Chapter 42
Pag may alam kang katotohanan, nagbabago ang tingin mo isang tao. Hindi sa hinuhusgahan mo sila, pero nag iiba talaga ang lahat. Yung bawat galaw nila, iniisip mo kung totoo nga ba iyon o nagkukunwari lamang.
This past days hindi naging abala sa presinto. Mangilan-ngilan lang ang nagpupunta para mag pablotter. Yung iba halos wala namang kwenta. Simpleng away kapit-bahay lang at kaya naman sanang ayusin sa mabuting usapan. Minsan sa maghapon, iisang reklamo lang ang malala at masasabi ko na kaso talaga.
Kung tutuusin ang gaan ng hangin sa presinto, sadyang iba lang talaga ang dating sa akin.
Hades and Vulca. Bawat kilos nila ay pinupuna ko sa aking isip. Bawat salita nila at ngiti nila ay iba ang dating at kahulugan sa akin.
Ayaw ko sanang maniwala na sila iyon, pero imposible na nagsisinungaling si Eyes. The date on her diary way years ago pa. Noong mga panahon na iyon ay hirap na hirap pa ako pagdugtungin ang bawat dulo ng kumot ko. Noong panahon din na yun ay kakakilala lang namin ni Mew. Kaya imposibleng nagsisinungaling sya. How can he exaclty describe the two of them kung hindi nya pa ito nakikita.
Napapikit ako. Sumandal ako sa aking upuan at napabuntong-hininga. Ang gulo ng buhay ko, sobra. Pakiramdam ko ay nasa isa akong maze at hindi ako makalabas. At kung makakalabas man ako, parang may bomba nalang na sasabog sa harapan ko.
Ni minsan ay hindi ko naisip na may makakasalamuha ako na tulad nila. I believed they exist but i never imagine na makakaharap ko sila. Not to mention that in a certain part of my life, I will got tangle with them.
Underground. Mafias and Triads are there. Gangsters? Oo parte sila pero sila ang pinakamahina sa ganoong lugar. Sa mundo nila kailangan malakas ka. Yun ang paniniwala ko. Hindi ka pwedeng mahina lalo na kung may mga kalaban ka.
"Ayos ka lang?" Napalingon ako kay Mild. Nginitian ko ito tsaka tinanguan.
Muli akong pumikit, pero hindi na ako mapakali dahil ramdam ko ang tingin ni Mild sa akin. Napaismid nalang ako. Dumilat ako at nilingon ko si Mild.
"May gusto ka bang sabihin?"
Napakamot ito sa kanyang batok at nag-aalangan na tumingin sa akin. Mayroon nga syang gustong sabihin, sadyang mag-aalangan lang sya. It' about Mew for sure. Hindi sya magkakaganito kung hindi dahil kay Mew.
"Tell me. Nakakailang ang mga titig mo."
"Alam ko stress ka na masyado, and I'm sorry for this, but I have to give this to you."
May iniabot sya sa akin na maliit na envelope. It's an invitation kahit hindi nya sabihin.
"Kao organize a stag party for Mew. Pinapabigay nya yan. That will be the last day na makakagawa ka ng paraan para matigil ang kasal nila." Paliwanag ni Mild.
"Paano ako gagawa ng paraan kung hindi ko naman alam ang dahilan. Hindi man lang nga sya nagpaliwanag sa akin."
"Then ask him for an explanation."
Umiling ako. "Kung gusto nya magpaliwanag, gagawin nya ng kusa."
"Are you giving up already?"
"Hindi naman nya ako binigyan ng dahilan para lumaban."
"Can't you hold on. Mew has a reason."
Mapait akong ngumiti.
"Kaya kung nagtiis Mild, kahit gaano pa yan kasakit. Magsabi lang sya, ipaliwanag nya ang lahat sa akin. Handa akong makinig sa bawat paliwanag nya. Handa kong intindihin bawat rason nya. Just one word from him, Mild. Just one word, handa kong maghintay at magtiis."
Napatango nalang si Mild. Marahan nyang tinapik ang kamay ko at simpleng ngumiti. Ako naman ay tumayo at kinuha ko ang iniabot nya. "Sa rooftop lang ako. Just call me."
Hindi ko na inantay ang sagot nya. Lumabas na ako ng aming opisina at nagtungo sa rooftop.
