hindi man lang nililingon si Mico. Hindi man lang nagsasalita.

Umiikot ang paligid at alam niyang gumigewang siya habang naglalakad. Pero desidido siyang maglakad palabas. Desidido siyang maglakad paalis—palayo kay Mico.

Ngunit mabilis ang mga kilos ni Mico para habulin siya at alalayan. "Magpapaliwanag ako. Pakinggan mo muna ako, Rose," saad nito at hinawakan siya sa bewang para hindi siya mabuwal sa paglalakad at mapasubsob sa sahig.

Pero kinalas ni Rose ang mga kamay nito na nakaalalay sa kanya. Nagpumiglas siya at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Mas mabilis. Napaluhod siya sa semento nang matapilok. Ramdam niya ang pagtama ng tuhod sa magaspang na semento. Ramdam niya ang mamunting hapdi mula roon pero mabilis siyang tumayo at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Gumigewang. Hindi alam kung saan siya papunta.

Nang tumindi na ang sakit sa tuhod dahil sa ilang ulit niyang pagkakasubsob ay napamura siya sa sarili at nanghihinang napaupo sa gutter. Sa labas ng bar, sa gilid ng nakaparadang mga motorsiklo at sasakyan. Hindi siya nakalayo.

Doon ulit siya umiiyak. Doon ulit siya dinudurog. Doon ulit niya minura ang sarili.

"Rose." Mas nakakapanghinang marinig ang boses ni Mico. Gusto niya itong sampalin, sakalin, at sigaw-sigawan. Pero wala siyang sapat na lakas para gawin iyon.

"Hindi ako nagsinungaling nang sinabi kong gusto kita. Aamin ko na nagsinungaling ako sa 'yo pero sa ibang bagay iyon, Rose. Hindi noong sinabi kong gusto kita. Totoo iyon. Totoo ang nararamdaman ko. Hindi kita ginagawang tanga."

Natawa si Rose. Garalgal at napuputol ang boses. Puno ng sarcasmo, puno ng sakit, puno ng pagkadurog.

"Paano mo nagagawang isipin na magagawa pa kitang pagkatiwalaan ngayon? Paano mo pa nagagawang umasa na pakikinggan at paniniwalaan ko ang mga sinasabi mo?" Nagtagis ang mga ngipin niya. Ramdam ang hapdi sa lalamunan. "Nangigigil ako sa galit sa 'yo, Mico. Sinungaling ka."

"Hon..." hindi niya itinuloy ang sasabihin. "I'm sorry."

Naikuyom niya ang mga kamao nang marinig ulit ang itunuran nito.

"May nagawa nga akong mali. Pero sa puntong ito. . . maniwala ka na, Rose. Mali man sa paningin ng iba pero, sa nakalipas na mga buwan na mas nakilala pa kita, nagawa kitang mahalin nang mas matindi pa sa inaasahan ko. Nagawa kitang piliin kahit na alam kong mali."

Tumaas ang kilay niya dahil sa narinig.

'Nagawa kitang mahalin nang mas matindi pa sa inaasahan ko.'

'Nagawa kitang piliin kahit na alam kong mali.'

Ganito na ba siya kababaw at karupok para maapektuhan agad sa sinasabi ni Mico ngayon? Wala ata sa bokabularyo niya ang magpakatatag lalong-lalo na sa taong naging dahilan para sumaya siya. Sa taong mahal niya.

"Patawad kung hindi ko magawang itama ang mga bagay. Pero mahal kita, Rose. Mahal na mahal kita."

Nanlalaki ang mga mata niya nang makitang lumuhod si Mico sa kanyang harapan habang nakayuko. Hinawakan nito ang kanyang dalawang mga kamay at dinala sa mga labi. Mas lalo siyang naluha nang makitang umiiyak na rin si Mico sa kanyang harapan.

"Handa akong sabihin sa 'yo lahat-lahat. Handa akong tanggapin ang mga masasakit na salitang sasabihin mo sa akin. Handa ako, Rose. Huwag mo lang akong iwan. I can't lose you like this. I can't."

Rinig niya ang paggaralgal ng boses nito kasabay nang pagkawala ng kanyang mga hikbi. Hindi niya alam kung bakit, mas nasasaktan siya sa nakikita—sa mga naririnig niya, pero hindi niya magawang sigawan at saktan si Mico.

Ganito siya kahina.

At wala siyang karapatang tumutol. Wala siyang karapatang magmalinis. Dahil tama iyon, aaminin niyang totoo iyon.

Mahina siya. Tanga. Marupok.

Sa halip na paulanan ito ng masasakit ng salita, napahikbi siya, pinagmasdan ang umiiyak na si Mico na nakaluhod at hawak-hawak ang kanyang kamay. Nagmamakaawa.

Tinitigan niya ito. Ilang segundo. Pinakiramdaman niya ang sarili. Nag-isip—iyon ay kung nakapag-isip nga siya nang maayos.

Mahal niya pa rin si Mico. Sobrang mahal.

Nangingig ang mga balikat at nanghihina ang tuhod nang sibukan niyang maupo para magpantay sila ni Mico. Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha. Tumitig sa kanya. Lumuluha niyang hinaplos ang pisngi nito.

At siguro ay gusto niyang mas saktan ang sarili dahil sa naging tanong niya rito. "May nauna na bago pa ako dumating hindi ba? May girlfriend ka na bago pa naging tayo."

Tumango ito. "I'm sorry. I'm sorry."

"Can you tell me who she is?"

"Rose..."

"Nadudurog na rin naman ako, 'wag ka nang mag-alala. Nasasaktan na rin naman ako kaya 'wag mo nang isipin na baka masaktan pa ako. Kasi huli na Mico, huli na."

"Rose..."

"Sige na," aniya. Gusto niyang alamin kung sino iyon. Sana lang at mali siya. Sana lang at hindi ang kaibigan niyang si Leira ang girlfriend nito. "Pakiusap."

"Leira." Hinanda niya ang sariling makarinig ng ibang apelyido. Sana hindi ang kaibigan niya. Sana... Ngunit natuod siya sa kinatatayuan nang hindi nangyari kanyang inaasahan.

"Leira Cruz," ani Mico.

Tama ang hinala niya. Si Leira nga na kaibigan niya ang kausap nito kanina sa cellphone. Si Leira ang girlfriend nito.

Napahagulgol si Rose.

Mula sa mga narinig, alam niyang ganoon ang perpektong pagdurog ng puso na ani mo'y isang baso na pira-pirasong nababasag. Walang ititirang isang bahagi na maaari pang isalba. Dudurugin nang pinong-pino. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top