Chapter 8: Accident
Dedicated to PAASAmopo
•
••
Shane Loraise POV
Tatlong gabi na ang nakalipas mula ng mangyari ang bagay na 'yon pero hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya.
Galit ako sa kaniya. Galit na galit dahil hindi niya nirespeto ang desisyon ko. Pero kahit ganoon ay mahal ko pa rin siya.
"Loraise, bilisan mo na diyan!" sigaw ni Yaya mula sa labas ng aking banyo. "Mag-iisang oras ka na riyan, ano bang nangyayari sa'yo? Mala-late ka na!" dugtong niya pa.
"Opo, Yaya. Patapos na akong maligo," sagot ko.
"Sigurado ka riyan ha? Kapag hindi ka pa riyan lumabas within 10 minutes kukunin ko ang duplicate key ng banyo mo at papasukin kita riyan," banta niya.
"Yes, Ya. Lalabas na po. Wait lang," sagot ko at narinig ko ang mga yabag niya palabas ng k'warto.
Alam ko namang gusto lang ni Yaya na bilisan ko ang paliligo ko dahil kanina pa ako rito. Pakiramdam ko kasi nakadikit pa rin sa katawan ko ang masamang nangyari sa'kin noong gabing 'yon, at kahit anong gawin kung paglilinis ng aking katawan ay hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Harry.
Tatlong araw ko na siyang hindi tinatawagan, hindi ko rin sinasagot ang mga text o tawag niya. Ayoko siyang makita, natatakot ako na baka gawin niya ulit sa'kin 'yon.
Tinatago ko na lang ang mga luha ko sa tubig mula sa shower. Dito malaya kong gawin ang gusto ko. Walang makakaalam na umiiyak na ako at nasasaktan. Ayokong magalit sina Dad and Mom kay Harry, kaya hanggang kaya ko itong itago ay hindi ako magsusumbong sa kanila.
Gaya ng sinabi ko kay Yaya, ay lumabas na ako ng banyo matapos ang sampung minuto suot ang aking bathrobe. Sinagad ko pa talaga 'no? Tinatamad kasiakong pumasok mula ng mangyari 'yon. Parati pa akong inaabangan ni Harry sa labas ng campus.
"Oh mabuti at nandito ka na. Dala ko na 'yong duplicate key eh. Akala ko hindi ka pa lalabas," sabi ni Yaya na kakapasok pa lang ng aking kwarto.
"Sinabi ko naman na lalabas na ako 'di ba?" Nakangiti kong sagot kay Yaya.
"Mabuti na ang nakakasiguro, baka kung ano na ang nangyari riyan sa'yo sa loob, ako pa ang masisi ng Mommy at Daddy mo."
"Yaya naman, 20 na ako oh. Kaya ko na sarili ko."
Simula ng pagkabata ko, siya na ang Yaya ko. Kahit nasaan ako noon, kasama ko siya.
"Kahit na."
"Sige na, Ya, magbibihis na ako," sabi ko upang lumabas na siya.
Matapos kong magbihis ay bumaba na ako, ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko sa sala. Nakita ko si Harry na nakaupo sa sofa. Tumayo siya nang makita ako at naglakad papunta sa'kin.
"Anong ginagawa mo rito?" inis kong tanong.
"Hon, please forgive me. Nagawa ko lang naman 'yon kasi—"
"Stop!" putol ko sa sinasabi niya. "I don't want to hear your reasons. May pasok pa ako at ayaw kong ma-late."
Naglakad na ako palabas ng bahay pero hinawakan niya ang aking braso dahilan upang matigil ako sa paglalakad.
"Ano ba? Let me go!" inis na sabi ko sa kaniya.
"Please, hon. I'm begging you, ayusin natin 'to. Hindi ako titigil hanggang hindi mo ako napapatawad," pakiusap niya.
Nakita ko naman sa mga mata niyang seryoso siya at ramdam ko rin ang sinseridad sa boses niya.
"Please forgive me?" Nagmamaka-awa ulit na sambit niya.
Napabuntong hininga na lang ako bago sumagot. Hindi ko maitatanggi na mahal ko pa rin siya. Baka naman. . . hindi niya na ulitin 'yon.