Pakarating ko sa rooftop ay kinuha ko ang lighter at kaha ng sigarilyo na nasa bulsa ng suot ko na uniporme. Kumuha ako ng isang stick at nilagay iyon sa aking bibig tsaka sinindihan. Humihit ako ng dalawang beses tapos ay binuga ko ang hangin sa usok.
My tears starts to fall down, again.
Muli akong humithit ng sigarilyo at binuga sa hangin sa usok.
Bawal ito. Bilang isang pulis, bawal ang manigarilyo lalo na sa headquarters. Pero ito nalang talaga ang nagpapagaan ng loob ko at naging taguan ko ang rooftop. Naging bisyo ko na ito para lang sa ikakagaan ng loob ko.
Sa totoo lang, gustong gusto ko nang sumuko. Masyado ng masakit. Durog na durog na ako dahil sa sakit. Ilang libong punyal na ang nakasaksak sa puso ko, pero hindi ko ginawa. Hindi ko magawa.
Maaring dahil naghihintay talaga ako ng paliwanag ni Mew. Pakiramdam ko kasi nagsisinungaling sya sa akin. Pinanghahawakan ko yung pinaramdam nya sa akin noon. Alam ko na totoo ang lahat ng iyon.
Yung sinabi ko kay Mild, totoo iyon. Handa ako magtiis at maghintay, magpaliwanag lang sya. Isang utos nya lang, susunod ako. Maghihintay ako.
Ganun ko sya kamahal. Ganun ako kahanda magtiis.
Love can make you feel heaven. Pain can make you feel hell. Sacrifice is a part is tha meaming if S in relationship, and being stupid is a choice.
Pag nagmahal ka, hindi naman automatic nagiging tanga ka. It's our choice to be stupid. Minsan mas gusto natin magpakatanga ay magpaka martir kesa harapin at damhib ang sakit.
I choice to be stupid than to feel the full pain. Ngayon palang sobrang sakit na, paano nalang kung bibitaw na talaga ako.
I can't see myself saying goodbye to Mew. Hindi pa ngayon. Hindi ko masasabi kung kaylan.
Tinignan ko ang maliit na sobre ba nasa aking hita. Kinuha ko iyon at binuksan.
Napangiti ako dahil sa litrato ni Mew na ginamit. Wala syang damit pantaas at sweat pants naman ang suot nya sa baba. His hot body is flaunting proudly with that dragon tattoo on his chest.
Marahan kong hinimas ang mukha nya sa litrato.
"Should I come? Magmamakaawa na naman ba ako sayo? Pag ginawa ko yun, babalik ka ba sa akin?"
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Ibinalik ko ang invitation sa sobre. Pinahid ko ang aking luha at sunod-sunod ang ginawa ko na paghithit sa sigarilyo. Nang papaubos na ito ay idiniin ko ang dulo na may baga para mamatay tsaka iyon pinitik sa hangin.
Tumayo ako at pinagpagan ang aking suot. Kinuha ko ang pabango sa aking buksa at nagspray sa aking buong katawan. Kunuha din ako ng menthol candy sa bulsa at kinain iyon.
Muli akong nagpakawala ng hangin tapos at umalis na ako sa rooftop.
May tatlong araw pa ako para magdesisyon.
------------
Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang aking sarili sa salamin. Denim pants at light blue shirt lang ang suot ko. Ito lang naman ang sinabi ni Mild na suotin ko pero pakiramdam ko ako ang maiiba sa kanila.
Ngayon ang stag party ni Mew. Nagdesisyon akong pumunta. Kung anuman ang mangyari at magawa ko mamaya, bahala na. Importante sa akin, makasama ko sya ngayong gabi.
Nagspray ako ng pabango tapos ay lumabas na ako ng aking silid. Pumunta muna ako sa tapat ng kwarto ni Run. Maaga itong pumasok sa kanyang kwarto dahil hindi daw maganda ang kanyang pakiramdam.
Kumatok muna ako ng tatlong beses. "Run alis na ako!" Bahagy kong nilakasan ang aking boses.
"Sige. Ingat." Paos na sagot ni Run.
"Salamat. Pahinga ka. May gamot sa kwarto, kumuha ka nalang." Bilin ko tapos at umalis na ako.
