Chapter 16: My Only Love, My Everything

May nag-aabang pa ba ng kwento na ito? I think wala na. Haha! Okay lang yan, sanay naman akong iniiwan eh at sanay naman akong mag-isa. Hehe!
Sa mga nagbabasa pa rin nito, salamat. Salamat talaga.
•••

Yung mga friend ko dito sa watty na hindi ko pa nababasa ang book, wait lang mga bebe. Minamadali ko kasi ang mga books ko at gusto ko makatapos. Mag-update lang kayo ng mag-update at babasahin ko yan in due time. Kaunting hintay lang.
•••


Harry at Multimedia.


•|Andz Leufren POV|•

Nasa tapat pa rin ako ng bahay nila Pangit. Nakaupo sa loob ng aking kotse at nakatingin sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung aalis na ba ako para pumunta ng practice o uuwi na. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa loob lalo pa't nakita at nakilala ko na ng personal ang Harry na 'yon. Hindi ko lubos maisip na ikakasal ang babaeng pinakamamahal ko sa iba. Naiisip ko pa lang para na akong malalagutan ng hininga.

Hindi ko kaya! Hindi ko kakayanin na makitang ikasal siya sa iba!




•••

•|FLASHBACK|•

"Yes, he's my fiancee." Malungkot na sagot ni Pangit sa akin. Hindi ko alam kung paano magre-react. Ano ba ang dapat kong sabihin?

Congrats, ikakasal ka na!


Pucha! Ang sakit lang malaman na ikakasal sa iba ang mahal mo!!


Hindi ako sumagot, bagkus ay tinitigan ko lang si Harry ng mata sa mata. Alam kong kahit wala siyang sinasabi ay nagkakasubukan kami. Hanggang sa hawakan ni Harry sa may baywang si Pangit na parang ipinapakita niya pa sa'kin na sakanya lang ito.

"Sana makapunta ka sa kasal namin ni Shane after her graduation." Anyaya pa ni Harry sa'kin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Paano, pasok na kami. Kanina ko pa hinihintay na dumating siya eh. Salamat na lang sa paghatid sa girlfriend ko." Huling sinabi niya at magkasabay na silang pumasok sa loob. Pinagmasdan ko lang sila papasok hanggang sa tuluyang isara ng hardinero nina Pangit ang gate.

Gusto ko siyang bawiin at itakbo palayo dito para mapigilan ang kasal, pero paano? Bata lang ang tingin niya sa'kin. Isang bata na naglalaro.

•|END OF FLASHBACK|•

•••



Hindi ko alam kung anong oras uuwi ang Harry na 'yon kaya napagdesisyunan kong umuwi na lang. Tinatamad na rin naman akong bumalik sa practice at wala na ako sa mood.


Panalo ka ngayon Harry pero ako ang mananalo sa huli!


Pero bago pa man ako makalabas ng subdivision nina Pangit ay nakatanggap ako ng text mula kay Nika.

Andrei, sunduin mo naman ako dito oh. May dadaanan pa raw sina Bryan bago umuwi.


Nagreply lang ako sa kanya at muling bumalik sa lugar na pinagpra-praktisan nina Bryan.

Pagdating ko doon ay nakita ko si Nika na nakaupo sa isang bench at halatang hinihintay na ako. Agad siyang tumayo nang huminto ang aking kotse sa tapat niya.

Bumaba naman ako ng kotse para pagbuksan siya ng pinto.





"Akala ko hindi mo na ako susunduin."

"Pwede ba naman 'yon? Alangan namang iwanan kita mag-isa dito kapag umuwi na sina Bryan."


Ngumiti siya bago sumagot. "Thanks, Andrei." Tapos pumasok na siya sa aking kotse.


Agad ko namang pinasibad 'yon nang bumalik ako sa loob. Tahimik lang kami habang nasa byahe. Hindi pa rin kasi matanggal sa aking isipan ang mga sinabi ni Harry. Pero hindi 'ata nakatiis si Danica sa pananahimik ko kaya binasag niya ng katahimikan sa pagitan namin.





"Kamusta, naihatid mo ba siya?"

"Oo."

