Chapter 20: The Plan

Danica POV

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano halikan ni Andz si Shane, at hindi ko kayang tumagal pa sa lugar na ito habang nakikita silang masaya. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makita ko kung gaano kamahal ng lalaking pinakamamahal ko ang ibang babae. Hindi ko kaya, para akong mamamatay sa sakit na aking nadarama. Nakakaselos!

Matagal ko ng kaklase si Andz mula elementary hanggang high school. Maging sa pagpunta niyang US ay sinundan ko siya upang magkasama pa rin kami. Hanggang sa biglaan niyang pagbalik dito, nakasunod pa rin ako sa kanya sa pag-asang makikita niya man lang ang halaga ko pero. . . mukhang nagkamali ako. Inagaw siya sa'kin ng iba! Matapos ko siyang hindi iwanan, matapos kong gawin lahat para sa kanya, matapos kong maging kaibigan niya ng mahabang panahon, ito lang pala ang mapapala ko? Hindi ako papayag.

Alam ko mahal niya rin ako, Andz! Nararamdaman ko 'yon nang nasa US pa tayo. Masyadong epal lang ang babaeng 'yan sa landas natin, kaya, kailangan niyang mawala!

Agad akong pumasok sa compound ng university at pumunta sa parking lot kung saan naka-park ang aking kotse at naghihintay ang aking driver.

Sobrang sakit nang nakita ko at hindi ako makakapayag na hindi makaganti.

"Kuya, sa Subaru Car Company tayo," agad kong utos sa aking driver nang makapasok ako sa aking kotse.

"Yes, Ma'am."

Nakapagpaimbestiga na rin ako tungkol kay Shane at alam kong malapit na siyag ikasal, kaya kailangang malaman lahat ng future husband niya ang mga pinag gagagawa niya.

Napangsi na lang ako ng tinignan ko ang aking cellphone na may picture ng dalawa habang magkasama kanina.

Tignan na lang natin ang mangyayari kapag nakita ito ng boyfriend mo, Shane.

•   •   •


Pagpasok ko pa lang ng Subaru Car Company ay pinagtinginan na ako ng lahat. Akala ng mga sales agent ay bibili ako ng kotse kaya kany-kanya na silang lapit sa'kin, pero hindi ko sila inintindi. Dumiretso ako sa information desk at nagtanong doon.

"Ah, Miss, can I speak to Mr. Harrison Ford Valdez?" tanong ko sa isang babae sa front desk.

"Sino po sila? May schedule po ba kayo sa kanya?"

"No, I don't have any schedule," sagot ko.

"Pasensya na po, Ma'am, busy po kasi si Sir Valdez at may appointment pa siya mamayang 3pm-6pm. P'wede ko po kayong ipa-schedule sa kanyang secretary sa sunod na araw."

"Hindi na ako makakapaghintay pa ng sunod na araw, p'wedeng pakisabi na lang sa kanya ang pangalang Shane Loraise?"

"Iyong fiance po ni Sir?"

"Ano ba sa tingin mo? Sabihin mo gusto ko siyang makausap!" inis kong sagot.

"Ah yes, Ma'am, wait lang po."

Agad itong nag-dial sa telepono at pagkatapos kausapin ang nasa kabilang linya ay pinaakyat na rin ako sa opisina ng taong gusto kong makausap.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa kanyang swivel habang kausap ang isang babae at isang lalaki.

"Sige, Kuya, mauna na kami. Congrats in advance sa kasal mo kay Shane," wika ng lalaki sabay tayo.

Nginitian lang sila ni Harry saka muling nagsalita ang lalaking tumawag sa kaniya ng kuya, "Let's go, babe," yaya niya pa sa isang babae na halos hindi nalalayo sa kaniyang edad.

"Ikaw na ang bahala sa kapatid ko, Claire."

"Oo naman, Kuya," sagot ng babae na kung titignan mo ay galing sa isang marangyang angkan. Sa pananamit pa lang niya at kilos mukha na itong sikat na model.

