Chapter 9: Someone From My Past
Lance Cabrera POV
"Clear?" tanong ko sa lahat na ER staff.
"All clear!" sagot nila at sinimulan kong i-CPR si Shane.
Almost flat line na siya kaya hinahabol namin ang huling mga pintig ng kaniyang puso, baka sakaling ma-revive pa namin.
Shane lumaban ka! Hindi ka pwedeng mawala!
Kahit na Doctor na ako at marami nang nakitang taong nag-agaw buhay at namatay, parang hindi ko pa rin kakayanin na ang isang parang nakababatang kapatid ko noon ang magiging pasyente ko ngayon. At higit sa lahat, sa akin pa nakasalalay ang kaniyang buhay.
Kanina wala kaming pasyente sa ER, tahimik ang ward ng biglang may tumawag mula sa rescue team.
"Doc Cabrera, may emergency daw po, VA ang case," sabi ng Homis on duty.
Vehicular accident? Mga wala talagang ingat.
"Sige mag-prepare na kayo," sabi ko sa mga ER staff.
"Yes, Doc," sagot nila at agad naman silang kumilos.
Mamayamaya pa'y narinig kong tumigil na ang ambulance sa tapat ng ER. Mabilis kumilos ang lahat at naipasok agad ang pasyente. Nag-endorse naman ng madalian ang rescue team sa isa kong nurse.
"Doc, Shane Loraise Villafuerte ang patient," sabi sa'kin ng nurse na ka-endorse kanina ng rescue team.
Nang marinig ko 'yon ay agad akong kinabahan.
Ano si Loraise?
Mabilis akong kumilos at hinanda ang lahat para ma-revive siya.
• • •
Hindi nagtagal ay na-revive na namin siya, pero hindi pa ganoon ka-stable ang tibok ng kaniyang puso.
Matapos naming gawin ang lahat sa ER ay pinadala namin siya sa ICU. She needs to undergo a surgical operation to stop the internal bleeding but as long as na hindi pa stable ang vital signs niya, hindi pa siya pwedeng ma-operahan.
Paglabas ko ng ER ay sinalubong ako agad ng isang lalaki.
"Doc, kamusta siya? Kamusta ang girlfriend ko?" may pag-aalala sa boses nito at mukhang galing pa lang sa pag-iyak. Kitang-kita ko rin ang mga bahid ng dugo sa kaniyang damit.
"Si Miss Villafuerte ba ang patient mo?" tanong ko.
"Opo, kamusta po siya?"
"Nasa ICU na siya pero under observation pa."
"Ligtas na ba siya?"
"Well hindi ko pa masasabi 'yan. Hindi pa siya stable and she still needs to undergo some test before I can answer your questions. It's better if you will call her parents and inform them everything that happened. Sige dito na ako, magra-rounds muna ako sa iba kong patients," paalam ko sa kaniya.
"Salamat, Doc," sagot niya bago ako umalis.
Harry POV
Tinawagan ko sina Tita at Tito at sinabi kong naaksidente si Shane, pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila ang dahilan sa likod noon. Sigurado kapag nalaman 'yon nina Tita at Tito magagalit sila sa'kin.
Gaya ng inaasahan ko, pagdating nila ay hindi naiwasan ni Tita ang umiyak. Kasama niya pa ang kaniyang private nurse dahil ito ang taga-tulak ng kaniyang wheelchair. Naaksidente siya many years ago at na-paralyze ang kaniyang lower legs, kaya kailangan niyang mag-wheelchair.
Nasa labas kami ng ICU ngayon at kitang-kita namin ang mga apparatus na nakakabit kay Shane. Hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili sa nangyari. Kung sana naghintay na lang ako, kung sana hindi ako natukso kay Crystal, kung sana pinairal ko ang pagmamahal ko sa kaniya ay baka wala siya dito ngayon. Kung pwede lang sanang ibalik ang oras. . . ginawa ko na para hindi ito nangyari sa kaniya.
"A-anong nangyari, Harry?" tanong ni Tita sa'kin habang umiiyak.
"I-it's an accident, Tita. Masyadong mabilis ang pangyayari, nakita ko na lang bumunggo na sa kotse ni Shane ang isang container van," uutal-utal kong paliwanag.
