Chapter 14: He Save Me
Protect her, fight for her, hug her, kiss her, love her, hold her, laugh with her. BUT don't make her FALL if you don't have plan to CATCH her.
-Bonsai..
Bonsai at Multimedia
•••
*•Andz Leufren POV•*
Nakita ko si Lora na nagmamadaling lumabas ng hospital pero sandali siyang tumigil dahil may hinahanap siya sa kanyang bag. Nilabas niya na lahat ng laman ng kanyang bag pero mukhang wala doon ang kanyang hinahanap. Ilang sandali pa'y nakita ko siyang naupo sa damuhan at sinubsob ang kanyang mukha sa kanyang dalawang tuhod.
Dali-dali akong lumapit sa kanya para malaman kung ano ang nangyari. Nararamdaman kong may problema siya at gusto kong malaman kung ano man iyon para matulungan siya.
"Lora!" Tawag ko sa kanyang pangalan at unti-unti naman siyang tumingala sa'kin.
Doon ko nakita na umiiyak pala siya. Tinignan ko siya ng tingin na nagtatanong. Hindi ko malaman kung ano ba ang mararamdaman ko habang nakikita na umiiyak ang mahal ko sa harapan ko.
Sino ang nagpaiyak sa kanya? Anong nangyari sa kanya? May bagay ba ako na hindi nalalaman? Sino ang nanakit sa babaeng mahal ko?
Mga katanungan na gusto kong itanong sa kanya ngunit parang naubusan ako ng lakas ng loob magsalita dahil sa aking nakikita. Hindi ko kayang makita na umiiyak ang mahal ko sa harapan ko. Nasasaktan ako sa katotohanang hindi ko siya naprotektahan sa mga taong nanakit sa kanya.
Gusto ko siyang yakapin pero nahihiya ako, baka ipagtabuyan niya lang ako palayo o itulak o baka kung anong isipin niya kapag ginawa ko 'yon.
"Liu!" Sambit niya habang patuloy sa pag-iyak.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo at niyakap ako ng walang pasabi. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko habang nakayakap siya sa'kin. Para rin akong nauubusan ng hangin sa aking dibdib dahil sa tindi ng epekto niya sa'kin. Panandalian ding naparalisa ang aking katawan sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako.
Mahal ko talaga siya at hindi ko iyon matatanggi.
"Ilayo mo ako dito, please?" Pakiusap niya sa'kin at pakiramdam ko'y nawala bigla ang hiya na nararamdaman ko.
Napayakap na rin ako sa kanya ng mahigpit pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa'kin. Wala akong pakialam kung maramdaman niya ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko pero masaya ako na nayakap ko rin siya sa loob ng mahabang panahon na gusto ko itong gawin sa kanya.
Mula noon, hanggang ngayon, hanggang sa dumating ang bukas, siya lang ang babaeng mamahalin ko at hindi na 'yon magbabago pa.
"Sssshhh." Bulong ko at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.
Hinarap niya rin ako at pinunasan ko ang mga luha sa kanyang pisngi.
"Nandito na ako, hindi ka na mag-iisa."
Wala siyang sinagot sa'kin bagkus ay tinitigan niya lang ako. Kahit na magkaharap na kami ay hindi ko pa rin mabasa ang iniisip niya pero sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang mga labi.
Shit! Those lips!
Gusto kong angkinin ang mga labi niya pero hindi pwede. Nirerespeto ko siya at hindi ako mapagsamantala. Hindi ko sasamantalahin ang pagkakataon namin ngayon. Mahal ko siya at handa akong maghintay hanggang sa maging handa siya. Nakapaghintay nga ako ng pitong taon para magkasama ko siya ulit, ngayon pa kaya na halos abot kamay ko na siya?
Hindi ako susuko para sa aming dalawa. Hihintayin ko siya hanggang sa magawa niya akong mahalin.
Hindi niya man ako magawang mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya, wala akong pakialam dahil kaya ko siyang mahalin ng higit pa sa pag-ibig na pinapangarap ng iba.
"Sorry!" Biglang sabi niya sabay yuko at bumitaw na siya sa'kin. "Sorry talaga!"
Tinalikuran niya na ako at nagsimula siyang maglakad palayo sa'kin.
"Teka Lora!"
Hinabol ko siya at hinarang sa daan. Hindi naman kasi siya tumakbo kaya mabilis ko lang siyang nahabol.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Kahit saan basta malayo dito." Walang emosyong sabi niya.
Nakikita ko sa mukha niyang may problema siya pero hindi ko muna uungkatin kung ano man 'yon dahil ayaw ko siyang maging malungkot.
Napangiti na lang ako at pilit in-ignore ang nasaksihan ko kanina.
