Chapter 2: First Encounter
Shane Loraise POV
Bago ang lahat, pakilala muna ako. . . Ako nga pala si Shane Loraise Villafuerte. My Mom is half-Filipino and half-Spanish and my Dad is Half German and half-Filipino. Beacuase of their genes, lumaki akong matangkad kaysa sa ordinaryong bata. Their both handsome and beautiful, sexy and hot pero ako, isang ugly duckling.
I'm just 9 years old but I look like 12, nakakaasar nga eh. Ako ang parating huli sa line kapag flag ceremony. Nakaupo ako parati sa likuran ng classroom dahil matatabunan ko raw ang mga kaklase ko. Ako parati ang tagasulat sa chalkboard kasi ako ang nakakaabot ng pinakaitaas. Ako ang taga sabit ng parol sa taas ng classroom dahil ako ang pinakamatangkad. Asar lang eh 'no! Lagi akong na-bubully dahil mukha daw akong kapre at pangit pa. Sana naging bansot na lang ako para hindi ko maranasan ang mga ito.
But my mom told me that I will grow as gorgeous as her. Sana lang totoo, sana ang isang ugly duckling ay maging isang beautiful swan.
I'm at my Lola's house right now. Si Lolo busy sa pag-manage ng Hacienda, nagpapaani siya ng mga manga ngayon sa kaniyang mga tauhan. Ako nanonood ng anime sa k'warto ni Lola. Sa lahat kasi ng k'warto rito sa bahay nila, 'yong akin lang ang walang cable para hindi raw ako manood ng mga anime series na pambata at sa sports channel. Hay lahat na lang pinake-kealaman ni Lola. Ni ayaw niya nga ako nakikitang magsuot ng short, dapat daw palda or dress para babaeng-babae tignan. Pati ayos ng buhok ko pinake-kealaman, Dapat daw laging neat and clean, hindi 'yong sabog at buhaghag.
'Yong kwarto ko rito ginawang library. Yung wall ko, puro shelf, imbes na wall paper ng mga KPOP, JPOP at pintura ang makita. Ang wala lang ng shelf ay ang mga pintuan. 'Di rin niya pinatawad ang banyo dahil nilagyan niya rin iyon. Pinuno rin niya ng children's book at fairy tales ang DVD rack ko sa k'warto. Kaya 'di ko talaga matiis na magtagal sa k'warto ko rito sa hacienda nila.
Ilang sandali pa'y narinig ko na si Lola na paakyat ng hagdan. Pakialam ko ba, ang ganda ng pinapanood ko eh. Hindi nagtagal ay binuksan niya ang pinto ng kaniyang k'warto. Tinignan niya ang palabas na pinapanood ko at bigla na lang siyang sumimangot.
"Nandito ka lang palang bata ka, kanina pa kita sinabihan na bumaba na dahil 'yong pinapagawa ko sayo ay 'di mo pa nasisimulan, tanghali na! At isa pa hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi ka p'wedeng manood ng mga ganyang palabas? Wala kang matutunan diyan," sabi ni Lola sabay patay sa tv.
"Lola naman. . . nakaka-boring naman dito eh, wala akong magawa, at isa pa ayoko roon sa garden. P'wede mo naman iutos sa mga katulong ang pagdilig doon eh," angal ko sabay lapit sa may tv upang buksan muli 'yon, pero bago ko pa mapindot ang switch on ay tinampal na ni Lola ang kamay ko.
"Hindi pwede!" mariin niyang sabi at pinandilatan pa ako. "Kung ayaw mo magdilig ng halaman, sumama ka sa'kin sa kusina, tuturuan kita magluto."
"Po? But why should I learn how to cook? We have maids that will do that for me," reklamo ko sabay pamaywang.
"Aba talagang makulit ka na ha!" sabi niya na tila nauubusan na ng pasensya. "Hala sige kung hindi mo ako tutulungan magluto, huwag kang kumain ngayong maghapon, at hindi ka rin p'wedeng manood ng tv buong summer."
'Yan ang kinakatakot ko.
Tinalikuran niya na ako pero bago pa man siya makalabas ng kwarto ay nagsalita muli ako.
"Seriously?" taas kilay na tanong ko kay Lola. Nilingon niya naman ako.
"Kailan ba ako nag-joke, Lora? Nandito ka sa loob ng bahay ko kaya authority ko ang masusunod. Kahit na maglupasay ka riyan sa harap ng mga katulong namin, hindi ka nila pagbibigyan," seryosong niyang sabi.
"Grr! Lora is not my name, Lola. It's Shane Loraise. Ang Lora ay pang matanda!" Lora kasi ang name ni Lola, sa kaniya galing ang pangalan ko.
"I can call you whatever I want dahil apo kita." Sinimangutan ko na nga lang.
Kilala ko na si Lola mula noon pa, isa talaga siyang terror. Kahit si Lolo ay walang magawa sa kaniya. Kaya nga ayaw ko rito eh, dahil wala akong power to command everything. Pagkatapos na hindi ko siya sinagot ay lumabas na rin si Lola ng k'warto. Naiwan ako kaya binuksan ko na ulit 'yong tv, pero tapos na 'yong "Bleach" na pinapanood ko. Asar! Nakikipaglaban na pa naman si Ichigo sa soul society! I hate you talaga Lola, ever since na nag-exist ako rito sa earth!
