Chapter 23

GULF'S POV


Punong-puno ang kulungan ng aming presinto. Siksikan lahat ng nahuli sa raid at bubust operation. Para silang mga sardinas. Yung iba nag-aaway-away na. Mga ayaw ng masisiskipan.

Kami naman, maliban kay Run at Eyes ay tahimik lang na nakatingin kay Juancho Salapenga, anak ni gob na kasama sa mga nahuli sa buybust operation. Tahimik lang din itong naka-upo sa harap ng lamesa ni Zoren. Animong walang paki sa nasa paligid nya. Nakapikit pa ito na parang natutulog.


"Juancho, wala ka bang balak sagutin ako?" Inis na sabi ni Zoren. Kanina pa niya ito tinatanong pero wala syang nakuhang sagot.


"Let him Zoren. He has the right to remain silent. He already contacted their attorney. Hintayin nalang natin sya. Ani Miss. Tumango naman si Zoren tapos ay umalis sa kinauupuan nya. He's stress at kanina pa sya nag pipigil na masaktan si Juancho. 


"Tara sa interrogation room." Ani Miss Wendy sa amin. Agad naman kaming sumunod sa kanya. Andon sa loob ang leader ng Tresos na agad sumuko kanina matapos hindi lumabas ang mga tauhan nya. Para syang aso na biglang bumuhag ang buntot matapos ng ilang beses nyang pumitik at hindi pa din lumabas ang mga nakatago nyang tauhan. Paano nga naman lalabas, eh mga patay na. Maayos pa ngang nakasalansan sa may shipping container. 

"How was Eyes nga pala?" Tumigil si Miss sa mismong pintuan ng interrogation room. 


"Okay naman. Daplis lang daw ang tama sabi ni Run." Sagot ni Mild.


"Buti naman." Tapos ay tumingin sya sa akin. "Gulf."

"Yes Miss?"


"Samahan mo ako sa loob." 


Gusto ko syang tanungin kung bakit, pero hindi ko na ginawa. Ito ang unang beses na papasok ako sa loob ng interrogation room. Lagi lang kaming observer sa labas. Hindi naman sa natatakot ako, pero kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Leader lang naman ng Tresos ang nasa loob. 

Dinampot ko muna ng laptop na nakapatong sa ibabaw ng lamesa tapos ay sumunod na ako kay Miss sa loob.


Pakapasok namin ay agad na ngumisi Santillano, ang leader ng Tresos.


"Akalain mo yun, isang magandang binibini ang magtatanong sa akin." Tinignan nya ng nakakaloko si Miss mula ulo hangang paa tapos ay dinilaan nya ang kanyang labi na Parang may masarap na pagkain sa kanyang harapan.


"Santillano, kung ako sayo, titigilan ko ang pagtingin mo sa akin ng ganyan." Umupo si Miss sa harapan nya. Umupo din ako sa tabi ni Miss. Inilagay ko sa aking harapan ang laptop tsaka iyon binuksan. 


"Bakit naman?" Tinignan ko ng masama si Santillano na agad naman tumingin sa akin at ngumisi.


"Malaki ka na pala bata. Noong huli kitang nakita, maliit ka pa at kaya mo pa magtago sa loob ng kabinet nyo."

Nagulat ako sa sinabi nyang iyon. Hindi ko sya kilala pero kilala nya ako. At ang pagtago sa loob ng kabinet namin. Yun yung panahon na namatay ang magulang at kapatid ko. Tinago nila ako sa kabinet at tinakpan ng mga damit.


"Kilala mo ako?" Ito ba ang dahilan ng kaba ko? Dahil may malalaman ba ako? Dahil kilala nya ako? 


"Oo naman. Ikaw yung bata na nakatago sa loob ng kabinet, umiiyak habang nakatingin kina gob na ginagahasa ang iyong ina." Ngumisi ito.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko ito inaasahan. Hindi ko inaasahan na makakaharap ko ngayon ang lalaking may alam sa nangyari ng gabing iyon.




Bigla akong tumayo. Tinawid ko nakaharang na lamesa sa amin at kinuwelyuhan ko si Santillano.


"Isa ka ba sa gumasa sa nanay ko?" Pigil ang galit ko. Gusto ko syang saktan, pero alam ko ang limit naming mga pulis. Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan dahil sa pagpipigil ng galit ko.




"Hindi. Sayang nga eh, ang sarap pa naman tignan ng nanay mo. Ang sarap tignan ng hita nyang bukang-bukang. Masarap yung ganun, tapos may nanunuod."  Ngumiti ito ng nakakaloko. 




"Sino-sino ang mga naandon?" 