"Tara! May alam akong lugar!" Sabi ko at hinawakan siya sa kamay. Hindi naman siya pumalag kaya dumiretso kami sa aking kotse.
Pinagbuksan ko pa siya ng pinto sa tabi ng driver sit.
*•Shane Loraise POV•*
Nahiya ako kanina nang yakapin ko si Liu ng walang pasabi. Baka kung anong isipin niya kaya nagmadali akong lumayo sa kanya pero gaya nga ng inaasahan ko, kukulitin niya na naman ako.
Oh well, okay na 'to kaysa naman makasama ko si Harry. Kahit papaano alam kong hindi ko siya makakasabay ngayon dahil nandito si Liu.
Hindi ako nagprotesta nang hawakan niya ng kamay ko at pumunta kami sa kanyang kotse.
Pinagbuksan niya pa ako ng pinto sa tabi ng driver sit.
"Wow trying to be a gentleman huh?" Patuya kong sabi sabay pasok.
Siya naman ay sumakay sa may driver sit.
"But I am one." Sagot niya sa amuse na boses tapos may inabot siya sa likuran at binigay 'yon sa'kin.
"Ano 'to?" Tinaas ko yung binigay niya at tinignan 'yon ng maigi.
"Flowers for you." Nakangiti niyang sagot.
"Bakit may ugat?" Takang tanong ko. May mga lupa pa nga na nakakabit doon sa mga ugat ng kawawang halaman.
"Itanim mo sa inyo. Para maalala mo kung gaano ako ka-sweet. Sa pagkakaalam ko magaling ka mag-garden." Sabi niya at in-start niya na ang kanyang kotse.
Nagulat naman ako doon dahil wala ang kangyang driver at sa pagkakaalam ko wala pa siyang lisensya.
"Teka ikaw ang magdri-drive?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo naman! Bakit sino pa ba? Tayong dalawa lang naman dito eh."
"Hindi ba wala ka pang lisensya? Bawal kaya 'yon! Kapag nahuli tayo lagot ka."
"Kinilig naman ako. Concern ka sa'kin 'no?" Tatawa-tawa niyang tanong pero sinimangutan ko nga.
"Tss! Akala mo lang 'yon! Huwag kang assuming. Nag-aalala lang ako baka hindi ka marunong magdrive at maaksidente tayo. Isa pa wala kang lisensya."
"Meron! Ito oh!" Tapos pinakita niya sa'kin ang license niya pero mabilis niya lang 'yon binawi. Hindi ko nga nakita ang buo niyang pangalan.
"Saan galing 'yan?" Tanong ko. Imposible kasing may lisensya na siya in just an overnight.
"Diyan sa tabi-tabi pero huwag kang mag-alala, in three months meron na akong tunay na lisensya. Hindi naman ako mabilis magdrive eh at isa pa matagal na akong marunong. Noong nasa US pa ako." Sagot niya.
"Fine! Ikaw lang naman mahuhuli at hindi ako."
Ngumiti lang siya at nagdrive na. Gaya nga ng sinabi niya, sakto lang ang bilis namin. Mukhang sanay na sanay nga ang mokong na 'to.
"Paano mo nga pala nalaman na palabas ako ng hospital kanina? Anong ginagawa mo doon?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang kalsada.
"Kina Viv at Jen. Tinanong ko sila noong isang araw at hiningi ko rin ang COE ninyo. So alam ko na ang sched mo in a week." Nakangiting sagot niya.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at tinignan ko siya habang nagmamaneho. "Ano ka stalker ko?"
"Nah! I'm not a stalker. I'm your admirer!"
"Tss!"
"Pareho lang 'yon." Sagot ko at in-on ang music sa loob ng kotse.
"Hindi pareho 'yon! Ang stalker pangit, ang admirer gwapo." Sabi niya, hindi ko na nga lang pinansin.
Imagine that your heart would beat for me.
You know that I have waited patiently..
"Wala ka bang ibang music diyan? Iyong hindi love song. Bwisit ang mga 'yan eh!"
Ang bitter ko grabe.
"Pasensya ka na, hindi ko music ang mga 'yan. Doon 'yan sa driver ko naiwan niya siguro diyan." Sagot niya.
"Okay." Pinatay ko na lang 'yong radyo. Baka mahagip pa ako ng isa sa mga kanta. Tsk!
"Gusto mo ako na lang ang kakanta para sa'yo?" Tanong niya.
"Marunong ka ba?"
"Naman! Kaso next time na lang, magpractice pa ako ng maigi."
"Gusto ko with matching instrument pa ha?" Hamon ko sa kanya habang nakangisi.
"Oo ba!"
Hindi nagtagal ay tumigil na nag kotse at pinagbuksan niya pa ako ng pinto saka hinila ang kamay ko papunta sa maraming tao. Noong tumigil siya hindi pa rin ako makapagsalita.