Wala akong nagawa kun'di ang magmartsa pababa ng hagdan at pumuntang kusina. Frustrated talaga ako ngayon dahil Friday na, at bukas walang Bleach. Naiiyak na ako sa inis, pero nagugutom na rin ako at gusto ko nang magmeryenda. Nadatnan ko si Lola na naghihiwa ng karneng ewan. Malay ko ba kung ano 'yon.
"Oh susunod ka rin lang pala marami ka pang arte."
"Pssh! Blah blah blah!" At nagroll eyes ako na mas lalong kinagalit ni Lola.
"Aba! Kanino ka ba nagmanang bata ka at ganiyang ang ugali mo? Dapat siguro kausapin ko ang Mommy at Daddy mo na dito na lang mag-aral at tumira nang maturuan kita ng magandang asal," galit na sabi na ni Lola.
"No way! Over my dead body!" galit ding sabi ko at nag-face palm pa. "I don't want to stay here for life!"
"Well, tignan na lang natin," nakangisi niyang sabi. "As long as na hindi ka sumusunod sa'kin, hindi ko babaguhin ang desisyon ko," Nagbabanta niyang sabi.
Grr! Evil witch!
Pero lumapit na ako sa kaniya dahil mukhang seryoso si Lola sa sinabi niya.
Takot ko lang na mabulok dito.
"What should I do?" bait-baitan kong tanong, pero pinipigil ko lang talaga ang galit ko. Kapag nakakuha ako ng pagkain. . . lagot ka. Palihim akong napangiti sa aking iniisip.
"Heto ang carrots, balatan mo. Gayahin mo ako," binigay ni Lola sa'kin ang apat na carrots, chopping board at peeler. "Pero bago 'yan maghugas ka muna ng kamay."
"Okay," tanging nasagot ko at lumapit ako sa sink.
Dito kasi sa bahay, siya pa rin ang nagluluto kahit matanda na dahil maselan siya sa pagkain. Gusto niya kasing sarap ng mga luto niya ang kaniyang kinakain. Which is hindi magaya ng mga maids.
Pagkatapos ko maghugas ng kamay ay lumapit ako sa ref at nagpunas doon. Si Lola naman ay abala pa rin sa pag-chop ng karne habang nakatalikod sa'kin. Dahan-dahan kong binuksan ang ref at kumuha ng chocolate cupcake roon na gawa ni Lola. Tinago ko 'yon sa likod ko sabay karipas ng takbo. Narinig ni Lola ang yabag ko palabas ng kusina kaya napalingon siya.
"Hoy, Lora! Bumalik ka rito!" sigaw ni Lola pero nag-tongue out lang ako. "Bhle."
Naisahan ko siya, akala niya mauutusan niya akong magluto? No Way!
Tumatakbo pa rin ako sa paligid ng bahay dahil baka habulin ako ni Lola, mahirap na.
Sinimulan ko na ring kainin 'yong chocolate cupcake habang tumatakbo.
"Ang sarap naman nito!" Pero sa kalagitnaan ng aking pagtakbo ay may nabangga akong isang bata at natapon 'yong cupcake na kinakain ko sa mukha niya. Bansot kasi, hanggang kili-kili ko lang.
"Wha the!" sigaw ko.
Pinunas niya rin ang cupcake na dumikit sa mukha niya. Nakakatawa siya promise. Para siyang baboy na nasubsob sa tae ng kalabaw.
"Tignan mo nga ang dinaraanan mo!" sigaw niya sa'kin na kinagulat ko.
Ang liit, ang tapang!
"Ang kapal mo rin eh 'no? Ikaw na nga itong haharang-harang sa daan, ikaw pa may ganang magalit!" sigaw ko rin.
"Bakit sino ka bang kapre ka? Ngayon lang kita nakita rito ah! Pa-English-English ka pa, anak ka lang naman ng katulong ni Granny."
"What?" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Ganoon ba talaga ako kapangit para mapagkamalan na anak ng katulong.
"Hoy batang bansot na mukhang paa na nasubsob sa tae ng kalabaw, for your information apo ako ni Lola Lora, I'm her only grandchild!" pakilala ko ng matakot.
"Whe? Hindi nga? Kung apo ka niya. . . bakit ang pangit mo?"
"Ang kapal din talaga ng mukha mo! Bakit g'wapo ka ba? At isa pa tignan mo nga rin 'yang hitsura mo, daig mo pa ang bonsai na pinagkaitan ng vitamins."
Nakita kong rumehistro sa mata niya ang galit kaya tinulak niya ako. Hindi naman ako natumba pero napaatras ako sa ginawa niya.
"Lalaban ka ha?" Kinurot ko nga sa tagiliran ng pagkalakas.
"Aray!" sigaw niya at nagsimula na rin siyang umiyak. "Granny! Granny!" tawag niya sa Lola ko.
Nakita ko si Lola na lumabas ng pinto ng kusina at papalapit sa'min. Naku lagot na!
"Granny! Granny!" tawag niya pa ulit sa Lola ko habang umiiyak kaya kumaripas na ako nang takbo.
Patay ako nito. Bwisit kang bata ka!
To be continued...
***
AN: First story ko po ito. Sinulat ko ito noong ako'y 13years old pa lamang. Way back in the year 2005 kaya don't judge me, jeje pa ang pagkakasulat at narration. Hehe!
Votes? Comments? Its up to you guys?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top