"My God! Sana makayanan ng anak ko ang lahat. Siya ang kaisa-isa kong anak at hindi ko kakayanin ang mawala siya sa'kin," sabi ni Tita habang patuloy ang pag-iyak.
Hinawakan naman siya ni Tito sa balikat at kitang-kita ko sa mukha niya ang pagpapakatatag, "Don't worry, darling, Shane is a great fighter. Naalala mo noong naaksidente rin kayo? Mas bata pa siya noon pero kinaya niya ang makaligtas sa trahedyang 'yon, ngayon pa kaya na malaki na siya. Siguradong kaya 'yan ng anak natin," sabi naman ni Tito.
"Sana nga," sabi ni Tita at hinawakan nito ang kamay ng kaniyang asawa.
Limang araw na ang nakalipas at na-operahan na rin si Shane. Sa ngayon ay stable na rin ang kondisyon niya ngunit hindi pa rin siya nagigising. Araw-araw ko siyang binibisita sa ospital, bago ako pumasok sa trabaho at pagkagaling kong trabaho ay dinaraanan ko siya, pero wala pa ring pagbabago ang lagay niya. Mahimbing pa rin siyang natutulog at walang pagkaalam sa mga nangyayari sa kapaligiran. Tanging ang tunog lang ng cardiac monitor ang maririnig mo pagpasok sa loob ng ICU.
Lumapit ako sa kaniya, at marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay at saka ito hinalikan.
"Hon, gumising ka na, please. Babawi ako sa'yo. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo. . . bumalik ka lang sa'kin. Hindi ko kayang mawala ka," sabi ko at pinipigilan kong huwag maiyak.
Hindi ko alam kung paano ko mapapatawad ang aking sarili sa oras na mawala siya. Hindi kakayanin ng konsensya ko. Mahal na mahal ko siya at ayaw kong siyang mawala.
Hindi nagtagal ay dumating sina Tito at Tita kasabay nang pagpasok ng kaniyang Doctor at isang nurse on duty.
"Doc, kailan po ba magigising ang anak ko?" tanong ni Tita.
"I'm sorry to say this but. . ." Napabuntong hininga muna si Doc bago muling nagsalita, "She is in the state of coma at hindi namin masasabi kung kailan siya magigising," malungkot na sabi ng Doctor.
"What?" Nagsimula nang tumulo ang mga luha ni Tita na kanina niya pa pinipigil. "Doc, comatose ang anak ko? Pero bakit?"
Bakas na bakas sa tinig ni Tita ang matinding pag-aalala.
"Okay naman ang lahat ng test niya. Stable naman ang kondisyon niya pero sa tingin ko ay mukhang nagkaroon siya ng matinding head trauma kaya hanggang nayon ay hindi pa rin siya magising," mahabang paliwanag ng Doctor.
"Pero magigising pa naman siya 'di ba, Doc?" tanong naman ni Tito.
"Pwedeng oo, pwedeng hindi. Walang nakakaalam kung magigising pa siya o hindi na."
Sa sinabing 'yon ng Doctor ay mas lalong naiyak si Tita. Napakuyom naman ako ng kamao dahil sa sobrang galit ko sa aking sarili. Kung pwede lang makipagpalit sa kaniyang kalagayan ngayon. Kung pwede lang na ibigay ko sa kaniya ang buhay ko kahit na mamatay ako, ay gagawin ko makita ko lang ulit siyang buhay. Pero hindi, hindi mangyayari 'yon kahit na anong gawin ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito! Kasalanan ko!
Lumipas pa ang mga araw at eksaktong dalawang lingo na ang nakalipas mula ng maaksidente si Shane. Alam na rin sa kanilang University ang nangyari sa kaniya kaya excuse siya sa kaniyang mga subject. Kahit sila ay umaasang magising pa rin si Shane pero hindi nila alam ang dahilan kung bakit siya naaksidente. Kahit si Viv ay hindi alam.
Kakalabas ko lang ng elevator at papunta ako sa ICU kung nasaan si Shane nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Harry!" tawag ni Viv na nagmamadaling makalapit sa'kin. Napalingon naman ako sa kaniya.
"Oh, Viv, bakit may problema ba? Kamusta si Shane?" Bigla akong nakaramdam ng takot dahil nagmamadali si Viv, at hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Harry, si Shane."
