Chapter 40
GULFS POV
Marahan akong bumangon, ingat na ingat para hindi magising si Mew na mahimbing na natutulog sa aking tabi.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Hinawi ko ang buhok na nakatabing sa kanyang noo. Matama ko syang pinagmasdan. Kinabisado ko ang bawat linya at kurba ng kanyang mukha habang impit akong humihikbi.
Gising ako mula kanina. Hind ko alam kung mababa ba ang alcohol content ng beer na nabili ko o tumaas na ang alcohol tolerance ko. Alin man sa dalawang rason, hindi ko ito gusto. Mas nanaisin ko pa na nalasing nalang ako ng tuluyan. Baka kaya ko pang aluhin ang aking sarili sa ginawa kong pagmamakaawa kanina. Baka pwede ko pa sa sabihin sa sarili ko na OKAY LANG YAN, MAY IMPLUWENSYA NG ALAK KAYA MO NAGAWA IYON.
Pero hindi. Wala akong masisi kundi ang sarili ko. Nagmahal ako ng sobra. Dapat pala ay hindi ko hinayaan ang sarili ko na mahulog at mahalin ng sobra si Mew.
Kung may isang bagay na mahirap hulaan, maliban sa kilos ng mga kriminal, iyon ay coincidence. Pagkakataon ng mga bagay-bagay. Pagkakataon na magkita kayo sa iisang lugar. Mga pagkakataong na minsan ay nanaisin mong hindi nalang nangyari
Natatawa ako sa aking sarili. Para akong tanga kanina ng makita ko sila. Hindi ko alam na doon din pala nakalibing ang lolo ni Mew. Si Strong ang nagsuggest ng sementeryong iyon para paglibingan kay Eyes. Sya din ang nagbayad ng lupa na pinaglibingan sa kasamahan naming.
Si Anuson ang una kong nakita kanina. Mabilis akong humiga sa tabi ng punto ng ni Eyes ng makita ko sya. Alam ko na kung nasaan si Anuson, andon din si Mew. Madalang pa sa patak ng ulan sa tag-init kung maghiwalay ang dalawa. Pinigilan ko ang aking sarili na tignan sila, ngunit sadyang mahirap pigilan ang udyok ng pusong nangungulila. Udyok ng pusong handang sumaya panandilian kahit na masaktan na pangmatagalan.
Kita ko kung paano alalayan ni Mew si Lyn. Kung paano nyang maingat na hinahawakan ang bewang nito para alalayan sa bawat paghakbang. Kung paano nya kinuha paying mula kay Anuson at sya na mismo ang nagpayong sa babae. Masakit iyon makita pero tiniis ko. Tiniis ko ang sakit dahil nakikita ko ang napakasimpleng ngiti ni Mew.
At nung makita ko na papalapit si Mew sa akin, mabilis kong pinikit ang aking mata. Nagpanggap akong lasing at nakatulog nalang sa sementeryo sa sobrang kalasingan. Hinayaan ko si Mew na yakapin at halikan ako. I missed him at iyon nalang ang tanging magagawa ko sa aking sarili. Masaya na ako sa simpleng ganun.
Pinandigan ko ang aking pagpapanggap. Nagtulog-tulogan ako hanggang sa makarating kami sa hotel. At nang makaalis si Lyn sa silid, may kung anong nag-udyok sa akin na tapusin na ang aking pagpapanggap. Sumugal ako ng hindi nag-isiip. Gumawa ako ng hakbang na hindi napagplanuhan ng maayos.
Nagmakaawa ako, umiyak, lumuhod sa kanyang harapan. I step low down, but the result is still the same. Nagpaka baba na ako para lang mahalin nya. Nagmakaawa na ako para maging akin sya. Handa sana akong gumawa ng higit pa doon, matawag ko lang syang akin pero hindi ko na magagawa pa iyon.
Hindi man nya sabihin, pero kita ko sa kayang mga mata ang sagot. Masakit na hindi sya nagsasalita pero kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lahat ng sagot na ayaw kong marinig. Masakit na makitang kahit handa kong gawin ang lahat, hindi parin nya akong kayang mahalin. Ayaw nya sumubok na mahalin ako gayong ako ay handang gawin ang lahat para sa kanya.
