Chapter 10

"Well, perhaps, you meet people for a good purpose. I should be taking note of that from now on."

- O S P I T A L -

"NASA IBANG BANSA si Carl, siguro ro'n na lang magse-celebrate ang pamilya niya," anusyo ni Shai. Kita ni Rose sa monitor ng laptop na nakasquat ito at nasa kandungan ang sariling laptop. Maganda at malakas ng signal kaya naman ay malinaw niyang nakikita ang iba pa niyang mga kaibigan habang nasa isang group video call silang tatlo.

Si Sydney ay nakadapa sa kama nito at gamit ang Ipad habang si Leira ay panay ang pagmake-face habang inilalapit pa ang mukha sa cellphone na siyang ginagamit nito.

"Kailangan pa rin natin siyang i-greet. Next week na rin 'yon sa Sabado," ani Sydney.

Tumango si Leira sa suhestiyon nito. "Gawa kaya tayo ng video presentation? Tapos i-compile natin ang mga kagaguhan niya sa buhay."

Napangiti si Rose at tumango-tango na rin. "Nasa sa 'yo ang mga video clips natin no'ng college, Shai."

"Yes, nasa akin. At sigurado akong may copy pa ako no'ng video na nagmaktol si Carl dahil iniwan siya ng first girlfriend niya dahil hindi siya marunog humalik," sagot nito.

Nagtawanan silang lahat. Umayos sa pagkakasandal si Rose sa sofa ng sala nila pagkatapos ay nagtanong sa mga kaibigan. "So, hindi na tuloy iyong meet-up natin sa birthday niya?"

"Tuloy pa rin no! Sayang naman kung hindi," saad ni Sydney. "Doon sa bar na madalas nating puntahan."

"Guts Bar," ani Shai. "Sige."

"May isasama ako ha?" singit naman ni Leira sa gitna ng usapan.

Umusog si Sydney palapit sa screen ng tablet nito. "S'yempre naman, Leira. Ipakilala mo na ang boyfriend mong 'yan sa amin."

"Ano ba kasi ang pangalan nang ma-search na namin dito sa fb. Sisimulan na namin ang pag-iimbestiga." Nakataas ang isang kilay ni Shai habang pinipigilang maglandas ang ngiti sa labi.

"Hindi siya mahilig magfacebook. Wala rin kayong makukuhang information kaya 'wag na girls. Tsaka niyo na lang siya tanungin nang tanungin kapag nakilala niyo na siya sa personal." Tila nakikisabay naman si Leira sa paandar nilang magkakaibigan.

Nang nakahanap nang tiyempo, tumikhim si Rose para makuha ulit ang atensyon ng mga ito. "Hindi ata ako makakapunta," aniya sa mahinang boses. "Kailangan kong bantayan si Mama. Hindi pa rin siya nakakalabas ng ospital."

"Malapit na siyang mag-isang buwan na nasa ospital, Rose," ani Shai.

"Hindi ba over-vatigue ang findings ng doctor? By now, dapat gumaling na si Tita at matagal nang nadischarge," nangungunot ang noong pahabol nito.

"Akala ko nga makakalabas na siya no'ng nakaraang araw. Iyon ang sinabi ni Aling Corazon. But she was also diagnosed with gastritis," paliwanag naman ni Rose. "Ang totoo, pwede naman siyang lumabas ng ospital pero may ginagawa pang iba't-ibang tests. Ayoko namang basta lang na i-uwi si Mama kahit na hindi pa sigurado kung mabuti na ang lagay niya."

Nakita niya naman ang pagseryoso ng mga kaibigang kausap. Tumango-tango si Leira pagkatapos ay ito naman ang nagsalita. "Were hoping for Tita Rosalyn's fast recovery," saad ni Leira. "Kung kailangan mo ng tulong, don't hesitate to contact us, Rose."

"Right," ani Sydney.

"Tama ang sinabi ni Leira, Rose." Nakangiti si Shai nang magsalita, pinapagaan ang loob niya.

