Chapter 38

RUN'S POV



"You can go now, Algie." Utos ko sa aking pinaka kanang-kamay sa tartaros ng maayos ng naihiga si Gulf sa kanyang kama. Agad naman itong sumunod. Nagbow lang sya sa harapan ko at lumabas na ng kwarto ni Gulf.



Iiling-iling ko pinagmasdan ang natutulog na si Gulf. His drunk. Sagad na sagad sya sa kalasingan. Sa tagal ng pagbabantay ko sa kanya ng palihim, kanina ko lang syang nakitang ganun. Tulala, wala sa kanyang sarili. Kusang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi rin nya alintana ang mga taong nasa paligid nya na palihim na sumusulyap sa kanya



Mabuti nalang at sa club ni Boun sya napunta. Hindi nahirapan sila Algie na pumasok kahit na may dala silang mga baril. No need for any identification dahil agad na silang nakatimbre sa entrance pakapasok palang ni Gulf sa loob. Hindi ko nga lang alam kung magagalit baa ko kay Boun o hindi. At some point tama sya. Gusto ni Gulf magpakalasing, alangan nga naman gatas ang ibigay nya.



The moment I received a call from Algie that Gulf left the hotel, alam ko kung saaan ang tungo nya. I was expecting ktv bars or other club. Maybe his guardian angel guided him here.



Napabuntong-hininga nalang ako. Inayos ko ang kumot ni Gulf tsaka ako lumabas ng kanyang silid.



"How is he?" Yun agad ang tanong sa akin ni Mew. Nasa sala sya, nakaupo. He seems okay, but he's eyes tells everything.



Nasa tapat nya si Algie na agad naman tumayo at lumabas. He seems uncomfortable of Mew's presence. Who will not? He might be my right-hand man and the first member of tartarus, but the intimidating aura of Mew is really something. Kahit ako ay nararamdaman ko iyon. Luckily, sanay na ako. He has an effect on me, but I can handle it.



"Bakit hindi mo sya silipin?" Sagot ko. Umupo ako sa pwesto ni Algie kanina at diretsong tumingin kay Mew.



"No need. If he's fine, aalis na ako."



Tumayo sya. Saglit nyang sinulyapan ang pinto ng kwarto ni Gulf. Hes restraining he's self.



"Why don't you just follow your heart kaysa sa nagpapakahirap ka ng ganito?" Tanong ko.



"What's the use of it? Kung susundin ko ba ang puso ko, magbabago ang lahat?" Pagak syang tumawa tsaka muling umupo. Pabagsak syang sumandal sa kinauupuan nya at tumingin sa kisame. He's crying. This is rare. Ang pag-iyak ni Mew ang huling emosyon na inaasahan ko na makikita ko sa kanya. Hindi ko ito inaasahan. 



"Why don't you explain everything to him? Alam mo na may alam na sya."



Tumingin sya sa akin, direkta sa mga mata ko. Hindi ko alam, kaya ko palang kilabutan sa sakit na nakikita ko sa kanya. Nagsisimula palang ang lahat, pero ganito na ang sakit na nakikita ko sa mga mata nya. Ano pa kaya sa mga susunod na maaring mangyari?



"Sa tingin mo maiintindihan nya ba ko? Magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Magkaiba kami ng paniniwala sa mga bagay. Iba ang ibig sabihin ng mabait sa kanya. Maging ang paraan ng upang makamit ang hustisya ay magkaiba ang aming alam. We both know the same words, but it has a different meaning on us. Paano ko sasabihin sa kanya ang alahat? Saan  ako mag-uumpisa?"



"Hindi ko sinasabi na ikwento mo ang lahat sa kanya. Atleast man lang yung tungkol sa inyo ng prinsesa ay ipaliwanag mo. Give him the information he needed. Nasasaktan ka sa sitwasyon nyo, pero higit na nasasaktan si Gulf dahil wala syang alam."



"I already considered that. Pero matalino si Gulf. At the end, malalaman at malalaman nya ang lahat sa akin mismo."



"Hindi ba mas maganda iyon? Maganda na malaman nya lahat mula sayo?"



"Hindi ko alam. Maaring oo, maaring hindi. He might understand me or not. Everything is complicated. I can't see exact scenario on everything."



