Chapter 17

GULF POV



Nagkakagulo ang lahat ng makarating kami si crime scene. Madaming nakiki usyoso at mukhang nahihirapan ang mga tanod sa pagpigil sa mga ito. May kordon na din ang bahay na tinutuluyan ni Alex.





Agad akong bumaba ng sasakyan at dumiretso sa bahay. Nakasarado pa ang pintuan ng bahay. Maging ang mga bintana nito.  Nagsuot ako ng gwantes at pinihit ang door knob ng bahay. Nakalock iyon sa loob.



"Hindi pa namin sapilitan binuksan yan kasi hinihintay namin kayo." Wika ng isang nagbabantay sa crime scene. Sa tingin ko ay sya ang kapitan ng baranggay.



"Paano nyo nalaman na may patay sa loob?" Takang tanong ko.



"Doon sa bintana." Itulinuro nito ang tinutukoy na bintana. Basag ang isang salamin noon. Mukhang sadyang sinuntok upang mabasag at para makita na din ang patay sa loob.



Lumapit kami doon at napapikit ako ng makita ang nasa loob.



"Shit!" Mura ni Mild ng masilip din nya.



"Ack!"



"Eyes!" Gulat na sabi ko ng tumakbo papalayo si Eyes para sumuka. Nilapitan ko ito at hinimas ang likod. Pulis man syang maituturing, babae pa rin sya. May mga bagay pa din na hindi nya kaya makita at gawin.



"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.



"Oo." Sagot nya. Inabutan ko sya ng tubig na dala ko para makapag mumog.





"Pasensya na, nagulat lang ako sa nakita ko. Hindi ko iyon inaasahan." Wika ni Eyes ng mahimasmasan ito.



"Mag tanong ka nalang sa mga tao na nandito tungkol sa nangyari. Wag ka na pumasok sa loob." Suhestyon ko sa kanya.





"I can manage. Don't worry. Ano pang silbi ng pagiging pulis ko kung simpleng ganyan lang eh hindi ko kayanin."



Hindi nalang ako sumagot sa sinabi nya. Sa halip ay napangiti ako. Nasa puso nya talaga ang pagiging pulis.



Sabay kaming bumalik sa bahay. Sinalubong naman kami ni Bright at may inabot na gamot kay Eyes.



"Drink it." Utos ni Bright.



"Salamat." Kinuha ni Eyes ang gamot at ininom iyon. Inabot ko sa kanya yung bote na ibinigay ko kanina para makainom sya.



"Salamat." Sabi nya sa akin at ngumiti. Tapos ay sabay-sabay na kaming lumapit kina Mild at Run.



"Asan si Strong?" Takang tanong ko. Nakatayo lang kasi sila Run sa labas ng pintuan.



"Pinaakyat ni Miss Wendy sa bubong." Sagot ni Run.



Napatango nalang ako. Hindi kasi namin pwedeng pwersahin o gibain ang pinto. It might destroy sone evidence.



Ilang saglit pa ay bumukas na ang pintuan. Strong open it. Agad na pumasok sina Run, Mild at Bright sa loob. Ako naman ay pinigil si Eyes sa pagpasok. Nag-aalala pa rin ako sa kanya.





"Sigurado ka ba?" Tanong ko.



"Ano ka ba? Syempre naman oo. Pulis ako Gulf, okay." Marahan nyang tinapik ang kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Ang lambot ng kamay nya. Yung tipo ng kamay na hindi dapat pinapahawak ng baril at hindi dapat madungisan ng dugo ng kriminal.



"Pag hindi mo kaya, magtago ka nalang sa likod ko."



Natawa si Eyes pero tumango naman ito. Nauna ako pumasok sa loob at sya naman ay sumunod sa akin.



Alex lifeless body is lying on his own blood. Hindi ko maiwasang mapapikit, mapasinghap at kilabutan sa hitsura nya.



May nakatarak na kutsilyo sa kanyang noo. Walang saplot sa katawan at parang puzzle na pinagdikit-dikit ang parte ng katawan nya. Parang syang baboy na kinatay. Chinop-chop syang parang baboy.



Nilingon ko si Eyes na nagtatago sa likod ko. Gusto ko tuloy syang itago. Hindi nya dapat nakikita ang ganito, pero, ikakasira ng imahe nya iyon bilang pulis. She's pushing herself dahil sa sinumpaan nyang tungkulin.



Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakakapit sa braso ko at maharan iyong pinisil. Napatingin sya sa akin. I give her a smile. Pampalakas ng loob nya at sinuklian naman nya iyon ng isang matamis na ngitin.



Yung puso ko nagkaroon bigla ng pakpak at lumipad sa kung saan.



Agad ko kinastigo ang sarili ko. Kinikilig na naman ako ng wala sa lugar.



"Hindi na tao ang gumawa nito." Ani Miss Wendy na nasa tabi ko. "Halimaw na ang gumawa nito."



I agree. Wala sa matinong pag iisip ang gumawa nito sa kanya.