Napangiti siya dahil sa narinig. She wants to hug them three. Nagsilbi na rin ang mga itong ikalawang pamilya niya. Naging sandalan sa mga panahong walang tigil siyang minamaliit ng sarili niyang Kuya. At sa sitwasyon niya ngayon, alam niya na hindi siya nag-iisa dahil nandito ang mga ito. "Salamat sa inyo," saad niya sa kabila nang panunubig ng mga mata.

Umabot nang mahigit isang oras ang pag-uusap nilang magkakaibigan bago siya naunang magpaalam dahil may gagawin pa siya. Araw ng linggo at off niya sa kompanya. Pagkatapos niyang gawin ang mga nakasanayan nang gawin: pagcheck kung meron na ba siyang natanggap na emails mula sa mga kompanyang pinagpasahan niya ng application letter online at paghahanda ng mga gamit na dadalhin sa ospital.

Wala pa ring reply mula sa mga kompanya na napagpasahan niya ng application form at resume online. Kaya ang ibig sabihin nito ay magtatagal pa nga ata siya sa pagiging utility staff sa kasalukuyang pinagtatrabahuan.

Pero matapos gawin ang mga iyon, matutulala siya at manunubig ang mga mata sa kakaisip sa sitwasyon na kinalalagyan niya ngayon. Pakiramdam niya, pinapahirapan siya nang husto ng pagkakataon pero alam niyang wala siyang magagawa kaya iniiyak niya na lang lahat. Umaasa na makakayanan niyang malampasan ang hirap na dinadanas niya at ng pamilya niya.

Lumipas na nga ang ilang linggo at ganoon lang ang palagi niyang ginagawa. Hindi niya itatago sa sarili na napapagod na siyang maghintay sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan. Walang kasiguraduhan kung may magrereply ba sa mga application letters na ipinasa niya. Walang kasiguraduhan kung magagawa ba niyang mabayaran ang lahat ng mga bayarin sa ospital man o sa pang-araw-araw na gastusin nila.

Walang kasiguraduhan. Pero bakit kinakaya niya pa ring lumaban? Iyon ay dahil alam niyang kailangan niyang gawin iyon. Dahil umaasa sa kanya ang Nanay at ang kapatid niyang si Chela.

Tinitigan ni Rose ang sariling repleksyon sa harapan ng salamin bago siya nagpakawala nang malalim na hininga. Mariin niyang ipikit ang mga mata at bumulong sa sarili. "Lilipas din ang lahat ng 'to."

Matapos ihanda ang mga gamit na kailangan niyang dalhin sa ospital ay lumabas na ng apartment si Rose at ini-lock na iyon. Hindi na umuuwi ang Kuya Baron niya. Hindi na rin ito nagpaparamdam. Kung nasaan ito ay baka nasa trabaho, hindi lang nagpapakita sa kanila dahil ayaw nitong makihati sa mga bayarin–mula sa upa ng apartment pati sa tubig at kuryente.

Isinukbit ni Rose sa magkabilang balikat ang bag na dala-dala bago bumaba sa hagdanan ng tatlong palapag na apartment kung saan matagal na silang umuupa. Nasa mahigit anim na tenants din ang kabuuang umuupa roon. Kilala ng mga ito ang pamilya niya at siya mismo.

Madalas nga siyang laman ng mga tsimis at walang katuturan at mapanirang usap-usapan ng mga ito.

Hinahayaan niya na lang na pumasok sa kanang tenga ang mga sinasabi ng mga ito at lalampas din sa kaliwa niyang tenga.

Ganoon na lang palagi. Dahil pagod na siyang ipagtanggol ang sarili mula sa mga paninira ng mga ito. Hindi na rin naman ito makikinig kung susubukan niyang magpaliwanag. Sarado na ang mga utak ng mga ito. Kung ano ang pinaniniwalaan nila ay iyon na ang sa tingin nila ay tama.

"Iyan iyong anak ni Rosalyn na paiba-iba ng lalaking kasama buwan-buwan." Narinig niyang palatak ng isa sa mga tenant ng apartment.

Sinang-ayunan naman iyon ng isa pang tsismosa. "Tama, iyong nagdadala ng konsumisyon sa Kuya niyang si Baron." Kung hindi siya nagkakamali ay kasing edad lang ng mga ito ang Nanay niya at ang kaibigan nitong si Aling Corazon.