"Ano nga?"
"Nagising na siya!" tuwang-tuwa na sabi nito.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo, kaninang umaga pa raw. Ngayon lang sa'kin nagtext si Tita."
"Salamat naman," tanging nasabi ko.
"Tara! Puntahan natin siya," anyaya niya at nagpasiunang maglakad.
Hindi ko naman maintindihan kong anong gagawin ko. Magkahalong tuwa, takot, hiya at guilt ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa kaniya, pero nagpatuloy lang ako sa pagpunta sa kaniyang k'warto.
Naunang pumasok si Viv at sumunod ako. Dahan-dahan ko pa siyang tinignan at nakita ko ngang nagising na siya pero nakahiga pa. Kahit papano nakahinga na ako mg maluwag dahil nakita ko siyang gising na, ngunit naantili akong naka-upo sa sofa at hindi makalapit sa kaniya. Paano ko ba siya haharapin? Hindi ko alam.
Nakita ko rin sina Tita at Tito na nandoon at sobrang saya habang katabi si Shane.
"Mabuti at nagising ka na, anak " sabi ni Tita.
"Kararating niyo lang din ba, Tito?" tanong ni Viv at naupo pa sa kama ni Shane.
"Oo. May biglaan kasing business meeting sa kompanya at hindi kami makaalis kaagad," sagot ni Tito.
"Ganoon ba? At least nagising na rin itong bff ko. Namiss kita! Kamusta ka na, bes?" tanong ni Viv kay Shane pero hindi ito sumagot. Bahagya lang itong ngumiti sa kaibigan.
"Halika rito Harry, bakit ba nandiyan ka lang sa tabi? Hindi mo ba na-miss ang anak ko?" anyaya sa'kin ni Tita.
Hindi ko naman siya sinagot. Bagkus ay lumapit ako sa tabi ng kama ni Shane kahit pa nag-aalangan sana ako dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nagkita kami ulit.
"Hindi mo ba na-miss ang boyfriend mo, anak?" tanong ni Tita kay Shane.
Nakita kong tinignan ni Shane si Tita bago bumaling ng tingin sa'kin, ngunit wala akong mabasang emosyon sa kaniyang mukha.
"Bo-boyfriend?" mahinang sabi nito. "May boyfriend ba ako, Mommy?" tanong niya at binalingan niya ng tingin si Tita.
"Ano ka ba, anak. Siya ang boyfriend mo, si Harry."
Tinignan ako muli ni Shane bago nagsalita, "So-sorry pero hindi kita kilala," tanging nasabi niya.
Nang sabihin niya 'yon ay hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Nalulungkot ako, na nag-aalala, na natatakot, na masaya. Masaya ako dahil hindi niya naaalala ang nangyari sa'min kaya siya naaksidente, pero malungkot ako at natatakot dahil hindi niya na ako naaalala. Posible kayang pati pagmamahal niya para sa'kin ay nakalimutan niya na?
Samantala, nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Tita nang sabihin 'yon ni Shane.
"Wala ka bang naalala, anak?" muling tanong ni Tita at umiling lang si Shane.
"Tatawagin ko lang ang doctor," sabi naman ni Tito sabay labas ng k'warto.
Hindi nagtagal ay dumating din si Tito kasama ang Doctor na nag-asikaso kay Shane sa ER, noong bagong dating pa lang dito.
Mukhang nasabi na rin ni Tito ang sinabi ni Shane kaya agad niya itong tinanong ng ilang bagay.
Matapos ang halos sampung minuto na pag-uusap nila ay nilapitan kami ni Doc.
"I think she suffered from selective amnesia," sabi niya sa'min.
"Amnesia?" tanong ni Tito.
"Oo pero hindi niya naman lahat nakalimutan. Pili lang ang bagay na hindi niya matandaan, at walang iba 'yon kun'di ikaw, Mr," sabi niya sabay tingin sa'kin.
"Pwede ba 'yon? Naaalala niya ang ibang bagay bago siya maaksidente pero ang lahat ng pinagsamahan namin nakalimutan niya?" tanong ko.
"Oo, posible lalo na kung may mga masasakit na ala-ala ka kasama siya. Isang way 'yon ng utak para makalimutan ang mga bagay na sobra siyang nasaktan," sabi ni Doc at nakita ko naman ang pagkunot-noo sa mukha nina Tita, Tito at Viv.