Wala akong matandaan sa mga  hitsura ng naandon ng gabing iyon. Tanging ang luhaang mukhang aking ina at ang hitsura ng aking kuya nag naaalala ko. Kung gaano sila nahihirapan sa pinaggagawa sa kanila, yun lang ang tanging naalala ko.


"Bakit hindi mo tanungin si gob? Kilala nya lahat ng kasama nya." 




"Gulf." Lumingon ako sa may -ari ng kamay na humihila sa kamay kong nakahawak sa kwelyo ni Santillan. Doon ko lang napansin na nasa loob na din ang mga kasama ko kanina. Maging si Run ay umaawat na din sa akin.


Nagpakawala ako ng isang malalim ng buntong-hininga tsaka ko tinignan ng masama si Santillan. "Ipagpasalamat mo na matinong tao ang nasa harap mo." Binitawan ko ang kanyang kwelyo at bumalik ako sa aking upuan.


"Salamat." Nanunuyang sabi nito. Hindi ko sya pinansin at tahimik akong umupo sa tabi ni Miss. 


Inabot ng dalawang oras ang pagtatanong namin sa kanya. Kung ilang beses syang muntik na naming masapak, hindi ko mabilang. Lagi nyang binabastos si Miss. Sa huli, tinarak ni Miss ang hawak nyang ballpen sa kamay ni Santillano. Natapos ang interogasyon namin sa kanya na wala kaming nakuhang matinong sagot, maliban sa sangkot si gob sa gun smuggling at sa droga. 


"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Miss. 


Tumango lang ako tsaka yumukyok sa lamesa sa aming harapan. Hindi ko napaghandaan ang araw na ito. Nabigla ako sa narinig ko. Hindi ganito ang inaasahan kong pagharap ko sa mga suspect sa nangyari sa aking magulang at kapatid.


Sinabi ko noon sa aking sarili, na oras na makaharap ko ang lahat ng naandon ng gabing iyon, magiging kalmante ako. Siguro tag-iisang suntok lang sa kanila, ayos na ako. Ang importante, maipakulong ko sila. Pero lahat ng iyon ay naglaho matapos bastusin ng ganun-ganun nalang ni Santillano ang aking ina. Ang nanay ko na binaboy ng sampung lalaki buong magdamag bago pinatay.

Tumulo ang aking luha. Klarado pa sa akin ang ginawa nila sa aking ina. Maging kung paano nilalatigo ang kuya ko, klarado pa sa aking ala-ala. Ang huling ngiti ng aking ina bago sya mawalan ng buhay. Ang mukha ni kuya na puno ng sakit. Yung mata nya na nakatingin sa akin hanggang sa malagutan sya ng hininga. Maging ang hitsura ni papa na namatay na dilat ang mga mata at duguan ang mukha. Kung paano sya binitin pabaliktad at pinaglaruan na parang aso. Lahat ng iyon, klarado pa sa alala ko. Yun ang lagi kong napapanaginipan. 


Hindi ko na maalala yung ngiti ni mama, tawa ni kuya at boses ni papa. Ang tangi ko nalang naalala ay kung gaano nila ako kamahal. Maging ang yakap ni mama, hindi ko na maalala. Ni hindi ko napapanaginipan ang masaya naming alala. Yun ang dahilan kung bakit hindi ako natutulog ng gabi. Yung takot at lungkot ko ng gabing iyon ang nagsilbing bangungut ko kada matutog ako.


"Salapenga is here. Brace yourself." Marahanf tinapik ni Miss ang balikat ko.

Pinunasan ko ang aking luha. Inayos ko ang aking sarili at paulit-ulit kong binibigkas sa aking isipan na kailangan kong kumalma. 


"Mendoza, natutulog na ako. Ano na naman bang problema mo?" Pabagsak na umupo si gob sa harapan namin. Nakapantulog na ito at may nakasabit pang eye mask sa kanyang leeg. Ayos din naman itong lintik na ito. Matapos ng napakadami nyang katarantaduhan na ginawa, nagagawa pa din nyang matulog.


"Wala naman akong problema gob, pero ikaw magkakaroon ka ng malaking problema." Biglang umayos ng upo si Salapenga. Napangisi ako. Bahag din pala ng buntot mo.


"Make it straight and clear ng matapos na tayo. Inaantok na ako. Ayaw ko na nasisira ang tulog ko." Ang tindi rin talaga ng hiya nitong tukmol na ito.


"Umamin na si Santillano tungkol sa gun smuggling. Ikaw daw ang namamahala dito kaya nakakalusot ang mga baril sa pantalan. Also, we caught your son Juancho in our buy-bust operaton sa drug den na pag-aari mo."

Dahan-dahang nawala ang ngiti ni gob. Namulta din sya at ilang beses na napalunok ng dahil sa sinabi ni Miss.


