Chapter 11: Making Out The Dare
University kung saan nag-aaral si Shane!
***
•Shane Loraise POV•
Kinabukasan matapos kong makilala si Liu at mga kaibigan niya ay pinaghandaan ko na ang date namin pero lumipas ang mga oras at sumapit ang gabi ay wala akong natanggap na kahit isang text o tawag mula sa kanya.
Nakaupo lang ako ngayon sa balkonahe ng aming bahay habang naghihintay at nagpapalipas ng oras. Ramdam ko ang bawat pitik ng relo na lumilipas. Panay na rin ang text sa'kin nina Viv at Jen kung kamusta daw ang date ko pero hindi ko sila ni-reply.
Anong sasabihin ko? Na in-indian ako ng kumag na 'yon? No way! Panigurado pagtatawanan nila ako. Tsk!
Halos gusto ko nang ibato ang cellphone ko sa inis ng bawat minuto na lumilipas na kahit isang text o tawag wala akong natanggap mula sa kanya.
Hanggang sa lumalim na ang gabi at talagang walang nangyari. Frustrated akong umakyat sa aking kwarto at nahiga sa aking kama.
King ina! Makita lang kita Liu at talagang hinding-hindi kita papansinin!
Masama ang loob kong natulog.
Kinabukasan, maaga akong gumising pero na-late pa rin ako sa unang klase this second sem. Buti na lang at mamaya pang 3pm ang duty ko kay Oga kun'di tsugi naman ako sa panot na bakla na 'yon.
Nakaupo kami nina Viv sa pinakalikod ng classroom. Ito talaga nag favorite place ko dito dahil mabilis mag-scape kapag nabo-bored na ako sa klase. Syempre sumusunod sa'kin sina Viv sa mga kalokohan ko. Kalokohan ng isa, damay ang dalawa. Ganyan kami.
"Kwento mo naman Shane ang nangyari kagabi." Sabi ni Jen sa mahinang boses para hindi kami marinig ni Ma'am Lopez.
"Tss! Walang nangyari!" Inis kong sabi at bahagya namang natawa si Viv.
"Naku girl, di na talaga tumalab 'yang ganda mo." Pang-aasar pa ni Jen.
"Bwisit talaga ang lalaking 'yon! Kung pwede lang ipakulam ginawa ko na!" Galit kong sabi.
"Hayaan mo na, siguro di ka lang niya type." Tatawa-tawa namang sabi ni Viv.
"Pssh! Mas hindi ko siya type!"
"Eh bakit galit ka?" Tanong ni Jen.
"Natural, ikaw ba naman paghintayin sa wala! Pwede namang magsabi na di matutuloy eh, bakit kailangan ni isang text wala akong natanggap?"
"Dapat tinext o tinawagan mo na lang." Sabi naman ni Viv.
"Haha!" Sarkastikong tawa ko. "Hindi ko gagawin 'yan Viv, kilala mo ako, hindi ako basta-basta magti-text ng una kahit gusto ko pa. Magtitiis na lang akong walang text kaysa mauna 'no? Baka isipin pa noon matindi ang pagnanasa ko sa kanya dahil ako pa talaga ang unang magtext at tanungin siya about sa date!" Inis na dugtong ko pa.
"Ang taas kasi ng pride mo eh!" Sabi naman ni Jen. "Pero kung sa bagay tama ka. Kawalan niya 'yon kaso nga lang, wala kang Iphone 7." Dugtong niya pa.
"Tss! Okay lang 'yan." Tanging nasabi ko tapos nakita ko ang mga classmates namin na nakatingin na sa aming tatlo. Maging si Ma'am Lopez tumigil din sa pagsasalita at nakatingin sa'min.
Bigla kaming natahimik nina Viv at Jen. Nakakahiya grabe! Ganoon na pala kami kaingay? Napayuko na lang kaming tatlo at ako naman ay napangiting pilit sa kanila. Ngiting aso to be specific!
"If you keep on talking behind, better go here in front of the class and teach us everything you are talking too." Pagpaparinig ni ugly duckling sa'min at muli niyang pinindot ang powerpoint.
Ako naman ay napasimangot sa sinabi niya at sina Viv at Jen ay nakinig na pero alam kong lumalabas lang naman 'yon sa kabila nilang tainga.
