Chapter 46

GULF POV

Tahimik ang lahat. Walang umiinik, walang balak magsalita. Tanging ang tunog lang ng aparato na nasa tabi ng kamang kinapupwestuhan ko ang bumabasag sa aming katahimikan. It monitors my heartbeat.

Madami kami dito sa silid, pero lahat ay tahimik. Nakikiramdam at nagmamasid.

After Mew rescue me, sa mansyon nya ako itinuloy. He called Boat para gamutin ang sugat ko.

Si Boat lang ang tanging nasa tabi ko. He is monitoring my heartbeat at pulsebeat. Everyone keep atleast 2 meters distance from me.

"Well he be okay?" Nag-aalalang tanong ni Armando kay Boat. Kanina pa ito nakatingin sa akin at aligaga ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"I can't say yes tito. His heart is very unstable and unpredictable." Sagot ni Boat.

Nanlulumong tumingin sa akin si Armando. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko sya kayang tignan.

Tumingin ako sa madilim na tanawin sa labas ng bintana.

Napagulo ng sitwasyon. Napagulo ng buhay ko. Sa tingin ko, buong pagkatao ko ay isang biro. Isang hindi magandang biro.

I was once a son of an ordinary couple that was killed by this old bastard in front of me. But it turns out he is my father. Anak ako ng isang kriminal. A police officer is a kriminal at mafia leader son. How funny is it?

I love a man. Sobrang mahal ko sya pero kapatid ko pala sya. It's just a brother love from the beginning. Lukso ng dugo pala ang nararamdaman ko at hindi ng pusong nagmamahal.

What kind of explanation and joke is this? May igagago pa ba ang  biro na 'to?

I hope everything is a joke. A dream or my hallucination. Parang gusto kong matulog at pag gising ayos ang lahat. Na isa lang akong pulis na masyadong pagod sa operasyon o sa panghahabol ng abnormal na kriminal kaya nakatulog at nanaginip.

How I wish ganun nalang talaga. Pero sadyang malabo. Ilang beses ko na nakurot ang sarili ko. Natusok na din ako ng karayon dahil sa swero ko. Kung baga, ilang beses na ako nasampal na totoo ang lahat.

"Let him rest first. His complexion is not good." Dinig ko ma sabi ni Armando.

"I don't want to rest." Matalim akong tumingin sa kanya tapos kay Mew. "I want to know the whole truth."

"Pwede naman bukas, Gulf. Mawin already took care of dna examination. Siguro mas mainam na kung may DNA result na." Sabat ni Boat.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Boat.

"Mew." Napa buntong-hininga si Mew.

"Rest. I'll explain everything tomorrow."

"Bakit hindi ngayon? Bakit bukas pa?" Asik ko kay Mew.

"Gulf kalma." Saway sa akin ni Boat pero inignora ko iyon.

"Kumalma ka Gulf."  Inis na sabi ni Mew.

"Paano ako kakalma Mew. My life is a big lie at parang alam mo ang lahat. Ito ba ang dahilan mo? Ito ba yung rason mo kung bakit bigla mo nalang ako isinantabi? What the fuck Mew! Anong katarantaduhan ito? You know we're.."

"Shut the fuck up Gulf!" Umalingawngaw sa silid ang sigaw ni Mew.

"I'm willing to explain. Ipapaliwanag ko lahat. Sasagutin ko lahat. We can do this tomorrow. Just rest for now."

"Bakir bukas pa? Bakit hindi ngayon? Mew I had enough of all this pain."

"At sa tingin mo ako hindi? Iniisip mo yung sakit na nararamdaman mo, pero naisip mo ba yung nararamdaman ko?"

Hindi ako nakaimik ng punasan ni Mew ang kanyang luha. Pain is visible in him. We're both in pain.

"Kung masakit yung mararamdaman mo dahil sa nangyayari, mas yung akin Gulf. Triple yun. Triple yung sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita kitang nasasaktan. Higit pa sa triple ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing magmamakaawa sa akin. Hindi mo alam kung ano ang ginawa ko maprotektahan ka lang. You didn't know my pain Gulf. Iniisip mo lang ang sakit ba nararamdaman mo, pero hindi yung nararamdaman ko."


"Tell me para maintindihan ko." Mahinang wika ko.

"Magpahinga ka muna."  Tapos ay lumabas sya. Sumunod naman ang ilan naming kasama at tanging si Boat lang ang natira ko na kasama.

"Rest Gulf. I'll stay here to monitor you." Utos sa akin  i Boat.

"Panaginip lang lahat ng ito diba?" Tanong ko kay Boat.

"If everything is a dream, reality won't exist."

