Chapter 29: Broken Vow
~Please play the media above. That's the song of Bonsai for Lora.~
Chapter 29: Broken Vow
Shane Loraise
Ngayon ang araw ng kaarawan ni Lance at imbitado kami nina Viv at Jhen sa party na gaganapin sa isang sikat na restaurant. Bagamat kinakabahan akong harapin si Andz ay wala na akong natitirang oras. Sa sunod na araw na aking kasal kay Harry at kailangan ko ng tapusin ang lahat ng bagay na umuugnay sa amin ni Andz.
Sout ang aking Black Organza Party Dress LONG Sleeves ay lumabas na ako ng aking kuwarto at bumama. Andoon na rin sina Viv at Jhen, at syempre dahil BFF kami, pare-pareho ang style ng damit namin, pinagkaiba lang ang kulay. Kay Jhen ay creamy white, kay Viv ay Green.
Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang excitement na magaganap na party. Syempre tsansa na nila makakilala ng mga kaibigan ni Lance, pero ako. . . malunglot, kabado at tila ang bigat ng loob pumunta roon. Ito na ang huling araw na makakasama at makikita ko siya, at ito na ang pinakamalungkot na araw para sa aming dalawa.
Tipid kong nginitian sina Viv at Jhen nang makalapit ako.
"Tara na,"? tanong ni Viv sa akin at tumango lang ako.
Lumabas na kami at nagpahatid sa aking driver. Habang nasa biyahe ay panay k'wentuhan ng dalawa samantalang ako ay nakatingin lang sa labas ng bintana at halos bilangin na ang bawat punong nadaraanan.
Lumipas ang mga segundo at minuto nang hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa naturang restaurant. Mabigat ang paa kong lumakad papasok pero hinila ako bigla nina Viv at Jhen.
Pagdating namin sa may pinto ay hiningi ng guard ang aming invitation card at ipinakita naman iyon ni Viv saka kami pinapasok. Halatag pinasara nila ang buong restaurant para sa birthday ni Lance. Siguradong marami ngang bisita ang narito ngayon.
Pagpasok namin sa loob ay napansin kong hindi lang mga taga medical fields na katrabaho ni Lance ang andoon, maging ang ilang business man na nakikita ko sa magazine ay narito rin para sa birthday niya. Bagay na ipinagtaka ko.
Everything was arrange like there will be a grand and ellegant birthday for a prince. Lahat ng bisita halatang mamahalin ang mga suot na damit at sapatos, mga kilalang tao at may mga posisyon sa gobyerno ang ilan pa.
Hindi ko lubos maisip na ganito na pala kayaman sina Lance. Minsan sa nadaanan ko ay narinig kong business meeting ang kanilang pinag-uusapan, pero hindi ko naman alam kung may company ba sina Lance to held a party like this.
Sina Viv at Jhen naman ay inilibot ang kanilang paningin, halatang hinahanap si Lance pero si Bonsai ang unang nahagip ng paningin ko. Nakita ko siyang naglalakad papalapit sa amin habang nakangiti ngunit tipid lang akong ngumiti sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa aking dibdib at ang lihim na patuloy na nagpapasikip nito.
Kaya ko bang sirain ang masayang gabing ito ng kapatid niya? Anong sasabihin ko sa kaniya? Paano? Saan? Kung lahat nagsasaya saka ko naman binababalak sirain ang araw ni Andz.
Hindi! Hindi ko kaya!
Akma na akong tatalikod at maglalakad palabas nang pigilan ako ni Jhen.
"Bes, saan ka pa pupunta? Nandito na si Andz oh, tara na!" anyaya niya sa'kin sabay hila.
Kamuntik naman akong matapilok sa kaba papalapit sa kaniya. Wala na talaga akong nagawa kun'di ang sumunod.
Nginitian ko si Andz nang makalapit sa kaniya pero deep inside damang-dama ko ang lungkot at sa'kit sa bawat pagkikita pa namin.
"Hi, guys," bati niya sa'min tapos biglang sumulpot sina Bryan at Nick mula sa kung saan.
"Hi, Shane, long time no see, and these are?" tanong ni Nick habang nakatingin kina Viv at Jhen.
"Ah mga kaibigan ko, sina Jhen at Viv," pagpapakilala ko sa kanila.
"I'm Nick."
"And I'm Bryan," pagpapakilala naman ng dalawa.