Pakalabas ko ng apartment ay agad ko nakita si Kaownah, kasama si Turbo. Parehas silang nakatayo sa magkabilang gilid ng kotse at nakatingin sa apartment.
"Ayos ka lang?" Agad na tanong sa akin ni Kaownah pakalapit ko sa kanila.
"Hmm." Sinabayan ko ng tango ang aking sagot.
"Fighting, Hyung." Nakangiting wika ni Turbo.
"Hyung?" Takang tanong ko kay Kaownah.
"Hyung means kuya sa korea. Kaadikan nya sa korean drama." Iiling-iling na sagot ni Kaownah.
Natawa nalang ako dahil sinimangutan ni Turbo si Kaownah at walang salitang pumasok ito sa loob ng sasakyan. Si Kaownah naman ay pinagtawanan lang ito. They have a good relationship. Nakakainggit.
Makalipas ang isang oras ay nakarating kami sa private resort. Sabi ni Kaownah ay pag-aari ito ng Mean.
Pakababa ko ng sasakyan ay sinalubong agad ako ni Prem at Mild maging ng malakas na sounds.
"Kala ko hindi ka darating." Ani Mild sabay abot sa akin ng bote ng alak.
"Hindi sya pwedeng uminom." Biglang sumulpot sa harapan namin si Boat at inagaw sa akin ang bote.
Kasunod nya si Boun na agad inakbayan si Prem at sinubuan ng barbeque.
"Lasing na ba sila?" Takang tanong ko. Parehas ng namumula ang mukha ng dalawa.
"Yeah. Si Mawin ang bartender at itong dalawa gustong gusto ang hinahalo nyang alak. Ending..." Sagot ni Boun at tinuro ang dalawa.
Prem keep on eating. Ubos na nya agad ang tatlong stick na barbeque na dala ni Boun. Handa na itong umalis pero pinpigilan lang ni Boun. Si Mild naman panay na ang sayaw.
"Dapat na syang matulog." Nakangiwing sagot ko habang nakatingin kay Mild. He's dancing like an old drank man.
"No. Gagawa pa kami ng milagro ni doc." Sagot ni Mild tsaka gumiling-giling sa harapan ni Boat.
"Pumasok ka na Gulf. I need to take care of this drank old man. Wag ka iinom dahil umiinom ka pa ng gamot." Tapos ay binalingan nya si Boun.
"Patulugin mo na din yan bago pa yan maimpatso."
Natatawa na lang ako ma sinundan sila ng tingin. Mukhang may sasakit ang ulo ngayon hindi dahil sa alak.
Pumasok ako sa loob. Agad ko nakita si Mawin sa bar na naghahalo ng alak. Madaming tao, sa tingin ko ay mga alipores ng mga kaibigan ni Mew ang karamihan.
"You came."Napalingon ako sa aking kanan tsaka ako ngumiti. It's Mew.
"Sorry I'm late. May sakit si Run at kailangan ko muna syang asikasuhin." Pagsisinungaling ko.
Ang totoo, natagalan ako sa sa pagdedesisyon kung pupunta ba ako dito o hindi.
"Better late than never." Sagot nya tsaka nya sinenyasan ang isa sa mga tauhan nya at inutusan nyang kuhaan ako ng pagkain.
"Congratulations." Pilit kong bati sa kanya tapos ay kinuha ko ang bote ng beer na nasa lamesa.
Akma ko iyon bubuksan ng pinigilan ni Mew ang aking kamay.
"Stop. Umiinom ka ng gamot."Aniya.
"Minsan lang naman." Tinabig ko ang kanyang kamay ngunit agad din nya iyong binalik.
"Gulf stop." May diin ang pagkakasabi nya.
"Call me baby, then, I'll stop."
Napailing ito pero sinunod naman nya ang utos ko.
"Baby, please. Don't drink."
Agad kong binitawan ang bote tapos ay luminga sa paligid. "May gatas ba dito?" Tanong ko.
"Magpapatimpla ako para sayo." Sagot ni Mew na ikinatawa ko.
"May ibang gatas akong nais." Wika ko tsaka ako ngumiti ng pilyo.
"Are you drunk?" Takang tanong ni Mew.
"Siguro. Masyadong matapang ang amoy ng alak dito."