"Nakakabwisit talaga 'yan si ugly duckling! Demanding sa klase pero wala naman akong natututunan. Tignan mo naman oh, paubos na ang two hours pero nasa definition pa rin tayo ng Leadership! Kaloka! Lahat atang sources kinuhaan niya. May google, encyclopedia, wikipedia, meriam webster at marami pa. Ilang slides na ba 'yan? Hindi pa tayo umuusad!" Reklamo ko sa kanilang dalawa pero sinaway lang ako ni Jen.
"Ssshhh! Mamaya na tayo magkwentuhan."
"Totoo naman eh! Nakakabwisit!" Sabi ko ulit.
"Oo nga. Nakakapagod kaya magsulat, pare-pareho lang naman ang laman." Segunda naman ni Viv.
"Nasa libro naman kaya 'yan, kahit hindi na siya mag-lecture madali lang intindihin ang subject niya." Sabi ko.
"Tama! Nakakaasar pa siyang pagmasdan habang nagle-lecture! Akala mo kung sinong maganda! Pa-skirt skirt pa pangit naman ng legs at kulubot na." Sabi naman ni Viv at natawa naman ako.
"Tama ka diyan Viv, at tignan mo 'yong mukha niya, ang kapal ng make up tapos 'yong lips, parang sa ugly duckling. Ang chaka!" Segunda ko naman at nagtawanan kaming dalawa ni Viv. Si Jen naman ay nanatiling seryoso na animoy nakikinig ng husto.
Matapos kaming hindi pansinin ni Jen ay tumahimik na kami ni Viv. Nakinig ako pero hindi ko maintindihan ang sinasabi ni ugly duckling kaya lalo akong na-bored.
"Viv nagugutom na ako, mag-escape na tayo. Tara!" Yaya ko kay Viv.
"Ha? Paano?" Tanong niya.
"Simple lang, sundan mo lang ako."
"Sama na rin ako, nakakabagot na itong si Lopez, mag-extend 'yan for sure. Ganoon sabi noong mga other year 'di ba?" Sabi naman ni Jen.
"Tama! Kulang-kulang na two hours parati extension niyan lalo na kapag last subject na tulad nito sa'tin. For sure ang out nating 11:30 magiging 12 noon 'yan, buti nga at lunch break natin after this kun'di ewan ko na lang." Sagot ko naman.
"Tama! Kasi 'yong block A naku halos 8:30 na ng gabi pauwiin last sem." Sagot naman ni Viv.
"Ganoon?"
"Oo kaya mag-escape na lang tayo, tutal mag-eeleven na rin naman oh." Sabi ko sa kanila at sabay namang tumango ang dalawa.
Ilang saglit pa'y naghanap na ako ng tsempo para tumakas. Ibinato ko palabas 'yong bag ko at noong nakatalikod si Lopez aka ugly duckling ay pasimple akong lumabas na kunwari iihi tapos bigla kong hinablot 'yong bag ko na nasa likod na ng pinto at tumakbo na kaunti papunta sa ibang room na bakante para hintayin sina Viv at Jen. Matapos ang halos five minutes ay pasimple ring tumakbo ang dalawa papunta sa'kin a nagtatawanan pa.
"Ang galing Jen! Natakasan natin si Lopez!" Sabi naman ni Viv.
"Oo nga, tatanga-tanga kasi." Sagot naman ni Jen.
"Ganyan lang kabilis mag-escape sa kanya. Parati ko kaya 'yang ginawa." Sagot ko naman at naghagikhikan pa kaming tatlo.
Nagsimula na kaming maglakad palayo sa classroom at nang makababa kami ng building ay may nakita akong isang pamilyar na mukha mula sa malayo. Nakasandal siya sa ilalim ng puno ng manga at nakatingin sa lupa na parang may hinihintay. Siguro naramdaman niya ang presensya namin kaya tumingin siya sa amung direksyon. Agad naman akong nakaramdam ng matinding inis nang makita ko ang mga ngiti niya. Sina Viv at Jen naman ay natigilan sa paglalakad noong makita siya.
"Oh My!" Sabi ni Viv at dahan-dahan siyang naglakad papunta sa'min.
Matapos niyang paputiin ang mata ko, matapos niyang patubuin ang mga ugad ko sa paa sa kakahintay sa kanya, matapos akong lapain ng mga bampira sa dilim sa pag-abang ng text o tawag niya habang ako'y nasa garden kagabi, may gana pa siyang magpakita sa'kin ngayon??! Ang kapal ng mukha niya!!!
