Chapter 15: Face Off: Ex vs.Ex
Andz and Danica/Nika at multimedia.
•••
*•Shane Loraise POV•*
May kinuha syang t-shirt na kulay lime green. Weird noong kulay pero bumagay noong sinuot nya. Iyong hinubad nya e pinasok na nya sa bag nya.
Nung humarap siya sakin bigla akong tumalikod. Tapos lumapit siya sakin. Ako naman lumayo. Tinanong niya ako bakit daw ako lumalayo. Sabi ko wala naman. Natawa sya tapos kinuha na niya 'yong polo niya sa akin.
"Bakit ayaw mong humarap sa akin?" Tanong nya habang lumilipat sa harapan ko.
"Wala naman." Sabi ko. Naiilang kasi ako sa kanya.
"Gusto mong magpalit ng damit?"
"Ano?" Takang tanong ko.
"Basang-basa na kasi 'yang likod mo eh."
"At kung may balak nga ako saan sa palagay mo ako magpapalit? Dito? No way! At isa pa, wala akong damit." Naiinis kong sabi pero narinig kong tumawa lang siya.
"Hahayaan ko ba 'yon?" Bulong niya.
"Ano 'yon?" Tanong ko, hindi ko kasi masyadong naintindihan eh.
"Wala. Tara na." Tapos hinila niya uli ako sa kamay papunta sa kung saan.
"Aray! Bakit habit mo 'yang manhila ha?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.
Tapos noong tumigil siya sabi niya na lang,"Kasi alam ko namang hindi ka sasama kung yayayain kita eh. Kaya ayan hinihila kita para wala kang protesta. At kahit meron man wala kang magawa kasi matangkad ako."
"Pinapamukha mo bang maliit ako?" Nakataas ang kilay kong tanong.
"Nope. Sinasabi ko lang na natutuwa ako dahil matangkad ako kaysa sa'yo!" Nakangiti niyang sabi habang binubuksan uli 'yong bag nya.
"Yabang! Palibhasa 5'5" lang ako. Natural kaya na matangkad ang lalaki kaysa sa babae unless may lahi silang bansot tulad sa mga bonsai."
Napatingin siya sa'kin at ngumiti ng napakatamis pero hindi siya sumagot.
Ano kaya ang ibig sabihin noon?
Maya-maya pa sa paghahalukay niya ng gamit sa kanyang bag ay may bigla siyang binato sakin, isang t-shirt at leggings.
"Ano to?" Tanong ko habang tinitingnan at binubuklat 'yong tinapon niyang damit.
"Huwag kang mag-alala malinis 'yan" Sabi nya habang sinasara ang bag nya.
"Malinis? Malinis? Eh kanina lang pinasok mo diyan 'yong pawisan mong t-shirt at polo tapos sasabihin mo sa aking malinis?"
"Opo Master malinis po yan. Kung mapapansin nyo po Master dalawa ang compartment ng bag ko. Ayan po oh." Pinakita niya sa akin 'yong bag niya. Di pa nakontento binuksan pa 'yong dalawang zipper. "Oh ayan kontento at naniniwala ka na MASTER?" Pinagdiinan niya pa talaga ang salitang Master.
"Are you mocking me?"
"No MASTER. Ini-emphasize ko lang yung explanation ko." Sabi niya na mukhang constipated ang hitsura dahil sa panggigigil.
"It doesn't sound like that!"
"Sige na magpalit ka na."
"Saan naman? Dito sa harap mo? Hinding-hindi ako magla-live show sa harap mo! Tss!"
"Dito oh." Tapos my tinuro syang pituan sa tabi ng tinigilan namin.
Binuksan niya 'yon at tumambad sa akin ang isang malinis at magandang CR. Well lighted at well ventilated. Hindi na ako umangal, napahiya na ako eh. Pssh! Pumasok na ako at nagpalit ng damit. Tiningnan ko 'yong sarili ko. Buti na lang kasya 'yong leggings. Ang galing niya manghula ng size ko, pero medyo malaki sa akin 'yong t-shirt na binigay niya. Kaya hirap na hirap akong itaas palagi 'yong manggas dahil nalalaglag mula sa balikat ko. Nang mapagod ako kakataas ay lumabas na ako.
"Oh okay naman pala." Sabi nya habang nakangiti at tinitignan ang hitsura ko.
"Medyo bumababa lang yung sleeves pero other than that pwede na." Sabi ko.
