Chapter 1

"If only I've made better choices.
If only I was wise enough.
Would things be better than this?
Would I be happy then?"

- I F   O N L Y -

NAKATULALA SI ROSE habang nakaupo sa sofa ng inuupahang apartment ng kanyang pamilya. Hawak-hawak niya ang isang bote ng alak na nangalahati na ang laman. Mugto ang mga mata at magulo ang buhok. Nang tinitigan niya ang sarili kanina sa salamin ay halos hindi niya na makilala kung sino ang kanyang kaharap.

She ended up staring at herself for minutes.

Walang tigil ang kanyang mga luha sa pagtulo. Umiyak siya nang umiyak.

She keeps on asking herself why did she end up like this. Ano'ng nangyari at ganito ang kanyang kinahantungan? How could she let shits happen to her? How did she manage to not mind every little details that had happened in her life? If only she made better choices. If only she acted wise and tough. If only she wasn't too weak.

Pero hindi. Siguro dapat lang na maramdaman niya ang sakit, pait at paghihirap na nararamdaman niya ngayon. Dahil desperada siya. Makasarili. Mang-aagaw. At higit sa lahat, walang silbi.

Wala siyang ibang magagawa dahil kasalanan din naman niya kung bakit ganito ang kanyang kinahantungan ngayon.

And at this moment, she feels horrible.

Looking back a year ago, she was different from what she is now. And definitely different from what and who she portrays herself to be in the future.

──◎──

MALAKI ANG NGITI ni Rose habang hinahalo ang chocolate frappe na kanina pa niya inorder. Tumango-tango siya bilang pagsagot sa tanong ng kaibigang si Sydney. Nakataas ang kilay nito at bahagyang nakalukot ang mukha.

"Rose, seryoso na 'to. 'Wag mo kaming ginu-good time."

Mas lalo lang siyang nangiti. Masyado bang nasobrahan ang ngiti niya kanina at naging hindi kapani-paniwala? Geez, she's telling the truth. Natanggap siya sa isa sa mga sikat na kompanya kung saan pinapangarap nilang magkakaibigan na makapagtrabaho.

She pouted. Pagkatapos ay mabilis na ipinakita ang email na natanggap. Nang hindi pa nakuntento si Sydney at tinitigan lang ang email, binasa niya na lang ito.

"Good day, Ms. Rosette Resuelo. The management of CFY General Merchandise formally informs you that your application has been approved. You garnered the highest score during the evaluation and interview. With that, we are glad to inform you that you've been hired as the new financial assistant of the company. You can report on duty next week. We hope─"

"OH MY! Seriously? Natanggap ka talaga?"

Tuluyang nalukot ang mukha ni Rose. Ayaw pa rin tumigil ni Sydney sa pangungulit. Hindi lang ata siya ang nababanas na ngayon dahil si Shai–na nasa tabi niya, na kanina ay nakamasid lang habang ine-enjoy ang relaxing ambiance ng coffee shop na tinatambayan nila ngayon–ay nagsalita na.

"Sumasakit na ang ulo ko sa 'yo, Sydney ha," ani Shai bago ito kumagat sa donut nito. "Ano ba'ng hindi kapani-paniwala sa sinabi ni Rose? It's not that she doesn't have the competence. Of course, she is great. Kaya walang duda kung natanggap siya."

Sinulyapan siya nito habang nakangiti. "You did a great job, Rose. Nakakaproud," dagdag pa nito.

Ibinaba ni Rose ang frappe sa mesa nilang magkakaibigan, muling bumalik ang ngiti sa kanyang labi. "Thanks, Shai."

Buti pa ito. Hindi nakakastress. Hindi tanong nang tanong. Pagkatapos magpasalamat ay tinitigan niya si Sydney. Nakita niya naman kung paano nito pinigilan ang sariling tumawa.

Napabuntong-hininga siya. Umikot ang mga mata.

"Grabe naman kayo, 'di na kayo mabiro ha," saad ni Sydney at doon na humagikhik. "Of course, no questions asked, alam namin na deserve mong matanggap sa kompanyang 'yan, Rose!"

Natawa na lang siya. Simula college, ganito pa rin ang ugali nito. Hindi pa rin nagbabago. Nang-iinis pa rin gamit ang kakulitan. It's not an issue to them anyway.

It's just that they are not getting any younger. Napapasabak na nga silang magkakaibigan sa early phase ng adulthood at ganito pa rin ang kaibigan nila.