"Hi!" Tipid niyang bati at nginitian pa kami.
"Naku Jen, Viv, tara na at may impakto akong nakita!" Inis kong sabi at nagpasiunang maglakad pero pinigilan ako ng dalawa at hinawakan pa ako sa magkabilang braso.
"Teka lang." Sabay nilang sabi.
"Ha?" Takang tanong ko pero sa halip na sagutin ako ay nginitian pa nila si Liu.
"Hi, I'm Jen and you are?" Tanong niya kay Liu.
"Liu Lawrence." Tipid niyang pakilala.
"Ako naman si Viv." Pakilala rin ni Viv at nagkamayan pa sila gamit ang kamay na hindi nakahawak sa braso ko.
"Nice to meet you both." Sabi naman ni Liu at nagngitian silang tatlo. Ngiti na parang may pinaplano.
"Ah Shane, nakalimutan ko may gagawin pa pala kami ni Viv. Hindi ba Viv? Mauna nakami ah?" Sabi ni Jen at tumango naman si Viv sa kanya bilang pagsang-ayon. Agad na binitawan ako ng dalawa at kumaripas ng takbo palayo sa'min ni Liu.
King ina! Mukhang pinagkakaisahan ako ng mga hinayupak na 'to!
Pero bago pa man ako makasunod sa kanila ay hinawakan na ni Liu ang wrist ko at hinila ako. Kinuka niya rin ang bag ko at siya ang nagdala noon kahit dala niya pa ang kanyang backpack. Wala akong nagawa kun'di ang sumunod sa kanya. Ang lakas niya kaya manghatak. At 'yong paglalakad niya parang takbo na sa'kin. Ang lalawak ng pace niya, kainis!
"Hoy teka! Bitawan mo nga ako!" Galit kong sabi.
"Mamaya na. Samahan mo muna ako maglibot dito sa campus ninyo." Sabi niya ngunit hindi man lang tumingin sa'kin.
Ang kapal nnga ng mukha nito! Matapos mang-indian may guts pang magpasama???
"Anong sabi mo? Sasamahan kita? At bakit ko naman gagawin 'yon aber? Matapos mo akong hindi siputin kagabi may gana ka pang magpakita sa'kin at magpasama?! Kapal mo 'oy!" Sabi ko at pilit na inalis 'yong kamay ko sa pagkakahawak sa kanya pero hindi ako nagtagumpay.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "Sorry na. Busy kasi ako kagabi." Mahinahon niyang sambit.
"Mas busy ako kasi college na ako at ikaw high school pa lang." Sagot ko.
"Talagang ipagdiinan ang gap natin?" Tanong niya.
"Oo at tapos na ang chance mo dahil wala na akong interes pang sumama sa'yo kaya pwede ba bitawan mo na lang ako? Kanina pa ako nagugutom! Nag-escape na nga ako sa klase para makakain pero ikaw naman na asungot ka ang sumulpot sa landas ko!" Insi kong sabi pero nginitian niya lang ako. Napakatamis na ngiti na lalong nagpasimangot sa mukha ko pero, oh crap that smile!!
"Baliw ka ba? May dahilan ba para ngumiti ka ng ganyan?" Tanong ko.
"Meron, dahil sinabi mo na may interes ka sa'kin." Sagot niya.
"Noong isang araw 'yon pero ngayon wala na!"
"P'wes ibabalik ko." Sagot niya at naglakad naman siya habang hila-hila ako. "Baka magtransfer ako dito next year. May high school department naman dito 'di ba?" Tanong niya.
"Oo pero pangit dito. Inu-oud ang sistema ng paaralan na 'to. Tamad ang mga teachers, pangit ang mga prof, hindi ka gaganahan makinig, lalo na 'yong classroom, mainit! Tsaka school 'to ng mga sanggano kaya huwag ka dito mag-enroll." Pilosopong sagot ko.
"Eh gusto ko dito."
"Eh di good luck sa'yo. Kung sa bagay, wala na rin ako dito next year kasi graduate na ako kaya walang problema. Sige magtransfer ka na lang dito." Sabi ko.