"Would you mind if we take you to your sit?" anyaya naman ni Bryan sa dalawa at sumama naman ito. Naiwan tuloy kami ni Andz pero bago pa tuluyang makalayo sina Bryan at Nick sa amin ay tinapik pa ni Nick ang balikat ni Andz na tila may ibig sabihin.
"Okay ka lang?" tanong ni Andz sa akin at tumango lang ako.
"Good! Sakto dumating sina Mom and Dad mula sa US. Halika, papakilala kita sa kanila," anyaya niya sa'kin na nagdulot ng matinding kaba sa dibdib ko.
Bahagya akong pinagpawisan ng malagkit nang marinig iyon at isang bagay lang ang pumasok sa utak ko, 'Mali talaga ang pagpunta ko ngayon dito!'
"P'wedeng next time na lang? Kinakabahan ako eh," pagdadahilan ko. Sana pumayag siya.
"Ano ka ba! Ngayon lang nagbakayon sina Mom at Dad after 12 years, gusto ko naman ipakilala sa kanila ang kanilang future daughter-in-law!" masigla niyang sagot na lalo kong ikinalungkot.
"Daughter-in-law," bulong ko. Ang sayang pakinggan. Sana nga totoo, pero sa sitwasyon namin ngayon, imposible na iyon.
Ramdam ko ang pag-init ng aking mga mata na anumang oras ay nagbabadya nang lumabas ang mga luha na kanina ko pa pinipigil.
Tinignan ko siya ng mata sa mata, nakikiusap na huwag niya na akng ipakilala pero hindi ako nanalo. Nakikita ko ang labis na galak na ipakilala ako sa mga magulang niya bilang kaniyang girlfriend. At bilang pagpapakalma sa akin ay niyakap niya muna ako sandali saka bumulong, "Okay lang iyan, nandito ako palagi sa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan."
Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi niya at naramdaman ko na lang na hinihila niya na ako papunta sa kung saan. Tila namamanhid ang buong katawan ko habang naglalakad papunta sa mga magulang niya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko para umalis. Hindi ko na rin masyadong matandaan kung saan kami dumaan dahil sa dami ng bagay na gumugulo sa utak ko. Isa lang ang tanging nakikita ko ngayon, ang mukha ni Andz na sobrang saya dahil ipapakilala niya ako sa mga magulang niya.
Nakarating kami sa isang VIP table kung saan nakaupo si Lance at may kasama siyang lalaki na medyo maedad na pero halos kamukha niya. Iyong babae naman ay halos kaedaran ng lalaki at kamukha naman ni Bonsai. Walang duda ito na ata ang mga magulang niya at katabi naman nito ang mga Lolo at Lola niya.
Bahagya pa silang nagulat nang makita kami ni Andz lalo na ako pero ngumiti din sila. Ako naman ay sobrang kabado na sa mangyayari, tila lalabas na ang puso ko sa aking dibdib sa lakas ng kabog nito.
"Mom, Dad, si Lora nga pala, girlfriend ko," pakilala niya sa'kin na tila ikinaguho ng buong mundo ko.
Bakit pa ba ako pumunta rito? Hindi ko man lang naisip na p'wedeng mangyari ito. Sinaktan ko na nga si Andz, nagmukha pa akong manloloko sa harap nila sa oras na malaman nila ang totoo.
Sa sobrang gulo ng isip ko, hindi ko na malaman ang aking gagawin. Gusto kong sabibin ang totoo sa harap ni Andz pero ayaw ko siyang mapahiya. Kapag hindi ko naman itinama, ako naman ang magmumukhang sinungaling. Pero ano nga ba? Mas mahal ko si Andz, at mas gugustuhin ko na lang na kasuklaman ako ng lahat kaysa ang ipahiya siya sa harap ng mga magulang niya. Mas pipiliin ko na lang na lumabas na manloloko sa mga susunod na araw kaysa naman gumawa ng esksena dito sa harap ng mga magulang niya.
Nginitian ko sila at nag-hello pero sa loob ko ay gusto ko nang tapusin ang bangungot na ito. Naupo naman kami ni Andz sa halos katapat ng mga magulang niya.