Lumapit sya sakin at hinawakan ang sleeves ng shirt ng suot ko. Tapos maya-maya niroll-up nya na 'yong sleeves ko para kahit paano maging maliit ganun din yung ginawa nya sa kabila. Habang ginagawa yun nagsasalita sya.
"Dapat lang dahil 'yan na 'ata 'yong pinakamaliit kong shirt. Nahirapan pa akong hanapin 'yan. Buti bagay sayo."
"Hinanap mo?" Nagtataka kong tanong.
"Oo kasi diba? Yayain kita dito at alam kong pagpapawisan ka kaya nagdala ako ng extrang shirt mo." Ngumiti sya tapos nagsimula nang maglakad.
Sumunod na lang ako sa kanya tapos huminto kami sa kotse nya. Binuksan nya yung likod na pinto at tinapon dun ang bag na dala nya. Pero bago niya sinara ay may kinuha muna syang bandana doon sa bag tapos sinara na ulit 'yong pinto.
Tinanong ko kung para san 'yon sabi lang nya malalaman ko rin daw. Sabi niya aalis na raw kami kaya pumasok na ako sa kotse. Nang makapasok nakita kong 8 pm na pala.
"Ano na kaya ang nangyayari?" Wala sa diwa kong tanong.
"May sinasabi ka?"
"Wala."
Alam kong sandamakmak na sermon ang matatamo ko mamaya pagdating ko. Panigurado pagagalitan ako noon lalo pa hindi ko sinipot si Harry. Hindi rin nila ako matawagan ngayon dahil naka-off ang cellhone ko.
Maya-maya pa pinaandar na nya ang kotse at hinayaan ko siya kung saan niya gusto. Hindi ko alam kung gaano kami kabilis nagbyahe dahil 'yong mga view na nadadaanan namin ay nagiging blur. Ang bilis nyang magpatakbo pero catious pa rin naman siya.
Kahit gusto kong magsalita nilulunod nang music sa loob ng kotse niya 'yong gana kong magsalita. Siya tahimik lang rin habang nagmamaneho. Minsan patinigin-tingin sa akin. Hindi ko na nga alam kung saan nya ako dinadala dahil sa dami ng nilikuan namin imposible pang matandaan ko 'yon. Siguro napagod na rin siya sa kaka drive kaya huminto sya sa tapat ng isang restaurant.
"Here we are." Sabi nya habang pinapatay ang A/C at makina.
"What are we doing in a restaurant?"
"Why? Ano bang ginagawa mo sa isang restaurant?" Ganting tanong nya ng nakakaloko. Binuksan niya uli yung A/C naramdaman niya 'atang wala pa akong balak bumaba. Tiningnan ko lang sya habang ginagawa 'yon. Maya-maya nagsalita na ako. Alam niyo naman? Di ko mapigilang hindi mag comment.
"Tell me, paano ka nagkaron ng kotse?" Sinong si maku-curious? High schooler pa lang to 'no! Lakas masyado eh! Buti na lang hindi ito Pagani Roadster kung hindi talagang iisipin kong galing sa nakaw pinambili niya.
"Ah eto ba?" Hinamas nya yung dashboard at tin-nap. "Simple lang." Ngumiti siya. "Gumamit ako ng pera para bilhin sya tapos akin na. Nabili ko na eh." Nakangiti pa ring sagot nya.
Binatukan ko naman. Para lang ewan eh. Napaka seryoso ng tanong ko tapos gagaguhin? Amp!
"Joke lang. Joke lang, ito naman." Sabi nya habang kinakamot 'yong ulo nya. Tapos ginulo nya 'yong buhok niya. Ilang beses ko ng napapansin na ginaganun niya 'yong buhok niya. Iyong tipong ginugulo? Akala nya naman angas tingnan. Tapos kakamot sa batok at tutungo tapos ngingiti. Mukha syang ewan.
"Why do you keep doing that?" Syempre hindi ko na naman mapigil ang hindi magtanong. Kaya ang daming naaasar na teacher sakin kahit ibang kakilala ko dahil maingay daw ako.
"Doing what?"
"Ginugulo ang buhok mo na akala mo bago kang gising. Akala mo maangas tingnan at cute? Hindi. Nakakaasar kaya."
"Eh ganun talaga. Di ko mapigil talaga when I'm nervous, especially when I'm around you. I think it's the most sensible thing to do."