"Bakit sinabi ko bang ikaw ang dahilan kung bakit ako magta-transfer?" Pabalang niyang sagot na mas lalo kong kinainis.
"Hindi. Wala naman akong sinabi 'di ba? Masaya lang ako kasi hindi na magtatagpo ang landas natin next year dito."
"Oo tama ka nga, hindi na magtatagpo ang landas natin dito next year pero remember, hindi pa tapos ang taon at hindi ka pa nakaka-graduate so meaning we still have time for each other bago mangyari ang sinasabi mo." Seryoso niyang sabi at diniinan pa talaga ang salitang WE. Ako naman ay napataas ng kilay sa aking narinig.
"Excuse me? Anong sabi mo? You and I will spend time together before this year ends? Seriously? Hindi rin makapal ang apog na meron ka 'no? Do you think mangyayari 'yon?" Inis kong tanong sa kanya.
"Yes! Believe me darling!" Buong kompyansa niyang sagot at muling naglakad ng napakabilis habang hila ang kamay ko! Halos lakad lang sa kanya 'yon pero para sa'kin takbo na. Iyan ang nakakainis sa matangkad eh, madaling mang lamang sa maliit. Asar! Kung bakit ba kasi hindi na ako tumangkad ng husto noong high school? Grr!!
Nakipaghilahan ako sa kanya pero mas malakas talaga siya. Di ako makapag protesta dahil pag ginawa ko 'yon titigil ako sa pagtakbo at baka sumubsob ako kaya in the end nahila pa rin n'ya ako sa buong school.
Nilibot namin ang lahat ng department meron ang school na 'to. Hindi biro ang ginawa naming 'yon dahil ang bilis nyang tumakbo at ako naman hila-hila nya. Para syang bata na tuwang-tuwa at nakawala sa hawla. Tinatakbo at inaakyat niya ang mga pwedeng akyatin. Tinutuluyan ang pwedeng tulayan kahit di pwede. Pinaglalaruan ang di pwedeng paglaruan. Ako? Kahit ayoko, nakasama akong gawin yun lahat. And I admit I am happy.
Tumigil kami sa pinakalikod ng school na 'to which is ang Agriculture department kung saan may palayan, halamanan at babuyan sa likod. Medyo malayo na ito sa mga classroom dahil nga sa dapat itong bigyan ng malaking espasyo sa campus.
Naupo ako sa isang bangko sa ilalim ng puno ng niyog at damang-dama ko ang sariwang hangin na nanggagaling sa mga puno sa paigid. Napaka-relaxing ng lugar na 'to. Tama lang na ito ang huli naming pinuntahan dahil pagod na ako. "Ayoko na! Napapagod na ako Liu at gutom na gutom na rin ako. Wala na akong oras para sa mga laro mo!" Inis na sabi ko.
Buti na lang flat shoes na black lang ang uniform namin kapag hindi duty kaya hindi masyadong nakakapagod sa binti ang ginawa kong pagtakbo pero kahit na ganoon ramdam ko pa rin ang pangangalay! Dyahe ang lawak kaya ng campus namin, halos 5 hectares ang lawak at nagawa naming libutin 'yon sa loob ng halos isang oras at kalahati?
"But.... it's not a game." Malungkot niyang tugon.
"Meron pa akong klase ngayong 1pm at may duty pa ako mamayng 3pm hanggang 11pm so wala na akong oras para sa kalokohan mo! Sinayang mo na nga 'yong oras ko sa pag-iikot dito, wala naman akong napala. Gutom na gutom na ako!" Sabi ko tapos tumayo na ako para bumalik sa Nursing building.
"Teka wait!" Tawag niya ulit sa'kin at nilingon ko naman siya. "Nakalimutan mo." Ibinigay niya sa'kin 'yong bag ko na hawak niya pala. Nakalimutan ko na nga sa inis, gutom at pagod sa ginawa namin.
"Salamat." Nakasimagot kong sagot sabay alis. Tinignan ko pa ang wrist watch ko at nakita kong 12:35pm na at fifteen minutes ang oras ng ilalakad ko papunta sa room namin. Wala na talaga akong oras para kumain. Peste!!!
Pagdating ko sa room namin ay wala pa naman akong classmate at inis akong naupo sa paborito kong upuan, sa pinakalikod. Naiiyak na ako sa inis sa lalaking 'yon!