"Happy birthday, Lance," bati ko naman sa kaniya na nakaupos sa tabi ng Dad niya. Binigay ko rin ang regalo ko sa kaniya na binili ko kasama sina Viv ag Jhen. "Sana magustuhan mo, pasensya ka na wala akong maisip na magandang iregalo sa lalaki eh," dagdag ko pa habang nakangiti.
"Thanks, Shane. Kung ano man ang laman nito, siguradong magugustuhan ko ito," sagot niya.
"Parang pamilyar ka sa'kin, hija," biglang sabi ng Mommy ni Andz.
"Syempre, Mom, siya iyong kababata ko noon na apo ni Granny!" sabat ni Andz bilang sagot at lumiwanag naman ang mukha ng mga magulang niya.
"Ah, ikaw iyong batang babae na laging nagbabakasyon tuwing summer sa isla na laging pinupuntahan nitong si Andz noong maliit pa siya."
"Ah, hehe. Opo, ako po iyon," sagot ko.
"So ikaw ang dahilan bakit bamalik dito si Andz sa Pinas," sabi naman ng Dad niya na ikinagulat ko. Samantalang si Lance ay pangisi-ngisi at si Andz ay nakasimangot.
"Po?" takang tanong ko.
"Alam mo ba na tumakas lang itong si Andz sa amin at palihim na bumalik dito sa Pinas ng walang paalam. Nalaman na lang namin kay Lance na nandoon na ito sa townhouse niya at sinusundan daw iyong prinsesa niya," tatawa-tawang sagot ng Dad niya na mas lalong ikinasimangot ni Andz.
"Dad!" inis na sabi ni Andz.
"Totoo naman 'di ba? Huwag ka ng magkaila, alam namin ang dahilan bakit ginusto mo bumalik ng Pinas. Mula noong maliit ka pa, lagi kang nakasunod sa kaniya kahit na bagong tuli ka ayaw mo papigil dahil gusto mong lagi siyang nakikita," sabi pa ng Dad niya. Bahagya naman akong natawa roon at ang mukha ni Andz ay hindi na maipinta.
"Hindi pa nga siya nakuntento, noong nasa US na kami in-stalk ka pa sa fb gamit ang isang fake account at frin-end ka pa," sabi naman ng Mommy niya mas lalo kong ikinatuwa.
Pansamantala kong nakalimutan ang iniisip ko kanina dahil sa mga sinabi ng magulang niya.
"Mom, Dad!" inis na sabi ni Andz.
"Oops, don't deny it baby. Nahuli kita minsan sa kwarto mo na nakatitig sa account niya, at maging ang desktop background mo ay picture niya pa," tatawa-tawang sabi ng Mommy niya na tila nang aasar.
Tinignan ko naman si Andz at saka ako bumulong, "Hindi ko akalain na ganoon mo pala ako kagusto mula noon," nang-aasar kong sabi.
"Tsk!" nakasimangot niyang tugon na tinawanan naman ng mga magulang niya at Lola saka ni Lance. Tapos biglang nabaling kay Lance ang usapan.
"Ikaw Lance, kailan ka pa magpapakilala ng girlfriend mo sa amin? Naunahan ka pa nitong si Andz oh. Baka pati sa baby maunahan ka pa niyan," pang-aasar ng Lolo niya.
"Saka na, Lo, hayaan muna natin si Andz pero hindi siya p'wede mag-asawa hanggang 'di ako nakakapag-asawa," sagot nito.
"Wow naman, Kuya. Kung may balak kang tumandang binata huwag mo naman akong idamay," angal ni Andz at nagtawanan lang silang lahat.
Hindi ko maitatanggi na sobrang saya nila sa araw na ito. Maging si Andz ay kahit nakasimangot ay masaya pa rin tignan ang mga mata. Sana totoo na lang ito, sana hindi na matapos pa, at kung panaginip man ito, ayaw ko nang magising pa.
Nagsimula nang magkainan ang mga bisita ni Lance, nalaman kong 'di lang pala birthday niya ang pinunta dito ng mga ibang personalidad, kun'di para pag-usapan na rin ang negosyong balak itayo ng mga magulang ni Lance sa Pilipinas.
Sina Viv at Jhen naman ay kasalukuyang nag-eenjoy kasama ang mga kaibigan ni Andz at nang matapos kaming kumain ni Bonsai ay nagyaya siyang maglakad-lakad sa likod ng restaurant.