"What? Sensible? You think that is sensible? Define sensible? Spell sensible." Sabi ko in a sarcastic way.
"Yep." Sagot niya tapos ginulo niya ulit 'yong buhok niya. Pero di niya ni-spell at ni-define.
"Do you like me?" Biglaang tanong ko.
"Yes. Masama ba?" Sabi niya na parang nananantya. Maya-maya nasa buhok na naman nya 'yong kamay niya at ginugulo na naman ito. Una 'yong sa may bandang unahan na buhok sumunod sa likod naman. Tapos pagkarating sa batok kakamutin tapos tutungo at parang ngingiti na parang ewan.
"Stop... Just stop doing that." Tumigil 'yong kamay niya sa ere.
"Okay." Tapos binaba nya 'yong kamay nya at nilagay sa lap nya na parang ewan. Nanahimik na rin sya. Ako wala rin akong masabi sa sagot nya. Isa lang ang alam ko. Bata pa talaga tong kausap ko, naiiling tuloy ako sa sitwasyon ko.
He likes me? Seriously?
"Ang bata mo pa para magustuhan ako, maghanap ka na lang ng iba."
"Hindi na ako bata!" Sabi nya na parang biglang nainis sa sinabi ko.
Ngkibit-balikat lang ako sa pagmamaktol nya. "Kahit anong sabihin mo bata ka pa rin. Ano kakain ba tayo? Gutom na ako eh." Nakita ko kasi sa relo ko kanina na halos 40 minutes na rin pala kaming nagbyahe papunta dito.
"Sabing 'di na ako bata!" Patuloy pa rin niya sa pagrereklamo habang bumababa ng car at umikot para ipagbukas ako ng pinto. "Oy di na ako bata 'no!" Sabi ulit nya.
"Yeah, yeah. Keep telling yourself that. Basta sa paningin ko bata ka pa rin."
"Di na nga sabi eh!" Sabi nya na parang batang malapit ng matalo sa asaran. Natatawa na lang ako.
"May gusto na nga akong babae! Tapos matangkad pa ako at kahit paano firm na ang muscles ko." Sabi niya habang pinapakita ang biceps nya.
"Nag-ggym ka?" Tanong ko. Nakakabigla naman kasi.
"Oo." sabi nya. "Halata naman diba? Ganda yata ng katawan ko!" Nagmamalaki niyang wika.
Tinaasan ko nga ng kilay. Di ko naman matatangging sexy nga ang tyan at likod nya.
"Napakabata mo pa para magbuhat ng kung anu-ano. Di pa well-developed ang muscles mo." Prangkang sabi ko.
"Uuuy! Nag-aalala siya, kinikilig naman ako niyan." Sabi nya na parang tuwang-tuwa naman talaga.
"Seryoso ako" Sabi ko na hindi ngumingiti.
"Eh ako rin naman seryoso sa'yo. Natutuwa tsaka kinikilig naman talaga ako ngayon eh." Nakanguso niyang sabi.
Ano ba ang nakain ng isang ito at puro biro? Seryoso na siya sa lagay na 'yan?
"And don't worry may instructor naman ako at alam nya na 17 pa lang ako kaya binigyan nya ako ng sarili kong menu sa pag-gi-gym." Paliwanag niya.
"Oh tara kain na tayo?" Sabi nya tapos hinawakan na naman 'yong kamay ko at hinila ako papasok.
Hindi basta-bastang restaurant ang pinasukan namin. Nakikita ko ang sososyal ng mga tao na kumakain dito. Halatang mayayaman. Sa mga alahas pa lang, damit, sapatos at ayos ay hindi maitatanggi na mamahaling resto ang pinasok namin.
"May pera ka ba para rito?" Tanong ko.
"Yes naman! Ako pa!" Mayabang niyang sagot.
Nagtataka ako kung saan kami pi-pwesto kasi mukhang may reservation pa rito bago pumasok pero nagulat na lang ako nang sa isang VIP place kami pumunta. Halos walang tao sa paligid kun'di ang mga waiter na magse-serve sa'min. Well lighted din ang area at well vetilated. Para rin kaming magdi-dinner with candle lighting.
Grabe planado niya talaga ito? Hindi man lang ako sinabihan, eh di nakaayos sana ako. Galing akong duty and to think t-shirt niya pa ang suot ko. Nakakahiya tuloy sa mga tao dito.