I hate him! First, in-indian niya ako kagabi. second, siya lang nakatanggi sa ganda ko, third, pinahiya niya ako, fourth, ginutom niya ako, fifth, pinagod niya ako sa ginawa namin!! Sixth, I hate him so much!!! Final!!
Binuksan ko ang bag ko para kunin sana ang cellphone ko pero nakita ko na lang na may lunchbox na sa loob nito. Kinuha ko 'yon at may nakita akong note sa ibabaw.
"Sorry Loraise for all the things I've done, I will not let you starve yourself to death. Please eat the food I made inside the lunchbox. From: Me."
Binaba ko na 'yong note at tinanggal ko sa pagkakatali 'yong telang nakabalot na parang sa Japanese style. Nakita ko na may kutsara at tinidor at may table napkin na cloth at may nakaburda pa talagang pangalan ko, Shane Loraise.
Hindi kapanipaniwala pero napakalinis ng pagkakaayos niya. Napansin ko na dalawang layer yung lunchbox. At noong binuksan ko, napanganga ako sa nakita ko. Naramdaman ko ulit 'yong matinding gutom na kanina ko pa nararamdaman at pakiramdam ko ngayon ay mas lalo pang tumindi dahil sa nakita kong pagkain.
Yung isang layer puno ng ulam at yung pangalawa ¾ yung kanin at yung natitirang space e ulam na naman. Hindi ko talaga napigil ang sarili ko na tikman. At ang tikim na 'yon ay nadagdagan pa ng maraming tikim. At nang maubos ko, bigla kong narealize na bakit ko kinain 'yon? Sabi ko sa sarili ko tikim lang 'yon. Puro tikim lang yung ginawa ko 'di ba? Tikim lang pero naubos ko!? Gosh! Ang sarap kasi hindi ko mapigilan!
Hanggang sa di ko namalayang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko 'yon sa bag at nakitang may isa akong bagong message.
"Buti naman nagustuhan mo. May tubig dyan sa bag mo. I'm sure nauuhaw ka na. Sige alis na ako, late na ako eh."
Matapos mabasa 'yon tumingin ako sa labas at doon nakita ko si Liu na nakangiti at nakasandal sa pader habang hawak ang kanyang cellphone at nakatingin sa akin. Umayos na siya ng pagkakatayo niya at kumaway tapos naglakad na siya palabas ng building. Hanggang sa tuluyan na siyang mawala sya sa paningin ko.
Pero noong may dumating na akong isang classmate ay napilitan na rin akong iligpit ang pinagkainan ko. Nang matapos kong itali ulit 'yong tela ay napahiya ako sa pagkakaayos ko. Iyong pagkakatali ko hindi kasing neat at kasing ganda ng pagkakagawa ni Liu kaya inulit ko ulit. Di pa rin ako nakuntento kaya inulit ko ulit. Hindi ko na matandaan kung ilang beses ko nang naulit ang pagkakaayos ko noon nang dumating sina Viv. Natigil lang ako nung nagsalita si Jen.
"Sino si Me?" Tanong ni Jen at nakita kong hawak-hawak niya 'yong note na inipit ni Liu sa lunchbox kanina.
"Oo nga tsaka bakit ka may lunchbox ka?" Tanong naman ni Viv habang nginunguso yung hawak kong lunchbox.
"Eh sa tingin ninyo kanino kaya galing?" Sabi ko habang binubuhol na naman sa pagkakatali yung tela.
"Kay Liu?" Tanong ni ulit ni Jen at tumango na lang ako.
"Talaga? Ang sweet naman! Binigyan ka niya ng lunchbox! Meron pa ba? Patikim naman ako" Sabi ni Viv at bigla niyang inagaw ang lunchbox mula sa kamay ko.
Nakatingin lang ako kay Viv habang binubuksan niya ang lunchbox. Noong makita nyang ni isang butil ng kanin ay wala siyang nakita ay nagalit siya sa akin dahil napakadamot ko daw. Si Jen naman nagtanong sa akin kung ano daw ang nangyari. Natigil lang ang dalawa sa satsat at kakareklamo sa akin nang dumating ang teacher namin. Last subject na namin to ngayong araw bago mag-duty mamayang 3pm pero bago tuluyang manahimik ang dalawa ay pinagbantaan muna nila ako na humanda mamaya bago ang uwian dahil wala na raw akong takas.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top