Kamuntik ko nang makalimutan ang talagang dahilan bakit ako pumunta rito dahil sa madayang pakikitungo sa'kin ng mga magulang ni Andz. Sana totoo na lang na talagang kami na para masaya. . . pero hindi talaga mangyayari ang gusto ko. Kailangan kong bumalik sa reyalidad at tapusin na ang lahat.
Pagdating namin sa likod ng restaurant doon ko nakita ang ganda ng isang tila maliit na park. Malapit na ang Christmas kaya ang mga punong kahoy ay nalilibutan ng mga Christmas light na may iba-ibang kulay at pattern. May pink, yellow, green, red, blue at white color. Sa dulo ng park ang isang mini pond at sa gitna nito ang isang cove kung saan nagniningning din sa Christmas light. Hindi ko maiwasang mamangha sa pagdedisenyo ng cove na ito. Magandang mag-date dito ang mga magkasintahan.
Mahangin at maaliwalas ang panahon ngayon. Kitang-kita ko rin ang mga bituin sa kalangitan. Hinawakan ni Andz ang akung kamay at naglakad kami papunta sa cove.
Sa mga oras na ito gusto ko na lang samantalahin ang pagkakataon na makasama siya. Kahit sa huling oras at minuto para lang maramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin.
Alam kong masaya ka ngayon na kasam ako, pero tatapusin ko na ang lahat para makalaya ka na sa pagmamahalan nating dalawa.
Sumunod lang ako sa kaniya pagpasok namin sa loob ng cove. Pagdating doon ay nakakita ako ng isang gitara at saka kami naupo sa bench nito. I know Andz plan all of this, but I don't know what's this for.
Kinuha ni Andz ang gitara saka nagsalita, "Ayaw kong gumawa ng eksena sa loob dahil araw ito ni Kuya kaya dito ko na lang gagawin. This song is for you, Lora. Naalala mo pa, sabi ko kakantahan kita someday, magpa-practice lang ako. Heto na iyon! Sana magustuhan mo."
Sa pag-strum niya pa lang ng string ng gitara ay alam ko na ang kantang kakantahin niya at hindi ko maiwasang labis na masaktan habang pinapakinggan ang bawat lyrics nito.
🎵 I'm telling you, oh yeah
I softly whisper
Tonight, tonight
You are my angel 🎵
🎵 Aishiteru yo, oh yeah
[I love you] 🎵
🎵 Futari wa hitotsu ni
[Two become one] 🎵
🎵 Tonight, tonight
I just say 🎵
Bakit ba kailangan maging masakit ang ending naming dalawa? Hindi ba p'wedeng maging masaya na lang kami? Hindi ba p'wedeng takasan na lang lahat at lumayo kaming dalawa?
🎵 Wherever you are,
I'll always make you smile
Wherever you are,
I'm always by your side 🎵
🎵 Whatever you say, kimi wo omou kimochi
[Whatever you say,
the feelings you're thinking] 🎵
🎵 I promise you forever right now 🎵
🎵 I don't need a reason
I just want you baby
Alright alright
Day after day 🎵
Alam kong mahal na mahal mo ako Andz, ramdam ko iyon at mahal na mahal din kita . . pero mali na ituloy pa natin itong dalawa. Magkakaanak na ako at hindi ikaw ang ama.
Nang mga sandaling iyon hindi ko na mapigilan pang umiyak. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan mula sa loob ng restaurant ay tuluyan ng umagos ng walang tigil.
🎵 Kono saki nagai koto zutto 🎵
[Starting now going on forever]
🎵 Douka konna boku to zutto 🎵
[Please, stay with a person like me forevermore]
🎵 Shinu made stay with me 🎵
[Stay with me until death]
🎵 We carry on 🎵
🎵 Wherever you are,
I'll always make you smile
Wherever you are,
I'm always by your side 🎵
🎵Whatever you say, kimi wo omou kimochi
[Whatever you say,
the feelings you're thinking] 🎵
🎵 I promise you forever right now 🎵
🎵 Wherever you are,
I'll never make you cry.
Wherever you are,
I'll never say goodbye 🎵
🎵 Whatever you say,
kimi wo omou kimochi
[Whatever you say,
the feelings you're thinking] 🎵
🎵 I promise you forever right now 🎵
Gustung-gusto kita makasama Andz. Gusto kitang makasama habang buhay. Ikaw lang sapat na sa'kin, kahit walang yaman o karangyaan. Mahal na mahal kita, Andz. Kung pwede nga lang talaga na manatili sa tabi mo hanggang kamatayan ginawa ko na. . . kaso hindi talaga p’wede.
