Chapter 13

"Emotions may have varying intensities but could those be basis of how intensely you care for someone? Maybe, yes. . . maybe not."

- E M O S Y O N -

MARIIN NA IBINAON ni Rose ang mukha sa sariling unan na ngayon ay basang-basa na ng luha dahil sa ilang oras niyang pag-iyak. Gusto niyang magsisigaw. Nangangati ang mga kamay niyang humanap ng mga babasaging baso at pinggang ibabato sa dingding o sa sahig.

Gusto niyang makarinig ng ibang bagay na nababasag dahil pagod na siyang marinig ang sariling mga hikbi. Nakakapanghinang maramdamdaman ang pagkayurak at pagkabasag ng saliri niyang pagkatao dahil sa panghuhusga ng sarili niyang kadugo.

She doesn't deserve to receive that kind of judgement from her own brother.

Kung i-ra-rank niya ang lahat ng masasakit na salitang nasabi na nito sa kanya, iyon na ang pinakamalala at pinakamasakit.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at inabot ang cellphone na nasa tabi. Nakita niya ang i-ilang missed calls at mga text messages mula sa mga kaibigan na kanila pa siya kinokontak para sa gala nila ngayong gabi.

Birthday ni Carl, at kahit na wala ito sa bansa ay ayaw pa rin itong palampasin na i-celebrate ng mga kaibigan niya. Maging siya rin naman. She already left a private message to Carl, greeting him a happy birthday and sending other speeches she ought to tell to her friends sa mga okasyon na katulad nito.

Simula alas syete ng gabi hanggang eight-thirty, paulit-ulit na siyang tinawagan ng mga kaibigan para papuntahin sa bar kung nasaan ang mga ito ngayon. Sinabi niya na hindi siya makakapunta, plano niya naman na talagang umalis nang makarating sa apartment pero nagkasagutan siya at ng Kuya Baron niya.

Umabot nang mahigit isang oras ang naging sagutan nila at natigil lang nang umiyak na ang Mama nila sa harapan nila mismo.

Hindi sila nagka-ayos o nakapag-usap man lang nang matino. Basta na lang siyang pumasok sa kwarto niya at doon na nagmukmok. Kahit na ilang oras na ang lumipas ay mabigat pa rin ang loob niya. Mas lalo lang sigurong nagpatindi sa nararamdaman niya ang pag-iyak at ang pag-amin na nasasaktan siya sa nangyayari.

Malamig ang simoy ng hangin nang lumabas si Rose ng apartment. Dala-dala ang itim na maliit na hand bag at phone sa isang kamay, niyakap niya ang sarili at bahagyang nagsisi kung bakit siya nagsuot ng sleeveless top at skater skirt gayong gabing-gabi na at malamig sa labas.

Alangan namang mang-long sleeves ako, e sa bar ako pupunta.

Ipinagkibit niya na lang ng balikat ang lamig. Nagpatuloy siya sa pagbaba mula sa ikalawang palapag ng apartment. Iniisip na kapag nakita niya na ang mga kaibigan, may pagsasabihan na siya, at sana mawala na ang bigat sa kanyang dibdib.

Nasa gilid ng kalsada si Rose habang nag-aabang ng tricycle nang sumagi sa isipan ang isang taong hindi niya dapat iniisip sa mga oras na ito.

Mico.

The cold breeze and the scenery of the evening reminds her of him. Tandang-tanda niya pa kung paano siya nito tinulungan isang gabi noong may sumusunod sa kanya at muntikan na siyang mapahamak. Gabi rin noong una niya itong makilala. Sa kalsada. Hindi man ganito kalamig ang gabing iyon, pero hindi niya agad nakalimutan ang nangyari.

Hindi pinigilan ni Rose ang sariling mapangiti dahil sa naalala.

Marupok na kung marukop man ang tawag sa kanya pero hindi niya na ipagkakailala ang nararamdaman. She feels something for Mico. Perhaps, a mere admiration. But it's the truth anyway. At minsan lang siya magkaroon ng guts na aminin ang katotohanan at ang totoong nararamdaman lalo na sa aspetong ito.