"Sige pagbibigyan kita ngayon, pero sa oras na ulitin mo pa 'yon. . . hinding-hindi na kita mapapatawad," sagot ko.
Kitang-kita ko naman sa mukha niya ang labis na saya, "Talaga?" nakangiti niyang tanong.
"Oo, bago pa magbago ang isip ko," sagot ko.
"Thanks, hon!" At niyakap niya ako. Wala naman akong nagawa kun'di ang yakapin ko rin siya.
Besides mukhang hindi ko naman kayang tiisin siya ng matagal na panahon eh.
Pagkatapos noon, hinatid niya pa ako sa school. Hindi ko na tuloy nadala ang aking kotse.
"Dadanan kita mamaya," sabi niya matapos kong bumaba sa kaniyang kotse.
"Sige," sagot ko at bago siya umalis ay hinalikan niya pa ako sa labi.
"Ang sweet niyo talaga bes, nakaainggit!" sabi ni Viv na kababa lang din ng kaniyang kotse.
"Tss! Mag-boyfriend ka na din kasi," sagot ko at nagsimula na kaming maglakad papasok ng campus.
"Hay! Hindi ko pa nakikita ang man of my dreams ko, bes," malungkot niyang tugon.
"Oh anong nangyari doon sa ka-date mo dapat last week?"
"Ayon naghanap ng iba! Hindi marunong maghintay," inis niyang sagot. "Ang swerte mo nga riyan kay Harry eh, nakapa understanding na boyfriend."
Hindi naman ako sumagot sa sinabi niya, sa halip ay nginitian ko na lang siya.
Kung alam mo lang.
Pagkarating namin sa room ay sunud-sunod na ang klase, at hindi talaga maiiwasan na hindi masira ang araw ko. Paano ba naman, nagkaroon kami ng surprise long quiz, 100 item test kay sir Ogalesco and take note, wala 'yon sa na-discuss niya last week. Leche! Talagang gusto niyang bumagsak kaming lahat sa subject niya.
Matapos namin mapasa ang answer sheet at may sinabi pa si Sir. "I will post the results on the bulletin board, and for those who will not pass, don't expect to see your names na nakalagay doon. Dismiss!" sabi niya sabay layas.
Halos lahat naman kami ay nagbulung-bulongan pagkalabas ni Sir.
"Dyahe naman oh! Ang hirap noong exam! Wala akong alam doon!" sabi ni Viv.
"Ako nga rin eh. Peste!" sabi ko.
Tapos narinig namin pareho sa bandang unahan ang aming ibang classmates na nagtatanungan ng kanilang mga sagot. At si Memo na siyang pinakamagaling sa'min ay walang tigil sa pag-lecture ng kaniyang mga nalalaman. Nakakaasar lang na halos lahat ng kaniyang sinabi ay hindi ko nasagot.
"Siya na ang magaling," tanging nasabi ko. "Tara na nga, Viv!" unis na anyaya ko sa kaniya sabay labas ng classroom. Sumunod naman sa'kin si Viv.
"Nakakaasar talaga si Memo paminsan. Pinamumukha niya sa'tin na siya ang may alam ng lahat," nakasimangot na sabi ni Viv.
"Oo nga eh."
Gabi na pagkalabas namin ng building ni Viv. Last subject kasi namin 'yong kay Oga at siya pa pinaka-terror sa lahat. Sakto nakaabang naman si Harry sa labas ng campus.
"Oh paano ba 'yan bes nandito na ang driver ko, una na ako sa'yo," sabi ko.
"Mm, ingat na lang kayo," sabi niya at sumakay na rin ako ng kotse ni Harry.
"Saan tayo?" tanong ko.
"Kumain na lang tayo sa labas, nakapagpa-reserve na rin ako sa Continental Hotel."
"Okay."
Nauwi nga kami ni Harry sa isang date at matiwasay niya naman akong hinatid sa'min.
• • •
Isang lingo na nakalipas at gabi-gabi kaming nagda-date ni Harry. Alam kong bumabawi siya sa kasalanan niya sa'kin.
"Narito na tayo," sabi niya matapos kaming tumigil sa tapat ng bahay namin.
"Bye, hon," sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. Ayoko nga sa lips. Siya lang naman parating gumagawa noon eh.
Pero bago ko mabuksan ang pinto ng kotse ay hinwakan niya ang aking kamay.
