Chapter 13: My Little Bonsai
It's hard to pretend that you love someone when you DON'T, but it's harder to pretend that you don't love someone when you REALLY DO.
Bonsai/Andz/Liu at Multimedia
•••
*•Shane Loraise POV•*
Kinabukasan maaga akong gumising dahil maaga pa ang aking duty. 4:30 pa lang gising na ako pero dumiretso ako sa aking greenhouse. Oo may greenhouse na ako dito. Simula kasi ng matuto ako mag garden sa bahay ni Lola ay nakahiligan ko na rin magtanim ng kung anu-ano. Masaya pala kasi ang nagtatanim, mula ng buto pa lang sila hanggang paglaki nila nakikita mo ang mga pagbabago sa kanila. May bulaklak akong tanim at punong-kahoy naman sa paligid ng aming bahay pero sa gitna ng greenhouse ko, andoon nakalagay o nakatanim ang pinakapamahal kong Bonsai. Pero ang liit niya pa rin, hindi na siya lumaki. Ang tagal na nitong nakatanim dito, mula ng iniwan ako ni Andz sa bahay ni Lola na walang pasabi, pitong taon na ang nakakaraan.
Ang ungas na 'yon hindi man lang nagsabi na aalis na pala siya? Nasaan na kaya siya? Babalik pa kaya siya? Magkikita pa ba kami ulit?
Napabuntong hininga na lang ako sa aking iniisip. Oo kaaway ko siya dati, pero nong umalis siya wala ng nagpapasaya sa'kin tuwing bakasyon. Siguro siya ang tunay na dahilan kung bakit gusto ko magbakasyon sa Catanduanes dati. Dito kasi sa siyudad wala akong kalaro o kaasaran. Siya lang 'yong matsaga na nangungulit sa'kin noon. Kaya mula noon nag-alaga na ako ng bonsai.
"Miss na kita, Bonsai! Wala na kami ni Harry pero mukhang hindi siya basta-basta susuko. Sabi niya ikakasal daw kami after my graduation. Natatakot ako, ayaw ko sa kanya!" Kwento ko sa Bonsai na nasa paso sa harapan ko. Para akong timang na kinakausap 'to kapag may iniisip o problema ako. Wala kasi akong masabihan ng sama ng loob eh kaya mabuti pang ikwento sa hindi nagsasalita.
"Pero alam mo may bagong asungot na umi-epal sa buhay ko ngayon. Mukhang mas malala pa 'ata sa'yo at mukhang hindi ako basta-basta makakaiwas dahil nahahalata kong napakakulit niya. Pero kahit ano pa ng intensyon niya ay wala akong balak patulan 'yon dahil masyado pa siyang bata. Alam kong wala pa sa kanyang bokabularyo ang salitang seryoso at isa pa, sa tingin ko hindi niya naman matatanggap ang nangyari sa'kin." Malungkot kong wika.
Kahit ano talagang gawin ko hindi ko makalimutan ng ginawa ni Harry sa'kin.
Tahimik akong nakikiramdam sa malamig na simoy ng hanging nang biglang may tumawag sa'kin mula sa labas ng greenhouse. "Shane!"
Napalingon agad ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Mang Anselmo, ang aming hardinero. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya.
"Bakit hindi ka pa nag-aayos ng iyong sarili? Wala ka bang pasok?" Tanong niya sa'kin.
"Meron po, binibisita ko lang ang greenhouse."
"Nami-miss mo naman siya ano?" Pang-aasar niya sa'kin.
Alam niya kasi ng kwento sa'min ni Bonsai dahil asawa niya ng yaya ko kaya lahat ng pinagdaanan namin noon nakakarating sa kanya.
"Tss! Hindi po, dumaan lang ako dito dahil baka pinababayaan niyo na ang greenhouse ko kapag wala ako." Sagot ko naman sa kanya.
Siya kasi nag-aalaga ng greenhouse ko kapag duty ko pero kapag wala akong pasok ako naman ang in-charge. Ayaw kong mamatay si bonsai ko 'no!
"Hini mangyayari 'yan dahil alam ko na kapag mamatay ang bonsai diyan sa gitna ng greenhouse, tanggal na ako sa trabaho." Sabi niya.
"Mabuti at alam mo, Mang Anselmo." Nakangisi kong sabi. "Paano mauna na po ako, baka nandoon na sina mommy at daddy sa kusina." Paalam ko sabay alis. "Huwag mong pababayaan si Bonsai kuya ah?" Pahabol ko pang sabi.
"Yes ma'am!"