Napabuntong-hininga ako. Naiintindihan ko sya. Ang mundo naming ay lugar na mahirap unawain. Lahat ng bagay ay salungat sa kinamulatan ng lahat. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko na malaman ni Gulf ang lahat mula kay Mew. Kung hindi lang sana komplikado ang lahat, madali lang iyong gawin. Baka nga hindi na umabot pa sa ganito.





"I have to go." Pinunasan ni Mew ang kanyang luha bago sya tumayo. "Take good care of him." At umalis sya na hindi man lang inaantay ang sagot ko. Naihatid ko nalang sya ng tingin hanggang sa tuluyan syang nakalabas ng aming tinitirahan.



Love is a feeling that can me make you happy, but at the same time it can hurt more you more than you can imagine. Parehas nilang mahal ang isa't isa. I can't say that their love is wrong. They just have the love at right place but in the wrong time. Ramdam ko na may isa sa kanilang susuko.



MEW'S POV



"Saan ka na naman galling?" Napatingin ako sa may hagdan. The man I hate the most is walking down the stair with a wine glass on his left hand.



"None of your business." Sagot ko sa kanya.



"Masyado ka na atang bastos Mew." Tumigil sya sa tapat ko. Luckily he knew how to distance his self to me.



"Bakit? Dapat ba kitang irespeto?" Blanko akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sya andito gayong may sarili naman syang manyon.



"Nakakalimutan mo yata na ama mo ako?"



"No. I can clearly remember the spelling your name that was written in my birth certificate. It's just that, you don't deserve even an inch of my respect."

Sumama ang tingin nya sa akin. He made two steps forward. "Masyado ka na atang matapang. May maipagmamalaki ka na ba? Alin bay an? Yung pagkakaroon mo ng ampon? Baka nakakalimutan mo, isang buwan pa ang hihintayin mo bago mo mahawakan ang buong kapangyarihan ng pagiging pinuno."



"Wala akong nakakalimutan. I can remember everthing from the start. Ni isa wala akong nakakalimutan. Kahit kung paano mo pinatay ang aking ina, kung paano ka nagdiwang ng mamatay si lolo at kung paano mo pagtangkaan ang buhay ko ng malaman mo na ang pwesto bilang pinuno ay iniwan sa akin ni lolo. I remembered every detail. Gusto mo ba isa-isahin ko?"



Lalong sumama ang tingin nya sa akin. Humigpit ang pagkakahawak nya sa wine glass na nasa kanyang kamay. Gumagalaw ang kanyang panga sa galit. I smiled at him na lalo nyang kinagalit.



"Baka ikaw dad ang nakakalimot. Baka nakakalimutan mo na sa papel lang kita ama. Si lolo pa din ang tumayong ama ko. Kung papabago ko ang pangalan ng ama ko sa birth certicate ko, baka lalong mawala ang respeto ko sayo."



"Wag ka masyadong mayabang, wala ka pang napapatunayan. Kaya pa din kitang paikutin sa palad ko bata."



Ngumisi ako at naglakad papalapit sa kanya. I looked straight in his eyes. "Really? Let me remind you one thing dad. You're just Poseidon, I'm still the Zeus. You're just a regent, I'm still the leader. One word from me and all your decision can be put aside."



Tinapik ko ang kanyang balikat tapos ay iniwan ko na sya. Hindi ako aatras sa kung anong laban ang gusto nya. Lalaban ako sa paraang hindi nya inaasahan.



Dumiretso ako sa kwarto ni Lyn. Kumatok lang ako ng tatlong beses bago ako tuluyang pumasok sa loob.



"Sir?" Gulat na tanong ni Jane Linda, ang alalay ni Lyn.



"Did my father talk to her?" Lumapit ako sa gilid ng kama nya at pinagmasdan ko sya. Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha ni Lyn.



She's beautiful. Her beauty suits her title as a princess. But she's dancing on my father's palm. She's my father's toy and I can't take it. Hindi nya kailangang sumayaw sa saliw ng musika ng aking ama. At gagawin ko ang lahat para hindi na rin nya kailangan maging sunod-sunuran pa.



"Yes."

Inayos ko ang kumot ni Lyn tsaka ko hinarap si Jane.



"Tell me." Minuswestra ko syang umupo sa maliit na upuan na nasa gilid lang ng kama. Agad naman syang sumunod.



"Your father asked her about Gulf."



Agad kong naikuyom ang aking kamao. "And?"



"Wala syang sinabi dahil wala naman talaga syang alam. I think your dad is planning something for that man. You should protect him also."