🎵 Bokura ga deatta hi wa futari ni totte ichiban
[For us, the day we should celebrate the most]
Me no kinen no subeki hi da ne
[Is the one we first met] 🎵
🎵 Soshite kyou to iu hi wa Futari ni totte niban
[So, the second day we should celebrate the most] 🎵
🎵 Me no kinen no subeki hi da ne
[Is the one we call “today”] 🎵
Tila nagbalik tanaw sa akin lahat ng mga pinagdaanan namin noon ni Andz. Mula nang magkakilala kaming dalawa 12 years ago, hanggang sa maging kami ng sandaling panahon at humantong sa ganito.
Ang bilis lang ng mga pangyayari, akin pa siya noon, papakawalan ko na siya ngayon.
🎵 Kokoro kara aiseru hito
[Someone I love from my heart]
Kokoro kara itoshii hito
[Someone I can love, from the bottom of my heart]
Kono boku no ai no mannaka ni wa
[In the center of this love]
Itsumo kimi ga iru kara
[Are you, my heart...] 🎵
🎵 Wherever you are,
I'll always make you smile
Wherever you are,
I'm always by your side 🎵
🎵 Whatever you say, kimi wo omou kimochi
[Whatever you say,
the feelings you're thinking] 🎵
🎵 I promise you forever right now
Wherever you are
Wherever you are
Wherever you are 🎵
° ° °
“Stay with me forever, Lora,” sabi niya pagkatapos kumanta.
Pinunas ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti pero ayaw papigil ng mga mata ko. Pakiramdam ko lahat ng bigat sa loob ko ay lumabas na ngayon at hinding-hindi ko na kayang itago pa.
Napansin naman ni Andz ang pag-iyak ko kaya nilapitan niya ako. He looks worried while looking at me. I know he sense something he can't explain kaya niyakap niya ako. Nang sandaling iyon gusto ko nang huminto ang oras para di na mawalay sa mga bisig niya.
"I love you, Andz. God knows how much I love you!" sabi ko sa kaniya habang nakayakap sa'kin at patuloy ang pag-iyak ko.
"Then why are you crying? Hindi ka ba masaya na kasama ako? Yayayain sana kita na magbakasyon ng Korea sa Christmas break pero iyak ka naman ng iyak. May problema ba? Hindi ba maganda ang kanta ko? O ang boses ko?" nakangiti niyang tanong. Alam kong pilit niyang pinapagaan ang aking nararamdaman, dahil kahit hindi ko sabihin, alam kong alam niyang may bagay na gumugulo sa aking isipan.
Kung alam mo lang, Andz. Everything was perfect except for the time we spent our love.
"Andz, makinig ka. Makinig kang mabuti." Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi habang nakatitig sa mukha niya.
Pilit kong inuukit sa aking isipan ang muka niya para kahit anuman ang mangyari, magkalayo man kami, hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko. Sapagkat ito na ang huling araw na matititigan ko ito ng malapitan at mahahawakan ng malaya at walang pag-aalinlangan.
"Gusto kong sumama sa'yo sa Korea pero. . . hindi na p'wede. I'm really sorry, Andz." Patuloy ang pag-iyak ko sa harap niya kasabay ng pagtanggal ko ng mga braso niya na nakayakap sa'kin.
Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka, hindi matatanggi iyon.
"Bakit? Ano ba ang problema, Lora?"
"Andz. . . I-I'm. . . pregnant!"
Nang sandaling iyon nakita ko mula sa mga mata niya ang biglaang pagpalit ng emosyon. May bahid ng galit, sakit at lungkot ang nakita ko sa kaniya, pero nagawa niya pa ring tumawa sandali na parang hindi naniniwala.
"Nag-jo-joke ka lang 'di ba, Lora?"
Hinawakan niya ako ng mahigpit na mahigpit sa magkabilang braso. Galit na galit siya, iyon ang nakikita ko sa mga mata niya pero wala akong balak ibsan ang sakit o galit na nararamdaman niya. Kailangan niya ng harapin ang katotohanan masakit man ito sa aming dalawa, kaya umiling ako.
