Chapter 12
"People judge you base on what they hear, even if those are untrue. But the most aching judgement you could ever receive, are those that come from a person that's part of your own family."
- M A H I N A -
HAPON NG SABADO NANG nailigpit na ni Rose ang mga gamit. Pinagmasdan niya ang Nanay niya habang nakaupo ito sa hospital bed. Malaki ang ngiti habang hinihimas ang buhok ng kanyang kapatid na si Chela na nakaupo rin sa tabi nito. "Ano'ng oras tayo makakalabas, anak?"
"Pwede na ngayon, Ma," sagot niya. "Pero saglit lang, may pupuntahan lang ako. Dito muna kayo tapos pagbalik ko, pwede na tayong lumabas ng ospital at umuwi sa apartment."
Tumango ang Nanay niya. Inayos niya naman sa pagkakalagay ang mga nailigpit na nilang mga gamit sa isang gilid bago niya inayos ang sarili.
"Pupuntahan mo iyong katrabaho mo na nagbabantay rin sa Nanay niya rito sa ospital?"
"Opo." Iyon nga ang gagawin niya. Saglit siyang natigilan nang maisip ang dahilan kung bakit niya iyon gagawin o kung dapat niya ba iyong gawin. Sasabihin lang naman niya kay Mico na makakalabas na ang Nanay niya.
Naisip niya kasi na baka magtaka ito kapag biglaan na lang siyang hindi magpakita. It won't hurt if she would tell him that her mother was already discharged.
Uuwi na sila, at sana makalabas na din ang Mama ni Mico sa ospital. Pero alam niya na mukhang matagal pa iyon dahil kailangan pa nitong magpatherapy para subukang makapaglakad ulit pagkatapos mastroke.
Mabilis siyang nakarating sa hospital room ng Mama ni Mico. Nangunot ang kanyang noo nang nakitang nakaawang ang pinto sapat na para makita niya ang loob ng hospital room.
Isang lalaki at isang babae ang nakita niyang nakatayo sa harapan ng Mama ni Mico na nakahiga sa hospital bed. Mag-asawa ata. Hindi niya alam. Pero base sa nakikita niya ay may kung ano'ng tensyon sa gitna ng mga taong naroon sa loob.
Nanatili siyang nasa labas ng pinto habang nakasilip pa rin. Alam niya na hindi niya dapat iyon ginagawa pero hindi niya napigilan ang sarili lalo na nang makita at marinig mismo kung paano sinigawan ng babae ang Nanay ni Mico.
"Ano pa ba ang kailangan mo sa anak namin, Judith?! Hinuhuthutan mo na siya ng pera! At ngayon siya pa ang pinagbabantay mo ngayong nasa ospital ka!" May diin ang boses ng babae. Pormal ang tindig at sopistikada ang pananamit. Nang matitigan niya ito nang maayos, kitang-kita niya ang mamahaling alahas na nakapalibit sa leeg nito at sa palapulsuhan. Pero hindi doon natuon ang pansin ni Rose.
Malinaw sa kanyang pandinig ang mga sinabi nito. Mas lalong nangunot ang kanyang noo. Sa tingin niya, si Mico ang pinag-uusapan. Pero bakit nito tinawag na anak si Mico? Hindi ba ang Mama ni Mico ay ang nakaconfine ngayon sa ospital at siyang nakahiga ngayon sa hospital bed?
Naguguluhan siya. Hindi pa man lumilipas ang isang minuto nang muling sumigaw ang babae. Pinigilan ito ng lalaking kasama pero wala rin itong nagawa. "Hon, kumalma ka muna."
"No! She is taking advantage of everything! Akala ko ba hindi ka na manggugulo sa pamilya namin?! You told us back then that you wouldn't bother us anymore. Basta ba tuparin ko ang mga sinabi ko sa 'yo! You're a liar!"
Hindi man makuha ni Rose ang ibig sabihin ng mga sinasabi nito pero sa lutong at diin nang pagbigkas nito ng mga salita, parang siya mismo ang pinataman nito dahil siya ang nakaramdam ng sakit.
Hindi niya makita ang reaksyon ng Mama ni Mico na ngayon ay nakahiga pa rin sa hospital bed. Pero hindi niya narinig na nagsalita ito. Nanatili itong tahimik kahit na pinagsasalitaan na ito ng masasakit na mga salita ng mga taong kaharap nito ngayon.
Gusto niyang pumasok sa loob ng hospital room pero alam niya na baka makadagdag lang siya sa kaguluhan. Hindi rin kasi tamang makinig sa usapan ng may usapan.
Hindi naman niya magawang ihakbang na lang ang mga paa paalis. Mananatili muna siya roon dahil natatakot siya sa maaaring sunod na mangyari. Base sa galit na nakikita niya sa mukha ng babaeng naroon ay baka masaktan na nito ang Mama ni Mico.
"He is our son, Judith! I am his mother!" angil ulit ng babae pero rinig niya ang bahagyang panginginig ng boses nito. She's also claiming that Mico is his son. Pero ang ipinakilala sa kanya ni Mico na Mama niya ay si Aling Judith. Paanong may iba pala itong Nanay?
