Chapter 98

PAMELA POV

"Are you done with him princess?" Tanong ni Joel habang naghahain ng pagkain. Nasa under ground extension kami ng play house ko. Dito ko naisipan kumain dahil ayaw ko makarinig ng kung anong ungol mula sa mga taong kalye na nangrerape kay James. It's so yucky kaya.

"Of course no. Gusto ko lang iparanas sa kanya ang pakiramdam ng nirerape. Yung wala kang magawa kundi hayaan nalang sila na babuyin ka. Yung kahit gusto mo lumaban, hindi mo magawa. I want him to experience what Ja and First experienced way back because of him."

Dumampot ako ng fried drumstick at agad iyong sinubo.

"Sabi ni Boss Gulf wag mo daw sya papatayin. Tatagal kaya yun?" Tanong naman ni Des. Nakalatag na lahat ng pagkain kaya sinensyasan ko na sila na kumain na din.

Ganito ako sa kanila. Ayaw ko na hindi nila ako sinasabayan kumain dahil lang sa amo nila ako. Need nila sumabay sa akin because of many reason at una na doon ay dapat na kumain sila sa oras.

Mabait naman ako eh, pero depende sa taong nasa harapan ko. Yung mga taong ginagawa kong laruan, sila yung mga mahuhuli kong tinatraydor ang pamilya namin. Kakapal kasi ng mukha. Ang bait na nga sa kanila ng mga amo nila, ginagago pa kami.

"Oo naman. Itatasak ko lang naman sa kanya lahat ng balahibo na nasa lamesa eh. It will use as plug sa katawan nya para hindi sya mawalan ng dugo. So, hindi sya mamatay. Si Ja na bahala sa kanya.

"Gagawin mo pa rin syang mulawin?" Muling tanong ni Joel. Pinagsandok nya ako ng dinuguan bago sya maglagay sa Plato nya.

Adik din ito si Joel eh. Parang hindi makakakita mamaya ng dugo. Sabagay, sanay na sila na makakita ng dugo. Tagal na nila akong kasama at sanay na sila.

"Oo naman. Gagawin ko syang drag queen ng mga ravena."

"Lakas tama ka naman princess. Wala kasi si Dylan baby mo eh." Ani Des kaya sinamahan ko sya ng tingin. Masyadong feeling close na ito si Des ah. Sapakin ko kaya isa? Yung matatapyas yung pisngi nya.

"In denial ka pa din princess? Jusko naman! Tatlong buwan ka nang ganyan ah. Sige ka. Baka pagbalik ni Dylan dito, may jowa na yun."

"Subukan nya. Gawin ko na Serena ang babae nya." Inis na sagot ko.

Aba kainaman nya kung magkakajowa sya.

"Selos ka na agad nyan." Sabay-sabay kaming napatingin sa may elevator. "Wag ka magselos, ikaw lang sapat na."

"Tang ina! Ang korny pa din hayop yan!"Ani Joel sabay alis sa harapan ko.

"Kadiri ka Dylan, punyeta ka." Segunda ni Des at umalis na din
Lumipat lang sila sa kabilang lamesa.

"Pinaglihi ka ba sa mais Dylan? Ang korny mo!" Binato ko sya ng chicken na nasalo naman nya.

"Sayo lang naman ako nagkakaganito eh. Lab kasi kita."

"Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo."

"Bakit? Hindi ka nga kinikilabutan na magselos eh."

Eh di wala na akong sinabi! Tang ina na yan!

"Ano balak mo kay James? Laspag na laspag na yun sa taas ah." Umupo sa tapat ko si Dylan at nagsandok na ng pagkain nya.

"Drag Queen ng mga ravena." Kibit balikat ko na sagot.

"At ilang manok ang nawalan ng balahibo?" Muling tanong ni Dylan.

"Bente lang naman. Pero eighteen nalang buhay sa kanila."

"Kasi na friend chicken na. Hanep ka talaga."