Tumayo sya at inayos nya ang aking pagkakahiga. Napapangiwi ako dahil sa sugat at latay sa aking dibdib at tyan.

"I want to escape this." Sambit ko.

"You can't escape reality Gulf. Hahabulin at hahabulin ka nito kahit anung gawin mong tago."

-----------------

Nang magising ako kinabukasan si Lyn ang agad kong nakita sa aking tabi. He's looking at me at medyo nagulat pa sya na magising ako.

"Good morning." Nakangiti nyang bati sa akin.

"Good morning." Bati ko din sa kanya. Marahan akong bumangon at tinulungan nya ako.

Nagulat ako ng bigla syang umiyak at niyakap nya ako.

"Lyn." Nagtatakang tawag ko dito.

"If I have a super power, I'll change everything. Babaguhin ko ang lahat para hindi mo maranasan lahat ng sakit." Humihikbing sambit nya.

"May alam ka?" Takang tanong ko.

"Of course, Gulfie. I'm your best friend. Sabay tayong ipinanganak at halos sabay tayong lumaki. Nasa malayo man ako.."Saglit syang tumigil para kumalas sa pagkakayakap sa akin. She looks at me with his teary eyes and smile on his lips.

"Nasa malayo man ako, alam ko kung ano ang nangyayari sayo. Ang being the one that hurt you is really painful to me."


"Wala akong maintindihan." Naguguluhang sabi ko.

"It's painful for me kasi hindi mo ako maalala. Pero ayos lang. You don't have to push yourself. Importante sa akin ngayon, you have a little grasp on who you really are."

"Lyn, ano ba kita?"

"I'm your bestfriend Gulf. A self proclaim best friend since we grow up together till six bago kayo bumalik sa bansang ito."

Hindi ako magsalita. I just her face and whipped her tears.

"I have a selective amnesia." Sabi ko kay Lyn.

"I know. All your traumatic experience cause it. Your memory hide in the deepest part of your for your benefit."

Tumango ako. She smile and hug me again.

"Okay lang yun Gulf. Kung masasaktan ka lang ng sobra, mas mainam na hindi mo ma sila maalala."

"But, it's part of me. Gusto ko maalala lahat para malinawan ako."

"I know." Muli syang kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Don't force it. Eventually, maaalala mo din lahat."

Tumango ako bilang tugon. Sya naman ay ngumiti at pinunasan ang kanyang luha.

"I'm sorry for causing you pain, Gulfie. Babawi ako sayo, pangako." Napatingin ako sa kamay mya na nasa kanyang sinapupunan.

Ngumiti ako sa kanya. Buntis na nga pala sya. "Just take care of yourself and your baby."

"I will. And it's our baby, not just mine."

Tumango nalang ako. Wala akong balak maki agaw pa sa kung ano ang mayroon sya. Masyado nang magulo ang buhay ko para dagdagan ko pa. Beside, pamangkin ko ang dinadala nya. Hindi ko kailangan maki-agaw doon dahil may nararapat akong responsabilidad sa batang dinadala nya.

Nagpahatid ng pagkain si Lyn sa silid at sabay kaming kumain. Pakatapos namin kumain ay bumalik na sa silid nya si Lyn sa pamimilit na din ng alalay nya. She doesn't want to leave pero kailangan nya magpahinga. Sakto naman dumating din si Boat at inutusan syang magpahinga.

Inalis ni Boat lahat ng nakakabit sa katawan ko. Ayos naman daw ako sa buong magdamag. My heart is currently stable but still need to monitor. Maliban doon at sa mga sugat at latay ko, everything is okay.

Isinakay nya ako sa wheelchair at dinala sa hardin. Kailangan ko daw kahit papaano makalanghap mg sariwang hangin. It will help me to relax.

"Gusto ko mapag-isa Boat." Wika ko.

Tumango naman si Boat at agad na umalis.

Maganda ang hardin. Madami bulaklak na iba-iba ang kulay. Presko ang hangin at masarap iyon sa pakiramdam.

I'd been here once and I appreciate how beautiful this place is pero, ngayon, hindi ko maappreciate kung gaano kaganda ang lugar na ito. Walang silbi ang makukulay na bulaklak. Masyado madaming gumugulo sa isip ko. Masyadong magulo ang pagkatao ko.

"Hindi ka dapat nag-iisa."

Hindi ko inabala ang sarili ko na lumingon ko. Pabango at  boses palang nya ay kilala ko ma agad.

Hindi rin ako sumagot. Inantay ko sya makalapit sa akin.

"You seems okay." Aniya. Sinuri nya ang mukha ko tapos ay umupo sya sa mismong harapan ko.

"Are you okay?" Masuyong tanong nya sa akin.

"What is okay Mew?" Tanong ko pabalik sa kanya.