"Totoong buntis ako, Andz, at si Harry ang ama! Kaya hindi ako makakasama sa'yo sa Korea dahil ikakasal na rin kami bukas makalawa," lakas loob kong sagot sa kaniya habang umiiyak, pero sa bawat salitang binibitawan ko ay tila patalim iyon na humihiwa sa puso ko. Sinaktan ko ng sobra ang lalaking mahal ko. Sinaktan ko si Andz.
Galit na galit niyang binitawan ang braso at mahigpit na kinuyom ang kaniyang kanang kamao. Nakita ko rin na may iilang butil ng luha ang lumabas sa kaniyang mata habang nakahawak naman ang kanan niyang kamay sa kaniyang noo.
Ang iilang butil ng luha ay nasundan pa ng nasundan, umiiyak siya sa harap ko. Wala ng sasakit pa sa sandaling ito, ang makitang umiiyak ang mahal sa harapan ko nang dahil sa akin.
"Putang ina siya, Lora! Mapapatay ko siya!" galit na galit niyang tugon. Para siyang sasabog sa galit nang sandaling bitawan ang mga salitang iyon.
“Mapapatay ko siya, Lora! Mapapatay ko siya!” paulit-ulit niyang sabi dala ng matinding galit.
Unti-unti kong nilapit ang kamay ko sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.
"Andz, so-sorry. . . sorry. Sana mapatawad mo ako pero kailangan kong pakasalan si Harry para sa anak namin." Nang sandaling iyon ay liningon niya na ako at hinawakan ang kamay ko.
May iilan pang luha ang nga maylta niya nang titigan ako.
"Huwag kang magpapakasal, please? Handa akong akuin ang obligasyon niya sa'yo huwag ka lang mawala sa'kin. At hinding-hindi ko kayang makita na maging impyerno ang buhay mo sa kaniya. Kaya kong ibigay lahat sa anak mo. Kaya kong mahalin siya na parang akin, huwag mo lang ipain ang sarili mo sa demonyo. Please, Lora, huwag kang magpakasal sa kaniya, tumakas tayo papuntang US. Please stay with me," nakikiusap niyang tugon saka pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.
Ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya, nakakadala, parang gusto kong tanggapin ang alok niya pero hindi ko naman kayang tanggapin ang kahihiyan na matatamo niya sa akin. Napakabata niya pa para maging ama. He's just 17. At ano naman ang sasabihin sa akin ng mga magulang niya? Sisirain ko lang ang kinabukasan niya kapag pumayag ako sa alok niya.
Binawi ko ang kamay kong hawak niya at lumayo sa kaniya.
"Andz, I love you. I really do, but this relationship has come to an end. Hindi ko kayang makitang sinisira ko ang buhay mo para sa'kin. Hindi baleng ako na lang, huwag lang ikaw. Marami pa ang magagandang bagay ang pwedeng mangyari sa'yo, huwag mong iikot sa akin ang buhay at puso mo. I'm sorry, Andz, but this time. . . I choose Harry. I love you, but goodbye," nanginginig kong sabi dahil sa loob ko, ayaw ko siyang iwanan at gusto ko magpakalayu-layo kasama siya pero mali iyon at ito ang tama.
Pakasabi ko niyon ay tumayo na ako at tumakbo papalayo sa cove. . . papalayo da kaniya, sa lalaking mahal ko. Dahil baka kapag hinila niya pa ako o niyakap ay tuluyan na akong matalo ng aking paninindigan. Ngunit hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mata ni Andz na sobrang nasasaktan dahil sa'kin habang sinasabi lahat ng iyon.
Ang sakit-sakit na!
Patuloy ang pag-iyak ko hanggang sa makalabas ako ng restaurant at hindi ko namalayan na umaambon na pala hanggang sa tuluyan nang umulan.
Nang mapagod na ako sa pagtakbo ay naglakad na lang ako ng walang direksyon. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Itinago ko na lang sa mga patak ng ulan ang mga luha na walang humpay sa pagbagsak mula sa aking mga mata. Pati langit saksi sa sakit na nararamdaman namin ngayon ni Andz.
To be continued...
•••
Last 2 chaps. Sorry basag ang chapter, nasa duty ako nang sinusulat iyan. Wala akong matinong mga salita na magamit. Pasensya na sa chapter nd thanks for continue reading.
17/11/2018
10:30pm
Taif, KSA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top