"Pero babalik pa naman 'yon 'di ba?" tanong ko ulit.
"Oo p'wede, p'wede ring hindi na. Mas mabuti pang ipaalala mo na lang sa kaniya ang lahat ng pinagsamahan ninyo. Baka sakaling sa paglipas ng panahon ay maalala ka rin niya ulit."
Nang sabihin niya 'yon ay wala akong ibang choice kun'di ang ligawan siya ulit. Baka sakaling bumalik din lahat ng ala-ala niya sa'kin. Kung ano man ang kinabuti ng bagay na ito ay walang iba kun'di ang nakalimutan niya ang masasakit na ala-ala niya sa'kin.
Pagkalabas ng Doctor ay nagtanong na sa'kin sina Tita at Tito, at wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila ang totoo. Tanging nasabi ko lang ay may kaunti kaming misunderstanding ni Shane noong nakaraang isang lingo. Hindi na rin sila nagtanong pa matapos 'yon.
Shane Loraise POV
Makalipas ang tatlong araw ay na-discharge na ako sa hospital, pero bago ako lumabas ay dinaanan muna ako ng isang pamilyar na mukha sa aking k'warto.
Nakasuot siya ng coat na kulay puti at ang pang ilalim noon ay scrub suit na kulay deep blue. May nakasabit na stethoscope sa kaniyang leeg, may nakasuksok na ballpen sa bulsa ng kaniyang scrub suit, at may hawak siyang chart. Pamilyar talaga siya sa'kin at hindi ako p'wedeng magkamali. Siya 'yon! Siya ang first crush ko!
Agad siyang lumapit sa tabi ng kama ko at at ngumiti. Tipid din akong ngumiti sa kaniya sabay sabing, "Kuya Lance?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo ako nga ito," sagot niya sabay ngiti rin sa'kin.
"Anong ginagawa mo rito? Doctor ka na?" tanong ko ulit.
"Oo. Akalain mo nga naman, ang tagal na nating hindi nagkita tapos sa ganitong sitwasyon pa tayo muling pinagtagpo. Kamusta ka na?" nakangiti niyang tanong sa'kin at in-auscultate niya ang likod ko.
"O-okay naman ako. Wala na ring masakit sa'kin."
"Mabuti kung ganoon, idi-discharge na kita ngayon," sabi niya sabay sulat sa chart na kaniyang hawak.
"Akala ko nasa US kayo?" tanong ko.
"Sila. Nagbakasyon lang ako roon matapos kaming umalis, pero bumalik din ako dito agad bago bago mag-start ang klase. Dito ko na tinapos ang pag-me-medicine ko," paliwanag niya.
"So all this time nasa Pilipinas ka lang pala, Kuya?"
"Oo," sagot niya sabay tango. "And please, huwag mo na akong tatawaging Kuya, tumatanda ako lalo eh. Seven years lang naman ang age gap natin kaya tawagin mo na lang akong Lance," dugtong niya.
Ewan ko ba pero nang sabihin niya 'yon ay bigla akong natuwa ng wala namang sapat na dahilan.
"Mas gumanda ka ngayon. Hindi agad kita nakilala," biglang sabi niya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko nang marinig ko 'yon mula sa bibig niya. Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko at hindi ko mahanap ang tamang isasagot ko sa kaniya.
"Ah. . . hehe. . . salamat, Kuy. . . este Lance. Ikaw din mas gumwapo ka," pa-cute kong sabi.
Ano ba ito? Hanggang ngayon ba crush ko pa din siya?
"Matagal ko ng alam 'yan. Paano aalis na ako. May iba pang pasyente na naghihintay sa'kin. Magkita na lang tayo ulit," sabi niya at tumango lang ako.
"Pagaling ka ha? Alagaan mo ang sarili mo kun'di magagalit ako sa'yo kapag nakita pa kita ulit dito," nakangiti niyang sabi.
"Oo, Lance," sagot ko at lumabas na siya ng aking k'warto.