Nasa isa kaming skate park. Sobrang na-amuse ako sa aking nakikita dahilan para mapatulala ako saglit at kamuntik pa akong mahagip ng isang skater na dumaan sa tabi ko. Nagulat na lang ako nang biglang hilahin ni Liu 'yong skateboard na sana e bababaan nung skater. Gumawa kasi siya ng trick so dapat 'yong paa niya ay babagsak sa board kaso dahil in-snatch ni Liu iyon ay muntik na siyang matumba.
"Umayos ka ha! Mag-sorry ka!!" Galit na sabi ni Liu sa skater na muntik bumunggo sa akin.
"Why would I? Dude this is a skate park so aasahan niyo talaga na merong ganito." Maangas namang sagot noong skater.
"Mag-so-sorry lang di mo pa magawa?! Hindi naman siya nagrereklamo sa pag i-skate mo sa kung saan eh. Ang sinasabi ko lang mag-sorry ka!"
"Ayoko!" Matigas na sabi noong skater. "Sino ka ba?" Dugtong pa nito tapos unti-unti itong lumapit sa amin ni Liu.
Bigla akong natakot kasi parang makikipag-away na 'yong skater na kaharap ko ngayon.
"Loko ka pala eh!" Sabi ni Liu at nakita kong parang dumilim na 'yong mukha niya habang maangas na sinasalubong ang masamang titig noong skater.
Bigla ko siyang hinawakan sa braso at tumingin siya sa akin tapos umiling ako. Hindi siya sumagot bagkos ay bumuntong hininga siya at bigla na lang lumabot 'yong expression ng mukha niya.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang binagsak 'yong skateboard na hawak niya sabay sabi ng, "Oh heto na ang board mo!" Sabay apak niya doon at may narinig akong crack. Nang tiningnan ko 'yong board, nahati na 'yon sa dalawa.
"Weak pala 'tong board mo eh! Oh iyo na!" Tapos sinipa 'yon ni Liu sa direksyon noong skater. Buti na lang may umawat din doon kaya hindi na sa'min lumapit pa ng husto.
Hindi ko napansin na naka-attract na rin pala kami ng kaunting crowd kaya pinagtitinginan na kami at nagbubulungan pa.
Gosh! Naka-nursing uniform pala ako! Kamuntik ko ng makalimutan! Nahiya tuloy ako bigla.
Hindi ko na napansin na biglang may humawak sa balikat ni Liu.
"Oh Drei dito ka pala. Anong nangyari?" Sabi noong lalaking bagong dating. Drei yung tinawag nya kay Liu. Hindi ko alam kung bakit Drei. Mukhang marami 'ata ng identity ang Liu na 'to ah.
Tiningnan ko 'yong lalaki. Mukha ding half katulad noong muntik nang bumunggo sa akin. Inikot ko 'yong mata ko sa paligid at napansin ko na 'yong mga mukha ng mga narito ay puro half. Hindi pure-blooded na pinoy. Halo-halo ang races pero ang bottomline is pare-pareho silang gusto ang skateboarding. Nagtataka ako kung bakit nandito kami ni Liu.
"Wala binabalik ko lang 'yong board n'ya. Right dude?" Sagot ni Liu sabay turo doon sa muntik nang bumunggo sakin. Tumango lang 'yong lalaki tapos umalis na kasama noong mga umawat din sa kanya.
Bumalik 'yong tingin ko sa bagong dating. Mukhang hindi kami nagkakalayo ng edad. Masasabi kong gwapo din 'tong kausap ko. Meron syang mga piercing sa iba't ibang bahagi ng katawan. Nakasuot din 'to ng fitted hat at may mga tattoo rin. Medyo basa na rin ang t-shirt na suot niya dahil sa pawis pero all-in-all lutang pa rin ang kagwapuhan niya.
"Liam ano tumutugtog ba sila ngayon?" Tanong ni Liu sa bagong dating.
"Oo, umalis muna ako kasi may nakapagsabi sa akin na nandito ka nga raw at may kasama pang chicks." Nakangiting sabi noong Liam at tumingin sa akin.
"She's with me." Sabi ni Liu tapos hinawakan 'yong kamay ko.
"Ay obvious nga Liu kakasabi niya lang." Sabat ko. Hindi ko mapigilan eh.
Natawa naman 'yong Liam. "I like her." Sabi niya. "So ano? Gusto mong pumunta na tayo do'n sa stage?"
"Ay, I like you too." Sagot ko at sinimangutan ako ni Liu. Natawa na lang 'yong Liam sa sinabi ko.
"Sige." Sagot naman ni Liu kay Liam tapos hinila niya na ako para sumunod kami doon sa kanyang kaibigan.