"He can protect his self. No need for me to protect him." Sagot ko. "Anything else?"



"My princess was instructed to have a baby soon. Kailangan nyang ipagbuntis ang anak mo sa mas lalong madaling panahon."



Napatango-tango ako. As I expected. He's planning to control my child the way he controlled the princess.



"Tell the princess that he will have my son." Yun lang at umalis na ako ng kanilang silid.



Let's play the game the way you want it dad. But I'll make sure, I will win.



GULF'S POV

Nagising ako na masakit ang aking ulo. Marahan akong bumangon at bumaba ng kama. Nagtungo ako sa banyo at nilinis ko ang aking sarili bago ako tuluyang lumabas ng silid at nagtungo ng kusina.



As usual inabutan ko doon si Run. Maging si Strong ay andon din at nagkakape.



"Buti naman at gising ka na. Magkape ka na agad." Ani Run.



"May ganap ba?" Takang tanong ko. Halatang natataranta si Run. Dumiretso ako sa lagayan ng pangsangkap sa kape.



"He just received call from Miss Wendy. Nakita na daw si Eyes." Si Strong ang sumagot. Tumayo sya tapos ay nagtungo sa tabi ni Run. "Let me, eat your breakfast with Gulf." Sabi nya kay Run. Agad naman sumunod si Run sa kanya.



"Talaga. Saan?" Tanong ko. Nagmadali na din akong magtimpla ng kape.



"Sa ilalim ng isang tulay sa kabilang bayan."



"Huh?" Nagtataka ako na umupo sa tapat ni Run.

"Patay na sya."



Ayaw ko maniwala sa sinabi ni Run. Kaya naman kahit hindi maganda ang aking pakiramdam ay agada ko nagbihis at nag-ayos ng aking sarili. Gusto ko malaman ang totoo. Gusto ko makita mismo ang bangkay ni Eyes.



Gamit ang motor ni Run ay nakarating kami sa sinasabing tulay ni Run. Naabutan naming doon sila Miss Wendy, Mild at Bright. Si Strong ay hindi na sumama sa amin dahil naka day off sya. Hindi ko alam kung ano ang rason nya at wala din naman ako balak alamin.



"Miss." Agad na bati ko kay Miss Wendy. Napangiwi ako at agad ko natakpan ang aking ilong ng masinghot ko ang masangsang na amoy. Inabutan ako ni Miss Wendy ng facemask na agad kong isinuot.



"Sigurado ba kayo na si Eyes yan?" Tanong ni Run. He like Eyes, sigurado ako na masakit ito para sa kanya.



"Hindi pa masyado. Pero base sa mga nakuha na mga gamit, it's her." Sagot ni Miss Wendy.



"Paano ito nalaman?" Takang tanong ko. Base kasi sa eksenang nakikita ko, may kung anong hinuhukay pa. Idagdag pa na ilalim ito ng tulay.



"Yun din ang pinagtataka ko. Ilang araw ng taas-baba ang tubig dito ayun na din sa mga residente, pero ngayon lang nakita ang bangkay. At ang mga gamit nya ang unang nakita. The one reported us that it was Eyes Cervantes, pero ng tanungin namin kung kaano-ano nya si Eyes, wala syang maisagot. There's a lot of loopholes here." Sagot ni Miss Wendy.



"And this." Inabot sa akin ni Mild ang isang maskara. Ang maskara na kamukha ng maskara ng lolo ni Mew.



"This one is fake." Sabi ko habang nakatingi sa maskara.



"Paano ka nakakasiguro?" Tanong ni Miss Wendy.



"I already saw the original."











Lahat ng tao ay may masamang parte. Walang tao na nabubuhay na puro lang kabaitan ang meron. Walang ganun. Sadyang mas lamang lang ang kanilang kabaitan kesa sa kasamaan. Pero hindi ibig sabihin nun, hindi na sila nakakagawa ng masama. They still did, hindi nga lang siguro ganun kalala.

Pero kahit na ano pa ang maging eksplinasyon ng lahat, no one deserve to died in a tragic way. Kahit pa ang pinakamasamang tao ay hindi nararapat na mamatay sa hindi tamang paraan. We might think they deserve it, but still it's a no. Wala ang sinuman sa atin ang may karapatang magtakda kung paano mamatay ang masamang tao. Wala rin tayong karaptan na sabihin nararapat lang iyon sa kanila. Alam natin kung sino ang tanging may Karapatan na magtakda ng nararapat.