"Bakit, hon?" takang tanong ko.
"Hon, hindi ba talaga p'wede?"
Biglang uminit ang mukha ko sa inis nang marinig ko 'yon mula sa kaniya. Hindi ba talaga siya marunong makinig? Mabuti nga at pinatawad ko siya noong una.
"Hon, akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" inis na sabi ko.
"I know, but doon rin 'yon papunta."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"What? No! Please, Harry, kung ayaw mong magalit ako sa'yo, huwag mo nang babanggitin 'yan," nagbabanta kong sagot.
"Okay sorry. Sige na, pumasok ka na," mahinahon niyang sabi.
"Sige." At bumaba na nga ako ng kotse.
• • •
Kinabukasan tinext ko siya na huwag na akong sunduin kasi may pupuntahan din kami ni Viv after school at kailangan kong magmaneho ng sarili kong kotse. Pumayag naman siya kasi may kaunting problema raw ang kanilang company at kailangan niyang mag-over time.
Paglabas namin ng campus ni Viv ay dumiretso kami agad sa International Cuisine Restaurant. Birthday ng ate niya ngayon at doon gaganapin. Kaunti lang kami, mga close friend lang ni Ate Chen ang invited at kasali ako.
"Ano may nanliligaw na ba rito sa kapatid ko?" tanong ni Ate Chen sa'kin
"Naku, Ate meron kaso 'yong mga pangit alam mo na, basted. Iyong mga g'wapo naman hindi makapaghintay," sagot ko.
"Hay naku! Hanggang ngayon NBSB ka pa rin, Viv. Kanino kaya kita ire-reto?" Sabi ni Ate Chen at napaisip pa siya.
"Ate naman, pinapahiya mo ako eh," angal ni Viv at nagtawanan kami.
Buti na lang may magandang music sa paligid kaya hindi narinig ng nasa kabilang table. Halata kasing naiinis si Viv.
Binigay ko na rin ang regalo ko kay Ate Chen. Makalipas ang halos dalawang oras ng k'wentuhan, tawanan, asaran at kulitan namin, ay nagpaalam na ako. Malayo pa kasi bahay namin at kailangan ko nang umuwi.
"Ate Chen, mauna na ako baka hinahanap na ako nina Mommy."
"Sige, ingat ka na lang pauwi."
Tumango na lang ako at tumayo na. "Salamat, Ate sa libreng dinner. Happy birthday ulit," nakangiti kong sabi.
"Thanks."
Naglakad na ako papuntang parking lot. Sinubukan kong i-start ang aking kotse pero hindi gumana. Mukhang may topak 'ata. Nakailang ulit na ako pero wala pa rin.
Hay! Ano bang problema mo?
Bumaba ako at binuksan ko ang hood ng aking kotse. Sinubukan kong galawin ang ilang wires at sinuksok ng kaunti ang ilan. Baka kasi may loose contact lang. Matapos noon ay pumasok ako ulit sa loob at in-start. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig kong gumana na siya.
Buti naman.
Dahan-dahan kong pinaatras ang aking kotse pero isang pamilyar na mukha ang aking nakita. Naitigil ko bigla ang aking kotse at tinitigan ang mukha ng tao na aking nakita.
Hindi ako p'wedeng magkamali, siya 'yon, pero hindi ko kaya ang aking nakikita. Parang unti-unting dinudurog ang puso ko habang nakikita siyang nakikipaghalikan sa ibang babae sa ibabaw ng hood ng kaniyang kotse. Ang isang kamay niya pa ay unti-unting umaakyat pataas sa hita ng babaeng 'yon. Hindi ko kaya ang sobrang sakit at hindi ako makakapagtiis na manahimik sa isang tabi.
Hindi ko napigilan ang sarili kong bumaba ng kotse at galit na naglakad papunta sa kanila. Naririnig ko pa ang mahinang ungol ng pesteng babae habang nakikipaglaplapan sa boyfriend ko.
"Ha-Harry," nauutal kong sabi dala ng sobrang galit at sakit na nararamdaman ko.
Tumigil bigla si Harry sa pagromansa sa babaeng kasama niya nang marinig ang boses ko. Gulat pa siyang napaharap sa'kin.