She won't tell him, though. Wala siyang planong umamin dahil alam naman niyang wala siyang pag-isa sa binata. Isa pa, masyadong mababaw ang nararamdaman niya ngayon para masigurado na may gusto nga siya rito.

Bumuntong-hininga si Rose at binuksan na lang ang cellphone para magtipa ng message para sa mga kabarkada. Wala pa ring tricycle na dumadaaan sa street nila. Sampung minuto na ang nakalilipas.

Nasa kalagitnaan pa nang pagtitipa si Rose ng message habang sinasabi na makakapunta siya sa gala nilang magbabarkada nang marinig ang tunog ng papalapit na motorsiklo. Ini-angat niya ang kanyang paningin, nangunot ang noo.

Tumigil sa kinatatayuan niya ang dalawang lalaking nakasakay sa isang motor. Kapwa may suot na helmet at mask. Mabilis ang kilos. Napamura na lang siya nang biglaang may humablot sa hawak-hawak niyang cellphone pati na rin sa hand-bag na may lamang kaunting pera.

"Tangina! Magnanakaw! Magnanakaw!"

Sinubukan niyang hablutin pabalik ang kanyang cellphone pero bigo siya. Sa halip na tumunganga, agad niyang hinawakan ang jacket ng lalaking naka-angkas rin sa motorsiklo. Tumakbo siya kasabay nang pagtakbo ng motor ng dalawang magkasabwat sa pagnanakaw. Pero nang humarurot ito ay napasubsob siya sa kalsada.

Nanubig ang mga mata niya at ramdam ang hapdi sa tuhod na lumapat sa magaspang na semento. Nakita niya kung paano humarurot palayo ang mga magnanakaw habang siya ay matagal na nakabawi sa nangyari.

Kumawala ang hikbi sa kanyang mga labi habang sinusubukan niyang tumayo. Madilim sa parte kung saan siya napasubsob sa kalsada nang sinubukan niyang habulin ang mga nanghablot sa kanyang mga gamit.

Pero wala na siyang nagawa. Napatulala siya, napapikit kasabay nang pagtulo ng mga luha habang dahan-dahan siyang naglalakad pabalik sa apartment. Bagsak ang magkabilang balikat, ramdam ang hapdi at sakit dahil sa katawang sumubsob sa magaspang na kalsada.

Kailangan ba talagang mangyayari 'yon sa kanya sa kabila ng sakit na pinagdadaanan niya ngayon? Kahit ang makipagkita sa mga kaibigan para may mapagsabihan man lang ng mga hinanakit ay ipinagkakait pa sa kanya ng pagkakataon.

──◎──

PUMASOK SIYA SA TRABAHO na mugto ang mga mata kinabukasan. Wala siyang ganang makipag-usap sa mga ka-trabaho. Maski si Arci na kanina pa daldal nang daldal sa tabi niya habang nililinis ang cubicles ng mga executive staffs ng kompanya ay hindi niya magawang sabayan.

Tatango lang siya rito kung may itinatanong ito sa kanya dahil ito na rin mismo ang nagbibigay ng sagot sa sarili nitong tanong. Ang kailangan niya lang gawin ay ipaalam kung sang-ayon ba siya o salungat sa mga sinasabi nito ngayon.

"Tingnan mo si Engineer Mico, narinig ko na nagleave daw iyan ng ilang araw. May inasikaso raw na importanteng bagay. Ano kaya ang bagay na iyon? Kasi alam mo, Rose hindi iyon lumiliban sa trabaho. Para sa kanya, mahalaga ang bawat araw. Gano'n nga siguro talaga kapag ma-ambition ka. Papatulan mo lahat ng oportunidad."

Nagpatuloy si Rose sa pagliligpit ng mga mesa ng staffs ng kompanya habang patuloy pa rin sa pagdadaldal si Arci. "Bakit kaya siya nagleave? Emergency? O baka tungkol sa pamilya, 'no?" Tumango si Rose sa sinabi nito pero hindi iyon nakita ni Arci. Nagpatuloy ito sa panghuhula ng maaaring dahilan sa pagleave ni Mico sa trabaho ng mahigit ilang araw.