Kung hihilingin natin na mamatay sila sa brutal na paraan, parang hindi narin tayo nalayo sa kanila. Pinagkaiba ang naman, hiniling lang natin, sila naman ay ginawa nila. We just make our self as a criminal in a different way.



"We just need to wait for the autopsy report, tsaka tayo kikilos." Basag ni Miss Wendy sa katahimikan naming. Halos kadarating lang naming sa opisina. The body was retrieved, kailangan nalang naming hintayin ang resulta ng otopsiya.





"Hindi ba natin pwede umpisahan na ang pag iimbestiga?" Tanong ni Bright.



"Saan naman tayo magsisimula?" Tanong ni Mild.





"Sa mga taong ginawan nya ng hindi maganda. Someone like Mew."



Hindi ako umimik pero tinignan ko sya ng masama. Pinagbibintangan nya ba si Mew?



"Sinasabi mo ba na si Mr. Suppasit ang syang pumatay kay Eyes?" Tanong ni Miss Wendy.



"Just a suspect. Alam natin kung ano ang nangyari sa kanya dahil sa pagkain na binili ni Eyes. Mr. Suppasit is a businessman. That was a threat to someone like him. Mayroon syang motibo para pumatay." Sagot ni Bright.



"Hindi ba masyadong mababaw ang rason na yun?" Iritadong tanong ko. May punto sya. Lahat ng tao na may rason para patayin si Eyes ay pwedeng maging suspect. Even I  can be s a suspect also. Sadyang hindi ko gusto na pinagbibintangan si Mew. It's not because he's not capable of doing that kind of thing, ayaw ko lang talaga pinagbibintangan sya, dahil alam ko na hindi sya ganoong uri ng tao.



"Para sayo, malalamang na mababaw lang iyon, pero para sa mga katulad ni Mew, malaking bagay ang ganoong pangyayari. Sa mundo nila, lahat ng bagay na sa tingin mo ay maliit lamang, sa kanila, malaki na iyon. Even Mild's family can be a suspect also."



"Wala silang alam sa nangyari." Sagot ni Mild sa madiin na paraan.



"But your lover knew it."



"And? Are you saying that my lover did it? Come on, Bright. You came from a family of doctors. If the doctor wanted to kill someone, sa tingin mo mag-eeffort pa ba sila na dalhin sa ilalim ng tulay ang bangkay at ilibing doon?"



"No one knows." Kibit-balikat na sagot ni Bright tsaka binalingan si Miss. "What do you think Miss? Rather than staying like this, bakit hindi na tayo magsimula mag imbestiga. Everyone can be suspect as long as they have a reason to kill someone."



"Let's do it." Lalong sumibol ang inis sa aking dibdib, pero hindi ako makaangal. Baka ikalala lang ito ng lahat. I'll protect Mew. Hindi ko hahayaan na makaladkad ang kanyang pangalan sa kasong ito.



"Then, let Gulf investigate Mew. I mean just a normal investigation. While me, I go for Mild lover." Ani Bright tsaka ito ngumisi ng nakakaloko. What's with him? Bakit parang bigla syang nag-iba? Why is it seemed like he's into this case? Samantalang isa sya sa may ayaw na hanapin pa si Eyes. Did I miss something?



"Okay. Let's do Bright suggestion. Run, you go with Gulf. Mild you go with Bright. Mahirap magharap ang parehas doctor." Ani ni Miss Wendy.



Agad kaming kumilos. Si Mild ay panay ang dabog hanggang sa maghiwalay kami sa entrance ng headquarters. Bright is enjoying Mild's reaction na lalong ikinainis ng huli.



"Anong meron kay Bright?" Takang tanong ni Run ng makasakay kami sa police car.



"Hindi ko din alam. Para ibang tao sya." Sagot ko. Binuhay ko ang makina ng sasakyan pakatapos ay minani-obra ko ito paalis ng parking space.



"Parang nga. Nakakagulat na bigla syang naging interesado sa kaso ni Eyes, eh kung makatutol sya noon, parang tumututol ng kasal."



Hindi nalang ako umimik. May mali, pero tsaka ko na iisipin iyon. Kailangan ko maialis ang pangalan ni Mew sa kasong ito.



Agad kaming nakapasok sa bahay ni Mew kahit pa police car ang sinasakyan naming. Sanay na ang mga tauhan ni Mew na makita akong naka uniporme pang pulis kaya siguro hindi na sila nag-alinlangan pa na papasukin kami.