Nakita niya ang pagtayo nito mula sa pagkakaupo at dumukwang pa para mayakap siya. "I'm sorry, gusto lang kitang inisin. But, really, I'm proud of you."

Natawa si Rose. "Exaggerated na 'to, Sydney," pabiro niyang saad.

Umiling-iling ito, may pagtatampo sa boses. "Hindi kaya."

"Oops, what did we miss?" Napabaling silang lahat sa nagsalita na si Carl.

Sa isang itim na tray na dala nito ay nasulyapan niya ang isang tasa ng cappuccino, dalawang slices ng cheese cake at isang chocolate cake. Nakasunod sa lalaki si Leira na may malaking ngiti. "Oo, nga. ano na'ng pinag-uusapan n'yo?" tanong din nito sa kanila.

"May trabaho na si Rose!" anunsyo ni Shai at mahina pang pumalakpak.

Tumango siya at nakangiting nagsalita. "Natanggap ako sa CFY─"

Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay mabilis nang lumapit si Leira sa kanya. Ramdam niya ang excitement na nararamdaman nito sa paraan nang kung paano siya nito yakapin. "Congrats, Rose! We're so proud of you!" Tumalon-talon ito, halatang masaya para sa kanya.

Niyakap niya rin ito pabalik. "Thank you, Leira. Pero baka sinuwerte lang ako kaya natanggap agad, 'wag kayong maging proud masyado." Natawa siya dahil sa sariling sinabi. But perhaps, it is true. That it was really because of luck that she got hired immediately. Pero ayaw ata maniwala ng kaibigan niyang si Leira.

"What? Ano'ng sinasabi mong swerte lang?" Pinanlakihan siya nito ng mga mata. Kita niya kung paano gumalaw kasama noon ang mahahaba nitong mga pilikmata.

Nagsalubong ang may kakapalan nitong mga kilay. Mapupula ang mga labi nito nang ibinuka ang bibig para pagsabihan siya. "Rose, you've done much just to get that job. Saan ang swerte doon? You mean nag-effort ka at naglaan ng oras kaya nakuha mo. You deserved it!"

Napahagikhik siya. "Thank you," muli niyang saad at niyakap ulit ito. Mas mahigpit. She felt at ease. Habang magkayakap ay pareho silang nakangiti sa isa't-isa.

Sa lahat ng kanyang kaibigan, si Leira ang pinakaclose niya sa lahat dahil mas nasasabayan siya nito. May pagkakapareho kasi sila sa hobbies at likes. Pareho silang mahilig sa sports at bukod doon, nasanay na siya rito na taga-kontra ng mga baluktot niyang paniniwala sa buhay.

Leira's just different. Kumpara sa kanya ay mas reserved ito. Mas rational at practical mag-isip. Hindi katulad niya na padalos-dalos lang sa mga bagay-bagay at minsan, hindi na tinitimbang ang sitwasyon kapag nagdedesisyon.

She's impulsive and somehow pessimistic. And Leira's giving off too much positivity and optimism. Kaya kadalasan ay nahahawa siya.

And it's a good thing.

Senior High School nang makilala ni Rose ang kanyang mga kaibigan. Through those years, she could say that they've been through thick and thin. Naaalala niya pa ang mga napagdaanan nilang lima.

Kung paano sila sabay-sabay na nakipagsagupaan noong college years. Kung paano sila naghakot ng malalaking eyebags dahil sa hindi mabilang na beses na pinagpuyatan nila ang mga major subjects para lang makapasa.

And those were the days when they proved that friendship stays no matter what. Kahit na masyadong busy sa college at hindi sila nagkakasama from time to time dahil magkakaiba naman sila ng courses. At minsan pa, hindi na talaga nila nakikita ang isa't-isa but the connection and the bond stayed.

Kapag nakakahanap sila ng magandang pagkakataon na hindi sila masyadong busy, they would hang out together; making the best out of their leisure times.

Ang makasama ulit ang mga ito siyam na buwan matapos nilang magtapos sa kolehiyo ay mas masaya at masarap sa pakiramdamam.

"Oh, Carl, ikaw na lang ang hindi naghahanap ng trabaho. Si Sydney hinihintay na lang niya ang call back sa isang agency. Kaming dalawa naman ni Leira, maagang nakapag-apply kaya may trabaho na. Any future plans?" tanong ni Shai.

Nagkibit lang ng balikat si Carl at sumimsim sa kanyang kape.

"Galaw-galaw naman d'yan, boy!" saad ni Sydney.

Ngumiti si Carl. "I have plans. Pero hindi pa masyadong concrete," sabi nito.