"O baka naman busy sa girlfriend."

Doon na tigilan si Rose. Kagabi pa nga ayaw mawala sa isip niya ang lalaki. Ngayon ay ito pa ang bukambibig ni Arci. Hindi niya na magawang manahimik lalo na't kanina pa ito dumadaldal. At ngayon, ayaw siya nitong tantanan habang hindi pa siya nagsasabi ng sagot. Alam naman niya ang dahilan kung bakit nagleave Mico pero ang nakakuha ng atensyon niya ay nang sambitin ni Arci ang katagang girlfriend.

"May... girlfriend na ba siya?"

Pinanliitan siya nito ng mga mata at tinitigan nang mabuti. "Bakit mo itinatanong, Rose?"

Nag-iwas siya ng tingin mula rito at nagpatuloy sa ginagawa. Pero dahil sa inasta ay parang nalaman na agad ni Arci kung ano'ng dahilan kung bakit siya nagtanong.

"Hindi kita masisisi, Rose. Ang guwapong lalaki nga naman kasi ni Engineer," makahulugan nitong saad habang malaki ang ngiti sa mga labi.

"Baka kung saan-saan na maglayag ang isip mo, Arci ha. Wala akong gusto sa kanya," naibulalas niya nang naramdamang nanatiling nakatingin si Arci sa kanya. "Huwag kang mangparatang," saad niya ulit.

Mas nagiging defensive ata siya sa bawat paglipas ng mga segundo. Pero hindi natitinag si Arci. Sinundot pa siya nito sa tagiliran.

Umiling-iling siya.

"Hindi ka na teenager, Rose bakit namumula na ang mga pisngi mo na parang kamatis?"

Napalunok siya. Shit. "Blush on 'yan."

Natawa ito dahil sa idinahilan niya. Potek. Talaga bang namumula ang pisngi niya ngayon? Kailangan niyang umayos.

"Huwag mo nang i-deny, alam kong hindi ka naglalagay ng heavy make up tuwing duty. At take note, kanina lang namumutla ka at parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakabusangot lang ang mukha mo at madalas natutulala. Pero ngayon..."

Napabuntong hininga si Rose. Alam niyang wala na siyang takas. Masyado nang maraming karanasan si Arci. Mapagmasid din ito kaya kahit na ano'ng sabihin at idahilan niya alam niyang mahahanapan pa rin nito iyon ng butas.

But looking at her grinning face, Rose couldn't even deny that Arci had lift up her mood. Totoong kanina lang ay bagsak ang kanyang magkabilang balikat habang ginagawa ang kanyang trabaho. Masakit pa ang sugat niya sa magkabilang tuhod nang sinubukan niyang makipagbuno sa riding-in-tandem na nagnakaw ng kanyang cellphone at bag noong nakaraang gabi.

Napapapikit siya sa inis dahil alam niyang wala pa siyang pambili ng bagong cell phone. Paano na siya makokontak ng mga kaibigan niya? Hindi pa naman siya nakapunta sa birthday celebration ni Carl dahil sa kamalasang nangyari sa kanya.

Mahirap na nga para sa kanya ang bumangon nang magising siya kaninang umaga dahil ang bumungad agad sa kanya ang mga pagtatalak ng Kuya niyang hindi nagpapapigil. Masakit na makita ang disgusto nito sa kanya sa tuwing nagkikita sila.

Hindi rin sigurado si Rose kung ang pagiging pasaway at patapon ng buhay niya ang dahilan para kamuhian siya nito nang ganoon katindi.

Ang tanging alam niya ay nagsimula na iyong maging ganoon nang hiniwalayan ito ng girlfriend nito. Iyon ay isang taon na ang nakakalipas. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nito tanggap ang nangyayari.

Simula nang mangyari iyon ay tila ramdam niya ang galit ng Kuya niya sa kanya. Siguro ay dahil sa isip-isip nito ay naging pabigat siya sa pamilya nila, kaya hindi nagawa ng Kuya niyang pakasalanan ang long-time girlfriend nito dahil may responsibildad pa itong kailangang harapin.