"Siya ba ang sinasabi nina Bryan sa'kin?" Seryosong tanong niya habang nakatingin sa akin.

 


Bahagya ko lang siyang tinignan pero pinanatili ko ang aking tingin sa daan.



"Oo, siya nga." Tanging nasagot ko.

"Mahal ka ba niya?" Biglaang tanong niya na hindi ko nasagot.



Tumahimik lang ako habang nagmamaneho hanggang sa nagpatuloy siya sa pagsasalita.




"Ako mahal kita, Andrei. Can you just stop seeing her? Nandito naman ako, okay naman tayo noong nasa US tayo 'di ba?"

"What? Are you out of your mind, Nika? Sinundo kita dahil sinabi mong may dadaanan sina Bryan bago umuwi at alam kong delikado para sa'yo ang umuwi mag-isa. Iyon lang at wala ng ibang dahilan."

"Pero hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa'yo. Mula noon hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Wala na ba sa'yo ang mga pinagsamahan natin dati sa US?"




Ayaw ko siyang harapin dahil alam kong iiyak naman siya sa harapan ko at magmamakaawa na huwag ko siyang iwan. Bagay na pinakaayaw ko, ang makasakit ng damdamin ng babae lalo pa't tinuturing ko siyang kaibigan.





"Kung ano man ang namagitan sa'tin noon, alam mong bahagi lang 'yon ng laro. At maliwanag sa isipan natin pareho na laro lang ang lahat. Hindi ko na kasalanan kong tinotoo mo o hindi. Isa pa, alam mong mula noon hanggang ngayon ay isang babae lang ang mahal at minamahal ko, at walang iba 'yon kun'di si Loraise, hindi ikaw, Loraine." Direkta kong sabi sa kanya.




Hindi na siya sumagot pa at iniwas niya na ang tingin sa'kin. Tumingin siya sa labas ng bintana at doon niya itinuon ang atensyon sa buong byahe.

Alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko pero mas mabuti na ang ganoon kaysa ang umasa pa siya sa'kin. Ayaw kong maging paasa kahit kanino. Hindi na baleng makasakit ng damdamin kaysa ang magpaasa sa isang bagay na alam mo namang kahit kailan ay hindi mangyayari.





Pagdating namin sa kanilang bahay ay agad siyang bumaba ng aking kotse na wala man lang pasabi. Ni hindi niya man lang ako nilingon matapos ko iyong sabihin.

Bahagya naman akong nakonsensya sa mga sinabi ko kaya hinabol ko siya bago pa siya tuluyang makapasok ng gate.




"Nika, sorry. Sorry sa mga nasabi ko."




Nang marinig niya 'yon ay agad siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako. Nakikita ko sa mga mata niya na galing siya sa pag-iyak. Malamang habang nasa byahe kami kanina ay umiiyak na siya, bagay na lalong nagpakonsensya sa'kin.





"Sorry, I didn't mean everything. I don't want to hurt you or anyone else... Sadyang siya lang talaga ang mahal ko... Sorry!" Buong puso kong paghingi ng tawad sa kanya. Ayaw ko talaga makasakit lalo na ng babae.

"Mm. I know, siya talaga ang mahal mo at wala na akong magagawa pa doon. Pero kung sakaling hindi ka niya magawang mahalin, nandito lang ako... maghihintay sa'yo." Naluluha niyang wika.

"Nika!"

"Don't worry about me, Andrei. Mamahalin kita kahit na hindi mo man ibalik. I know it hurts, but you're worth it." Kasabay noon ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Gusto ko siyang yakapin pero baka lalo lang siyang umasa. Nasasaktan ko siya pero hindi ko alam kung paano pagaanin ang nararamdaman niya.




Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot, kung ano ba ang dapat kong gawin, dahil sa puntong ito, ang pagbawi lang kay Lora ang nasa isipan ko.





"Ingat na lang sa pag-uwi. Magkita na lang tayo bukas." Huling sinabi niya bago pumasok sa kanila.




Inis naman akong bumalik sa aking kotse. Hindi ko alam ang gagawin ko. Si Lora, si Nika, bakit kailangang magsabay pa sila sa iisipin ko?