Hindi na ako umimik at hinayaan ko na lang siya hanggang sa makaupo kami. Siya na rin nag-order para sa akin. Ang daming in-order akala mo di nakakain buong araw.
"Ang dami naman ata ng in-order mo. Mauubos mo ba 'yon lahat?" Tanong ko. Syempre di ko na naman mapigil magsalita. Syemay! Mamaya maparami din kain ko. Mawalan pa ako ng poise.
"Natin. Uubusin natin dalawa. Tutulungan mo ako. Bakit? Nagda-diet ka ba?" Bigla niyang tanong.
"Ako? Asa ka naman. Gusto mo paramihan pa tayo ng kain eh!" Hamon ko.
"Huweh? Sabagay kahit nagda-diet ka hindi ako papayag na kaunti ang kainin mo 'no. Sige, ano pustahan paramihan tayo ng makakain?"
"Ginawa mo pang sugal tong pagkain."
"Sige na. Napaka KJ mo naman. Para yun lang eh." Pilit niya.
"Ano ang premyo?" Tanong ko.
"Ayan. Iyan ang gusto ko. Mamaya malalaman natin pagkatapos natin kumain."
Di na ako nagsalita dahil napaka energetic nya na at mukhang wala ng balak pang sumagot dahil dumating na ang order namin. Nang malapag na lahat e kinukos nya yung palad nya na parang excited na excited na. Tumango lang ako. Tapos maya-maya sunod-sunod na 'yong subo niya. Bigla naman akong nataranta. Kinalimutan ko na 'yong poise ko at subo na rin ako ng subo.
Ayaw kong patalo sa kanya. Baka kung ano pa ang price nito kapag nanalo siya.
Siguro kahit itong pustahan ay planado niya kaya doon sa walang makakakakita samin nya ako dinala.
Nang makita kong nakadalawang plato na sya ay nataranta na ako. Matatalo na niya ako kaya nag-fake cough ako. Kunyari nabulunan ako. Natigil naman sya sa pagkain at biglang nag-alala 'yong mukha nya tapos binitawan niya 'yong kutsara niya.
"Okay ka lang ba? Asan na ba 'yong tubig dito?!" Natataranta na rin si Liu. Ako pa 'yong tumuro kung nasaan 'yong tubig at baso kasi hindi nya na makita samantalang nasa gilid nya lang naman. Uminom ako ng tubig na binigay niya.
Tagumpay! Bwahaha. Alalang-alala 'yong mukha nya. Nakatingin pa rin sya sa akin kahit na nagsimula na ulit akong sumubo. Para bang binabantayan kung mabubulunan na naman ako. At noong nasa huling subo na ako ay ngumiti ako.
"Yes! I won!" Tapos tumawa ako, nagtaka naman siya.
Doon niya lang naalala na may pustahahn pala kami. At saka nya lang ata na-realize na plano ko talaga iyon.
"Ang daya!" Sabi niya na parang sobrang disappointed.
"So ano ang premyo ko?" Tanong pagkatapos uminom ng tubig.
Ang lapad ng ngiti ko, naisahan ko ang bata! Haha!
"Whoo ang sarap talaga pag libre." Sabi ko pa at nakakalokong tumingin sa kanya. Asar naman syang tumingin sa akin.
"Nyeh! Nyeh! Nyeh! Cheater! Kahit kailan talaga ang daya mo!"
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Hindi ko pa naman siya nakasama dati pero bakit parang kilalang-kilala niya na ako?
"Ang daya mo!" Inis niyang sabi.
Hindi ko na lang pinansin ang iniisip ko. Baka nagkataon lang, basta dapat makuh ako 'yong price ko! Panalo eh!
"Ano na nga ang premyo ko?" Tanong ko ulit na hindi na pinansin ang pagkaasar nya. Wala akong pakealam kung naaasar siya basta ako nanalo!
"Teka lang." Sabi nya habang kinukuha yung bag nya at naglabas ng tatlong papel. Bond paper ata tapos naglabas sya ng crayons, colored pencil at iba't ibang klaseng ballpen at sign pens na iba't ibang kulay din.
"Para saan naman 'yan?" Nagtatakang komento ko.
"Sa premyo mo."
"Eh bat may dala-dala kang ganyan? Crayons at colored pencils? Para kang kinder at marami ka pang ballpen. Pahingi ako ng isa, paubos na ballpen ko sa duty eh." Kukunin ko na sana 'yong kulay pink na ballpen kaya lang tinampal niya yung kamay ko.
