Chapter 5: Last Laughter
Dedicated to SkyBladers
Continuation...
"At bakit ganyang ang posisyon ninyo?" tanong ni Yaya.
Si Lola naman ay hindi ko masabi kung nagagalit ba o nang-aasar ang mukha, wala kasi akong mabasang ekspresyon sa kaniya. Tapos binaling ko ang aking tingin kay Bonsai na nasa ibabaw ko pa rin. Pulang-pula ang mukha maging sa'kin.
Gosh! Nakakahiya!
Nadatnan kami ni Lola sa ganitong posisyon. My God! Kahit mga bata pa kami 'no, nakakahiya pa rin. Baka kung anong isipin nila sa'min.
"Umalis ka na nga, ang bigat mo!" sigaw ko kay Bonsai.
"Masakit kasi," bulong niya.
"Uhm. . . Yaya, Lola, tulungan niyo nga itong si Andz na tumayo," pakiusap ko sa kanila at agad din nilang itinayo si Andz na namimilipit pa rin sa sakit.
Pagbagsak niya kasi, tumama 'yong ano niya sa tela tapos nadaganan pa ako kaya what do you expect? Naipit si Junior.
Nang makatayo na siya ay tumayo na rin ako at hinimas-himas ko pa ang aking balakang, dahil din sa sakit na dala ng aming pagbagsak. Si Bonsai naman ay nanatiling hindi maipinta ang mukha sa sakit.
"Ano ba ang ginagawa ninyong dalawa? Anong nangyari sa inyo ha?" galit na sita ni Lola.
Wah! Patay ako, shit! Paano ko ba ito ipapaliwanag?
"Kasi po, Granny si Pang. . . I mean si Lora nasipa itong ano ko tapos hindi tumigil ng pang-aasar. Sinipa pa 'yong foot stool na inapakan ko kaya ako natumba sa kanya." Ayon ang sumbong niya! Peste! Pinandilatan ko nga.
"Totoo ba ito, Lora?" galit na tanong ni Lola. Hala, ito na nga ba ang sinasabi ko eh!
"Uhm. . . hindi ko naman sinasadya 'yon, Lola. Ito kasing si Bon. . . este si Andz ang nagsimula eh, may tinatanong lang ako tapos ayaw sagutin ng diretso," paliwanag ko. Sana naman makinig si Lola sa'kin.
"Sinagot ko naman 'di ba?" sabi ni Bonsai.
"Oo nga kaso mapanlait. Pinapaalis na kita ayaw mo pa!"
"Sabi mo ihahatid mo ako," sabi niya.
"Neknek mo!" inis kong sagot at nag-cross arms pa.
"Teka tumigil na nga kayong dalawa!" saway ni Lola sa'min kaya pareho kaming natigilan. "Hindi na ba talaga kayo magkakabati?"
"Hindi! Over my dead body! Siya naman ang parating nauuna, Lola," direktang sagot ko at tinuro ko pa si Bonsai.
"Ikaw naman kasi pinapatulan mo pa, alam mo namang mas bata ito sa'yo si Andz, dapat pinagpapasensyahan mo na lang," sabi sa'kin ni Lola.
"Pero, La. . . umaabuso na eh."
"Hindi ah!" kaila naman ni Bonsai.
"Wait lang!" singit ni Yaya. "Pwede bang maghiwalay muna kayo, hindi kayo magkakaayos niyan eh."
"Sige ilabas mo muna itong si Andz," utos ni Lola kay Yaya at ginawa naman niya 'yon.
Naiwan kami ni Lola sa loob ng aking k'warto at alam kong pagsasabihan na naman ako nito.
"Lora," simula ni Lola. "Nagdadalaga ka na oh, nkikipag-asaran ka pa rin kay Andz. Hindi mo na dapat 'yan ginagawa dahil hindi na angkop sa edad mo."
Hindi naman ako sumagot at nakikinig lang sa sermon niya. Tsk! Ako na lang palagi ang nakikitang mali.
At humaba pa ng kaunti ang sermon ni Lola bago ako palabasin ng k'warto. Agad kong hinanap si Bonsai baka sakaling pinahatid na ni Yaya pero bigo ako, dahil nandito pa rin pala siya sa mansion namin. Nakaupo siya sa sala at kumakain na naman ng meryenda.
"Hoy, Bonsai, ano pang ginagawa mo rito?" sita ko sa kaniya habang naglalakad papalapit. Nilingon niya naman ako.
"Hinihintay ka."
"At bakit?"