Dahil wala pa ang forensic team,  ginawa na agad namin ang aming trabaho. Mild took a picture of the victims body, while Bright draw an outline of outside the pool of blood. Dapat ang outline ay kung paano nakahandusay ang biktima,pero dahil napapalibutan ito ng dugo, hindi na magawa.



Inaya ko si Eyes para mag hanap ng mga bagay na makakatulong sa imbestigasyon. It's a sealed room crime, kailangan ng matibay na ibedinsya sa kung paano ginawa ang krimen.



"Sa tingin mo, ilan silang pumatay?" Mula sa kusina ay lumabas si Run. May kagat itong tinapay.  Agad ko syang nilapitan at kinuha ang tinapay sa bibig nya. Hindi ko alam paano nya nasisikmura kumain ng mga pagkain ng biktima.





"Stop eating Run. May dala akong tinapay kung nagugutom ka." Dinig ko na sabi ni Eyes.



"Sayang naman kasi. Ang dami-daming pagkain sa kusina. Puno din ang ref nya." Sagot ni Run.



Nagtungo ako sa kusina. May mga prutas sa lamesa. May nakaluto din na adobo sa may kalan. Puno ng pagkain ang ref. Seems like he's preparing for someone before he was killed.



"KUYA!"



Mabilis akong lumabas ng kusina ng marinig ko ang sigaw na yun. May tatlong babae na bagong dating. Yung isa ay pinipigilan ng dalawa na makalapit sa bangkay.



"Sino kayo?" Tanong ni Miss Wendy.



"Ito, kapatid ni kuya Alex. She's Pamelo Rose Planco, bunsong kapatid ni kuya. Ako naman si Sheryl Lindog at sya si April Rosane, pinsan nila kami." Sagot ni Sheryl.



"Bakit iba apelyido nya kay Alex?" Tanong ni Run.



"Magkapatid lang sila sa ina, pero magkaiba sila ng ama." Sagot nung April.



"May kilala ba kayong kaaway ni Alex?" Tanong ni Eyes. Nanatili lang akong nakatingin at nakamasid sa tatlo. May kakaiba sa kanila. Hindi ko matukoy kung ano.



"Wala at wala kayong dapat na malaman. Madadamay lang kayo." Sagot ni Sheryl. Napakunot noo ako. May alam sila tungkol sa organisasyong nabanggit ni Alex. How Sheryl response the question, I can tell na may alam sila.





"Matutulungan namin kayo sa nangyari sa kuya nyo." Ani Miss Wendy.



"Hindi namin kailangan ang tulong ng mga pulis, dahil kayo mismo pinapaikot lang nya." Si Pamela ang sumagot. Binatawan na sya ng mga pinsan nya. Pinunasan nya ang kanyang luha at humarap sa amin. Nagulat ako sa nakita ko sa kanya. Her eyes don't have emotion. May luha pa din na kumakawala doon ngunit hindi mo makita ang anumang emosyon.



Tinignan nya kami isa-isa. Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakatingin nya. Napakalamig noon at parang tumatagos hanggang sa buto ang lamig.



"I will claim my his body. Close the case, don't get involve or else your life is at stake." Malamig nyang sabi.



"Miss, andito na naman itong maskara." Lahat kami ay napatingin kay Strong. May bitbit syang maskara. Kamukha iyon ng kinunan nyang litrato sa bahay nung anak ni Mayor Alfonso.



"Tsk. Misleading the police." Bulong ni Pamela.



Nagulat kaming lahat ng hinablot ni  Sheryl ang maskara kay Strong.



"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ko. Hindi nya ako pinansin, sa halip sinuri nya ang maskara tapos ang tumawa ito na parang nangungutya.



"It's fake." Aniya tsaka binalik kay Strong ang maskara.



"That mask won't lead you to something. Or it may, but in the wrong person." Sabi ni April na sa akin nakatingin.



"Close the case, we can handle it." Utos ni Sheryl sa amin, tapos ay binalingan nito si April. "Call Reaper, till him  what happened."



"Young master will know. He's still in the hospital." Sagot naman ni April.



"Let him know, Reaper can stop him anyway. Beside, my brother is one of the punisher." Ani ni Pamela. Tapos ay binalingan kami.



"Close the case, I will claim my brother's body in the funeral parlor. Don't make yourself involve in this case if you want to live long." Tapos ay umalis na sila.



"Do what they want." Ani Miss Wendy tsaka lumabas. Nagkatinginan naman kaming anim. We are all puzzled of  what just happened.



As what Miss Wendy said, sinunod namin ang nais na pamilya ng biktima. Dinala namin sa isang funeral parlor ang bangkay.  May mga nagsidating na mga taga forensic team. Umasa kami na may makukuha kaming lead sa nangyari, pero wala silang nakuha kahit isang fingerprints. Kahit sa itak na ginamit para paghiwa-hiwalayin ang katawan ng biktima ay walang nakuhang fingerprints. The crime is perfectly done and sealed. No lead at all.