"Hon?" hindi nakapaniwalang tanong niya.
"Babe, who is she?" malanding tanong ng babae sabay yakap pa sa boyfriend ko.
King ina! Sarap patayin nito!
"Hon, let me expla—" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil sinapak ko na siya. Oo suntok talaga! Kulang pa 'yan sa mga ginawa niya sa'kin.
Napahawak naman siya sa bahagi ng mukha niyang tinamaan ng suntok ko. Samantala gulat na gulat naman ang babaeng kasama niya ngayon sa ginawa ko.
"How dare you do this to my boyfriend?" galit niyang tanong sa'kin pero isang malutong na sampal ang sinagot ko sa kaniya.
Napabaling naman ang mukha niya sa kabilang direksyon at napahawak din siya sa kaniyang mukha.
Gaganti sana siya pero pinigilan siya ni Harry.
"What? Hahayaan mo lang na gawin niya sa'kin 'yon? Girlfriend mo ako Harry!" sabi ng malandi.
"Crystal, stop!" Binalingan niya naman ako ng tingin. "Hon, pag-usapan natin 'to," paki-usap ni Harry.
"No, Harry, it's over!" galit na sabi sa kaniya. "Iyung-iyo na siya!" sabi ko rin sa haliparot.
"Yeah akin na talaga siya, Loraise." nakangising sagot niya, at diniinan pa talaga ang pagbigkas ng pangalan ko.
"Kilala mo ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes! Ikaw 'yong pakipot na ex nitong si Harry."
"Crystal!" nagbabantang sabat naman ni Harry.
"No, Harry!" saway niya rin dito. "Alam mo ba kung bakit ka iniwan ng boyfriend mo? It's because, hindi ka magaling sa kama like me!" mayabang na sabi niya.
Lalo naman akong nakaramdam ng matinding galit sa sinabi niya lalo na kay Harry. Pati ba ang bagay na 'yon sinabi niya sa haliparot na 'to?
"At alam mo ba, he enjoyed his every night with me. Ang sarap ng boyfriend mo sobra. Siya lang nakagawa ng bagay na 'yon sa'kin." An evil smirk was formed on her face.
Mas lalo akong nainis sa sinabi niya at hindi ko na kayang tumagal pa sa harap ng babaeng ito. Sobrang sakit na.
"Eh 'di ubusin mo na! Wala akong pakialam!" Pagkatapos noon ay naglakad na ako pabalik ng aking kotse at hindi ko na napigilan pa ang umiyak.
Bakit mo nagawa sa'kin 'to, Harry? Bakit?
Mabilis kong pinaarangkada ang aking kotse. Mabuti na lang at hindi na ito nagloko katulad kanina. Hinabol pa sana ako ni Harry pero hindi niya na nagawa. Huling nakita ko sa aking side mirror ang pagsakay niya rin sa kaniyang kotse at iniwan ang babae.
Mabilis akong napunta sa highway pero hindi ko na nabagalan ang speed ko. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at hindi rin tumitigil ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata.
Matapos ko siyang intindihin sa ginawa niya, ito pa ang igaganti niya sa'kin? Matapos ko siyang mahalin ng sobra-sobra, makikita ko lang siyang may kahalikan na iba at malalaman ko pang may nangyari sa kanila!
Ang sakit sakit na!
Patuloy ang pag-iyak ko at hindi ko na rin maaninag ng maayos ang daan. Ang malinaw lang sa'kin ngayon ay nakasunod sa'kin si Harry at hindi niya ako dapat maabutan.
Hindi ko na binagalan ang speed ko tutal wala na ring masyadong traffic ngayon dahil lagpas na ang rush hour. Huli na nang makita kong nagbago na pala ang kulay ng stop light at nakapasok na ako sa intersection. Napatingin na lang ako sa dakong kanan ng kalsada nang masilaw ako sa maliwanag na ilaw, at ang tanging narinig ko na lang ay ang sunud-sunod na pagbusina ng isang container van bago ito tuluyang sumalpok sa kotse ko.
Harry POV
Nagmadali akong habulin ang kotse ni Shane dahil gusto kong magpaliwanag sa kanya. Mahal ko siya at natukso lang ako kay Crystal. Inakit niya lang ako.