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko na sina mommy at daddy sa kusina. Agad akong lumapit sa kanila at naupo sa tabi ni mommy.
"Saan ka galing?" Tanong sa akin ni mommy.
"Sa garden lang po." Sagot ko at nagsimula na kaming kumain. Nakakailang subo pa lang ako nang magsalita si Dad.
"Nga pala, anong oras ang tapos ng klase mo ngayon?"
"4pm dad, duty lang naman kasi kami. Bakit po?"
"Good! Kung ganoon aasahan kita dito before 5. Pupunta dito ang mga magulang ni Harry kasama siya para pag-usapan ang engagement party at ang kasal ninyo."
Agad akong natigilan sa aking narinig. Tinignan ko siya sa kanyang mata para makita ko kung seryoso nga siya o hindi pero nakikita kong talagang seryoso si dad na ipakasal ako kahit hindi niya man lang natanong ang side ko kung handa ba ako o payag ako. Ang unfair!
"But dad, ang bata ko pa! Besides, I don't want to marry him. Hindi pa ako handa!" Katwiran ko pero si mommy naman ang sumagot sa'kin.
"Bakit naman hindi ka pa handa? Two years na kayo at mabait si Harry, nakikita namin na maganda ang kinabukasan mo sa kanya." Sabi ni mommy.
"Pero mom, alam niyo naman na napilitan lang akong mahalin siya dahil sinabi ninyo. Yes, natutunan ko nga siyang mahalin kahit kaunti pero hanggang doon na lang 'yon. I can't imagine my future with him." Paliwanag ko.
"But he is the best for you!" Sabi ni mommy.
"Ako ang makakapagsabi kung sino o ano ang the best para sa'kin. Ayaw kong pakasal sa kanya!" Mariin kong sabi.
"Lora, just do this for me. Nakikita mo naman ang sitwasyon ko 'di ba? I want to secure your future. I want you the best at payapa akong makita ka sa piling ni Harry. Please anak, pagbigyan mo na kami?" Pakiusap sa'kin ni mommy at hinawakan niya pa ang kamay ko.
Mahal ko si mommy at gagawin ko lahat para sa ikaliligaya niya pero pati ba ito kailangan kong sundin siya?
Gusto kong magwala! Gusto ko mangatwiran pero makikinig kaya sila?
"Mom, pero..."
"Please anak? Do this for us? Just this once. Huli na ito." Putol niya sa sinasabi ko.
Alam kasi ni mommy ang kahinaan ko. Alam niyang lahat gagawin ko para sa kanya mula ng maaksidente kami sa seven years na ang nakakalipas. Gaya ng pagligtas niya sa'kin dati kaya siya ang nalumpo. Kung wala siya siguro noon baka ngayon patay na ako. Utang ko lahat sa mommy ko kaya ipinangako ko na lahat gagawin ko to make her happy.
"Ye....yes mom, pumapayag na ako." Naiiyak kong sabi pero nakita ko ang ngiti sa labi ni mommy.
Masaya talaga siya na ikasal ako kay Harry.
"Mabuti kung gano'n, sana ayusin mo ang pakikitungo mo sa kanila mamaya, Shane. Kung ano man ang misunderstanding niyo ni Harry, kalimutan mo na 'yon dahil ikakasal ka sa kanya after your graduation." Sabi naman ni daddy.
Hindi na lang ako umimik at nagmadali na akong tapusin ang aking kinakain.
Masama ang loob ko habang pinapakinggan ang usapan nila.
"Excited na akong magkaapo na kamukha ni Harry, siguro ang cute nila! Tapos kambal pa." Tuwang-tuwa na sabi ni mommy. Excited talaga siya magkaroon ng apo.
"Pero hindi mo na sila maaalagaan dahil sa sitwasyon mo." Sabi ni daddy.
"Okay lang, basta makita ko pa sila habang lumalaki. Pwede namang maghire ng yaya eh."
"Kung sa bagay, ako rin naman gusto ko magkaapo na kamukha ni Harry pero dapat unahin natin ang plano sa kasal nila." Sabi naman ni daddy.
Bwisit!! Ayokong ikasal sa kanya!! No!! Pero may magagawa pa ba ako? Galit lang naman ako kay Harry dahil sa mga ginawa niya eh pero alam ko later baka mapatawad ko rin siya. Baka, sana... So I don't have enough reason to say no for now.