"Naks! May plano pero 'di pa raw concrete," pabirong utas ulit ni Sydney.

Napakamot naman si Carl sa likod ng batok. "That's the truth. Plano ko sanang magpatayo ng accounting firm pero masyadong komplikado kaya kailangang planuhin nang maigi."

Nakatingin silang lahat rito. Si Leira lang ang naglakas-loob na tumango at sumang-ayon sa sinabi nito. "Tama nga naman," sang-ayon nito sa sinabi ni Carl. "Negosyo e, masyadong delicate kaya kailangang huwag magpadalos-dalos sa mga desisyon."

Napapalakpak si Shai. "You nailed it, girl."

"Agree," saad ni Rose, doon na siya sumingit sa pinag-uusapan. "You're really the wisest among us, Leira."

Napangiti lang ito at nahihiyang nagkibit ng balikat.

Nagpatuloy naman silang lahat sa pag-uusap. Nagkumustahan at nagbibiruan. Katulad lang ng dati. Pero ang pinagkaiba nga lang ay mas marami na silang mga responsibilidad ngayon kumpara noong nag-aaral pa lang.

Mabilis na lumipas ang oras, at nang tiningnan ni Rose ang wrist watch niya, napagtanto niya na kailangan niya nang umuwi.

Nagsitayo na rin ang kanyang mga kaibigan at nagyakapan silang lahat. Nagbilin at nagpaalala. Noong una ay biro-biro lang hanggang sa naging totohanan.

"Hoy, 'wag kayong makakalimot ha. Kapag may ganap na sa mga buhay n'yo balitan n'yo naman kami," seryosong saad ni Sydney. "Lalo na kapag nagkalove-life na kayo. 'Wag kayong magsi- sekreto ha."

May pagbabanta na sa boses nito kaya natawa silang lahat. "Lalo na ikaw, Rose! At ikaw Leira!" pahabol nito at binalingan talaga silang dalawa ni Leira.

Napailing-iling siya. Ba't ako nasali?

Agad din naman na nagsalita si Shai at nakisabay sa sinabi ni Sydney. "Tama, baka mabalitaan na lang namin na i-kakasal na kayo tas ni hindi man lang namin nakilala ang lalaking pakakasalan n'yo para kilatisin."

"Pressured talaga kaming mga single sa barkada 'no?" natatawa niyang saad.

Hinawakan ni Sydney ang kanyang balikat. "Nako, kapag talaga─"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang marinig nila ang sinabi ni Leira. "Oo na, next month," saad nito, hindi inaasahan nilang lahat.

Napakurap-kurap si Sydney at mabilis na nagtanong si Shai. "Really? Leira, may pakakasalan ka na talaga?"

Nakangiting umiling-iling si Leira. "Hindi. Kasi sabi niyo kanina, kahit ano'ng balita tungkol sa love-life kaya ayon, ipapakilala ko siya next month."

Hindi agad nakapagsalita sina Sydney at Shai. Si Carl naman ay nanatiling nakamasid sa kanila.

"May boyfriend ka na, Leira?" tanong Rose. Hindi niya mapigilang hindi magtanong. Dahil ang alam nila, no boyfriend since birth and kaibigan nilang iyon.

Tumango-tango ito.

"Weh?" pangungulit ni Sydney. "'Di nga."

Mabilis nilapitan ni Shai si Sydney at pabirong binatukan. "Ayan ka na naman."

Napapalatak ng pagreklamo si Sydney dahil sa ginawa ni Shai.

Natawa si Carl dahil sa inasta ng dalawa. "Sydney, hindi naman magsisinungaling si Leira. 'Wag ka nang manigurado."

Nakangiting bumaling si Rose kay Leira at nagtanong ulit. "Ilang months na kayo ng boyfriend mo, Leira?"

"5 months na next month," nakangiti nitong sagot sa kanya.

Napatango-tango siya. "Medyo matagal na rin. Mabait ba?"

"Sobrang bait."

Napangiti siya nang marinig ang sagot nito. And from the way Leira's eyes glisten whenever she answers her questions, halatang masaya ito. At masaya si Rose para sa kaibigan. "Good to here that. Pakilala mo sa amin ha?"

"Sige."

Matapos sabihin iyon ay nagpaalam na silang lahat sa isa't-isa.

May ngiti sa mga labi ni Rose habang kumakaway paalis. Ngiti na hindi niya inakala na maglalaho at mapapalitan ng mga paghikbi kalaunan.

------
shadesofdrama

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top