"Eh di wag ka kumain." Binawi ko yung hawak nyang chicken. Kakain na nga lang, dami pa sinasabi.

"Ikaw nalang kainin ko."

Tang ina! Tanggal angas ko doon ah. Binalik ko nalang kay Dylan yung chicken nya at nag focus nalang ako sa pagkain ko.

Hindi naman ako in denial sa nararamdaman ko para kay Dylan. Ayaw ko lang aminin kahit kanino ang tungkol dito. Kahit kay Dylan ay hindi ko kayang ipaalam. Natatakot kasi ako na masaktan. Hindi ko alam kung kaya ko pa mag handle ng pain kung sya na ang mawawala sa akin. Natatakot ako na baka hindi ko na kayanin. Natatakot ako para sa sarili ko dahil alam ko I can't handle anymore pain.

I always ask myself. Paano ko ihahandle ang pain? Ikakabaliw ko.

Dylan, aside kay daddy Mew at kuya Gulf, ang nag iisang tao na tanggap ako sa kung ano ako. Like, he really don't care who I am. My times na natatakot si Dylan sa mga ginagawa ko, pero most of the time, wala syang paki. As long as my mood will be okay, wala syang paki.

The first day we meet, sinabihan ma sya agad noon ni dada ng mga trip ko and he said that, if that what makes her happy, then, so be it. Walang basagan ng trip. Nagulat ako and honestly, he got my attention.

Sa bawat araw na kasama ko sya, I find him interesting. Laging nakatawa, korny at oo lang sya ng oo sa mga trip ko. Pag hindi na nya pinaggagawa ko, either lalabas sya ng room, or papatayin na nya yung laruan ko para matapos na at magtigil na ako. Hindi rin sya natatakot na sermonan ako from time to time.

She also pulled out the other side of me. Yung side na sya lang talaga ang nakakakita dahil lumilitaw lang iyon pag kami lang ang magkasama.

"Nasa harapan mo na ako, iniisip ko pa din ako?"

Inis kong tinignan si Dylan.

"Sino ka para isipin ko?" Babaguhin ko sana sya ng chicken pero agad nyang nahawakan ang kamay ko.

"Stop the act Pamie. Tayong dalawa nalang naman nandito."

Napatingin ako sa paligid and yes, kami nalang ngang dalawa.

"Asan yung dalawa?" Takang tanong ko.

"Pinaalis ko."

"Bakit? Kumakain pa sila." Baliw na Dylan ito. Kumakain pa nga sila Joel eh.

"Kasi gusto kita makausap."

"Eh bakit pinaalis mo pa yung dalawa?"

"Yung tayong dalawa lang?"

"Anong konek nun?"

"I want to see my Pamie and talk to her."

Tang ina nito ni Dylan, ang daling tanggalin ang angas ko eh.

"Ano ba kasi gusto mong pag usapan?"

Hinayaan ko sya na paglaruan lang ang kamay ko. Deserve ko naman siguro ang ganito diba? Kahit saglit lang ba.

"Me and you."

"What about us?" Wag kang magkakamaling tanungin ako na maging jowa mo Dylan, papaliparin talaga pabalik ng mansyon.

"Magmamaang-maangan ka talaga Pamie?"

"Ano ba kasi ang tungkol sa atin? Klaruhin mo."

"I like you, you like me."

"At sino may sabi?"

"Pamie, you are a brave girl, a brutal princess, pero may isa kang bagay na hindi mo magawang itago."

"Ano?"

"Your emotion. Your eyes is telling everything."

"Guni-guni mo lang yun."

Nagulat ako ng bigla syang tumayo at dumukwang papunta sa akin. I can feel his breath on my face. Ang lapit-lapit ng kanyang mukha.

"Ano.. anong ginagawa mo?"

"See? Tama ako." He suddenly kissed me on my lips bago sya bumalik sa pagkakaupo.

"Dylan?"

"What?"

"Gago ka ba?"