Siguro papangatawanan ko na muna ito hanggang kaya ko. Saka na ako aayaw kapag may nahanap na akong matinong dahilan para ipagpilitan ang gusto ko. Baka di pa nila ako patapusin ng college kapag umayaw ako ngayon, hindi ko kayang tustusan ang pag-aaral. Mahal mag-aral ng nursing at wala pa akong sariling pera.
May oras pa ako para mag-quit, nasa planning phase pa lang sila. I just go with the flow. Bahala na sa ma susunod na araw!
Kahit papaano lumakas ang loob ko sa naisip ko. Kung nagpa-plano kayo para sa kasal namin, mag-iisip din ako ng paraan para makatakas sa plano ninyo.
Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila dahil hindi ko kayang tagalan ang usapan nila tungkol sa future ko.
Being a wife of Harry and a mother of his kids?! Fucking hell!! I can't imagine my whole future with him!!
Matapos kong maligo at mag-ayos ay umalis na ako at dumireso sa duty. Buti na lang hindi ako na-late.
Functional nursing kami ngayon at ako ang na-assign as medication nurse. Sana hindi ako magkamali sa mga gamot dahil sa problema ko kay Harry.
Nakalabas kami ng 3:30 pm at wala na kaming klase after this kaya gusto kong yayain sina Viv at Jen para maglakwatsa ng sa ganoon ay matakasan ko ang dinner with the family of Harry mamayang gabi.
"Viv, Jen ano gala tayo?" Yaya ko.
"Naku next time na Shane, wala pa akong budget ngayon eh. Isa pa may long quiz tayo sa Med. Surg." Tanggi ni Jen.
"Oo nga at isa pa, masama ang pakiramdam ko Shane, kanina pa ako nilalagnat. Pinilit ko lang pumasok dahil ayaw ko mag make-up duty." Sabi naman ni Viv.
"Gano'n ba? Okay, sige pahinga ka na lang Viv." Sabi ko kay Viv.
"Paano, mauna na kami Shane. Ingat ka na lang pauwi." Paalam ni Jen at tumango lang ako. Saba na silang umalis at nagpaiwan ako dito sa hospital.
Ayaw ko pang umuwi. Ayaw kong makita si Harry! It's hard to pretend that you love someone when you don't! Gosh! What should I do? Alam ko na ang driver ko ay nasabihan ng idiretso ako sa bahay kahit anong mangyari.
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay naupo na lang ako sa lobby ng hospital at naghihintay ng himala.
"Ang lalim ng iniisip natin diyan ah?" Sabi ng isang pamilyar na boses mula sa tagiliran ko at tinignan ko kung tama ang hinala ko.
"Lance?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Oh bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong niya sakin sabay upo sa tabi ko.
Grabe ang gwapo niya talaga sa long white coat niya. Lalo pang nakadagdag ng appeal niya 'yong stethoscope na nakasabit sa kanyang leeg. Bagay na bagay nga sa kanya maging doctor.
"Okay ka lang ba?" Kunot-noong tanong niya sa'kin.
"O..oo. May iniisip lang." Sagot ko.
"Ano naman 'yon? Pwede ko bang malaman?"
"Ah, hindi naman gaano ka-importante. Tapos na ba ang duty mo?" Tanong ko.
"Hindi pa, mamaya pang 8pm ang out ko. Buti nga walang masyadong pasyente ang ER ngayon at nakapagpahinga ako kahit saglit." Paliwanag niya. "Ikaw, tapos na duty mo 'di ba? Bakit di ka pa umuuwi?" Dugtong niya pa.
"Ah eh, naghihintay ng sundo." Tanging nasabi ko.
"Ah kaya pala, by the way, pwede ka bang ma-invite sa birthday party ko next month?" Nakangiti niyang tanong.
Bigla namang nagliwanag ang mukha ko sa aking narinig.
"Sure!" Masayang wika ko.
"Tamang-tama, bumalik na si Andz mula US. Dito na siya nag-aaral. Sigurado magiging masaya 'yon kapag nakita ka."
Hindi naman ako halos makapaniwala sa sinabi niya. Parang gusto ko agad dumating ang birthday ni Lance para makita si Andz.
Talaga bang bumalik na siya? Ano na kaya ang hitsura niya?
"My little bonsai." Pabulong na sabi ko.
"May sinasabi ka?" Tanong ni Lance.
"Ah wala." Sagot ko sabay iling.
"So pa'no aasahan kita sa birthday ko ah?"
"Oo."
"Sige dito na ako, baka may dumating pang pasyente at wala ako doon. Nice seeing you again." Pahabol niyang sabi bago tuluyang umalis sa harapan ko.