Gulong-gulo siya ngayon dahil sa mga nalalaman at naririnig. Ayan, chismosa ka kasi, utas niya sa sarili.
"Anak ko siya, Belinda, Arnold, alam niyo iyan..." mahinang saad ng Mama ni Mico. Halos hindi nga iyon malinaw sa kanyang pandinig.
"Alam natin kung ano'ng totoo, Judith. You did lose your right of being Mico's mother the day you told us you can't keep up with his needs and all his necessities. He was only a month old!" Pag-angal ng babaeng kanina pa sumisigaw. Sa pagkakataong iyon ay tila nawalan ito ng kaunting lakas. "Sinabi mo sa amin na hindi mo siya kayang palakihin dahil hindi ka pa handa ng mga panahong iyon. You told us he was born without any intent. Na isa siyang pagkakamali na hindi mo kayang pangatawan dahil tinakbuhan ka ni Marlon."
Bagamat banayad na ang pagkakasabi nito ng mga salita, ang tono ng boses nito ay nag-uumapaw sa galit at pagngungunsensya.
Sa bawat segundong lumilipas ay mas natutuod lang ata si Rose sa kinatatayuan. Pakiramdam niya, mali man na marinig ang lahat nang sinasabi ng mga ito, alam niya na may dahilan kung bakit naroon siya sa sitwasyon na iyon.
Bawat katagang nariring ay tila nagkakaroon siya ng mga pira-pirasong kaalaman para mas makilala pa si Mico. Na kahit paulit-ulit niyang i-deny sa sarili, alam niyang napapalapit na talaga siya rito. Hindi niya lubusang maisip na may ganitong pangyayari sa buhay itong kinaharap.
You don't really get to witness each and every behind the scene moments of one's success story. Lalo na kung hindi mo inakalang may ganoong kuwento ang taong iyon.
Aaminin niya, kung titingnan niya si Mico ay maiisip niya na successful ito sa buhay. Pero ang sabi nito ay hindi, at sumalungat ito sa sinabi niya. Naiintindihan niya na ang dahilan doon. Iyon ay dahil limitado at tipikal ang sariling depenisyon niya ng salitang 'matagumpay'.
Para sa kanya, ang magkaroon ng magandang trabaho, makatanggap ng malaking sahod at makatulong sa pamilya ay mga basehan para matawag ang isang tao na successful sa buhay. Dahil sa tingin niya, iyon naman ang simula ng lahat.
Kapag may magandang trabaho na siya, hindi na siya paulit-ulit na pagtatawanan at huhusgahan ng mga kapitbahay nila. Mapapatunayan niya na sa mga ito na hindi totoo ang mga sabi-sabi na wala siyang mararating sa buhay. Dahil hindi siya pabigat. May mai-aambag siya at hindi lang problema ang paulit-ulit niyang dala.
Kapag may natatanggap na siyang malaking suweldo, hindi na sila mababaon sa napakaraming bayarin. She could already provide for her mother and sister's needs and wants. Magagawa niya nang bumili ng mga damit na hindi niya na kailangang magdalawang isip pa dahil hindi niya kayang bayaran ang presyo.
Iyon ay tagumpay na para sa kanya.
Natigil ang paglalayag ng sarili niyang isip nang makarinig ulit ng boses na nagsalita.
"I told you that you can't blame the child. You should have known the consequences of your actions pero nakinig ka ba? Hindi! Gusto mo pa ngang ibigay ang bata sa kung sino-sino basta lang ay may tumanggap dito para mataksan mo lang ang reponsibilidad."
Hindi nakakilos si Rose. Hinahayaan lang ang sariling matulala dahil sa mga naririnig.
"Kami ang nagpalaki sa kanya. Kami ang nagtaguyod sa kanya para maabot niya ang kung ano'ng naabot niya ngayon. Kami ni Arnold ang sumalo sa tinakasan mong responsibilidad! Akala ko ba hindi ka na maghahabol?! Akala ko ba, sa oras na ibinigay mo na siya sa amin hindi ka na makikialam sa buhay niya?!"
Nanginginig ang boses ng babae habang nagsasalita. Nakakuyom ang mga kamao at matalim ang titig sa Mama ni Mico na kausap. "Mahiya ka naman, Judith! Ngayon ka na naghahabol sa anak mong marami nang naabot sa buhay well in fact, matagal mo na siyang tinalukuran!"
Napaawang ang bibig ni Rose nang sa wakas ay nalinawan na sa mga naririnig ngayon.
Natahimik na ang buong hospital room. Nang nakarinig siya nang mabibigat na hakbang palapit sa pinto ay mabilis niyang inayos ang sarili at walang anu-anong naglakad palayo sa kinatatayuan.
Hindi na siya lumingon pa sa likuran. Nakita niya na lang ang sarili na naglalakad na pabalik sa hospital room ng Mama niya habang paulit-ulit na umiikot sa isipan ang lahat ng mga nalaman at narinig.
Agad na nagsitayo ang Nanay niya at si Chela mula sa pagkakaupo sa hospital bed nang makitang nakabalik na siya. "O, nakausap mo ba ang katrabaho mo, anak?"