"Damn it." Ani Mew sabay tayo at hila sa akin.
Pinasok nya ako sa isang silid tapos ay lumabas sya saglit. Pagbalik nya ay may dala na syang tray na may lamang pagkain.
"Pwede naman akong sa labas kumain ah."Sabi ko habang nakatingin lang kay Mew na inaayos ang pagkain sa lamesita.
I miss this. Yung inaasikaso nya ako at yung pag aaalalang pinaparamdam nya sa akin.
"You can't. You stay here." Sagot nya sa akin.
"Pero gusto ko sa labas." Ungot ko.
"Stop or I'll kiss you." Babala nya sa akin.
"I won't stop, so you can kiss me." Diretso akong tumingin sa kanyang mga mata.
"Are you begging again?" Umupo sya sa tabi ko. He cupped my face and caress my cheek.
"Should I? Should I beg for you to stay? Should I beg to stop the wedding?"
Mabilis na tumulo ang aking luha. Hinatak ako ni Mew at niyakap.
"Don't beg, baby. Never beg to someone else, specially to me. You deserve better. You deseve the best, and that's me."
"But...but your the best for me." Humihikbi na sagot ko. Mahigpit ko syang niyakap.
"I don't deserve you."
"No one deserve me than you."
"Ikakasal na ako."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahang pinisil iyon.
"Stop the wedding."
"I can't."
Marahan kong iniangat ang aking ulo. Mapait akong ngumiti sa kanya.
"Sorry, I can't stop the wedding." Muling sabi ni Mew.
"Pwede ko bang nalaman kung bakit?"
Umiling si Mew. "It's better for you not to know it."
"Then choose. Ako o si Lyn."
Ngumiti lang si Mew. Hinaplos nya ang aking ulo habang malungkot na nakangiti.
"I already made my choice." Ani Mew, tapos at tumayo ito tumalikod sa akin.
"Can I asked something for you for the last time?" Hinawakan ko ang braso nya.
"What is it?" Hindi nya ako nilingon.
"Love me. Let me feel your love for the last time. Pleasure me. Give me a beautiful goodbye."
Humarap sa akin si Mew. Umupo syang muli sa tabi ko. Hinawakan nya ang kamay tsaka sya ngumiti.
"My pleasure."
I leaned closer to Mew na natutulog sa tabi ko. Agad ma tumulo ang aking luha. He granted ny wish. We made love for the last time. Pero lalo kung maramdaman ang pangugulila. Lalo kong naramdaman yung sakit.
Our last kiss, our last made love. Bukas pag-aari na sya ng iba.
"Can I stay Mew? Hindi po ba pwede sabihin sa akin na mag stay ako?"
Niyakap ko sya. "I really can't say goodbye to you. Masyado kitang mahal para bitawan."
Pumikit ako ng mariin. Damn the pain. Sobrang sakit.
Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang mukha at hinalikan sya sa labi.
Bumaba ako ng kama at nagtungo ako sa maliit na balkonahe na karugtong ng silid. Tumingin ako sa langit.
Bakit sobrang sakit magmahal? Bakit kailangan kong masaktan samantalang nagmahal lang naman ako.
Can I made a wish in the star? Can they turn this reality in to a nightmare? Yung tipong bukas pag gising ko marerealized ko na panaginip lang pala lahat. Mew and I are in a relationship. No princess, no wedding. Only me and Mew.
Or if not, can I unloved him? Can I forget him? Pwede bang maaksidente nalang ako tapos magkaroon ng amnesia pag nagising?
Pinunasan ko ang aking luha at nilingon si Mew.
I don't want to unlove you or to forget you. But the pain is too much that I wish I can forget you so that I can't feel the pain.
Ngumiti ako. Bumalik ako sa loob at nagbihis. I kissed Mew bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Hinanap ko si Kaownah at nagpahatid sa bahay.
Masakit na masyado at kailangan ko pa magtira para bukas. One of the most painful day of my life is tomorrow.
Bukas, ikakasal ang lalaking mahal ko. Bukas, pagmamay-ari na sya ng iba. And I'll be his bestman. Ako ang makakasama nya sa pag-aantay sa kanyang mapapangasawa.
Why wedding exist? I hate wedding ngayon palang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top