Nang humarap naman sila sa'kin doon ko napagtanto na napakapamilyar ng mukha ng babae. Siguro dalawang taon lang ang agwat nila at ni Harry. Mukhang magkaedad rin sila ng lalaking tumawag na kuya rito.

Saan ko nga ba nakita siya?

"Have a sit," alok niya sa'kin nang makalabas ang dalawa.

Sinunod ko naman siya at naupo sa upuan sa harap ng kaniyang mesa.

Hindi ko maitatangging g'wapo rin ang isang 'to lalo pa't mas nakadagdag ng kanyang sex appeal ang suot niyang tuxedo.

Bakit hindi na lang makontento ang babaeng 'yon sa boyfriend niya? Bakit kailangan niya pang agawin si Andz sa'kin? Malandi talaga!

"Nabanggit sa'kin ng secretary ko na may sasabihin ka raw tungkol sa aking fiance," panimula niya at ngumisi ako.

"Yes, totoo 'yon, at hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa sa sadya ko rito. May kailangan kang malaman tungkol sa girlfriend mo," seryoso kong sagot at tinignan siya ng mata sa mata.

Alam kong kahit hindi siya magsalita, nababasa ko na ang ibig niyang sabihin.

"Sasabihin ko sa'yo, in one condition. . . huwag mong sasaktan si Andz. He's mine."

Sa sinabi kong 'yon ay napakunot-noo siya, saka ko ipinakita ang kuha sa aking cellphone kina Andz at Shane.

Kitang-kita ko ang matinding galit sa kaniyang mga mata nang tignan ang kuha sa aking cellphone. Hindi man niya sabihin ay alam kong galit na galit siya rito. Kahit ako ay gano'n din ang nararamdaman ng makita ko silang magkahalikan.

"Ito lang ba 'yon?" tanong niya sa'kin. Halata sa kaniyang boses ang pagpipigil.

"Ngayon alam mo na kung anong klaseng babae ang girlfriend mo, inagaw niya rin sa'kin ang boyfriend ko kaya nandito ako para humingi ng tulong sa'yo na paghiwalayin sila," seryoso ngunit galit kong wika.

Hindi ko talaga mapigilang hindi magselos sa babaeng 'yon sa tuwing naiisip ko ang nangyari kanina.

"You don't need to ask for it. . ."

"Danica, Andz's girlfriend," pakilala ko.

"Danica, like what I've said. You don't need to worry about them. I'll make sure that she will marry me no matter what happen. Mas mabuti pang ilayo mo ang boyfriend mo sa girlfriend ko. And beside, I don't want to ask for help just to get what I want. I can handle her. 'Yon lang ba ang sinadya mo rito?" kampante niyang sagot. Tila ba nawala ang galit na nakita ko sa kaniya kanina dahil doon.

Hindi niya kailangan ng tulong ko?

"Seriously? You don't nee my help?"

"No! I will can have her without the help of anyone!"

Napabuntong-hininga na lang ako sa kaniya. Nakakainis! Hindi niya kailangan ng tulong ko? So I'm just wasting my time here!

"Kung kaya mong mag-isa, then move now!"

"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan. Kaya kong kumilos mag-isa, without you! Better go now! You're wasting my time!" nagtitimpi niyang wika.

Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya. Kung ayaw niyang tulungan ko siya, ako ang kikilos ng mag-isa! Kainis!

Agad kong kinuha ang cellphone ko na inilapag sa kanyang mesa.

"Okay, then. . . good luck for the both of us. Just make sure na hindi masasaktan si Andz, or else. . . ako ang makakalaban mo!" huli kong sinabi bago tinahak ang pinto palabas.

Walang k'wenta! Hindi bale, gagawin ko ang lahat para bumalik ka sa'kin, Andz.

•   •   •

Harry POV

Matapos lumabas ni Danica sa aking opisina ay agad kong tinawagan si Albert. Isa sa mga bodyguards ni Dad.

"Good morning, Sir, napatawag ka po?"

"May ipapagawa ako sa'yo. . ."








To be continued...
•••

Short update! 😉

7/8/17
8:43pm

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top