Siguro nga ay hindi kami para sa isa't-isa. Kung anuman ang rason nya sa ginawa nyang ito, handa akong making. Mag-aantay ako kung kelan sya handang magsabi sa akin ng lahat. Naniniwala pa din ako na totoo ang lahat na pinaramdam nya sa akin. Na minahal nya ako. Na hindi lang ako isang eksperimento. Tatanggapin ko na hindi kami para sa isa't-isa, ngunit gagawin ko ang lahat, mabago lang ang nakatadhana.
Mew is a businessman. A business tycoon in the making. Sa mundo nila, arrange marriage is too normal. And he is not an exemption. Kung ito man ang rason nya, mag-aantay ako na marinig ito sa kanya.
Pinuasan ko ang aking luha. Yumuko ako at hinalikan sa noo si Mew. This will be my last kiss to him. Baka ito na din ang huli naming pagkikita. Ito na din siguro ang huling pagkakataon na makakasama ko sya.
Tinignan ko ang kanyang labi at walang pag-aatubiling hinalikan ko iyon. I make the kiss deep. Hindi ako nabigo ng gumalaw ang labi ni Mew.
Marahan nya akong tinulak. I smiled at him. "Sorry. I just want to kiss you. Tulog ka na ulit."
Bumaba ako ng kama. Hindi pa man ako nakakahakbang ng isa ay napigilan na ni Mew ang aking kamay.
"Saan ka pupunta?"
Nilingon ko sya. "Uuwi na."
"Why? Don't you want to stay with me?"
Mapait akong napangiti. "Hayaan mo akong magtira ng kunti para sa sarili ko Mew. Kahit yung tira-tira nalang, sana ibigay mo sa akin."
Dahan-dahan binitawan ni Mew ang aking kamay. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko. Umaasa ako ng hihilahin nya ako pabalik sa kama at sasabihin ang mga bagay na gusto kong marinig. Pero tumango lang sya kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan si Anuson.
Iiling-iling akong umalis sa harapan nya at lumabas ng silid. Hindi na ako nagpaalam. Pakiramdam ko, sa oras na gawin ko iyon, hindi na kami talaga magkikita. Hindi pa ako ganun ka handa. Kunting panahon pa ang kailangan ko para makaya ko na magpaalam sa unang lalaking minahal ko.
"Gulf." Gulat akong napalingon. Si Anuson iyon na nagmamadaling lumapit sa akin kasunod ang ilang lalaki.
"Hindi na kailangan Anuson. Kaya ko umuwi mag-isa." Nakangiting sagot ko.
"Utos ni Mew." Aniya.
"Mas kailangan ka dito. Kaya ko umuwi mag-isa. Wag ka mag-alala, hindi ako magpapakamatay."
"Let them follow you."
Tumango nalang ako. Sa tingin ko, kahit na umayaw ako, susunod at susunod pa din ang mga ito sa akin.
Nang tumunog ang elevator ay agad akong sumakay doon. Sumunod din ang mga tauhan ni Mew at pinagitnaan ako.
"Gulf." Napatingin ako kay Anuson. Pinigilan nya ang pagsara ng elevator.
"Bakit?"
"Hold tight. Never let go."
Mapait akong ngumiti. "Kung sya magsasabi, susunod ako."
Tumango nalang si Anuson. Inalis nya nag kanyang kamay na nakaharang sa elevator tsaka humakbang paatras.
Pakasara ng elevator ay mariin akong pumikit. Ilang beses ako nagpakawala ng hangin sa aking bibig para kalmahin ang aking sarili at para mabawasan ang sakit sa aking dibdib.
Just a word mew. Isang salita mo lang, susunod ako. Kahit gaano kasakit, mananatili ako. Sabihin mo lang.
HADE'S POV
I stare at her. She's sitting down in front of me, with nervous eyes. Panay ang hithit nya sa kanyang sigarilyo. Walang tigil sa pagbuga ng usok ang kanyang bibig
"Die."
Gulat itong napatingin sa akin. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang panay ang buka ng kanyang bibig pero walang salitang lumalabas.
Attorney Niquita Saludsod, the fairy attorney for other but the devil angel for some. Bulag ang karamihan pero hindi lahat. Nakakabilib ang mga tao na kaya makita ang totoong kulay nya.