Nagkibit-balikat sya. "I'm not that sure. Kasi sa akin, yung makita lang kita na masaya, okay na ako."


"Masaya ba na ginagago mo ako."

Mabilis pa sa alas kwatro na nag-iba ang timpla ng hitsura ni Mew. Tumayo sya at lumipat sa upuang nasa tabi ko.

"Hindi pa pwedeng ipagpananghalian natin yang mga ganyang bagay?" Nagtitimping tanong ni Mew.

"Ano ang pinagkaiba ng ngayon ay mamaya maliban sa oras?"

Hindi sya umimik. Tumingin sya sa malayo at nilaro ng kanyang dila ang kanyang labi.

"Alam mo na magkapatid tayo, but we do sex."

"It's made love Gulf." Pagtatama nya.

"It's a family stroke Mew."

"Blame the drug."

"Yung una at pangalawang beses pwede pa, pero yung pangatlo at ang huli, sino sisihin ko?"

"Bakit kailangan mo maghanap ng masisisi kung pwede mo naman tanggapin nalang. Nangyari na. Do we have to cry over the spilled milk?" Seryoso syang tumingin sa akin.

"Pero alam mo na magkapatid tayo."

"Let just say, it's just an expirement."

"Gano ka kasaya na gaguhin ako Mew?"Singhal ko sa kanya.

"Your too delectable to ignore Gulf."

Mabilis akong tumayo at kinuwelyuhan ko sya.

"Gaano ka katarantado Mew?" Gigil na tanong ko.

Inalis nya ang kamay ko sa kanyang kwelyo habang ang kanyang mata ay diretsong nakatingin sa akin.

Iniupo nya aq sa wheelchair walang sabing hinalikan ako sa labi.

Marahas ko syang tinulak. "What the f*ck Mew."

Tumawa lang ito ng malakas. Itinaas nya ang kanyang kanang kamay habang naglalakad pabalik sa upuan sa tabi ko.

"Gaano ako katarantado? Kasing tarantado ng pagbibiro ng kapalaran sa buhay ko."

Sumandal sya at tumingin sa langit. Kasabay ng pag ngiti kanyang labi ay ang pagtulo ng kanyang luha.

"Why don't you explain everythig to me?" Wika ko.

"Ano na ba ang alam mo?" Pinunasan nya ang kanyang luha. Inayos nya ang kanyang pagkakaupo at seryosong tumingin sa akin.

"I'll let you access our site. Hanggang saan na ba ang alam mo?"

"What do you mean?"

Napakamot ng ulo si Mew. "Sa tingin mo, bakit sa ilang beses na pagpasok mo sa site ay hindi ka pa din napapahamak?"

"Because no one can trace me?" Takang sagot ko.

"Binggo."

"Is this all planned by you?"

Tumango sya. "I have all the control on that site. I let you in and ask Hitter to erase all your traces. I planned all of this, dahil alam ko, dito din namam tayo mapupunta."

Hindi ako magsalita. Pinapakalma ko ang aking sarili para maintindihan ko ang lahat ng kanyang sasabihin.

"Hanggang saan ang alam mo?" Muli nyang tanong.

"You're Death. Your father is poseidon, the killer of my family."

Mahina syang tumawa. "Ano ang pinakagagong katotohanan para sayo Gulf?"

"Ang maging kapatid ang taong mahal ko." Diretso kong sagot.

"Is that me?"

"Mayroon pa bang iba Mew? Ikaw lang naman ang minahal ko eh."

Tumango sya. "I'm not your real brother Gulf."

Agad akong binundol ng kakaibang kaba sa sinabi na iyon ni Mew. Hindi ko alam if I feel relieve dahil hindi ko sya kapatid o dahil may pakiramdam ako na may malaking bomba na pasasabugin si Mew sa harapan ko.

"What does that mean? Hindi ko ama si Armando?"

"Ama mo sya Gulf."

"Ama ko sya, anak ka nya. Paanong hindi kita naging kapatid."

Serysong tumingin sa akin si Mew. Nakaramdam ako ng takot. His eyes is blank and his stare are so cold.

Tumayo sya sa harapan ko at diretsong nakatingin sa akin.

"Let me introduce myself to you Gulf. I'm Mew Suppasit, also known as Death and Zeus. I'm not your brother. Mas lalong hindi kita kamag-anak."

"Cut the chase Mew." Kinakabahan kong sabi.

"Fine. But I hope your heart can take this."

Napalunok ako. Bumuntong-hininga muna ako para kalmahin ang aking sarili.

"Who are you Mew?"

"I'm Mew Suppasit. Ako ang totoong anak ng kinilala mong magulang. Ako ang anak ng mga taong pinatay ng totoong mong ama."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top