"Ihahatid mo pa ako 'di ba?"
"In your dreams!" sarkastiko kong sagot. "Alam mo ba na ang sakit nitong balakang ko dahil sa ginawa mo?"
"Oo nga kanina pa 'yan, Loraise. Sabi ko kanina kay Mang Kanor na ihatid na 'yan kaso ayaw, ang gusto niya ikaw raw ang maghatid sa kanya," sabat ni yaya.
"Iyon naman pala eh, bakit hindi ka pa sumama?" tanong ko.
"Ayoko nga, at isa pa hindi naman ako ang may gawa no'n eh, ikaw kaya. Kung hindi mo sinipa 'yong foot stool hindi sana ako mahuhulog sa'yo."
"Ang yabang mo kasi!"
"Huwag mo akong sisihin, okay? Ikaw na nga itong may atraso sa'kin, ikaw pa ang galit."
"Psh!"
"Ano hindi mo ba talaga ako ihahatid?" pag-uulit na naman niya.
"Bakit ba kinukulit mo akong ihatid ka?"
"Para makita mo pa si Kuya Lance."
Napaisip ako sa sinabi niya, "Oh sige na, tapusin mo na 'yang kinakain mo nang mahatid kita sa inyo."
Napangisi naman siya sa sagot ko, "Sinabi na nga ba may gusto ka sa Kuya ko," pang-aasar niya pa.
"Ano naman sa'yo kung mayroon? At p'wede ba bilisan mo nang kain diyan dahil baka magbago pa ang isip ko."
"Oo na!" inis niyang sagot sa'kin.
"Dapat pagbalik ko rito tapos ka na ha? Kun'di bahala ka nang umuwi mag-isa," sabi ko sa kaniya bago ko siya iniwan sa sala.
Pumunta ako doon sa garahe at kinuha ang bike ko na may sidecar. Tinanggal ko 'yong upuan at dali-dali akong umakyat ng aking kwarto upang kumuha ng unan doon, at malambot na kumot. Alam ko kasing hirap siyang umupo kaya pwede naman siyang mag semi-higa. Mahirap na, baka magsumbong 'yon kay Kuya Lance, tigok ang beauty ko. Matapos kong ayusin ang bike ay binalikan ko na siya sa sala.
"Mabuti naman at tapos ka na."
"Nagmamadali eh, baka hindi mo pa ako ihatid."
"Pasalamat ka sa Kuya mo dahil kung wala siya riyan, hinding-hindi talaga kita ihahatid."
"Eh 'di wow!"
"Che! Halika na nga!" sabi ko sabay hila sa kamay niya upang tumayo na siya.
Agad namang sumunod sa'kin si Bonsai, pero s'yempre binitawan ko na ang kamay niya. Baka isipin pa nitong type ko siya.
Pagdating namin sa garahe ay agad niyang tinanong kung doon daw sasakay.
"Malamang! Alangan namang maglakad tayo papunta sa inyo? Haler, hacienda po ito at kahit magkapit bahay tayo, ay malayo pa rin ang sa inyo. Baka matanda na ako saka pa lang tayo nakarating sa hacienda ninyo dahil sa bagal mo."
Sinimangutan naman ako ni Bonsai saka siya dahan-dahang umakyat sa bike. Hindi ko na nga lang kinausap habang nasa biyahe dahil baka maasar lang ako at matulak ko pa ito pababa ng bike. Ang tagal namin bago nakarating sa hacienda, binagalan ko talaga ang pagmamaneho dahil hindi naman sementado ang daan dito sa lugar namin. Baku-bako pa nga at maraming bato. Sa bawat daan namin sa mabatong bahagi ng kalsada ay nasasaktan si Bonsai.
Tagaktak ang pawis ko nang makarating kami sa kanilang hacienda. Masakit na din ang aking likod at tuhod. Mabigat din pala kasi itong si Bonsai kahit maliit.
"Hay sa wakas! Thanks God, nakarating din tayo after 100 years, ang tanda ko na, grabe!" pagod na pagod na sabi ko.
"Ang OA mo, Pangit! Ano naman kung matanda ka na, ako naman ang kasama mo," biglang sabi ni Bonsai na nakababa na rin sa bike.
"Tse! Hindi ako nangangarap na tumandang kasama mo, Bonsai. Naiisip ko pa lang kinikilabutan na ako, para na ring nasusunog ang katawang lupa ko sa impyerno kapag ikaw ang makasama ko!" inis kong sabi sa kaniya.