Nagpakawala siya nang buntong hininga sa harapan mismo ng mga ito. Pinapahiwatig na narinig niya ang mga katagang nagmula sa mga mapanghusga nitong mga bibig.

Ganoon na lang ang pagkadismaya niya. Buong akala niya pa naman ay kagalang-galang ang mga kapitbahay nilang may edad na dahil higit sa lahat, sila iyong mas marami nang karanasan sa buhay. Sila iyong mas nakakaintindi. Sila iyong sasaway sa mga kabataan na napapariwa daw 'kuno' sa buhay.

Pero heto... ang i-ilan sa kanila ay nanghuhusga kahit wala naman itong kaalam-alam kung ano talaga ang katotohanan.

Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad hanggang sa nakababa na ng apartment at pumara na ng taxi. Kahit ilang beses man siyang huminga nang malalim habang nakasandal sa backseat ng sasakyan, hindi pa rin mawala-wala ang bigat sa kanyang dibdib.

Nang nakarating na sa ospital, nanlalaki ang mga mata ni Rose at mabilis na napahakbang paatras para makadaan ang mga nurses na tulak-tulak ang isang stroller na may nakahigang pasyente. Nakapikit ang pasyente habang hawak-hawak ang dibdib, namimilipit sa sakit at namumutla ang mga labi.

Natakpan niya ang bibig at ramdam ang pamimilipit ng kanyang puso habang nakatitig sa babae na halos kaedad lang ng Nanay niya. Hindi niya mapigilan ang sariling makaramdam din ng takot. Paano kung ganoon din ang mangyari sa Nanay niya? Nakakatakot iyon at sigurado siyang hindi niya makakayanan.

Tuluyan siyang nalampasan ng mga ito. Ipinasok na sa emergency room ang pasyente at nagsitakbuhan ang tatlo pang nurses papasok sa loob. Natuod lang siya sa kinatatayuan at pinagmasdan ang pangyayari.

Kaya ayaw niyang magpupunta sa ospital dahil ayaw niyang makakita nang ganoong pangyayari. Kung hindi naospital ang Mama niya, paniguradong hinding-hindi siya pupunta sa lugar na ito.

Pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makarinig ng mga yabag sa likuran. Nang napalingon siya sa entrance ng ospital ay nakita niya ang pamilyar na lalaking lakad-takbo ang ginagawa makapasok lang sa loob ng ospital nang mas mabilis.

"Mico..." naibulalas niya at napatitig sa mukha nito na puno nang pag-aalala. Hindi siya maaaring magkamali. Totoong si Mico Semillano ang kaharap niya ngayon. "A-ano'ng nangyari?"

Hindi mapirmi ang mga mata nito nang tumigil sa kanyang harapan. "Si Mama," anito, hinihingal at hindi mapakali. "She had a heart attack!"

Napalunok siya at pinagmasdan kung papaano lumandas ang pawis mula sa noo papunta sa gilid ng mukha nito habang napapapikit.

"Nakita kong may ipinasok na pasyente sa loob ng emergency room. Iyon ba ang Mama mo?"

Tumango ito.

Mahigit isang buwan niya na itong kilala pero ngayon ang unang beses niyang makakita ng takot sa mga mata nito. Hindi rin niya maiwasang mapuna ang iba't-ibang emosyon na nababasa niya mula sa mga mata nito. Halo-halo. At alam niyang ayaw nito iyong malaman niya. Patunay ang panay na pag-iwas nito ng tingin na taliwas sa madalas nitong gawin.

Rose thought of him as the type of guy who would never feel ashamed or awkward while staring at someone's eyes. Naisip niya na iyon nga ata ang favorite hobby nito. But at the moment, she managed to realize that now, he's somehow different. Iba sa Mico na nakasanayan niya.

Gaano niya man pinigilan ang sarili, ilang beses man niyang nagawang makipagtalo sa kaloob-looban pero sa kauna-unahang beses, gusto niyang hulihin ang tingin nito. Gusto niyang magpaubaya ito at hayaan siyang titigan ito sa mga mata nang hindi ito nagdadalawang isip na ipakita ang totoo nitong nararamdaman.