Attorney sa umaga, human trafficker sa gabi. Her duality really amazed me. Laki din ng pakinabang ko sa kanya. But not all the time she will be useful to me. She can't hide her tracked anymore. Halos hindi na sya makakilos ng maayos nitong mga nagdaang araw dahil sa mga nakabantay na pulis. She even needed to wear disguised para lang hindi sya masundan.
"Is that how you easily dispatch that police woman?" Ngingising tanong nya sa akin.
"Yeah. She's useless. Hindi nya magawa ng tama ang simpleng trabaho. Ano pa ba pakinabang nya bukod sa maging parausan ko? I can replace her as my bed warmer."
"And you will do the same to me? Baka nakakalimutan mo, nakadikit sa pangalan ng pamilya mo ang kas ana binabagsakan ng mga produkto."
Tumaas ang aking kilay. Tumawa ako ng mahina tsaka ako tumayo at marahang lumapit sa kanya. Umupo ako sa kanto ng maliit na lamesang nasa harapan niya. Hinawakan ko ang kanyang mukha. Marahan ko iyong hinaplos. I kissed her lips lightly.
Malaki din ang pakinabang ko sa kanya. She replaced Eyes as my bed warmer temporarily. She's good, hot and wild. She's good in bed. She always satisfied me.
But it's not her job. Her job description in not to warm my bed, but to sell minors. Warming my bed is just her part time job. Her main job is to earn money for my organization.
"I can do magic on that."
"Can't I stay by your side, Hades?" I can see fear in her eyes. Ano ba kinakatakot nya eh wala naman syang pamilya? Weak.
"You can't. Just die for the organization. I will treat you as a hero if you do that."
Lumipat ako sa tabi nya. Hinila ko sya at pinaupo sa aking kandungan.
"Let's have sex before you die. Let me bang the hell out of you before you go to hell."
GULF POV
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Mabigat ang aking mga mata at kakaiba ang aking pakiramda. Para akong lalagnatin.
Bumangon ako at bumaba ng aking kama. Dumiretso ako ng banyo para maligo. Pakatapos ko ay nagbihis ako ng kumportableng damit tapos ay lumabas na ako ng aking silid.
Dumiretso ako sa kusina. Agad kong napansin ang pagkaing nakatakip sa lamesa at ang not na nakadikit dito. Napangiti ako. Laging may nakahiwalay na pagkain para sa akin nitong mga nagdaang araw. Hindi man ako kinakausap ni Run, hindi naman nya ako hinahayaang magutom. Sinisgurado nya na may maiiwang pagkain palagi para sa akin.
Matapos kung kumain ay umalis ako. Ito na ang huling araw ng leave ko, balik trabaho na ako bukas. I want to visit Eyes for the last time. Sa dami ng kaso namin, hindi ko alam kung kaylan ko sya ulit mabibisita.
"Eyes." Bati ko sa puntod nya. Inilapag ko ang bulaklak na binili sa ibabaw nun tsaka ako umupo sa kanyang tabi.
"You already know this will happened right? Alam mo mamamtay ka na." Sinindihan ko ang kandilang dala ko at maayos iyon nilagay sa tabi ng bulaklak.
"I have your diary. Ilang page palang nababasa ko, pero pangako babasahin ko lahat yun." Nagpakawala ko ng isang malalim na buntong-hininga tsaka tumingin sa kawalan. "How are you sure na ako ang gagamit ng silid na iyon? Paano kung sya ang napunta doon? Pinlano mo na ba to?"
Muli kong sinulyapan ang kanyang puntod. "Help us. Help me. Ibibigay ko ang hustisya na nararapat para sayo."
Nakita ko ang diary ni Eyes kagabi sa ilalim ng kutson ng kamang hinihigaanko. Ayaw ko matulog sa kama kagabi kaya binaba ko ang kutson sa sahig. The diary is on the middle part of the bed. It's not the safest but whoever think that her diary is on the bed will not exert an effort para buhatin ang buong kutson. Sa bigat at kapal nun, tatamarin ang kahit na sino na buhatin iyon para lang makita ang pinakailalim. It's the dangerous place, but the safest.