Nandito na ako ngayon sa veranda ng aming mansion. Hindi pa rin ako pumapasok matapos kong lumabas ng hospital. Magpapahinga muna ako ng kahit isang lingo para makabawi sa lahat ng sakit na natamo ko matapos akong maaksidente. Pumupunta rito si Viv upang sabihin sa'kin ang mga na-miss kong lessons, at tinuturuan niya ako personally para makahabol. Buti na lang at dalawang lingo lang akong na-coma kun'di baka hindi na ako maka-graduate ngayong taon.
Sa kalagitnaan ng pagmuni-muni ko ay biglang may pumasok mula sa gate matapos pagbuksan ni Mang Alfredo, ang aming hardinero.
Nakita ko si Harry na naglalakad papalapit sa'kin. Alam kong may tinatago siya sa kaniyang likuran dahil nasa bandang likod ang kanan niyang kamay.
Kung iniisip niyang nakalimutan ko ang lahat ng ginawa niya sa'kin, ay nagkakamali siya. Hindi ako totoong nagka-amnesia. Ginawa ko lang 'yon para hindi na humaba pa ang bagay na gusto ko na talagang kalimutan. Galit ako sa kaniya at kahit kailan ay hindi mabubura ang bagay na mga ginawa niya sa'kin!
Nagpapanggap lang akong walang ala-ala para madali akong maka-move on sa lahat ng ginawa niya. Pero ang hirap, hindi ganoon kadali ang makalimot! It's really hard to pretend that you're happy but deep inside you are empty and broken.
"Hi!" malambing niyang bati sa'kin.
"Hello," walang gana kong sagot.
"Para sa'yo," nakangiti niyang sabi sabay labas ng isang bouquet ng red roses mula sa kaniyang likuran.
Kung totoong wala akong maalala malamang kilig na kilig na ako ngayon pero hindi, mas lalo akong namuhi sa kaniya. Matapos ang lahat ng ginawa niya sa'kin may gana pa siyang magpakita at magpanggap na mahal ako. Ang kapal ng mukha niya! Ni hindi niya nga masabi kina Mommy at Daddy ang totoong nangyari.
"Para saan 'yan?
"Uhm—"
"Stop it, Harry!" putol ko sa sinasabi niya, "I don't like you, so please stop doing it!" direktang sabi ko sa kaniya.
"Kilalanin mo muna ako," pakiusap niya.
Kilala na kita. Kilalang-kilala.
"I don't have time for this!" Tumayo na ako at hinarap siya. "Better go home and don't ever show your face here!" pinal kong sabi at akmang papasok na sa loob ng bahay ngunit hinawakan niya ang aking braso.
"Please, hon. . . I mean Shane, give me a second chance."
Galit ko siyang tinignan at inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Hindi ko kayang tagalan ang presensya niya. Masyadong masakit ang ginawa niya at hindi ko alam kung kaya ko pang magpanggap. Pilit kong pinipigilang huwag lumabas ang mga luhang unti-unti ng namumuo sa aking mga mata dahil sa sakit ng ginawa niya. Para akong sinasaksak ng harap-harapan nito habang nakatingin sa mukha niya. King ina!
"I don't want to see your face anymore, so please go home before I loose my temper!" galit kong sabi sa kaniya na kinagulat niya.
"What do you mean?" takang tanong niya.
"Gusto mong malaman? Hindi ako nawalan ng ala-ala at hindi ko nakalimutan ang mga ginawa mo. Nagpanggap lang ako sa pag-aakalang madali lang kitang makakalimutan pero hindi, mali ako! Lalo lang akong nasasaktan sa tuwing nakikita kita na parang wala lang sa'yo ang lahat ng nangyari! Ngayon, alam mo na! P'wede bang kahit ito man lang ibigay mo na sa'kin? Layuan mo na ako, Harry." Pagkatapos noon ay hindi ko na napigilan pa ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas.
Hindi rin nakaimik si Harry kaya pumasok na ako ng aming bahay. Dumiretso ako sa aking k'warto at doon ko binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
• • •
Nang sumunod na araw ay pumasok na ako at pilit kong sinabayan ang lecture ng namin. Dalawang araw na rin na hindi nagpapakita si Harry sa'kin. Siguro natauhan na rin ang isang 'yon.
Palabas na kami ni Viv ng campus at sumabay sa'min si Memo sa paglalakad.
"Shane, gusto mo turuan kita sa mga lecture? P'wede tayong mag-group study bukas ng gabi kasama sina Tin-Tin at Irish. Sana ka rin, Viv," anyaya niya sa'min.
