Chapter 15

 "Fortunate are those who persevere and have faith to what could still happen in the future. Acknowledgement and payback await to those who remain patient and enduring in tough times."

- P R O M O T I O N -

MAGKAHARAP NA NAKA-UPO si Mico at Rose sa mesang napili nila. Marami ang mga naroon sa second floor ng building kung nasaan ang canteen para sa mga empleyado. Ang i-ilan ay patapos na sa mga pagkain nila habang siya ay hindi pa nangangalahati sa binili niyang ensaymada.

Si Mico naman ay nakatitig lang sa kape nito. At sa siopao na siya mismo ang nag-order pero baka masayang lang dahil baka wala itong ganang kumain.

Panay ang sulyap ni Rose sa kape nito na ani mo ay siya ang natatakot na baka lumamig na iyon. Ayaw niya sa mapait na lasa ng kape. Minsan ay napapatanong siya sa mga kaibigan na hayok rin sa pag-inom nito noong college pa lamang.

They said it tastes good and they like how the caffeine keeps their minds alerted. Nang mga panahong iyon, hindi na siya nagtanong at nakipagtalo sa mga ito at tumango na lang.

"Kahit na ni-reject ang ginawa mo, hindi pa naman doon magtatapos ang lahat," mahina niyang saad at uminom sa bote ng soda na binili niya.

Nagpakawala ng buntong hininga si Mico, sumandal sa upuan at humalukipkip sa kanyang harapan. "Who said it would be the end, Rose?" nakangiti nitong saad pero may himig ng pagkabigo sa boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang si Mico na magpatuloy.

"Rejected ang ginawa kong plate. At ang project na akala ko ay makukuha ko na ay nawala ng parang bula. Ang pagkakataon na matagal ko nang hinihintay, naglaho nang ganoon lang. Mahirap intindihin pero sinusubukan ko."

Naramdaman ni Rose ang pangingilid ng mga luha sa mga mata niya. At some point, she empathized Mico's sentiments. Kahit na pinipigilan niya ang sarili, hindi niya magawang pigilan ang pagsagi ng sitwasyon niya ngayon sa isipan. Pumapasok siya sa trabahong hindi niya naman pinangarap pero naiwan siyang walang mapagpipilian. Dahil siya siguro ang masuwerteng napiling pahirapan ng pagkakataon.

Looking at Mico–as he stared at her intently–she realized that maybe, it's a good thing to talk about one's successes and failures in work and somehow... in one's life, in general.

"Mahirap," tumatangong saad ni Rose. "Katulad ng kung paano mo tatanggapin ang maaaring sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila na nabigo ka."

Hindi niya alam kung paano niya nakita ang saglit na pagliwanag ng mga mata ni Mico sa kabila ng lungkot na naroon. Sumang-ayon ito sa sinabi niya. "Mahirap 'yon kapag alam mo na mataas ang tiwala nila sa'yo. When they've believed in you so much that you could already feel the pressure weighing on your shoulders."

Malungkot na napangiti si Rose.

"I know... and you couldn't just shrug it off. Let's say you've had too much and you wanna quit... hindi mo pwedeng sabihin na 'ayoko na, pagod na ako. Pass. Suko na ako' hindi pwedeng ganun lang kadali 'di ba?" Tumulo ang luha ni Rose at mabilis niya iyong pinunasan. "Lalo na kung umaasa ang pamilya mo na magiging successful ka in the future pero nganga."

Tumawa pa siya na para bang nasisiyahan pa siya sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon.

"I'm a college graduate sa isang state university, BSBA major in financial management. Pero heto't kabilang ako sa maintenance staff ng kompanyang 'to."

Napakurap-kurap si Mico dahil sa narinig.

"Wag kang maawa. Choice ko na magtrabaho bilang janitress rito."

Nanatili ang kunot sa noo ng binatang kausap niya ngayon. "Pero bakit, Rose?"

Hindi niya mahinuha kung ano'ng mga emosyon ang nakikita niya ngayon sa mga mata ni Mico. Awa? Lito? O pag-intindi? "It's simple though it's quite... hard," sagot niya sa tanong nito. Tumikhim siya at nilakasan ang loob para magawa niyang magpatuloy sa pagsasalita. "Kailangan kong patunayan sa pamilya ko–lalo na sa Kuya ko na hindi ako pabigat sa kanila. Kailangan kong kumita. Wala ibang oportunidad e, may choice pa ba ako?"

Narinig ni Rose ang pagtawag sa kanya ni Arci. Natigil silang dalawa ni Mico sa pag-uusap. Ang luha na dapat ay magpapatuloy sa pagtulo, parang nastuck ata sa mga mata niya matapos mapakurap-kurap. "Andito si Greg kasama si Ms. Lucille. Tapos na ang break, Rose. Halika na."