"Aggrrh!" Tanging nasabi ko sabay hampas sa manubela ng aking kotse.




Gulung-gulo ang isipan kong umuwi sa amin pero mas lamang ang pag-aalala ko kay Lora. Nararamdaman kong hindi niya mahal si Harry at napipilitan lang siya dito. Pero ano bang magagawa ko? Bata lang ako sa paningin niya.



  
Pagkarating ko ng bahay, bumusina ako at bumukas na ang gate. Pinasok ko sa garahe ang kotse ko at pumasok na sa loob. Madilim na ang buong bahay kaya dahan-dahan akong humakbang para di ko sila magising. Kasama ko kasi rito ngayon ang pinsan kong sina kuya Jasper at ate Lexenne. Pinapaayos kasi nila ang kanilang town house kaya pansamantala silang nakitira sa'min.

Ngunit no'ng nakatatlong hakbang na ako ay biglang lumiwanag ang living room.





"Pucha!" Nagulat ako do'n ah!




Nasilaw ako kaya nagtakip ako ng mata. Sino kayang walang-hiya ang balak pumatay sakin sa takot? 




"Saan ka na naman galing Andz?" Tanong ng lalaking nakaupo sa hagdan.

"Walang hiya ka Kuya Jasper! Muntik pa kong maihi sa pantaloon ko.!" Sabi ko.



Badtrip na nga ako nanggugulat pa, pero sa halip na sumagot ay tumawa lang siya. Ang sarap sapakin eh.





"Ano? Galing ka na naman kay Lora? Sumusunod ka na naman?" Tanong niya sabay nakakalokong ngumiti habang tumatayo.

"Di ko siya sinusundan. Binibisita ko lang." Sabi ko tapos umupo na sa sofa. Pagod na ako, pati utak ko pagod na. Maraming nangyari ngayong araw at hindi ko alam ang uunahin. Tapos mang-aasar pa ito si kuya Jasper.

"Ano nasabi mo na ba?" Tanong niya tapos tumabi sa akin.

"Oo naman! Na like ko sya." Sabi ko ng di tumitingin sa kanya.

"Luh! Ang bading nun ah! Like lang? Eh sobra pa do'n 'yong totoo eh. Gago! Hindi ko alam ang torpe mo pala!" Sabi niya sabay malakas na tumawa. Pinandilatan ko nga pero 'di pa rin siya tumigil. Asar!

"Alam mo naman na kinakapos ako ng paghinga kapag malapit ako sa kanya!" Sabi ko tapos sinuntok si Kuya sa balikat.





Oo, promise kapag malapit si Pangit sa'kin ay kinakapos ako ng hininga. Binibilisan ko lang 'yong paghinga ko para hindi n'ya mahalata. Hindi ko nga alam kailan ito titigil eh? Baka isang araw mamatay na lang ako bigla.  





"Grabe Andz, ang bading mo! Pucha may pinsan pala akong torpe?"  

"Shut up Kuya! Eh sa gano'n eh! Hindi ko talaga mapigilan."

"Alam mo Andz..." Sabi ni Kuya Jasper tapos sumeryoso bigla. Tinignan niya ako ng mata sa mata. Hindi ko alam kung para saan 'yon basta seryoso lang akong sinalubong ang mga titig niya.

"Shit Kuya Jasper! Seryoso ka na ba sa lagay na 'yan? Anak ng! Bago to ah! Bago! Teka huwag kang gagalaw pipicturan kita!" Pang-aasar ko sa kanya para makabawi man lang. At naghanda akong kunin 'yong cellphone ko sa bulsa nang bigla niya akong binatukan.

"Ulol! Seryosong usapan Andz." Sabi niya at tumigil sa pagtawa at nagseryoso ulit. Sayang eh. Ang ganda sanang ilagay 'yon sa IG at FB. Ano kayang sasabihin no'ng mga chicks niya? 

"Promise me na next time na magkita kayo ay sasabihin mo na sa kanyang mahal mo sya at bumalik ka pa rito sa Pinas para lang makita siya ulit. Hindi ka na nakuntento sa lihim na pagpapasubaybay mo sa kanya. Grabe insan ang tindi mo!" Seryosong sambit ni Kuya Jasper at tiningnan ko sya. Grabe! Ang seryoso nga. Nahawa tuloy ako.