Mas binilisan ko pa ang magmamaneho ng aking kotse ng makarating ako ng high way, para sana mahabol siya ngunit sadyang binilisan niya rin ang pagmamaneho.
Nagbago na ang kulay ng stop light at dapat huminto na kami. Sa oras na mangyari 'yon ay mahahabol ko na siya ngunit nagkamali ako sa aking nakita. Sa halip na tumigil ay dumiretso lang siya sa intersection. Bigla na lang akong kinabahan sa sunod kong nakita. Isang container van ang bumusina ngunit hindi na nito nakapag-break ng maayos kaya ang sunud-sunod na friction ng mga wheels sa kalsada ang umalingawngaw sa buong highway. Kasunod noon ang pagsalpok ng container van sa kotse ni Shane. Ilang beses pa itong bumalentong bago tumigil.
"NO!" Napasigaw ako sa loob ng aking kotse na ngayon ay nakahinto dahil sa stop light. Agad akong bumaba at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng kotse ni Shane.
Nadatnan ko siyang walang malay at naliligo sa sariling dugo. Sira-sira na ang kotse at basag na lahat ng salamin. Binuksan ko ang pinto ng kanyang kotse at pilit ko siyang ginigising.
"Hon, please gumising ka!" takot na takot na sabi ko habang marahang tinatapik ang kaniyang mukha na puro dugo.
Alalang-alala ako sa kaniya at hindi ko na maintindihan ang aking gagawin. Mabuti na lang at may mga pulis at rescure team agad na rumisponde. Maingat nilang nilagay si Shane sa stretcher at pinasok sa ambulance. Sumama na rin ako kahit pa may dala akong kotse kanina. Wala akong pakialam kung kunin 'yon ng mga pulis o LTO. Kaya kong bumili ng bagong ganoon pero si Shane ay hindi.
Pagkapasok namin sa loob ng ambulance ay mabilis na nilagyan si Shane ng dextrose.
"Palpatory!" sabi ng isang nurse matapos hawakan si Shane sa may wrist.
"Fast drip mo! Maraming dugo na ang nawala sa kaniya," sabi ng isa pang nurse at binilisan nila ang pagpatak ng s'wero ni Shane. Sa lakas ng tunog ng ambulance ay napapatabi lahat ng sasakyan sa unahan.
"Hon, please lumaban ka," umiiyak nang sabi ko habang hawak ko ang isa niyang kamay.
Hindi ko kayang mawala si Shane. Hindi ko kakayanin.
Patawarin mo ako, Hon. Sorry...
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa hospital at agad siyang pinasok sa Emergency Room. Gusto ko sanang sumama papasok pero pero pinigilan nila ako.
"Pasensya na, Sir, pero hindi ka po p'wede rito," sabi ng isang nurse sa'kin at sinara niya na ang pinto ng ER.
• • •
Doctor Cabrera POV
Pagkapasok ni Shane sa ER ay agad siyang nilipat sa ER bed. May tatlong nurse na agad lumapit sa kaniya. Ang isa ay pinunas ang mga dugo sa kaniyang mukha upang i-check kung may sugat siya. Ang isa naman ay kinabitan siya ng oxygen at cardiac monitor. Ang isa ay nagche-check ng kaniyang vital signs.
"Doc Cabrera, hindi ko po ma-appreciate ang BP," sabi ng isang nurse sa akin.
Tinignan ko naman ang cardiac monitor at nakita kong bumabagsak ang vital signs ni Shane, lalo na ang BP at malapit na ring mag flat line.
"Okay, blue code!" utos ko sa emergency team.
Mabilis na kumilos ang mga staff at kinabitan si Shane ng mga iba't ibang apparatus.
"360 joules! Clear?" tanong ko sa lahat.
"All clear!" sagot ng lahat ng medical staff, at nagsimula na kaming habulin ang flat line na si Shane.
To be continued...
***
AN: Sorry for using some medical terms. Btw, palpatory means pulse cannot be appreciated. In short 50/50. Fast drip means bilisan ang daloy ng swero para mahabol ang pagkawala ng maraming dugo. Blue code means ready for cardiac arrest. Malapit ng magflat line ang patient.
Ginamit ko lang po 'yon para maipakita ko ng husto ang eksena. Sorry po. 😳😳
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top