"Magandang ideya 'yan. Napakaraming lecture ang dapat mong mahabol, bes," sabi naman ni Viv.
"Sige, saan ba?" tanong ko.
"Sa bahay nina Tin-Tin, alam mo naman sa amin bawal," sabi ni Memo.
"Okay, sabay na lang kami sa'yo bukas pag-uwi mo," sagot ko.
"Sige." At humiwalay na siya sa amin.
Paglabas ko ng campus ay umalis na rin si Viv dahil nandiyan na ang kaniyang sundo. Hindi na rin ako pinayagan nina Mommy at Faddy na mag-drive mag-isa kaya may driver na rin ako, kaso hanggang ngayon ay wala pa siya. Naupo muna ako sa tabi ng flower pot habang naghihintay nang biglang may lumapit sa'kin.
"Ihatid na kita sa inyo," sabi niya at tinignan ko kung sino siya.
"Harry?" takang tanong ko at ngumiti lang siya.
"Hindi ba sabi ko lubayan mo na ako?" galit na sabi ko.
"Hon, please give me another chance," paki-usap niya.
"Ang kulit mo rin eh 'no!" Tumayo na ako at hinarap siya. "Hindi ka ba marunong umintindi? Ang sabi ko huwag ka nang magpapakita sa'kin kahit kailan!"
"Hon, please. . ." Hahawakan niya sana ako pero bigla akong umatras at may humila sa'kin mula sa tagiliran ko.
Laking gulat ko nang tignan ko kung sino 'yon.
"Don't you dare touch my girlfriend!" tahasang sabi niya kay Harry.
Ako naman ay napanganga dahil sa sinabi niya, samnatalang si Harry ay hindi halos makapaniwala sa narinig.
"What? Girlfriend? Kailan pa? At sino ka ba? Hindi ba ikaw 'yong—"
"Yes! I'm his savior at wala kang karapatang saktan siya muli dahil hindi ako makakapayag na mangyari pa 'yon," putol niya sa sinasabi ni Harry.
Hindi ko naman maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko'y andaming nagliliparang paru-paru sa tiyan ko. Gosh! Seryoso ba 'to? Pinagtatanggol ako ni Lance kay Harry?
"Alam mo pakialamero ka! Hindi ako naniniwala sa'yo! Doctor ka lang naman niya, kaya huwag kang makikialam sa buhay namin!"
"I'm not only her Doctor. Para sa pagkakaalam mo, mas nauna niya pa akong nakilala kaysa sa'yo. Nataon lang na umalis ako at iniwan ko siya, pero ngayong bumalik na ako hinding-hindi ako papayag na mapunta lang siya sa mga taong walang kwenta na kagaya mo!" direktang sabi niya kay Harry na kitang-kita sa mukha ng matinding galit.
Hindi naman ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Ibig sabihin. . . May gusto kaya siya sa'kin dati pa? Oh my gosh! Feeling ako nagblu-blush ako ngayon.
"Akala mo ganoon ko lang kadaling isusuko si Shane? P'wes nagkakamali ka! Nasasayo nga siya ngayon pero gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa'kin! Babalikan kita, Shane!" galit na sabi niya pero pagkatapos noon ay matiwasay naman siyang umalis.
Kung sa bagay hindi naman basagulero si Harry. Iyan ang nasisiguro ko.
Naiwan naman kami ni Lance at hindi ko pa rin lubos akalain na sasabihin niya 'yon.
"Okay ka lang?" may pag-aalala sa tono ng boses niya.
"O-oo"
"Gusto mo ihatid na kita?"
"Huwag na. May sundo naman ako eh," tanggi ko.
"Then i-text mo or tawagan mo at sabihin mong hindi ka na magpapasundo dahil may maghahatid na sa'yo," sabi niya sabay hawak sa kamay ko at naglakad kami papunta sa kaniyang kotse.
Nanginginig naman ang kamay ko habang hawak niya ito.
Ano bang nangyayari sa'kin? Oh my!
At iyon nga, hinatid niya nga ako sa'min. Nandito na kami sa labas ng aming mansion at hindi ko pa rin alam kung paano mag-aaproach sa kaniya. Pinagbuksan niya pa talaga ako mg pinto ng kotse.