"Sigurado ba kayo na sangkot ang anak ko sa droga? Baka naman napadaan lang iyon doon. As far as I know, may kaibigan sya malapit sa  drug den na tinutukoy nyo."

Saan nga ba nahuhuli ang isda? Ah, sa sarili nyang bibig.


"Paano mo nasabi yun gob? Hindi pa nga namin sinasabi kung saan yung drug den na pinuntahan namin eh." Ani Miss Wendy.


Lalong namutal si gob. 


"Kahit hindi mo naman sabihin, alam ko kung saan. May kaibigan ang anak ko sa lugar na yun. Tsaka matagal ng balita na isa sa malaking drug den dito sa bansa natin ay sa lugar na iyon."


"Ah. So, yung kaibigan ng anak mo, eh nasa loob ng mismong compound ng drug den nakatira?"


Hindi nakasagot si gob. Wala syang lusot dahil sabi ni Strong, huling-huli nila sa akto si Juancho at ang mga kasamahan nito. Mukang may malaking order daw ng droga ang den dahil hindi halos magkada ugaga ang mga naandon. Katulong daw si Juancho sa pag rerepack ng droga. Sa sobrang pagkaabala nila, hindi na nila namalayan ang padating ng mga pulis.


"At isa pa, sabi ni Santillano, sangkot ka sa krimen pamilyang Kanawut, sampung taon na ang nakakalipas."


Biglang nanlamig ang buo kung katawan. Bumilis ang tibok ng aking puso. Panay ang usal ko na sana ay hindi sangkot ang gobernador. Hindi pa ako handa na marinig muli ang pambabastos nila sa aking ina kung sa anuman ang sasabihin nya.




"Bakit naman nadamay ang kaso na yun dito? Matagal nang sarado ang kaso...."




"Sumagot ka ng maayos!" Sigaw ko. Maramdaman ko ang kamay ni Miss sa hita ko. 


"Matapang ka masyado bata. Ano bang pangalan mo?"


"Gulf Kanawut."


"Kanawut. Gulf." Saglit na itong nanahimik at nag-isip. "Ikaw nga. Ikaw yung batang hiniyaan naming manuod sa lahat ng nangyayari. Hindi ko inaasahan na makikita kita dito bata."


Kalma, Gulf! Kalma lang!


"May kinalaman ka ba sa nangyari sa pamilya ko." Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko mapipigilan ang aking sarili. Ngunit pinipilit ko na rendahan ang aking galit.

"Bakit mo tinatanong? Gusto mo ba buksan ulit ang kaso?" Ipinatong nya ang kanyang kamay sa lamesa at diretsong tumingin sa akin. "Hindi dahil nahuli nyo ako, mahuhuli nyo na din ang lahat. Mababa lang ang rango ko, mataas sila." 




"Kasama ka ba sa pumatay sa pamilya ko." Muling tanong ko sa kanya.


Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga. "Para sa ikakatahimik mo, sige idedetalyado ko sayo."




Napalunok ako. Kaya ko ba? Kaya ko bang marinig ang sasabihin nya?


Biglang  tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyon kinuha. Mew is calling. Oo nga pala, inaantay nya akong umuwi.

"Sagutin mo na." Ani Miss Wendy.

Sinunod ko ang utos nya. Sinagot ko ang tawag ni Mew.


"Andito ako sa opisina niyo. Antayin kita dito."


Yun lang ang sinabi nya at pinatay na nya ang tawag. Nagtataka ako ng binaba ko ang aking cellphone sa lamesa. Anong ginagawa nya dito? Hindi ba dapat nasa bahay sya at nagpapahinga? 


"Ikukwento ko na ba? Mukhang kalmado ka na eh." Napatingin ako kay Salapenga. Nakangisi itong nakatingin sa akin. Nakakapagtaka lang, kalmado na ako. Yung kaninang hirap na hirap akong pakalmahin ang aking sarili, ngayon ayos na ako. Tumawag lang si Mew, kumalma na ako.


Iba na ito, kailangan ko ng kausapin ng maayos ang sarili ko. May hindi tama.


"Simpleng oo at hindi lang ang kailangan ko gob." 


Seryosong ko syang tinignan, ngunit nginisihan nya lang ako. Nilapit nya ang kanyang katawang sa lamesa tsaka tumawa ng mahina.


"The little cat that was hidden in the closet is now a man who has a great lover. Ang swerte mo sa nagmamahal sayo, kaya ka nyang pakalmahin."


"Oo o hindi lang Salapenga." Tumaas ang boses ko at ume-echo ito sa kwartong kinaroroonan namin.


"No thrill. Nah! I will not say yes or no. I will tell you a story."