"Bakit mo sinagot 'yon ng I like you too?" Pabulong niyang sita sa'kin at nakikita ko sa mukha niya ang inis.
"Eh sinabihan niya ako ng I like you eh kaya malamang sasagutin ko."
"Eh paano kung sabihin ko rin sa'yo na I like you? Sasagitin mo rin ba ako?"
"Malamang."
"I like you, Lora." Sabi niya at tinignan ko kung seryoso siya. Hindi nga siya tumawa.
"I like you too." Seryoso ko ring sabi at ngumiti siya na parang tanga. "Ewan ko sa'yo!" Nakasimangot ko pang pahabol.
Nagjo-joke lang para na siyang tanga makangiti. Tss! Hindi ko na nga lang pinansin. Hindi nagtagal nakarating na kami sa lugar na sinasabi nitong si Liam.
Mas natulala ako noong nakarating kami roon. Kung gaano karami ang tao doon sa skate park na 'yon ay triplehin mo rito. Mapa babae o lalaki. Ang dami talaga. Tapos sa stage may tumutugtog. Hindi ko alam kung ano ang genre ng music ang tinutugtog nila pero maganda.
"Ano okay ba?" Narinig kong sigaw ni Liu sa tabi ko. Tumango lang ako. Kahit di ko alam 'yong kanta nakatagal akong pakinggan 'yon kasi maganda naman talaga. Minsan naririnig ko pang sinasabayan ni Liu 'yong banda. Pag titingin ako sa kanya titigil siya tapos ngingiti lang sa akin.
Infairness, ang ganda pala ng boses niya. Sabi na nga ba eh, pang bedroom voice!
Nang matapos ang ilang kanta hinila nya ako palabas ng crowd kahit nag-eenjoy na sana ako sa music. Nakikisabay na rin kasi ako sa mga kaway ng tao at ang energy nila nakakahawa plus 'yong banda hindi nakakabagot pakinggan at panoorin.
"Aalis na tayo?" Tanong ko habang nakakunot-noo. Nabitin pa kaya ako! Tsk!
Naglalakad na kami papunta sa kanyang kotse.
"Oo, pinagpapawisan ka na doon eh pero ayos 'di ba?"
"Mm, nag-enjoy ako kahit papaano."
"Local bands lang sila dito pero gusto ko ang mga 'yan."
"Paano mo nalaman 'yon eh kagagaling mo lang US? Ako nga na matagal na rito 'di ko sila kilala." Takang tanong ko.
"Kina Bryan at Nick." Tanging nasabi niya habang nagpupunas ng pawis.
Damang-dama ko naman ang init mula kanina at tagaktak talaga ang pawis ko dahil sa siksikan doon at maraming tao.
"Ang init." Sabi ko naman habang pinapaypayan 'yong sarili ko.
Biglang umangat 'yong tingin ni Liu tapos pinag-aaralan yung mukha ko. Maya-maya may inaabot na siya sa aking panyo. Kinuha ko naman, sobrang pawis ko na eh.
"Ang iniiiiit!" Narinig kong sabi niya rin nang makalapit kami sa kanyang kotse. Para talaga siyang sira! Ulitin ba naman ang sinabi ko. Tss!
Napaangat ako ng tingin at nakita kong naghuhubad siya ng polo niya. Naka school uniform pa kasi siya. Tapos matapos niyang hubarin 'yong polo niya ay tinapon niya ito sa akin.
"Hoy ano ba! Kadiri naman eh!" Sabi ko nang matanggal ko 'yong polo niya sa mukha ko at nakita kong hinuhubad niya na 'yong t-shirt niya. Nakita ko na 'yong tyan niya. Damn! Sexy!
"Uhm excuse me? Why are you so hot?" Biglang sabi ko. Namalayan ko na lang na nasabi ko na, dapat sa utak ko lang 'yon eh. Shit!
Patay!!
"Anong sabi mo?" Nakangising tanong niya.
"Sabi ko anong ginagawa mo?!" Napalakas 'yong boses ko dahil nagkandabuhol pa 'yong dila ko sa pagsabi ng palusot na 'yon.
"Naghuhubad ng T-shirt." Kaswal nyang sabi.
"Bakit ka maghuhubad?!" Nanlalaking mata kong tanong. Iyong pitch ng boses ko di pa rin bumababa.
"Cool ka lang. Magpapalit lang naman ako ng t-shirt eh." Nag-wink siya tapos tumalikod na sa akin. Tuluyan niya nang hinubad ang t-shirt niya tapos binuksan ang bag niya. Sino nagsabing sexy ang back nya? Dahil totoo 'yon! Peste mukhang nang-aakit pa ito ah!
To be continued...
***
AN: May part 2 pa ito. Just read it please?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top