Mababakas ang kaba sa mukha ni Arci at ang pagkabalisa. Ganoon din siya. Hindi niya alam kung ano'ng meron o kung may nangyari ba na masama. Pero sapat na ang narinig niyang naririto sa baba si Ms. Lucille para malaman na may dahilan siya para kabahan.

Dahil sa mahigit dalawang buwan niyang pagpasok sa kompanya, nalaman niyang bumababa lang ito kapag may gustong obserbahang empleyado para sibakin.

At alam niya na naawa lang ito sa kanya kaya tinanggap siya nito. Natatakot siya na baka masibak siya ngayong wala pa rin siyang nahahanap na panibagong kompanya na pwedeng pasukan.

Tiningnan niya si Mico sa nasa kanyang harapan at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo. Sinubukan pa siya nitong pigilan nang hinawakan nito ang kamay niya.

"Kailangan ko nang magpatuloy sa trabaho, Mico," mabilis niyang saad. "Mamaya na lang."

Nakita niya pa kung paano tumango si Mico. Tumayo rin ito mula sa pagkakaupo at inayos ang polo na suot-suot. Mas lalong binilisan ni Rose ang paglalakad. Nang nakalapit na kay Arci ay mabilis siya nitong binigyan ng mop at binulongan na kailangan nilang magtungo sa west wing ng building dahil doon na ang assigned area nila.

Mabilis ang tibok ng puso ni Rose. Mula sa mga pinag-usapan nila ni Mico maging sa kasalukuyang na nangyayari. At ang tanging nagawa na lang niya ay huminga nang malalim at kumbinsihin ang sarili na magiging maayos din ang lahat.

──◎──

Pinahiran niya ang pawis sa kanyang noo pagkatapos ay sumandal sa pader sa gilid mismo ng storage room. Ramdam niya ang pagod sa buong katawan. Naging normal na iyon para sa kanya at sa mga kasamahan niyang utility staffs. Kaya sa halip na magreklamo ay hinayaan niya na lang ang sarili na bumawi ng lakas.

Huminga siya nang malalim at ipinikit ang mga mata. Pero napadilat lang din nang maramdaman na katulad niya ay may sumandal din pader na sinasandalan niya.

"Hindi ka ba pa sanay sa trabahong 'to?" Narinig niya ang boses ni Greg at sapat na iyon para mangunot ang kanyang noo. Iyon ang unang beses na kausapin siya ng head ng department nila. Kaya hindi niya mapigilan na magtaka.

Umayos siya ng tayo at hinarap ito. "Itong trabaho natin?"

"May iba pa ba?"

"Masasanay rin siguro," mahina niyang saad. At pinasadahan ng tingin ang iba pa nilang mga kasama. Pero agad lang din siyang napaayos ng tayo nang makita kung sino ang papalapit sa kanila ngayon.

"Rosette," tawag ni Ms. Lucille habang nakapukol ang tingin nito sa kanya.

"Yes, ma'am?" sagot niya rito. Nanginig ang boses. Kinakabahan.

"In my office, please."

Nagsimula siyang malakad palapit dito pero hindi niya alam kung ngingiti ba siya kahit na sobra-sobra na ang kaba na nararamdaman sa kanyang dibdib. Masesante na ba ako ngayong araw?

Ramdam niya ang pagtitig sa kanya ng mga kasamahan at kita niya rin kung paano mangunot ang noo ng mga ito. Nang nalingunan niya sina Arci katabi si Wendy at Nichole, malungkot siyang ngumiti.

Unang tumalikod si Ms. Lucille at nagsimula na itong maglakad. Sumunod naman siya habang napapapikit.

Nakasunod siya sa head ng HR department habang naglalakad sa lobby ng second floor. Tahimik pero kitang-kita niya kung papaano batiin si Ms. Lucille ng mga engineers at iba pang mga staffs ng kompanya. Marami silang nadaanang cubicles at offices at nang nasa bandang lounge area na sila, bago tuluyang sumakay sa elevator para pumunta sa ikatlong palapag ng building, nahagip ng mga mata niya si Mico.

May kausap itong katrabaho. Nakaipit sa isang tenga ang isang mechanical pen habang may ipinapaliwanag sa kausap. Parang maayos na ito. Kita niya sa tindig at sa kung paano ito tumango sa kausap nito na ngayon ay nagsasalita.

Pero hindi niya alam kung may mali ba. Nang maghinang mga mata nilang dalawa ay nakita niya ang biglaan nitong pagtigil sa ginagawa, tumitig ito sa kanya. At siguro ay nakita nito ang kaba sa mga mata niya dahil akma itong lalapit.