"Okay, Kuya. I promise that I will tell Lora what I feel the next time I see her. I will tell her that I love her and that I've always love her. That in my dreams  I breathe her in, I inhale her in and I feel her right here." Tapos tinuro ko 'yong puso ko. "Right here in the blood in my heart, she's making my whole system alive. And she's the only reason why it's worth getting up every morning." Sagot ko sa kanya.

"What? Wait!" Salubong ang kilay ni Kuya na tinignan ako.

"Hmm?" Tumingin ako sa kanya ng nagtataka. Parang tanga lang . Kitang nag-eemo at sobrang intense ko na dito dala ng mga nalaman ko kanina.

"In your dreams you breathe her in and then she pumps your whole system? What the hell is that?!" Tanong niya na parang tanga lang akong kinakausap. Ay ang gago lang!

"Shut up, Jasper!" Biglang agaw naman no'ng babae sa atensyon naming dalawa. Biglang lumitaw mula sa dilim si Ate Lexenne. Kakatakot lang, ang tindi sa entrada! Kailangang magsalita sa dilim?

"It's beautiful!" Wika pa ni ate.

"What? Beautiful? That's creepy!"

"Hayaan mo siya. Ituloy mo Andz." Sabi ni Ate Lexenne na umupo pa sa kaharap kong upuan. Iyong expression niya parang nangangarap, nakapangalumbaba pa.

"See? Shumut-up ka na lang Kuya!" Sabi ko naman kay Kuya Jasper.


"Ewan ko sa inyong dalawa. Basta sabihin mo na 'yang undying love mo sa kanya. Ang tagal na n'yan eh!" Sabi niya sabay tawa.

"Nasabi ko na nga sa kanya." Sagot ko.

"Anong sabi?" Biglang tanong ni Ate Lex. Grabe! Ganito bang  mga babae? Bigla-bigla na lang magre-react? Nakakainis na!

"Sabi niya, this is just a little crush or puppy love raw at ma-a-out grow ko rin to." 

Tapos malakas na tumawa si Kuya Jasper. "Basag!"




Binatukan ko nga, parang ewan lang lang. Kitang ang sakit nga noong mga sinabi niya sa akin tapos dumaragdag pa itong Harry na 'to, mang-aasar pa!




"Aray naman! Maalog ang utak ko! Mamaya hindi ako maging summa cum laude nyan eh! Sayang ang kagwapuhan ko kung hindi naman ako matalino!" Angal ni Kuya Jasper.

"Ulol! Ang demonyo mo eh. Kitang nag-eemo ang tao! Ang dami ko na nga ng problema nakikidagdag ka pa." Parang ewan sa timing mang-asar. Saktan ko kaya 'to!

"Oo nga naman, Jasper! Tumahimik ka nga. Oh sige Andz, continue." Grabe. Natatakot na talaga ko dito kay Ate Lex. Sobra makangiti. Mamaya mapunit na 'yang mukha niya.

"Ate tama na nga 'yang kakangiti mo. Mapunit 'yang mukha mo. Mamaya n'yan mawalan pa ako ng isang magandang pinsan. Ayaw ko kaya ng pinsang hati ang mukha! Nakakasira 'yon sa image." 

"Sira ulo!" At binato ako ni Ate sa mukha. Sapul na sapul ang maganda kong ilong.

"Woi! Ate naman! Pwede namang sa dibdib ipatama 'yong throw pillow, bakit naman sa mukha pa? Mamaya n'yan masira pa itong ilong ko, pumangit pa ako."



Aba naman mamaya niyan hindi ako pansinin ni Pangit dahil crooked nose na ako. 





"Puro ka kalokohan. Pati tuloy 'yang lovelife mo mukhang magiging bula pa." Sabi ni Ate na parang naiinis na. Puchang biro, kakapangilabot!

"Naman Ate! Mamaya magkatotoo 'yang sinabi mo. Kumatok ka sa kahoy 'oy!" Utos ko sa kanya.




Nang ayaw niya pa ring kumatok ay ako na mismo nag-ball ng fist niya at pinilit ikatok ang kamay niya sa kahoy.