Si Anuson ang sumalubong sa amin sa main entrance ng bahay. Sya ang sinabihan ko tungkol sa pagpunta naming dito at sa aming pakay.



"Nahihintay na sya sa sala." Ani Anuson. Tumango lang ako bilang sagot. Pinagbukasan niya kami ng pintuan at sinabihang pumasok.



Katulad ng sabi ni Anuson, nasa sala si Mew, naka-upo at inaantay kami.





"Mew." Agad na bati ko sa kanya. Nginitian ko sya ng simple.



"I'm willing to cooperate. Just make it fast, madami kasi akong appointment ngayon." Aniya.



Tumango ako. Umupo ako sa tabi katabing upuan nya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko siya sinumulang tanungin. Bawat sagot niya ay sinusulat ni Run. Normal na tanong lang ang tinatanong ko kaya naman mabilis kaming natapos.

"Is she really dead? How come?" Tanong sa akin ni Mew.



"Hindi rin namin alam. Nasa proseso ang pag otopsiya sa kanyang katawan. Inaantay pa naming ang resulta." Sagot ko.



"Wala pa palang resulta, pero bakit iniimbestigahan nyo na agad si Mew?"



"Lyn."



May kung anong dumagan sa dibdib ko ng ngumiti si Mew kay Lyn. Mula kanina ay hindi pa ito ngumingiti. Hindi nya sinuklian ang ngiti ko kanina. Hindi ko naman yun ininda. Andito kami bilang police officer na nag iimbestiga at hindi bilang isang panauihing pandangal. I know how professional Mew is, pero ang makita ko na ngumiti sya kay Lyn, para akong tinarak sa milyong kutsilyo sa dibdib.



"It's just a process, Lyn." Ani Mew. He's voice. That was the same voice he is used to me during my stay here.



"But why? You're not a suspect."



"Everyone can be suspect until proven guilty. Suspect palang sya dahil may ginawa si Eyes sa kanya. Mababaw man ang rason na iyon, pero isang potensyal na pa rin iyon para gawan nya ng masama si Eyes."



"Do you think he can do it?"Inis na tanong ni Lyn.



"Everyone can as long as there is a reason. Wala kang alam sa proseso ng pagiimbistiga namin. Sa tingin ko, wala kang karapatang tanungin kami ng ganyan.



"Gulf." Saway sa akin ni Mew.



What is that? Is she defending her?



Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga tsaka kao tumayo at tumingin ng diretso kay Mew. Sana alam mo kung gaano 'to kasakit sa akin Mew. I'm trying to protect you, while you are protecting and defending her.



"Aalis na kami. Salamat sa kooperasyon Mew. Alam ko, alam mo na proseso namin ito. Hindi ko alam kung paano makitungo sa isang prinsesa. If I offended her, then sorry."



Pakasabi ko noon ay binalingan ko si Run at sinenyasan na aalis na kami.



"I'm sorry." Napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko iyon sa prinsesa. "My emotion got me. If I did something wrong, I'm sorry."



Humarap ako sa kanya at simpleng ngumiti. "It's okay. But never do it again to others."





"I'll remember that. Anyway, can you stay for lunch?"



"Madami pa kaming trabaho, pasensya na." Sagot ko.



"Pretty please. I cooked something. Let me it up for what I did. Please."



"Please stay Gulf."



Diretso kong tiningnan sa mata si Mew. Kailangan mo ba talagang gawin ito? Kailangan ba talaga? Hindi mo ba makita na nasasaktan ako? Kanina sinaway mo ako kahit na sya ang mali. Ngayon tinutulunan mo syang sa gusto nya? Ano pa nga ba aasahan ko?

"Okay."



Fucked it! Hindi ko talaga kayang humindi sa kanya.





Naging maayos naman ang aming hapunan. Halos hindi ko na lang malunok ang kinakain ko. Masyadong masakit. Para lang kaming hangin sa kanilang dalawa. Lyn taking care of Mew, while Mew is enjoying it.



Ako ang gumagawa noon dati sa kanya, ngayon, ibang tao na. Hindi naman masakit. Para lang akong tinatarak ng milyong palaso sa aking dibdib.