Pinag-aral siya ng Kuya Baron niya. At hindi nito matanggap na ganito lang ang kinahantungan niya ngayon. Nakapagtapos nga siya sa pag-aaral at nagtatrabaho pero para sa Kuya Baron niya, nananatili siyang pabigat. Hindi nito makitang successful na siya.

Iwinaksi na ni Rose ang biglaang sumagi sa isipan. Nakita niyang hindi talaga nawawala sa mukha ni Arci ang makahulugan nitong ngiti at panunukso sa mga mata.

Napailing-iling na lang si Rose at hindi na nagsalita. Nangiti na rin siya.

"Don't worry, ang alam ko, single iyan si Engineer. No girlfriend. Malaya at hindi nakatali. Ready to mingle kaya may malaking chance ka pa," pahabol ni Arci bago umayos ng tayo. Kinuha nito ang trash bag na kanina lang ay walang laman pero nang hakutin na nila ang mga basurang naroon sa fourth floor ay agad-agad iyong napuno.

Lolokohin ni Rose ang sarili niya kung susubukan niyang kumbinsihin ang sarili na hindi siya nasiyahan ng kahit kaunti dahil sa narinig. At kung kanina ay ni hindi niya magawang ngumiti at nananatili lang na nakabusangot ang kanyang mukha, ngayon ay gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi.

"Jusko, Rose. Ganiyan na agad ang reaksyon mo, nalaman mo lang na wala pang girlfriend iyong tao."

Hindi siya nakapagsalita. Maski siya ay hindi alam kung bakit ganoon ang naging reaskyon niya. Potek, Rose. Nagiging malala ka na.

Nagsimula silang maglakad ni Arci palabas ng opisina na natapos na nilang linisan. Nauuna si Rose at nakasunod si Arci sa kanya. Hinawakan ni Rose ang malamig na doorknob at pinihit na ang pinto para lumabas na. Magkasabay na silang naglalakad ni Arci sa hallway ng fourth floor nang makasalubong niya ang binata na kanina lang ay pinag-uusapan nilang dalawa.

Ang plano ni Rose ay magpatuloy lang sa paglalakad at hindi pansinin si Mico. Wala rin naman siyang sasabihin dito. Baka mapagkamalan pa siyang nagpapapansin at baka mabuwisit pa ito sa kanya. Ayan na naman. Nagsisimula na namang mangibabaw ang pagiging negative niyang mag-isip.

Pero ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang tumigil si Mico sa kanyang harapan. "Rose..." sambit nito sa pangalan niya. Nang nilingon niya sa Arci, na nanatili pala sa kanyang likuran nang makitang papalapit si Mico sa kanya, nakita niya itong may malaking ngiti habang nakamasid sa kanilang dalawa.

"Hindi na kita nakita sa ospital. Nadischarged na ba ang Mama mo?"

Kaswal lang naman ang boses ni Mico pero ramdam niya ang pagtitig nito sa kanya habang naghihintay sa kanyang sagot. Nanatiling hindi nag-aangat ng tingin Rose. Hindi niya magawang pakalmahin ang sarili dahil sa paggapang ng kaba sa kanyang dibdib.

Argh, tinatanong niya lang ako, bakit hindi ko magawang makasagot agad?

"Discharged na siya noong nakaraang araw..."

Sa wakas at nagawa na niyang sumagot. Lumipas ang ilang segundo at nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob na mag-angat dito ng tingin at salubungin ang mga mata nito. Pero nang magtama ang mga mata nilang dalawa ay napaawang ang bibig niya nang makita ang pagod nitong mga mata na taliwas sa ngiti na nakapaskil sa mga labi nito.

Naalala niya tuloy ang mga narinig niyang pagtatalo sa loob ng hospital room ng Mama nito. Sigurado siyang malaking problema iyon na maaaring kinakarapan ni Mico nang mag-isa lamang.

shadesofdrama

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top