"Huwag kang mag-alala, Pangit, kung nasusunog ka na sa impyerno kaya naman kitang hilahin papuntang langit, sabihin mo lang at gagawin ko," nakangiti niyang wika.
Natigilan naman ako sa sinabi ni Bonsai, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, pakiramdam ko may kakaibang ibig sabihin 'yong sinabi niya. Naramdaman ko na lang tuloy na biglang uminit ang mukha ko.
Ano bang mga pinagsasasabi ng kumag na 'to at bakit bigla-bigla na lang nagbago ang—
"Nandito na pala kayo. Mabuti at nakauwi ka na, Andz. Kanina pa nag-aalala sina mommy sa'yo," sabat ni Kuya Lance habang papalapit sa'min. "Salamat din, Loraise, sa pag-abala mo pang ayusin ang bike mo ng ganiyan para maging komportable lang itong kapatid ko," Nakangiti niyang sambit.
"Ah wala 'yon, Kuya Lance. Maliit na bagay lang 'yan," pa-cute kong sabi at halos hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti.
"Hoy, Pangit, baka mapunit 'yang mukha mo sa kakangiti!" sabat naman ni Bonsai na nakasimangot na.
"Tse!"
"Oh ayan na naman kayong dalawa, mabuti pa pumasok na kayo," sabi ni Kuya Lance.
Nasa gitna ako nilang dalawa habang naglalakad kaming tatlo papasok.
"Salamat talaga Loraise ah?"
"Ahehe! Your welcome, Kuya. Basta ikaw."
"Oo nga, Kuya, basta ikaw. Mayroon kasi 'yang gus—" Tinakpan ko bigla ang bibig ni Bonsai kaya hindi niya na natuloy pa ang kaniyang sasabihin.
"Tumahimik ka kun'di kukurutin ko 'yang toot mo," bulong ko at binitawan ko na rin siya.
"Mayroon ba kayong hindi sinasabi sa'kin?" tanong ni Kuya Lance.
"Ah wala naman, Kuya," palusot ko.
"Mayroon kaya," sabat ni Bonsai.
Peste ka talaga sa buhay ko kahit kailan! Sarap mong ihulog sa hagdan.
"Ano ba 'yon?" tanong ni kuya Lance. Oh My!
"Mamaya ko na sasabihin, Kuya. Usapang lalaki sa lalaki," seryosong sambit ni Bonsai.
At may nalalaman pa talaga siyang ganyan ha? Bwisit! "Bakit lalaki ka na ba? Natuli ka lang akala mo binata ka na?" sarkastiko kong tanong sa kaniya na tinawanan naman ni Kuya Lance.
"Hinalikan na nga kita eh," bulong niya na ikinapula naman ng mukha ko.
Ibig sabihin sinadya niya 'yon?
"May sinasabi ka Andz?" tanong ulit ni Kuya Lance.
"Wala."
"Hoy magtapat ka nga, Bonsai. . . sinadya mo ba 'yong nangyari kanina?" galit na bulong ko sa kaniya, pero sa halip na sumagot ay isang mala-demonyong ngiti lang ang sinagot niya.
Sa galit ko, itutulak ko na sana eh kaso biglang dumating si Tita.
"Mommy!" sabi ni Bonsai at napatingin ako kay Tita na papalapit sa'min.
Kinalma ko agad ang aking sarili, dahil baka mapatay ko ng wala sa oras itong anak nila sa kanilang harapan.
"Hi, Loraise," bati ni tita.
"Kamusta po kayo, Tita?" nakangiti kong tanong sabay mano sa kaniya.
"Okay naman. Mabuti at nahatid mo ito ng maayos ang anak ko, hindi ba nagpasaway?"
"Kaunti lang, Tita," sagot ko at tinignan niya si Bonsai.
"Oh bakit nakatuwalya ka na baby?" tanong ni Tita kay Bonsai.
Napangiti naman ako dahil sa narinig ko at nakita ko si Bonsai na namumula ang mukha sa hiya.
"Mom, stop calling me baby. I'm not your baby anymore! Malaki na ako," angal niya.
"Tsk! Malaki? Sa liit mong 'yan?" sabi ko na tinawanan naman nina Kuya Lance at Tita.
"Okay, Andz halika na muna at magpalit ka na ng damit," anyaya ni Tita kay Bonsai at umalis sila.
Naiwan naman kami ni Kuya Lance sa sala, at hindi nagtagal ay niyaya nila akong sumabay na sa kanilang kumain ng hapunan.