"So paano, p'wede ba kitang sunduin bukas?" agarang tanong niya. Ako naman ay halos hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.
"Ha? Pe-pero bakit? I mean, bakit mo ginagawa ito? Una 'yong pagtulong mo sa'kin para makalayo kay Harry, tapos ito. Bakit mo 'to ginagawa?" Lakas loob na tanong ko.
Aba malaya mo umamin!
"I just want to friends with you," simpleng sagot niya.
Iyon lang ba talaga? Friends?
"O-okay. Daanan mo na lang ako bago mag 8 am. Ay teka, wala ka bang pasok?"
"Two weeks akong off so I have time for you," sabi niya. Para namang umurong ang dila ko sa mga salitang 'yon.
"Okay. Ingat ka na lang pauwi," sagot ko at ngumiti lang siya.
"Pasok ka na bago ako umalis."
Hindi na rin ako komontra. Hindi ko kasi kayang tagalan ang presensya niya ngayon. Natatameme ako.
Pagkapasok ko ng gate ay narinig ko na lang na umalis na rin ang kaniyang kotse. Masaya akong pumasok sa loob ng bahay at agad na nag-update ng status sa FB.
"My knight in shining armor has finally arrived! My one and only first crush—Lance Cabrera!"
• • •
Toronto, Canada
7:00am.
Andz Leufren Cabrera POV
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock.
Peste! Ang ingay! Kinapa ko siya sa ibabaw ng aking mesa at binato sa pader.
Inaantok pa ako, pero pagkatapos noon ay isang malakas na kalampag ang aking narinig mula sa labas ng aking k'warto.
"Andz, wake up! Mala-late ka na naman sa klase mo!" sigaw ni Yaya sa labas ng aking k'warto.
"Oo na!" sigaw ko kaya napilitan na akong bumangon. Sigurado kapag na-late na naman ako, isang mahaba-habang sermon na naman ang matatanggap ko kay Dad.
Huwag ko daw kasing dalhin ang Filipino time dito sa US dahil siguradong walang patutunguhan ang buhay ko.
Pagbangon ko ay agad kong ni-check ang aking FB account at doon tumambad sa'kin ang post ni Pangit!
"My knight in shining armor has finally arrived! My one and only first crush—Lance Cabrera!"
Biglang uminit ang ulo ko sa aking nabasa. Oo friend ko siya sa FB ng hindi niya nalaaman. Nagpanggap akong ibang tao para ma-stalk ko siya kahit nandito na ako sa Canada. Pati friends niya in-add ko rin, pero almost three weeks akong hindi nakapag check ng aking account dahil nagkaroon kaming school activities outside the community, at binawal ang pagdadala ng gadget. Halos mamatay na ako noon dahil hindi ko nakita ang updates kay Pangit, tapos ngayon ito pa ang unang bubungad sa'kin?
Anak ng tinapa! Epal talaga si Kuya! Ano kayang nangyayari sa Pinas? Nalintikan na!
Noong nalaman ko nga na may boyfriend na si pangit parang gusto kong lumipad mula rito pabalik ng Pinas. Ngayon pa kaya na si Kuya Lance na ang umi-epal? Hindi ako makakapayag! Babalik na ako!
Agad akong napaisip kaya nagmadali akong nag-ayos ng aking gamit sa maleta.
Matapos kong maligo at magbihis ay nagmadali akong bumaba at tumakbo palabas ng bahay ngunit nakita ko ni Mommy!
"Oh saan ka pupunta? Hindi ba may pasok ka ngayon?" tanong niya.
"Sa airport, magpapa-book ng ticket pabalik ng Pilipinas!" walang gana kong sagot.
"What?" galit na tanong niya. "Anong gagawin mo roon? Nandito na ang buhay mo? Paano pag-aaral mo?" sunud-sunod na tanong ni Mommy.
"Mom, pwede akong mag-aral doon, at kayo ang may buhay dito sa America hindi ako! Nasa Pinas ang buhay ko!"
"Ano bnag pinagsasasabi mo? Ano bang gagawin mo roon at bigla kang naatat na bumalik?" galit niyang tanong.
"May kailangan akong balikan. May kailangan akong bawiin. Babawiin ko ang dapat na akin!" seryosong kong sagot.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top