Yun ang rason kung bakit napuyat ako kagabi. Inumpisahan ko iyon basahin. May mga nalaman ako. Mga bagay na nakakagulat at hindi . Mga lihim ng kung sinong tao. Nakakagulat lang na karamihan sa kanila ay kilala ko. Pero ang mas nakakagulat ay sya. Hades is the name. Wala sa hilatsa ng mukha nya na lider sya ng isang organisasyon. And, Vulcan. Mahirap talaga humusga ng isang tao base lang sa nakikita, dahil kayang magkunwari ng kahit na sino. Kaya nitong baguhin ang lahat.
Kinuha ko ang beer sa plastic na dala ko. Wala akong balak magpakalasing ngayon. Gusto ko lang uminom ng kunti. Susulitin ko ang aking bakasyon.
Muli kung inalala ang mga mga nabasa ko sa diary ni Eyes. Hindi ko inakala na ganun ang kanyang buhay. Bilib ako sa kanya dahil kinaya nya iyon. She's braved.
Natigil ang aking pag-iisip ng may makita ako na lalaki sa hindi kalayuan. Napakunot ang aking noo ko dahil nakatunghay ito sa puntod kung saan andon sila Mew kahapon. Ang wirdong suot nito. He's wearing a long light brown coat, sunglass and a cap. May hinihipa din itong pipa. Mukha syang sinaunang tao mula sa mga palabas sa telebisyon. Ang lakas ng makaagaw ng pansin ang kanyang suot.
Napatuwid ako ng upo ng itaktak nya sa mismong puntod ang apo ng kanyang pipa. Nagsalubong ang aking kilay sa kabatusan nito at mas lalong bumuhay ang inis sa aking dibdib ng tapak-tapakan nito ang nitso habang tumatawa ng malakas.
Akma akong tatayo ng biglang mag vibrate ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa aking bulsa. Kunot-oo ko na sinagot ang tawag ng makita ang pangalan ni Mild sa screen.
"Bakit?" Takang tanong ko. Muli akong napatingin sa pwesto ng lalaki kanina pero wala na ito doon. Hinanap sya ng aking mata at nakita ko sya sa hind kalayuan, papasakay na sa itim ng kotseng napapalibutan ng mga lalaking nakaitim.
"Gulf, come at the headquarters. NOW!" Then the call ended.
Kunot-noo kong tinignan ang scree. Si Miss Wendy ang nasa kabilang linya at seryosng seryoso ang boses nito. Ibinalik ko nalang sa bulsa ko ang cellphone at tumingin sa puntod ni Eyes.
"Thanks for the diary. Promise, justice will serve to you soon." Tumayo ako. Kinuha ko ang plastic na dala ko. Iniwan ko sa ibabaw ng puntod ang lata ng beer na binuksan ko kanina. "Tell we meet again, Eyes."
Dumaan ako sa puntod na kinatatayuan ng lalaki kanina. Tinignan ko iyon at binasa ang pangalan na naandon.
Eligio Joongcheveevat
Is he Mew's grandfather on mother side? Baka nga. Iba ang apelyido nito kay Mew.
Umuklo ako at nilinis ang puntod. Inalis ko ang abo na nakakalat dito gamit ang baby wipes na binili ko kaniina. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. May kakaiba din akong nararamdaman sa dibdib ko. A warm feeling with a pinch of pain and familiarity.
Matapos ko itong linisan ay nagsindi akong kandila at nilagay iyon sa ibabaw punto. Kunot-noo kong hinimay ang pangalan nakaukit doon. Nagpakawala akon gisang malalim na buntong-hininga bago ako tumayo at tuloyang umalis ng sementeryo.
Dumaan muna ako saglit sa apartment para maligo ulit. Hindi ako pwede pumunta ng headquarters na amoy alak. Naglinis ako ng maayos ng katawan ko. Siniguro ko na hindi ako maamuyan ng alak ng kahit na sino sa mga maabutan ko doon. Pakatapos ay umalis na ako.
Nagulat ako sa dami n mga pulis sa headquarters naming. May mga medical team din na andon. Maging mga taga bomd division ay naandon na din. Hindi naman ako nahirapan na hanapin si Mild sa kabilang ng dami ng tao sa headquarters. Lumapit ako sa kanila at umupo sa pagitan nila ni Run.
"Anong nangyar?" Takang tanong ko.