"Tara kain na tayo," alok ni Kuya Lance at inabot niya pa ang kamay niya sa'kin.
Nanginginig naman ang kamay ko nang tanggapin 'yon. Kung ganito ba naman ang treatment ni Kuya Lance sa'kin araw-araw, eh 'di kahit araw-arawin ko pa ang paghatid kay Bonsai rito sa kanila buong summer ay okay lang 'no.
• • •
Ang dami kong nakain dahil si Kuya Lance pa talaga ang nagse-serve sa aking plato. S'yempre ako, kilig na kilig pero ang nakaka-b'wisit sa lahat ay 'yong ginagawa ni Bonsai sa bawat pagkain na nasa pinggan ko na. Kinukuha niya kasi lahat ng 'yon at pinapalitan niya ng ayaw ko, minsan pa 'yong kinagatan niya na. Kahit kailan talaga panira ng moment ang asungot na 'to! Nang hindi na ako makatiis sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.
"Aray!" sigaw niya. "Bakit naninipa ka?" tanong niya sa'kin.
"Hindi ah. Bakit naman kita sisipain? Baka kinagat lang ng lamok ang paa mo riyan sa ilalim tapos ako pa pagbibintangan mo."
"Eh sinipa mo kaya ako!"
"Hindi 'no!"
"Sinungaling!" sabi niya.
"Ikaw kaya!" sabi ko naman.
"Ikaw!" hirit niya pa.
"Magsitigil nga kayong dalawa! Nagsisimula ka na naman, Andz, kaya parati kayong nag-aaway ni Loraise eh," saway ni Kuya Lance.
Ganiyan ang gusto ko kay Kuya Lance eh, mahal ako kaysa kay Bonsai. Binelatan ko nga lang at siya naman ang sumimangot.
Matapos namin kumain ay nagyaya pa si Kuya Lance na maglaro muna, at syempre ang nilaro namin ay Chess. 'Yon ang favorite game ko eh. Wala akong pakialam kung mas magaling siya basta ang importante makalaro ko siya.
Aba bihira lang 'to mangyari 'no, kaya samantalahin ko na habang may pagkakataon pa. Pero nang nasa kalagitnaan kami nang paglalaro ni Kuya Lance ay nakikita kong dehado na ako. Dalawang pawn, isang knight at isang bishop na nakain niya samantalang ako ay isang pawn pa lang. Nangigigil akong matalo siya pero sa kalagitnaan ng pag-concentrate ko ay biglang may asungot na naman na umepal.
"Ano ba 'yan, Pangit, talo ka na oh!" sabi ni Bonsai.
"Shut up, Bonsai! I'm not asking your opinion." At finorward ko ang isang pawn sa harap ng knight.
"Tanga! Kain na 'yong rook mo oh!" sabi niya naman at nakita ko nga na kinain 'yon ng bishop ni Kuya Lance.
"Nag-iisip ka ba?" tanong niya.
"Oo, kaya huwag kang makikialam! May sarili akong diskarte," sabi ko at tatawa-tawa lang si Kuya Lance.
Finorward ko ulit 'yong knight ko at balak kong i-corner 'yong bishop niya, pero bigla na lang akong tinulak ni Bonsai sabay sabing, "Tabi nga riyan, hindi ka naman marunong eh! Ako na ang maglalaro para sa'yo."
"Huwag ka ngang makialam!"
Napipikon na ako kaya tinulak ko rin siya. Si Kuya Lance ay tatawa-tawa lang. "Ganito na lang change the winner," mungkahi ni Kuya Lance at natigilan kami ni Bonsai.
"Sige!" sabay naming sabi pero kahit tumigil na siya sa pangingialam ay panay pa rin siya ng turo ng mga tamang itira at mali kong tira.
Kainis lang eh, ako ang niyaya maglaro siya 'tong nang-aagaw! Epal talaga. Bwisit!
Sa bawat tira ko ba naman panay sabi ng:
"Mali! Dapat pawn."
"Ang tanga mo! Kain na ang queen mo oh!"
"Pain lang 'yan kumagat ka naman! Tanga talaga!"
"Dito dapat hindi riyan!" sabay turo sa tamang square.
"Kainin mo huwag kang mag-pass!"
"Peste! Ikaw na kaya maglaro!" Galit na sabi ko sa kaniya. Kanina pa eh ayaw tumigil.
"Talaga dahil checkmate ka na!" sabi niya sabay tira ni Kuya Lance ng kaniyang bishop at sakto nga, checkmate na ako.