Mas lalong napayuko si Rose at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Umaasa na sa oras na makausap na si Ms. Lucille ay hindi niya na kailangang manghula kung tungkol saan ang maaari nilang pag-usapan.

──◎──

"I just received a resignation later from my assistant," pagsisimula nito. Pormal na naka-upo si Rose sa upuan na nasa harapan ng wooden table nito habang mataman na nakikinig. And she doesn't know how she would react to what she is hearing right now.

"You do have previous experiences of being involved in paper works other than analyzing and evaluating finances in a company right?"

"Yes, ma'am. Sa dati kong trabaho, naging secretary po ako ng head namin aside from being part of the financial department," magalang niyang sagot.

"Well and good, because I am considering you to be promoted, iyon ay kung ayos lang sa iyo ang kasalukuyang bakanteng posisyon."

Hindi nakapagsalita si Rose.

Human Resourse Assistant. Ang alam niya, iyon ang kasalukuyang bakanteng posisyon.

"Tama ang ngayo'y nasa isip mo."

Nanlaki ang mga mata niya. Totoo? H-hindi siya makapaniwala.

"I already have the idea about your excellent transcript of records since the day you applied here. I am also aware that you are not new to business industries 'cause you already have experiences. Though in this company, the nature of your new job–which I am positive that you'd gladly accept–will have differences in specifics. But you'd be subjected to mentoring for a week so you'd have the idea of what would be your work."

Bahagyang napaawang ang kanyang bibig. Siguro ay natulala rin siya, nabigla na lang siya nang magsalita ulit si Ms. Lucille sa kanyang harapan. "You need to tell me your decision, Rosette."

Napakurap-kurap siya at napalunok. "N-ngayon na po?"

"Bakit ko pa ipapabukas? Unless, ayaw mong tanggapin ang promotion na ito─"

Umayos siya ng upo at mabilis na nagsalita. "I accept your offer Ms. Lucille."

Awkward siyang napangiti nang magtunong desperada ata ang boses niya. "Malaking bagay po ito sa akin. H-hindi l-lang po talaga ako makapaniwala."

Tumango ito sa kanyang harapan. "Well, you better believe it. I am not making fun of your situation. I know you are working hard, Rosette. And your credentials say it loud and clear. You have the potential. Even if you knew that you can still have another job instead of the one that you currently have, you still managed to immerse yourself into that field. It's physically demanding but that was not an issue to you. I would like to also see that kind of hard work when you become part of my team."

Matapos nitong sabihin iyon ay tumayo na si Ms. Lucille. Hindi na ito nagpaliguy-ligoy pa. Naglahad ito ng kamay sa kanyang harapan. Mabilis din siyang tumango at tinanggap ito.

"See you in the HR department, then. Your briefing and mentoring would officially start tomorrow."

Tango ang isinagot ni Rose. Halos mapunit ang kanyang labi sa kakangiti nang magsimula na siyang maglakad papunta sa pinto at para makalabas na sa opisina ng HR manager na siyang magiging head niya simula bukas.

Na-promote talaga ako sa trabaho!

Hindi na maitago ang saya na nararamdaman ni Rose. Nang pinihit niya ang pintuan at lumabas na nang opisina ay gusto niyang sumigaw dahil sa saya.

Pero nasorpresa siya nang makitang nasa labas si Mico. Tila nag-abang sa paglabas niya. Umayos ito ng tayo nang makita siya nito. Hindi niya mapigilang mapaisip. Sinundan ba siya nito nang makita siya nito kanina?

"Nakita kita kanina. Parang kinakabahan ka at hindi mapalagay─" hindi pa man nito natapos ang sasabihin ay mas lalo lang siyang nangiti. Tama ang hinala niya.

Sa hindi inaasahan, mabilis siyang naglakad palapit dito para yakapin ito. Natigilan na lang si Rose nang maramdaman niya ang paglapit ng mga katawan nila sa isa't-isa at ang paglapat ng kanyang mga braso pa-ikot sa bewang ni Mico.

Nanlaki ang mga mata niya at napalunok. Naipikit ang mga mata at minura ang sarili sa isipan. Bakit ba hindi niya na nagawang mag-isip?

Hindi niya rin alam kung bakit ganoon ang ginawa niya.

May kung ano'ng humaplos sa puso niya dahil sa narinig na sinabi ni Mico at sa paglandas ng pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya kanina lang.

Nang napagtanto kung gaano ka nakakahiya ang kanyang ginawa ay tumikhim siya, ibinaba ang kamay na nakapalibot sa katawan ni Mico at hahakbang sana paatras. Pero kasabay noon ang pagyakap nito sa kanya pabalik.

 Mas natuod siya sa kinatatayuan

shadesofdrama

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top