Alam niya na hindi maayos ang pakiramdam nito at gusto niyang gumawa nang paraan para man lang makatulong dito kahit papaano. Dahil natulungan na rin siya nito ng ilang beses.

Sumulyap ito sa nakasaradong pinto ng emergency room, napasulyap sa kanya bago nagbaba ng tingin.

Hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng sakit nang makitang nanginginig ang mga kamay ni Mico. Kapos ang hininga. Magbaba ng tingin para lang din tumingala at mapapahawak sa gilid ng mga mata.

He wanted to cry but his preventing himself to.

Behind his tough physique, lies a man who's weak and susceptible inside, only because of his mother.

"I couldn't afford to lose my mother." Ayaw pa rin nitong tumingin sa kanya. Kaya wala siyang maisip na ibang paraan para iparamdam dito na magiging maayos din ang lahat, na hindi pa ito ang pagkakataon para mawalan ng pag-asa.

There is still hope, if only one wouldn't choose to just give up.

Oh, the hypocrisy. Naalala niya na madalas niya iyong sabihin sa sarili pero siya mismo ang una'ng nauubusan ng pag-asa at tiwala. Madali lang talaga iyong sabihin. I-ilang pantig lang iyon kung bibigkasin pero bakit ang hirap tuparin at pangatawanan?

Pero doon na lang siya kumakapit. Iyon na lang din ang nagtutulak sa kanyang magpatuloy. Baka makatulong din iyon kay Mico.

"Nasa Room 201 ngayon ang Nanay ko," aniya tatlumpong minuto ang lumipas at ngayon ay nakaupo na sila sa waiting chairs na nakahanay sa labas ng emergency room. "Nakaconfine pa rin at hindi pa nakakalabas. Pero lumalaban siya, hindi pa rin sumusuko. At gusto niyang iyon din ang gawin ko."

She's aware of the fact that she's not obliged to stay with him nor to keep him some company. Kailangan niya nang puntahan ang Nanay niya na siyang sadya niya sa ospital pero pakiramdam niya ay isang malaking pagkakamali kung hahayaan niya na lang si Mico na nagiging tensyunado sa bawat paglipas ng mga minuto habang hinihintay ang paglabas ng mga doctor mula sa loob ng ER.

Nai-text niya na ang Mama niya na nasa ospital na siya at maayos naman ang lagay. sinabi niya na may dinadamayan lang siyang isang kaibigan. Hindi naman na siya nag-alala rito nang nakapagtipa agad ito ng reply sa kanya. Sinasabi na magkuwento na lang kapag naayos na ang kung ano'ng inaayos niya.

Tumikhim siya at tinitigan ang binatang katabi. Tuluyan na itong nanghina at ni hindi na makakilos. Tila ay nauupos na kandila na hindi na pwedeng sindihan pa para manumbalik ang tingkad ng ilaw na inilalabas nito. It's like he was rooted in his seat, stuck and unable to move. Nang napayuko ito at nagtaas-baba ang magkabilang balikat, alam niya na kaunti na lang at tuluyan na itong mawawalan ng pag-asa.

"Your mother's also inside that room fighting to survive. Alam kong hindi madali para sa 'yo ang manatili na lang na nakatungo habang siya, nag-aagaw buhay sa loob ng emergency room. Dahil walang nakakasigurado kung makakayanan niya ba o hindi. Pero maniwala ka, Mico. Like you, she also couldn't afford to lose her son. Every mother doesn't want to. Iyon ang totoo. Lumalaban pa siya. 'wag kang maunang sumuko."

Namutawi sa gitna nila ang nakakabinging katahimikan.

Nanatiling nakaupo si Rose sa tabi ni Mico. Susulyap dito at makikitang seryoso pa rin itong nakatingin sa nakasarang pintuan ng ER. Hindi na ulit siya nagsalita. Hinahayaan ang pagpatak ng bawat segundo, umaasa na sapat na ang pagtabi niya rito.

Umaasa na sapat na ang pananatili niya sa tabi ito kahit na wala nang kahit isang salitang namumutawi sa gitna nilang dalawa.

shadesofdrama

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top