"Hindi. Pero handa akong maging gago para sa Pamie ko."

Shutang ina! PERENG TENGE EH!

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Lulumipad talaga angas ko pagdating sa kanya. Nawawala lahat ng tapang ko pag dating sa lalaking ito.

"Am I not enough for you Pamie?"

"Sinong may sabi?" Nilingon ko sya. "Sino may sabi nyan ililibing ko ng buhay."

"Relax, wag kang kabahan. Baka magka asawa ka ng wala sa oras."

"Jowa nga wala, asawa pa kaya?"

"Bakit pa dadaan sa pagiging mag jowa kung pwede namang kasal agad."

Talaga lang naman! NEKEKENES!

"You're more than enough Dylan." Ito na! Aamin na! Kumalma ka puso baka dukutin kita. Kasalanan mo ito!

"Then, why?"

I heaved a deep sigh at tumingin sa kung saan.

"Natatakot ako."

"Saan?"

"Na mawala ka. Natatakot ako para sa sarili ko. Hindi ko kasi kakayanin pag nawala ka eh."

"Hindi naman ako mawawala sayo."

"Dylan, sa mundo natin, walang sigurado. Lalo na ngayon. Paano kung hindi kita maprotektahan? Paano kung mawala ka? Paano kung mamatay ka? Patayin ka? How will I handle the pain?"

"Sino ba kasi may sabi na mawawala ako?" He reach my face and wipe my tears.

Shuta! Ito na nga ba ang ayaw ko eh. Yung umiyak.

"Hindi naman tayo sure eh."

"Bakit ba kasi andon na agad ang isip mo? Ang layo na agad ng narating?"

"Advance lang ako mag isip."

Natawa si Dylan. Gago? Pagtawanan ba ako?

"Hindi naman ako aware na over thinker ka pala at medyo OA."

"Gusto mo tubaan ng ugatpak Dylan?"

"Sorry na. Ang cute mo lang kasi mag overthink. And I never expect na ganyan ang magiging misis ko."

"Mis..."

Nawala ang anumang gusto kong sabihin ng may isinuot na singsing sa akin si

Dylan.

"Perfect." Nakangiting sabi ni Dylan tsaka nya hinalkan ang singsing at ang likod ng aking kamay.

Hoy! Ito ba yung kinikilig? Yung para akong kinukuryente?

"Ano yan?" Takang tanong ko. Syempre maang-maangan muna tayo. Alangan naman mag-assume ako na engagement ring ito tapos yun pala, promise ring lang.

"Singsing."

"Tangina mo Dylan! Umayos ka ng sagot."

"Pakakasalan mo ako o papakasalan kita?"

"Nagpoprose ka na? Adik ka ba? Hindi pa nga kita jowa."

"Bakit ba kita jojowain kung pwede naman kitang pakasalan diba?"

"Dylan. Umayos ka nga!"

"Pamie." Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko at tumingin ng diretso sa aking mga mata.

Tang ina one million times! Wala na yung angas ko! Daddy Mew!!!

"Ano?" Wala na! Ang lambot na nang boses ko. Shutek! Ang hirap kiligin ha.

"Will you be my wife?"

"Hindi ba pwedeng, jowa muna?"

"Be my wife and I promise, araw-araw kitang liligawan."

"Dylan naman eh!" Nakakainis. Nambibigla sya! Nagkakagulo tuloy ang brain cells ko.

"Promise, hindi ako mawawala. Kung kailangan kong makipagpatayan kay kamatayan, gagawin ko."

"Promise?"

"Promise."

Napalabi ako. His promise can't give me assurance. Dahil alam na alam ko kung anong klase ng mundo meron kami.

Pero gusto ko sumugal. Gusto ko isugal ang lahat. After all it's Dylan. He's worth all the risk.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. I'll take the risk. Bahala na. I'll hold on his promise at bahala na ang tadhana kung paano nya lalaruin ang aming kapalaran.

"Then, it's a yes! I'll be your wife."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top