Pakatapos naming kumain ay hindi muna kami umalis ni Run. Sabi ni Mew ay nais pa daw niya kami makausap tungkol sa kaso ni Eyes. Pumayag naman ako. Gusto ko din ipaalam sa kanya ang tungkol sa maskara. I think someone is framing them, and misleading us. Kailangan nya iyong malaman, para naman makapaghanda sya kung sakali man.



"Gulf." Lumingon ako sa aking likuran.



"Lyn. May kailangan ka?" Takang tanong ko. Nasa may pool area ako. Iniwan ko saglit si Run sa sala ng mansion. Pakiramdam ko ay sinasakal ako sa loob ng bahay. It's not the same house anymore for me.



"Can we talk?"



"Tungkol saan?" Pinilit ko na pakalamahin ang sarili ko. I'm getting irate.



"Tungkol kay Mew."



"Anong tungkol sa kanya?"



"Can you get out of his life?"



Ikinuyom ko ang aking kamao na nasa aking likuran. Hindi ko gusto ang tabas ng kanyang dila. It seems like I'm facing the different side of her.





"What do you mean?" Takang tanong ko.



"You already get what you want. You're a police officer already. He supported you. I think that's enough. Stop bothering him anymore."



"I can't understand." I can actually, in a different way.



"Sige tatagalogin ko. Masydo ka palang bobo sa English, I'm not informed." The fucked with her? "Nahuthutan mo si Mew ng sobra. Naperahan mo na sya at nakapagtapos ka na ng pag-aaral. Baka naman pwede ka nang lumayo sa kanya. Sapat na siguro ang sinusweldo mo para tustusan ang sarili mo. Pwede ka na bumalik sa lugar na para sa mga katulad mo. Or much better, humanap ka nalang ng mapeperahan mo, wag si Mew."

Natawa ako sa sinabi niya. I'm speechless. Hindi ko alam kung saan nya kinuha ang impormasyong sinasabi nya.



"Princess, first and foremost, hindi ko piniperahan si Mew. Kusa nya akong tinutulungan. Kaya ko makapagtapos sa sarili kung paraan, pero kusang tumulong sa akin si Mew." Napailing ako. "Hindi mo ako aalis sa buhay ni Mew, unless he told me. Kung gusto mo, sya ang sabihan mo dahil sya ang kusang pumasok sa buhay ko ng walang pahintulot.



"Talaga lang ha? Sino ka naman sa tingin mo para gawin ni Mew iyon?" Tinaasan nya ako ng kilay.



"Sya ang tanungin mo, dahil maging ako ay hindi ko alam. Nagkusa sya, malay ko sa rason nya."



"Gulf."



Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Papalapit ito sa pwesto namin.



"Hon, are done with your work?" Nagulat ako sa biglang pagbabago ng prinsesa. Is she a double face princess?



"What are you two doing here?" Takang tanong ni Mew. Pinulupot nya ang kanyang braso sa bewang ng prinsesa. Napaiwas nalang ako ng tingin. I already reach my pain limit.



"I'm just asking Gulf na patunayan na wala kang kinalaman doon sa kaso na hawak nya."

Ano? Kaylan nya iyon sinabi?



"Don't worry, I know he will do it. Go inside, masyadong mainit. Hindi ka pa sanaya sa init dito."



I can hear the caring voice of Mew and that hurt. Am I selfish kung hihilingin ko na gusto ko sa akin lang sya maging ganun? Siguro nga.



"Gulf." Tumingin ako sa kanya. Pinigil ko ang sarili ko na yakapin sya. I missed him already.



"We need to go, Mew. Sa ibang araw nalang tayo mag-usap. Oo ng apala, another mask was found in the scene. Someone is misleading us in every case we are handling. Just want to inform you, para makapaghanda ka kung sakali."



I want to leave this place immediately. Masyado ng masakit. The way Mew looked at me is not the same anymore. Hindi ko na makita sa kanya yung sinasabi nya noon na mahal nya ako. I can't see the eyes that speaks love every time it looked at me.



"Gulf." Nagpakawala sya ng isang malalim na buntong-hininga. Yumuko sya at kinamot nya ang kanyang batok tsaka muling tumingin sa akin.





"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko.





"Mmm." Tumango sya. "I just want to say sorry."





"Sorry saan? Takang tanong ko.



"Sorry for lying to you."





"Lying about what? Can you make it clear?"



Tumingin sya sa taas. Bumuga sya ng hangin at muling tumingin sa akin.



"I don't really love you. I'm sorry about it."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top