"Saludsod became careless. Pumunta ito sa casa at nasundan siya. Strong is the one who notice her leaving her unit in a disguised. We follow them and boom, we found her hide out." Paliwanag ni Mild.
Napatango nalang ako. Finally, matapos na ilang araw na pagsubaybay nakuha na din namin ang kailangan namin. The hide out na sinasabi ng mga nagrereklamo at nagdedemanda laban sa attorney.
"Ayos ka lang ba?" Nag-alalang tanong ni Mild.
"Don't start it Mild." Awat ko sa kanya. Alam ko may alam sya. Malamang mas madami pa syang alam kaysa sa akin sa mga nangyayari. Pero hindi ko muna iisipin iyon ngayon. Kailangan ko mag focus sa kaso na ito. This will be the biggest case na mahahawakan namin. Kailangan ko maging seryoso muna dito. Isasantabi ko muna kung ano ang nararamdaman ko.
Hindi nagtagal ay nasimula na ang meeting naming. May mga taga dswd din kaming nakasama. Lahat ng detalye ay pinag usapan. Mula sa pagpasok sa casa hanggang sa pagsagip sa mga biktima sa loob. Safety is a must. Hanggat maari iiwasang may mamatay o masaktan, pero kung may manlalaban, shot to kill agad. Pero kailangan na mahuling buhay ang attorney. Hindi sya pwedeng patayin pero pwedeng saktan. Shot to disabled but not to kill.
Agad kaming naghanda para isagawa ang opersayon. May nasagap na impormasyon na may magaganap na auction mamaya lang. Ibebenta nila ang iba sa mga mayayamang parokyano at ang matitira ay ipapasok sa mga bar para maging bayarang babae.
"Gulf, wear this." May iniabot sa akin si Miss Wendy na damit. Kunot-noo ko iyong kinuha at takang tumingin kay Miss Wendy.
"You will be one of the bidders."
"Akala ko ba papasok tayo agad bago pa mag auctioned? Takang tanong ko.
"Change of plan. Nakatunog sila sa mangyayari. We are going to wait for the auction. You will be one of the bidders. Mild and Strong will assist you." Paliwanag ni Miss Wendys.
"Pili lang ang naka auction. Paano yung iba?" Muling tanong ko.
"We will do the rest. Ang kailangan mo makuha ay ang anak ng isang senador." May inabot sa akin si Miss Wendy na litrato ng isang babae. Bata pa ang mukha nito. Maiksi ang buhok, balingkinitan. Mukha syang manika dahil sa mabilo nitong mata.
"Her name is Liza Mae. You have to bid for her. She should be safe at all cost. Once you get her, the raid will begin. Kailangan mailabas mo sya bago pa magkagulo."
Tumango ako at muling tinignan ang larawan. Tiningnan ko din ang damit na susuotin ko. Pasimple akong napangiti ng maalala ko si Mew. Halos ganito palagi ang sinusuot nya pag pumapasok ng trabaho. Ipinilig ko ang aking ulo ng maramdaman ko ang sakit sa dibdib ko. Hindi ko muna dapat isipin iyon. Yung task na nakaatang sa akin ang dapat kong isipin at iplano. That girl is too young to experience all of it. Malaki ang magiging epekto nito sa kanya.
Eksaktong alas dyes ng gabi ng makarating kami sa nasabing casa. May mga pulis ng naunan sa amin sa loob. Some of them disguised as a waiter, samantalang ang iba ay mga bantay sa likod. May nakaabang na din sa bawat checkpoint, dahil ayon sa source, isasabay ang auction sa paglilipat ng ibang kabataan sa mga club. Nalaman din naming na kaya nila ito gagawin dahil may nag leak na impormasyon tungkol sa meeting. The spy already caught and the plan change accordingly. Kailangan lang maibaba nila Attorney Saludsod ang pagiging alerto nila. At sa tingin ko ay nagawa na iyon. Naipaalam na kasi na hindi matutuloy ang raid. Yun lang ang naisip na simpleng paraan para maibaba ang pagiging alerto ng kabilang kampo.
Nilibot ko ang tingin sa pagdadausan ng auction. May maliit na stage sa harapan. Maayos ang pagkakahilera ng upuan sa harap ng stage. May malaking screen sa taas nito na sa tingin ko ay para sa mga matatandang parokyano na malalabo na ang mgat. May pagkain sa isang tabi.