"Mamaya na. Kung gusto mo hati pa tayo sa ballpen pero ngayon gagawa muna ako ng coupon card." Sabi nya habang iniipon yung mga ballpen at sino-sort.
"May art class kami today kaya dala-dala ko yan. Nasagot ko na ba ang tanong mo at dapat mo pang itatanong?" Sabi nya habang nagsimula syang magsulat ng kung anu-ano sa tatlong bond paper.
Hindi na ako sumagot. Hanggang sa matapos syang gawin 'yon ay nakatingin lang ako sa kanya. Ayaw niyang pang ipakita 'yong nakasulat dahil surprise daw.
"Oh ayan na." Tapos he hand me the three bond papers. May nakasulat doon.
"This is my prize?" Tanong ko na parang hindi makapaniwala.
Binasa ko uli yung nakasulat.
1. I'll be your slave for a day. Just call me.
2. I'll dance for you. (Pwede sing, dance and sing o kaya play ng instrument. As long as kaya mong pagtyagaan ang boses ko)
3. Let's go to your favorite place when you're bored.
"Yep! Isa lang ang pwede mong piliin diyan per day. At once mo lang din magagamit 'yang coupons. Ano okay ba?" Tanong nya nakangiti.
Napaisip naman ako sa mga nakasulat doon. Ang weird niya talaga. Akala ko bibigyan ako ng kung ano as price pero ito pala 'yon. Well, kahit papaano ay mas okay siya dahil may three chances akong makasama siya este mautusan siya!
"Eh ano naman dapat ang mapapanalunan mo?" Tanong ko habang iniipit yung coupons sa binder na dala ko.
"Dapat ano. 'Wag na nga." Sabi niya at biglang namula.
"Uuuy naba-blush. Ano na nga yun?" Pang-aasar ko.
"Dapat ano... date tayo."
Natawa ako bigla sa sinabi niya. Anak ng putakti! Gusto lang pala akong yayain mag-date dinaan pa sa laro. Ganoon ba siya ka-torpe? Tatawa-tawa pa rin akong sumagot sa kanya.
"Don't worry you'll out grown your little crush on me. Wait ka lang. Malapit na yan."
"It's not a little crush" Sabi nya.
"Eh ano? Puppy love? Bata ka pa kaya mawawala rin 'yan."
"Bakit akala mo ba matanda ka na?" Naiinis na sabi nya sa akin. "20 ka pa lang naman ah!"
"Paano mo nalaman yan?" Takang tanong ko.
"Wala." Tanging nasabi niya at biglang umilap 'yong mata nya.
Naisip ko bigla sila Viv at Jen, baka naman natanong nya sa kanila.
"Basta, bata ka pa. Akala mo lang 'yan na gusto mo ako pero sa susunod marerealize mo natutuwa ka lang pala sa akin."
"Ano bang alam mo?" Iritado niyang tanong.
"Alam ko! Marami na akong alam sa inyong mga bata!"
"Ano? Anong alam mo sa aming mga bata? Ako kilala mo ba ako?!"
"Hindi na kita kailangan kilalanin kasi pare-pareho lang naman kayong paasa!"
"Bakit ano bang alam mo? Sige nga sabihin mo sa akin?" Naiinis pa ring sabi niya sa akin.
"Ang mga first love at puppy love never last. It always ends in miserable way lalo na kapag high school ka pa lang. Bakit may nakilala ka na ba na first love sila noong high school na nagkatuluyan? Hindi ba wala? Unless kung nabuntis 'yong girl at napilitan lang 'yong boy pero kadalasan nga sa kanila nagpapalaglag pa at karamihan sa lalaki tinatakbuhan ang pananagutan lalo na ng mga high school na katulad mo. It's not my intension to hurt you but as long as I can, I don't want to engage in a relationship lalo na kung walang kasiguruhan at sa mga bata na alam kong wala pang paninindigan. Ang gusto ko, kapag may minahal ako, he will be my first and last. So please kung crush mo ako, just stop it. I don't want to hurt you. I know you're too young for love and I'm pretty sure that I don't deserve as your girl." Malungkot at prangka kong sabi.
"Pero..."
"Marami ka pang dapat malaman tungkol sa'kin and I know you can't accept. You and I will never meant to be." Putol ko sa sasabihin niya at tumayo na.