Ako naman naiwang mag-isa at nag-iisip. Hindi ako makapaniwala na after 7 years makikita ko ulit si bonsai.
Maya-maya pa nagring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Harry. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o papatayin pero dahil sa nakiusap sa'kin si mommy, mas pinili kong sagutin 'yon.
"Hello."
"Mabuti at sinagot mo, lumabas ka na ng hospital. Susunduin kita diyan."
Hindi ako agad umimik pero sumagot din ako after ilang minutes.
"Pero mamayang gabi pa naman ang dinner ah?" Angal ko.
"May dadaanan muna tayo bago dumiretso sa inyo."
Agad naman akong kinabahan sa sinabi niya kaya di ako agad nakapagsalita. Maraming naglalaro sa isipan ko na hindi nakakatulong sa sitwasyon ko ngayon.
"Bahala ka." Tanging nasagot ko sabay baba ng cellphone.
Hala anong gagawin ko?! Parating na siya. Sasama ba ako o aalis? Saan naman ako pupunta?
Agad akong tumayo at naglakad palabas ng hospital. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Natatakot akong makasama ulit siya na kami lang. Baka kung anong gawin niya na naman. Natatakot ako.
Balisa akong naglalakad palabas ng compound ng hospital nang may tumawag naman siya ulit sa aking cellphone.
"Hintayin mo ako diyan! Lagot ka talaga kapag hindi kita naabutan sa hospital!" Banta niya.
"Pwede ba Harry hindi ako sasama sa'yo. Uuwi akong mag-isa at wala kang magagawa para pigilan ako!" Inis kong sagot sabay baba ng cellphone ulit. In-off ko na para hindi na siya makatawag.
Siguro nakuha niya ang bago kong number kay mommy. Ang hirap manalo sa kanila lalo pa't lahat sila nagkakaisa at ako ay mag-isa lang na lumalaban.
Sa takot at inis ko, hindi ko na malaman ang aking gagawin. Hinanap ko ang aking wallet sa bag pero wala akong nakita. Tumigil ako sandali para halukayin ang lahat na bahagi ng bag ko pero wala talaga ang wallet ko.
Hindi ko naman siya nagamit buong duty dahil may baon ako. Nagbabaon kasi ako ng lunch kapag duty dahil ayaw ko ng mahabang pila sa canteen.
Hindi kaya, wala talaga 'yon dito mula kaninang umaga? Baka talagang pinakuha nina mommy at daddy ng palihim para di ako makatakas mamaya.
Ano na ngayon ang gagawin ko?
Napatalungko na lang ako sa sobrang frustration. Hindi talaga ako makakaalis. Wala na 'yong mga classmates ko dahil nakauwi na rin. Wala na akong mahihiraman ng pera para makatakas kay Harry.
Tuluyan na akong naupo sa damuhan at sinubsob ko ang aking mukha sa aking dalawang tuhod.
Ang unfair talaga nila! Bakit nila ginawa sa'kin 'to?
Hindi ko na napigilan ang tuluyang paglabas ng mga luha sa aking mga mata habang naghihintay sa pwedeng mangyari.
Gusto kong tumakas, makawala, umalis at magpakalayu-layo para lubayan silang lahat pero kahit anong gawin ko wala talaga akong kawala sa kanya.
"Lora." Biglang sambit ng isang boses sa aking pangalan. Siya lang ang nag-iisang tao na tumatawag sa'kin ng Lora kaya hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yon.
Dahan-dahan kong tinignan ang harapan ko at isang pares ng sapatos ang nakita kong nakatayo malapit sa'kin at nang tinaas ko ang aking tingin para makilala kung siya talaga 'yon ay parang nawala ang matinding kaba sa dibdib ko.
He gave me a curious look dahil siguro sa mga luha na nakita niya sa aking mga mata pero hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman dahil sa boses pa lang niya ay nagiging kalmado na ako. Feeling ko kahit mas bata pa siya at may pagkamakulit ay nagagawa niyang pasayahin ako in a simple way he can. Iyong pakiramdam na safe ako kapag siya ang kasama ko. Panatag at magaan ng loob ko sa kanya.
"Liu!" Wika ko sabay tayo at yakap sa kanya.
Hindi naman siya agad nakakilos pero mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Ilayo mo ako dito, please?" Pakiusap ko habang umiiyak at naramdaman ko na lang na yumakap din siya sa'kin.
To be continued....
***
AN: Sorry kung lame ang update ko. Pagpasensyahan niyo na 'yan. Bawi na lang ako sa susunod na mga apat na chap.
•••
2/06/17
8:41pm
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top