Bumalik kami sa headquarters na walang imikan. Alam ko kung ano ang laman ng isip ko ay ganun din ang mga kasama ko. Ang tatlong babae, ang maskara. Who is Reaper? What is punisher? Bakit pinapasara na agad nila ang kaso. At bakit ayaw nila kami mainvolve sa nangyari. Sino ang nasa likod nito? Sino ang nasa likod ng tatlong babae.



"Miss Wendy." Tawag ko dito pakapasok namin sa headquarters. Humiwalay ng daan sa amin si Miss Wendy kaya naman hinabol ko sya.



Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. "Gulf, kung itatanong mo ang tungkol sa tatlong babae, hindi ko sila kilala. Pero ang pangalan at posisyon na binanggit nila, alam ko iyon. Reaper is the codename of the person that belong to the underworld. Punisher is a position."



"Paano mo alam?" Takang tanong ko.



"Matagal na ako sa posisyon ko Gulf. Ilang hidden site na din ang napasok ko. Minsan na din nagkagulo ang underworld. Minsan na din nanganib ang buhay ko. I also lost someone because of that chaos.



Hindi ako umimik. Pinagmasdan ko lang si Miss na nakatingin nga sa akin pero hindi naman.  Tagusan ang kanyang tingin.

"Isa lang ang maipapayo ko sayo. Wag ka magki-alam, wag ka mang-ungkat ng mga bagay-bagay. Maghanda ka nalang. Nag uumpisa na ang gulo ng kabilang mundo. Madaming kaso ang lilitaw, madami ang makukulong. Ang kailangan lang natin gawin, ikulong ang mga maikukulong at hayaan ang hindi dapat paki-alaman.



Pakasabi nya noon ay umalis na sya. Ako naman ay naiwang naguguluhan pa rin. Madaming bakit sa isip ko. Madaming sino, madaming paano. Pero hindi ko nagawang itanong kay Miss ang mga iyon lalo na ng makita ko ang pinipigil nyang luha.



Bumalik nalang ako sa opisina namin. Gusto ko man ungkatin ang mga bagay na may kinalaman kay Alex, hindi ko naman alam kung saan ko sisimulan. Hindi ko din pwedeng pasukin ang site na yun. Malalaman din ni Hiter.



Speaking of him, kailangan ko nga pala syang makausap. Mukhang may sama ng loob sya sa akin.



"Gulf." Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Eyes. Nakatingin silang lahat sa akin. Si Eyes ay napapaligiran ng apat. Bright seems like checking him.



"Anong nangyari?" Mabilis akong lumapit sa kanila. Bigla akong nag-alala.



"Nahilo lang si Eyes. Sobrang init kasi. Bright just checking her." Sagot ni Strong.



"Saan ka naman galing?" Tanong sa akin ni Mild. Medyo iritado ito.



"Cr lang." Pagsisinungaling ko. Seryoso akong tinignan ni Mild tapos ay bigla itong naglakad papalapit sa akin. He's looking straight to my eyes.



"You're not good at lying."  Bulong nya sa akin at marahan nya akong sinuntok sa sikmura tsaka sya umalis sa harapan ko.



Kunot noo ko syang sinundan ng tingi. What's with him.



"Gulf." Muli akong napatingin kay Eyes.



"Bakit?" Lumapit ako sa kanya. Mukhang okay naman na sya. Hindi ko na siguro kailangan mag-alala. Besides Bright already check her. Kung hindi sya maayos, gagawin na nya ang dapat gawin.



"Tinawagan mo na ba si Mew? Pwede ba ako sumama sayo mamaya?"



Natigilan ako. Oo nga pala.



"Tatatawagan ko palang." Sagot ko.



"Sige, inform mo ako ha."



Tumango ako bilang sagot. Kinuha ko ang cellphone ko tapos ay lumabas ako ng opisina para tawagan si Mew. Kamusta na kaya sya? Sana naman ayos na sya.



REAPER'S POV



"I want justice for my brother." Matigas na sabi ni Pamela. Nakayuko ito sa harapan ko kasama ang dalawa nya pang pinsan.



"Makukuha nya yun." Sagot ko. "I will visit that governor later."



"We saw Cronos a while ago. He seems know nothing." Ani Sheryl. Hindi na ako nagulat na kilala nya si Cronos. After all, Sheryl is the head of our punishers. The three of them is most deadlist punisher of us. They are the poisonous roses we had.



"Wala maman talaga syang alam." Iiling-iling na sagot ko.



"Wala pa bang balak si boss na ipaalam sa kanya?" Tanong naman ni April.



"Death is still reluctant. Gusto nya si Cronos mismo makadiskubre ng lahat. Beside, Poseidon is still outside the country."





"He will be here after 3 months." Ani Sheryl.



"Yes. And it will be a chaos." Napabuntong hininga ako. Poseidon being around is  not a good sign.



"Is Death okay?" Tanong muli ni Pamela.



"Yes. At may bisita sya mamaya." Tunayo ako. "Be alert. Sabihan ang mga tauhan. Assign a sniper. " Sunod-sunod na utos ko.



"Sino bibisita?" Tanong ni Sheryl.



"Hades black lady. Eyes Cervantes."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top