"Kasi parang sira ka naman Andz." Sabi ni Ate na hinimas ang kamay nya. Nasaktan yata.

"Makapagbiro ka naman kasi Ate! Basta sabi niya bata pa ako. Wala raw totoo sa mga sinabi ko. Kasi kami raw na mga bata ay parang laruan lang magpalit ng babae." Sabi ko sa malungkot na boses.





Syemay! Akalain mo 'yon? Ako pa ang naging manloloko. Langya ang faithful ko kaya! Ako na ang pinaka-faithful na lalaki sa balat ng universe kahit itanong mo pa sa mga santo.





"Kawawa naman ang pinsan ko." Sabi ni Ate na parang naawa nga talaga at niyakap niya ko sa leeg.


"Iyong non-existent lovelife mo mukhang mae-extinct pa ah!"   Tatawa-tawang comment ni Kuya Jasper. Kung siya kaya gawin kong non-existent? 


"Kuya baka gusto mong ikaw ang ma extinct?" Banta ko sa kanya. Parang gagu lang makatawa, nakakabadtrip! Nakakatakot naman 'yong mga sinasabi nila. Mawawala pa 'ata si Pangit my labs. Naku! Hindi ako makakapayag! Kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa'ming dalawa.



"Huwag naman. Hindi pa ako nakakapagkalat ng maganda nating lahi! Pero sa totoo Andz... ang kawawa mo nga. Napakafaithful mo do'n kay Lora ever since." Oh kitams? Faithful ako kahit nandiyan pa si Danica. Si Pangit naman kasi!

"Since forever akong faithful do'n 'no?" Segunda ko naman. Aba minsan lang  mamuri 'yang pinsan ko kaya gagatungan ko na.


"Oo nga. Kahit ikaw na ang ligawan ng babae sa school nyo para ka lang tuod. Balita ko nga may naghubad pa sa harap mo noong nasa US ka?" Sabi ni naman ni Ate.


"Oo nga Andz totoo ba yun?"    Bigla namang singit ni Kuya.

"Oo. Grabe! Langya lang! Muntik ng mawala ang pantasya ko sa mga babae noong makita ko ang katawan niya! Tama na nga ayaw ko ng maalala 'yon eh." Sabi ko habang nakatingin sa ceiling. Nakakapangilabot talaga.


"Wow grabe ang tindi mo!" Sabi ni Kuya na prang inggit na inggit. "Kung ako do'n hindi ko na pinakawalan 'yon" Sabi niya na parang nangangarap. Ang manyak talaga ng pinsan kong ito.



"Andz, magpahinga ka na. May detention ka pa bukas at sa linggo. Tumawag 'yong teacher  niyo dito at pinaalala na 7 am pa lang daw pumunta ka na sa office niyo bukas." Sabat ni Ate.


"Aray! No Lora for Andz tomorrow!" Tatawa-tawang pang-aasar ni Kuya Jasper.

Ay shit! Oo nga! Paano na ang bukas ko? Paano na ako magiging masaya? Hindi ko man lang makikita saglit si Pangit? Tsk!


"Teka si Kuya Lance pala?" Tanong ko.

"Kanina pa tulog, pagod daw siya ngayon sa duty. Nagtoxic daw noong patapos na ang shift." Sagot ni Ate.

"Ganoon? Sige Ate Lex, Kuya Jasper, tulog na ako. Good night." Paalam ko at umakyat na ako. Iniwan ko na ang dalawa kong pinsan sa baba. Nakakabadtrip! Two days akong nasa detention at malaya si Harry kay Pangit! Kaasar! Nakakapanghina naman 'tong linggo na 'to.  




Kamusta na kaya si Pangit? Nakauwi na kaya si Harry?
Okay na kaya si Danica?




Gulung-gulo ang utak ko nang mahiga sa aking kama at hindi ko na namalayang nakatulog na ako.









To be continued...
•••

Ang lame ata ng update ko. Sensya na, may karugtong na ito. Hintay lang at nag-edit at encode pa ako.

Salamat sa patuloy na pagbabasa kahit mukhang hindi na siya maganda.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top