Halos lahat ng bidders na nakikita ko ay mayayaman. Halo-halo ang tao sa loob. May babae at lalaki. Karamihan ay matatadang lalaki at matrona. Lahat ay nakasuot ng maskara. Iba-iba ang desinyo. Mukhang masquerade party kesa sa auction ang dating ng lugar dahil na din sa mga maskarang suot namin. Mask minus the gown.
"Ang dami naman nilang hinandang pagkain. I want to eat." Ani ni Miss Cindy Oldic. She a secret agent. Kasama niya si Ian. They are with us dahil sa isang bagay na kailangan nila iretrieve. It's the serpent sapphire na pag-aari ng pinakaunang hari ng Englatera. Kailang nila iyon at makuha at maibalik sa royal family. Ayon sa importmasyon na nakuha nila, si Liza Mae ang magdadala noon. Isasabay iyon sa pagbenta sa kanya. It's a 2 in 1 bidding.
"Stop being glutton Cindy. Ibibili kita makakain mamaya pakatapos ng ating misyon." Ani Ian.
"Sabi mo eh." Napailing nalang si Ian at ako naman ay natawa sa kanila.
"Maupo na tayo. Malapit na magsimula ang auction." Ani Mild. Sumunod kami kay Mild. Sa unahan an gaming pwesto, thanks to the agency of Ian and Cindy. They got a nice spot.
Pakaupo naming ay nilingon ko si Strong at Bright na nakapwesto sa bandang likuran. Hindi sila bidders, pero nasa loob sila at nagpakilala na isa sa mga bibili para makapasok. They will make a way for us para makalabas kami once na nakuha na naming si Liza Mae at ang serpent sapphire.
Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang bidding. The host is none other that Attorney Niquita Saludsod na hindi man lang nag-abala na gumamit ng ibang pangalan sa pagpapakilala. See just omitted her profession and goes with name The Queen Niquita Saludsod.
Kinilabutan ako sa kung paano magpatagisan ng halaga ang mga nasa loob. Naawa ako sa mga binibentang babae at lalaki na tanging manipis na saplot lang ang ballot sa katawan. Ang iba ang halos gahasain na sa intablado. Panay ang hagod ni Mild sa likuran ko. Panay din ang hawak at pisil nya sa braso ko para pakalmahin ako. Maya't-maya ang paalala nya na kontrolin ko ang aking emosyon para hindi ko masira ang operasyon.
Ginawa ko ang bawat utos ni Mild. Pilit ko pinakalma ang sarili ko kahit na gustong-gusto ko ng tumalon patungo sa entablado, barilin si Saludsod at iligtas ang mga binenta nila. Miss Wendy help me by giving me permission to catch Saludsod. Si Mild na ang maglalabas kay Liza Mae pero pa din ang kukuha sa kanya sa entablado.
Makalipas ng isang oras, inansyo na ang Star of the Night, na walang iba kundi ang babaeng pakay naming. Lumabas itong walang saplot, nakapiring ang mata, may busal sa bibig at nakatali ang kamay sa harapan. Hawak nito ang isang magandang pigurin na syang pakay ni Cindy at Ian.
"Bid in one down. We need to the raid bago pa nila malaman na natuloy ang ating operasyon. Nasawata na ng kabilang grupo ang mga tauhan ni Saludsod na may dala ng mga dadalhin sa mga club. One of them escaped. Kaya kailangan nating magmadali bago sila may malaman." Ani ni Miss Wendy mula sa earring headset na suot ko.
"Noted."
Umayos ako ng upo. Tumikhim muna ako at hinigpitan ko ang hawak sa numerong hawak ko.
"Relax pogi. Back up mo kami." Ani Cindy sabay pisil sa aking braso.
Tumango ako sa kanya. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at hinanda ang aking sarili.
"Starting bid, one million pesos." Anunsyo ni Saludsod na abot tenga ang ngiti.
"One trillion." Itinaas ko ang hawak kong numero. Natahimik ang lahat. Ang iba ang napasinghap sa binanggit ko na halaga. Maging si Saludsod ay napaawang ang bibig. Tumayo ako at lumapit sa entablado. Sinalubong ko ang mata ni Saludsod. "I bid one trillion. Take it or leave it."