Huwag niyang sasabihing iba siya. Alam ko na hindi jiya kayang panindigan ang tulad ko. Ayaw kong may ibang madamay na tao sa sitwasyon ko kaya as long as kaya ko, hindi ko hahayaang mahulog ang loob ko sa kanya. Mahihirapan lang siya sa sitwasyon ko and I don't want him to experience the pain I'm having right now.
"I have to go. It's getting late already. Thanks for the company." Sabi ko at nagpasiunang maglakad pero napatigil ako nang may kamay na pumigil sa akin "Wait. Ihahatid na kita. It's not safe kapag mag-isa kang uuwi lalo't gabi na." Walang buhay niyang sabi.
Napatingin ako sa relo ko magte-ten na ng gabi. Tama naman sya kaya napilitan na lang akong magpahatid sa kanya. Nang makasakay kami sa kotse nya ay hindi niya muna pinaandar 'yong kotse.
"May dadaanan lang tayo saglit ha? Bago tayo dumiretso ng bahay niyo."
Hindi na ako nagsalita at tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Narining kong bumuntong-hininga sya at in-start na nya yung kotse. Habang tinatahak naming 'yong daan walang nagsasalita sa amin. Nang tumigil 'yong sasakyan saka lang ako tumingin sa kanya.
"Saglit lang may kakausapin lang ako. Gusto mong sumama?" Naku-curious din naman ako sa kung sino ang kakausapin nya kaya bumaba na rin ako ng kotse.
Maya-maya may lumapit sa kanyang babae. Naka pony-tail at naka shirt ng katulad sa kanya, lime green and I admit, bagay silang tignan. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila pero hinila ako ni Liu palapit sa kanila. Hindi na rin ako nagreklamo pero dahil doon nakaharap ko na ng husto ang babae.
Medyo pawisan na 'yong babae pero grabe ang cute pa rin. Sana ganyan din ako sa kanya.
Tiningnan ko 'yong pinanggalingan noong batang babaeng lumapit sa amin. Ang daming tao doon sa bandang field na pinaggalingan nya. Ang gulo-gulo di ko maintindihan ang ginagawa nila. Mga bata talaga! Ano naman kayang ginagawa nila eh gabing-gabi na?
"Ano? Magpa practice ka ba? Bakit na-late ka?" Sita noong babae kay Liu. Si Liu naman ay nagkamot lang ng ulo tapos umiling. "Bakit naman? Eh malapit na 'to?" Dugtong ulit noong babae.
"Kailangan eh. Balik na lang siguro ako mamaya kung makakahabol pa ko pagkahatid ko sa kanya." Tapos tumingin sya sa direksyon ko. Tumingin din sa akin 'yong babae at hindi nakapag salita.
Sorry ka na lang girl pero mas uunahin niya ako kaysa sa'yo.
Pero kahit saang angle mo tignan ang babaeng ito ay sadyang napa-cute niya. Kahit nakabuka o tikom ang bibig ang ganda pa rin.
"Sino sya?" Narinig kong tanong nang babae kay Liu.
"Ah sya ba? Sya si ano.." Di pa natatapos ni Liu 'yong sinasabi niya ay narinig kong nagsalita na 'yonng babae at lumapit sa akin.
"So hi, I'm Danica Loraine, Nika or Lora for short. Andrei's Ex." Walang emosyong pakilala niya at nakalahad ang palad at nakangiti sa'kin.
So you're the ex?
Ano naman kung ikaw ang EX, I'm his present and definitely his FUTURE!
Gusto kong sumagot at sabihin 'yon pero mukhang wala ako sa posisyon para magsalita. Nakakainis lang kasi pakiramdam ko nagmumukha akong mang-aagaw. Bwisit! Wala naman akong balak na ganoon eh pero naiinis ako.
"Nika!" Nagbabantang sabi ni Liu at tinignan ko lang siya. Nababasa ko ang galit sa mukha ni Liu pero hindi ko 'yon pinansin. Tinanggap ko na lang ang kamay niya at nakipagkamay.
"Shane Loraise but call me Shane na lang."
Kahiya naman kung sabihin kong Lora rin 'no? Magkapareho pa kami ng Nickname. Asar!
Bumaling naman 'yong Danica kay Liu. Bakit kaya Andrei ang tawag sa kanya ng lahat? Sino ba talaga siya?