Tumayo ito at naglakad-lakad. "You know what? The reason why I have a mistress is because of your mother. Ang bango nya, ang kinis. Yung hirap nyong yun, pero ang linis nya sa katawan. Ang kinis ng kanyang balat. Natural nag kanyang amoy. Nakakadik. Hinanap-hanap ko iyon. Nanghinayang ako na pinatay namin sya. Sana pala inuwi ko o kaya ay binahay ko nalang ang nanay mo at pinagsawaan."


Naikuyom ko ang aking kamao. Hindi ko gusto na ginaganito nila ang aking ina, pero kailangan ko ang lahat ng sasabihin nya. Kakailanganin ko iyon bilang ebidensya.

"Nung gabing iyon, kung sumunod lang sa gusto namin ang iyong ina, mamatay sya sa sarap. Ilan ba kaming nagpasasa sa katawan niya? Sampo? Tama, sampo kami. Akalain mo yun, nanganak na sya lahat-lahat pero napasikip parin ng lagusan nya. Ipit..."


Blag!


"Gulf!" 

Ramdam ko ang mga kamay na umaawat sa akin, pero hindi ko sila hinayaan na pigilan ako. 


"Gag* ka!" 


Ilang beses ko sinutok ng paulit-ulit si Salapenga. Hindi ko kinaya ang sinasabi nya. Patay na nag ka aking ina, pero kung babuyin nya ito sa aking harapan, ganun-ganun nalang. Harap-harapan niyang binastos ang aking ina. Simpleng oo at hindi lang naman ang kailangan nyang sabihin, bakit kailangan pa nyang idetalye ang hindi dapat? Oo,kailangan ko ang ibendensya, pero ganito. Hindi ko kaya.


"Gulf kumalma ka!" Singhal sa akin ni Miss Wendy ng mailayo nila ako kay Salapenga.


"Lumaking kang tigre bata." Nakangising sabi ni Salapengga habang pinupunsan ang dugo sa kanyang ilong. "Pero tigre ka lang, lion ang kalaban mo."


"Kahit dragon pa sila!" Asik ko sa kanya.


"Hahahaha! Ikakamatay mo yang katapangan mo. Isangla ko kaya kaluluwa mo sa impyerno, kapalit ng iyong ina." Dinilaan nya ang kanyang labi at tumingin sa akin ng nakakaloko.

"P*********a ka!" Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak ng mga kasama ko. Gusto ko bugbugin ang g**o nasa harapan ko.




MEW'S POV


"H***p ka! Mabilis akong napatayo ng magkagulo sa labas ng maliit na opisina nila Gulf. Agad akong lumabas dahil boses iyon ni Gulf.

"Sisiguraduhin ko na makukulong kayong lahat!" 

Pigil-pigil nila Mild si Gulf na pilit na nagpupumiglas. Galit na galit ito at umiiyak.

"What happened?" Agad na tanong ko kay Mild ng maipasok nila sa loob ng opisina si Gulf. Nagwawala pa din ito.


"Salapenga happened." 

"Bitawan nyo ako!" Palahaw ni Gulf.


"Let me." Lumapit ako sa kanila. Pagkabitaw ni Mild at ni Strong sa kanila ay agad kong niyakap si Gulf. Nagpupumiglas pa din ito kaya lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.


"Bitawan nyo ako. Bubugin ko ang h***p na yun!" Sigaw ni Gulf.


"Calm down, baby." Hinalikan ko ang kanyang ulo at hinimas ang kanyang likod.


"Mew?" 


"Yes, Gulf, I'm here." 

"Help me! Help me, Mew."

"I will. I will help you. Calm down okay."


Hindi sumagot si Gulf. Umiyak lang ito ng umiyak. Nanatili syang yakap ko. Hindi ko sya binitawan.

Hindi ko inasahan na mangyayari ito. Hindi ko alam na isa si Salapenga sa mga naandon ng gabing iyon.  Hindi ko napaghandaan ito. Sarado na ang kaso ng magulang ni Gulf. Nahihirapan kahit si Mild na hanapin ang record ng kaso. Kaya hindi ko alam kung sino-sino ang sangkot sa nangyari ng gabing iyon, maliban sa KANYA.




"Mew, hindi ako...hindi ako makahinga." Nagulat ako sa sinabi nya.


"Shit! Gulf?" 


Inilayo ko sya sa akin. This is not happening! Not now! Unti-unting pumikit ang mga mata ni Gulf.


"Mild, call Boat!" Pasigaw ko na utos. Binato ko kay mild ang susi ng kotse ko.


Agad kong pinangko si Gulf at nagmamadali kaming lumabas ng headquarters. 


This is not happening Gulf. Matagal ka nang magaling.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top