Agad na tumikhim si Saludsod. Ngimiti at humarap sa lahat ng naruon.
"This generous lad, bid for a one trillion. Going once? Going twice?" Walang nag bid. Nanatiling tahimik ang lahat.
"Our star of the night is sold to Mr. 364." Masayang anunsyo ni Saludsod tapos ay humarap sya sa akin. "Use her well sir." Nalanding sabi nya. Hindi ko sya pinansin. Hinagis ko sa kung saan ang numerong hawak ko at umakyat sa entablado. Hinubad ko ang suit na suot ko at binalot iyon sa hubac na katawan ng dalaga.
"Now!" Utos ni Miss Wendy sa amin.
"Walang kikilos, pulis 'to" Sigaw ni Strong.
Agad kong niyakap si Liza Mae. Inalis ko ang kanyang piring tapos ay binubot ko ang baril na nasa aking likuran.
Nagkagulo ang lahat. Kanya-kanyang takbo at putok ng baril. Yung mga matatanda ay hindi na nagawang makaalis pa sa kinauupuan nila. Pinalibutan nalang sila ng mga tauhang kasama nila para maprotektahan.
"Mild!" Tawag ko. Lumapi sa amin si Mild. Pinasa ko sa kanya ang dalaga tapos ay pinaputukan ko ang mga tauhan ni Saludsod na nagpoprotekta sa kanya.
BANG! BANG! BANG!
I shot all his men on head. Hindi lang isa kundi tatlo ang binaon kong bala sa kanilang mga bungo. Walang akong binuhay at wala akong balak buhayin sila.
Inilang hakbang ko lang ang pagitan namin ni Saludsod na hindi na makakilos sa isang sulok. Tinanggal ko ang aking maskara at inihagis iyon kung saan. Nagdidilim ang aking paningin, nanginginig ang aking kalamnan habang diretso akong nakatingin sa mata ni Saludsod.
"Kill me, kung kaya mo." Nakangising sambit ni Saludsod. Nanunudyo ito. Nanunukso. Nang-uudyok, animo may binubuhay sa aking kalooban.
"Kung pwede lang, ginawa ko na kanina pa."
BANG!
Pinapatukan ko sya sa braso. Sa halip na indahin nya ang sakit, tumawa pa ito. Nakakalokong tumingin sa akin. "Is this all you can do?" Tukso nya.
BANG!
Pinaputukan ko sya sa kabilang braso. Bahagya syang ngumiwi. Lumapit ako ng husto sa kanya at tinutok ang aking baril sa kanyang sintido.
"Let me guess? You have a question in mind. Why I do this? Tama ba ako?"
Hindi ako sumagot. Matama ko syang tinitigan. Inalis ang aking daliri sa gatilyo. Baka hindi ko makontrol ang aking sarili, makalabit ko ito.
"I'll give you an answer. A simple explanation. Bakit ko ito ginagawa? Para magkaroon sila ng silbi. Para makatulong sila sa kanilang magulang. Para hindi sila palamunin. Nakapag-aral na din naman sila. They know how to read and write. Hindi na sila masasabing mangmag, pero hindi na nila kailangan pang ma-aral. Kailangan nila magkaroon ng silbi."
Hindi ako sumagot. Sa halip ay inalis ko ang baril sa kanyang ulo at pinaputukan ko ulit ang kanyang braso.
"I dare you to kill me." Panunuksyo nya. Dumausdo sya at pinantay ang kanyang ulo sa nguso ng aking baril.
"You don't deserve an easy death." Sagot ko. Kinuha ko ang posas sa aking likuran at pinusasan sya. Hinanap ko si Bright at Strong at ng makita ko sila ay sinenyasan ko silang lumapit sa akin.
"Alam mo ba ang pinakaimportanteng aral sa pakikipaglaban?" Tanong ni Saludsod. Hindi ako umimik. Tinalikuran ko sya para kalmahin ang aking sarili. I have to calm down, or else mapapatay ko sya.
"Mukhang hindi ka naturuan ng maayos. Let me teach you one golden lesson. Never turned your back to your enemy unless you already knock him or her down already."
BANG!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top