"Magtext ka na lang kung makakabalik ka pa ha? Para hindi na ako maghihintay at makisabay na lang ako kina Bryan at Paul." Sabi niya kay Liu.
"Mag-uusap tayo mamaya." Sagot ni Liu sa kanya tapos nagpaalam na 'yong babae na babalik na raw sa mga kasama nya.
"Bye Shane, nice to meet you." Tapos umalis na siya sa harap namin.
"That is Nika, friend ko lang siya hindi ex." Pagtatama niya sa sinabi no'ng Nika kanina.
"Okay." Iyon lang nasabi ko. Ano pa ba dapat? Ano naman kasing paki ko diba? Wala talaga. Promise. Wala akong balak alamin ang buhay niya. Maiinis lang ako, sigirado!
Makalipas ang ilang oras ay nakarating kami sa tapat ng bahay namin. Wala ng kotse na naka-park sa labas kaya baka umuwi na sina Harry matapos ko siyang hindi siputin. Pero alam ko na naghihintay sina mommy at daddy sa'kin para semonan ako.
Ngunit bago ako bumaba may sinabi muna ako. "Alam mo balikan mo na 'yong Danica na 'yon. Halata namang gusto ka nya."
"Hindi mo nga siya Ex! Friend lang kami." Sabi niya.
"Tss! Sige bye na."
Pero mabilis na nakakilos si Liu at napagbuksan niya pa ako ng pinto.
"Thanks!" Sabi ko habang bitbit ang damit ko na nasa isa pa niyang backpack na dala. Napaghandaan niya talaga eh kaya may dala talaga siya g lalagyan ko mg uniform. Tapos 'yong halaman naman ay nakabalot lang ang mga ugat sa isang plastic. Bukas ko na ito itatanim sa greenhouse.
Pero hindi ko inaasahan ang taong lumabas sa aming gate para salubungin ako. Pareho kaming napagtingin sa kanya ni Liu at nakikita ko sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa knayang nakikita.
"Harry!" Gulat na sabi ko.
"Hi, hon! Ang tagal mo, kanina pa kami naghihintay sa'yo nina mommy dito." Bati niya sa'min at tinignan niya si Liu. "Hindi mo man lang ba ako ipakikilala sa kanya?" Tanong niya pa sa'kin.
"Ah eh, Liu siya si Harry.."
"Her fiancee!" Putol ni Harry sa sinasabi ko at nilahad niya ang kanyang kamay kay Liu at tinanggap naman ni Liu iyon pero tinignan niya ng masama si Harry.
Anong problema nito?
"Liu Lawrence." Tipid na pakilala niya.
"Yes, he's my fiancee." Malungkot na sabi ko kay Liu at wala man lang akong mabasang kahit isang emosyon sa mukha niya.
Nakatitig lang siya kay Harry at wala man lang sinabi hanggang sa hawakan ako ni Harry sa may baywang na parang pinapakita niya pa kay Liu na sakanya lang ako.
"Sana makapunta ka sa kasal namin ni Shane after her graduation." Anyaya pa ni Harry sa kanya at tumango lang si Liu.
"Paano, pasok na kami. Kanina ko pa hinihintay na dumating siya eh. Salamat na lang sa paghatid sa girlfriend ko." Huling sinabi ni Harry at magkasabay na kaming pumasok sa loob, pero bago pa tuluyang isara ni Mang Anselmo ang gate ay nilingon ko pa si Liu.
Nakita ko siyang nakatayo lang sa labas ng gate at tinitignan kami ni Harry papasok. Wala akong mabasa na kahit anong emosyon sa mga mata niya. Nawala ang pagiging masayahin at masigla niya.
Hindi ko alam kung ano nag naglalaro sa kanyang isipan pero hindi ko rin maintindihan ang aking sarili dahil nasasaktan ako sa pinapakita niya. Ayaw kong nakikita ang bagay na 'yon sa mga mata niya. Gusto ko lagi lang siyang masaya.
"Liu." Bulong ko.
To be continued...
***
AN: Sorry for the long post. Sorry kung pangit siya sa tingin ninyo. Hindi ako magaling magsulat lalo na mag-express ng emosyon. Siguro dahil hindi ako showee na tao. I always keep my real emotions inside kaya medyo hirap ako sa romance side.
Anyway, thanks sa patuloy na pagbabasa ng kwento ko hanggang dito.
I don't know kung kailan ang next update. Basta, thanks for reading guys.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top