"Agr! Ikaw kasi, Bonsai, ang ingay mo! Hindi tuloy ako makaconcentrate!" sisi ko sa kaniya.
"Ano ako? Kung sinunod mo lang kasi mga tinuro ko sa'yo, natalo mo sana ito si Kuya. Ang sabihin mo kasi, tanga ka!"
"Alam mo sumusobra ka na!"
Pero bago pa man kami magkasakitan ni Bonsai ay inawat na kami ni Kuya Lance, "Teka lang, ayan na naman kayo eh."
"Ikaw na maglaro dito, Andz," dugtong niya pa.
"Sige ba!" At umusog si Kuya Lance para pagbigyan si Bonsai.
Nagsimula na kaming maglaro ni Bonsai habang nanonood si Kuya Lance pero hindi pa nga five minutes ay halos naubos na niya ang kawal ko. Naiinis na ako sa galit pero siya pangiti-ngiti lang dahil natatalo na ako. Hanggang sa tumira si Kuya Lance para sa'kin.
"Oh ano 'yan? Bakit tinutulungan mo siya Kuya?" sita ni Bonsai kay Kuya Lance.
"Eh sa gusto ko, ano bang paki mo?" nakangiting sabi ni Kuya at kilig na kilig naman ako.
"Ang daya, two versus one? Hindi patas 'yan!" angal ni Bonsai.
"Anong hindi patas? Bakit hindi ba national player ka sa larong Chess? Ako nga hindi kita matalo eh, si Loraise pa kaya?" sabi ni Kuya Lance na kinagulat ko naman.
"National player?" takang tanong ko.
"Oo at alam mo ba, mula grade two 'yan si Andz ay wala pang nakakatalo sa kaniya sa larangan na 'yan dito sa Pilipinas? National champion ng Chess ang kalaban natin kaya wala ka talagang pag-asang manalo sa kanya," direktang paliwanag ni Kuya Lance, at nang tignan ko naman si Bonsai ay nakita kog napakalapad ng ngiti.
"Seryoso?" Hindi pa rin ako makapaniwala at tumango na lang si Kuya.
"Ngayon bilib ka na sa'kin? Kung sinunod mo lang sana ako kanina, eh 'di tayo ang panalo," mayabang niyang sabi.
"In your dreams!" tanging nasagot ko pero hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Kuya. Sa liit niyang 'yan, National Champion ng Chess? Unbelievable!
Hanggang sa tinulungan na ako ni Kuya Lance sa lahat ng tira pero sa huli ay talo pa rin kami ni Bonsai.
Malakas itonv tumawa saka nagsalita, "Yes! Panalo ako!"
"Eh di ikaw na!"
Nagbelat lang siya. Peste!
Matapos no'n ay nagpaalam na akong uuwi. Nasa garahe na ako pero nakasunod pa rin si Bonsai sa'kin. Aangkas na sana ako sa bike ko pero pinigilan niya ako.
"Teka lang, Pangit, ipahahatid na kita. Gabi na oh baka mapa'no ka pa riyan sa daan."
"Himala 'ata at naging concern ka sa'kin."
"Hindi ako concern sa'yo, ayoko lang na multuhin mo ako kapag na-rape at pinatay diyan sa daan."
"Bwisit ka talaga! Umalis ka na nga sa harap ko!"
"Ayaw mo?"
"Oo! Kaya ko umuwi mag-isa!"
"Bahala ka, si Kuya Lance pa naman maghahatid sa'yo," sabi niya sabay talikod sa'kin at nagsimula na siyang maglakad. Ako naman eh sa kagustuhan na makasama pa si Kuya Lance ay hinabol ko siya.
"Teka lang sandali, Bonsai!" tawag ko pero deadma lang ang beauty ko.
"Andz!" tawag ko ulit saka siya tumigil. "Asan na ba si Kuya Lance?" tanong ko.
"Nagbago na isip ko. Umuwi ka na lang mag-isa," sabi niya pero bago pa man ako makapagsalita ay lumabas na si Kuya Lance mula sa kanilang bahay.
"Halika na, Loraise. Ihahatid na kita sa inyo," sabi niya.
"Si-sige, Kuya," Masaya kong sagot at inakbayan pa ako ni Kuya Lance papunta sa kaniyang pick-up. Nagbelat naman ako kay Bonsai na naiwan at nakasimangot ang pagmumukha.
Masaya akong hinatid ni Kuya, nilagay niya sa likod ng pick-up ang bike ko.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top