"Wala siya ro'n, Ma. Siguro may pinuntahan ata," sagot niya rito at kinuha na ang mga gamit na nasa isang gilid. Napakurap-kurap pa siya saglit bago nagdesisyon, "Uwi na po tayo."
Tumango ito. Inalalayan naman ito ni Chela habang tumatayo.
"Nako, huwag niyo na akong alalayan. Ayos na ako. Kaya nga makakalabas na ako ng ospital hindi ba?"
Nginitian niya ito, tumango at sabay silang naglakad palabas ng ospital.
"Saan ka nga pala nakahanap ng pera pambayad sa bayarin ng ospital, anak?" tanong ng Mama niya habang magkatabi silang nakaupo sa jeep na sinasakyan. Punuan pero hindi naman ganoon kasikip kaya ayos lang. Kung may sobra lang talaga siyang malaki-laking pera ay nagtaxi na sana silang tatlo. "Nangutang ka ba kay Corazon?"
Nangiti lang si Rose. "Huwag niyo na po iyong isipin, Ma," sagot niya rito sabay iwas ng tingin at inabala ang sarili sa pagtitig sa mga sasakyang nakakasabay nila sa daan pauwi.
"Bayaan mo, maglalabada ako─"
"Ma. . ." pagputol niya rito at masuyo itong tinitigan. "Ako na po ang bahala. Hindi niyo na kailangan isipin 'yon."
Nanubig ang mga mata nito. Umusog palapit sa kanya at hinaplos ang nakalugay niyang buhok. "Salamat, anak. Kayo ang nagiging lakas ko."
NANG nakarating na sa apartment ay naupo ang Mama niya at si Chela sa sofa. Sa harapan ng mga ito ay naroon na ang Kuya Baron niya, nakaupo habang nagtatanong at kinakamusta ang Mama nila na parang may pakialam ito. Sa tingin ni Rose ay wala naman talaga. Ngayon lang ito nagpakita dahil nakalabas na ang Mama nila ng ospital.
"Ma, ano'ng sabi ng doctor? Ayos na ba talaga kayo? Baka kailangan niyo pang obserbahan sa ospital?"
Kung maka-asta parang hindi niya ako binantaan na baka hindi ko mabayaran ang bayarin sa ospital nang na-confine si Mama.
Mahigpit ang hawak ni Rose sa basong kasalukuyang sinasalinan ng tubig mula sa pitsel na dala-dala. Nakikinig siya sa usapan ng mga ito at hindi niya mapigilan ang sariling matalim na tumitig sa kanyang nakakatandang kapatid.
Tumikhim si Rose para makuha ang atensyon ng Mama niya. "Ma, inom ka muna ng tubig."
Tinanggap nito iyon bago sumagot sa tanong. "Ayos na ako, anak. Binantayan at inalagaan ako ni Rose at Chela."
"Nasa byahe ako at nagkaproblema sa kompanya kaya hindi ako nakapunta sa ospital nang mas madalas."
Mas madalas? Isang beses ka lang kaya pumunta sa ospital.
Ilang beses niya nang gustong sumingit sa usapan ng Mama at Kuya niya pero pinipigilan niya lang talaga ang sarili. Mas mabuting huwag niya na lang ilabas ang sama ng loob niya. Kasi baka kung saan pa pamunta ang usapan kapag ginawa niya iyon.
"Buti't pinalabas kayo ng ospital kahit hindi niyo pa nababayaran ang bill, Ma."
"Gumawa ng paraan si Rose makalabas lang ako sa ospital," sagot ng Mama niya rito. Nilingon siya, ngumiti naman siya bago tumango. Masaya dahil napatunayan niya na may magagawa siya para sa Mama niya. Hindi niya makakayanang pabayaan na lang ito.
"Paano? Ibenta niya ba ang sarili niya para lang makakuha ng pera?" Walang anu-anong paratang ng Kuya niya. Sa harapan ng Mama niya at sa harapan niya mismo. Natigilan si Rose. Nawalan ng dugo sa mukha. Hindi nagawang makapagsalita.
Nagsimulang manginig ang kamay niya. Ramdan ang pagkulo ng dugo dahil sa namumuong inis at galit. Hindi nito alam pero nangutang at ibenta niya ang i-ilan niyang mga gamit para may maipambayad sa ospital. Mas kailangan nilang pera kaya hindi na siya nagdalawang isip na ibenta ang sariling laptop at mga hand-bags na pinag-ipunan niya para lang mabili.
Alam niyang kailangan niyang unahin ang Mama niya higit sa kung ano pa man. Nakakainis lang na husgahan siya ng basta-basta. Ni hindi man lang nito makita na gumawa siya ng paraan.
"Pokpok na ba talaga ang tingin mo sa akin, Kuya? Gano'n ba kababa ang tingin mo sa 'kin na sarili mong kapatid?" nanginginig ang mga labi niyang tanong kasabay nang pagtulo ng kanyang mga luha sa harap nito.
Hindimadaling ipakita ang katotohanang pinipilit niya lang na maging malakas kahitang totoo, sobrang mahina siya.
------
shadesofdrama
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top